bc

Lethal Vengeance (Zodiac Series #1)

book_age16+
756
FOLLOW
2.0K
READ
spy/agent
revenge
killer
independent
brave
billionairess
bxg
mystery
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Zodiac Series #1

The Deadly Rat

A rising culinary chef clashing ways with the infamous underground leader.

Isang babae na may angking kakayahan sa pagluluto at ginagamit ito upang maghiganti ang pagtatagpuin ng tadhana sa isang kakaibang buhay kasama ang misteryosong mafia boss. Makakaya kaya nitong magawa ang misyon ng tama kapag nalaman n’yang ang lahat sa paligid n’y ay may iba pang itinatago na konektado sa kan’ya?

Madeline and Vaughn’s story.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Let us all welcome, the king and queen of the food industry, Mr. and Mrs. Moore!” Masiglang anunsyo ng host habang nagsisipalakpakan ang mga bisita. Mas lumakas ang kanilang hiyawan nang umakyat sa stage ang dalawang taong pinakahinahangaan ng lahat.   Sa industriya ng pagluluto ay hindi maitatanggi ang pagiging tanyag ng mag-asawang ito. Labis silang nirerespeto at iniidolo ng mga nasa industriya baguhan man o malalaking kumpanya ito.   Inilahad ni Mr. Moore ang palad sa ginang na masuyo namang tinanggap ng huli. Sabay silang umakyat sa stage upang tanggapin ang parangal na pinakamataas ngayong gabi. Bakas ang ngiti sa mag-asawa habang hawak ang tropeyo na sagisag ng kanilang pagkapanalo. Iniabot ng lalaki ang mikropono habang nakahawak sa kan’yang asawa. Matamis ang ngiti nila sa isa’t-isa at sa mga manonood nang simulan n’ya ang sasabihin n’ya.   “Good evening and thank you for coming here tonight to share this wonderful night with us,” nakangiting pahayag ni Mr. Moore sa mga nakikinig. Tumikhim muna ito bago muling magsalita.   “The past years are tough, and so the future will be. Hindi kami makakaabot dito kung hindi n’yo kami sinuportahan hanggang dulo. With that being said, gusto kong ibahagi sa inyo ang karangalan na ito dahil ang tagumpay ng Moore ay tagumpay nating lahat.”   Nagsipalakpakan ang mga nasa ibaba habang bakas ang galak sa mukha. Kahit pa nagkakasiyahan ang karamihan, mayroon pa ring mangilan-ngilan na nakangiti ngunit nakakuyom ang kamao sa inggit dahil sa tinatamasa ng nasa harapan nila ngayon.   “To more successful years of Moore legacy, cheers!” Iniangat ni Mr. Wrights ang kopita habang nakatayo at malaki ang ngiti. Si Mr. Wrights ay isa sa mga big time sa food industry and hindi lingid sa lahat ang pagiging malapit ng dalawang kompanyang ito. Itinuturing silang giants ng industriyang pareho nilang kinabibilangan.   “Cheers!” -- “Bonjour, Chef. Congrats ulit! As expected from the powerful duo,” nakangiting puri ni Mr. Wrights nang makalapit ang mag-asawa sa lamesa nila. Malaking ngiti ang iginawad ng kan’yang kumpadre at tinapik pa ang likod nito.   “Masyado kang pormal, Florante. Pero salamat,” nakatawang sagot nito. Napabusangot naman sa inis ang huli dahil sa pagtawag sa buo n’yang pangalan. Napatawa naman ito sa inasta ng kaibigan.   “Oh s’ya, h’wag ka ng magalit. Magpapaalam na sana kami at may mahalaga pa kaming kailangang daluhan ng aking asawa,” ani Mr. Moore at itinuro ang gawi ng ginang na nakikipagbeso sa ibang nasa lamesa.   “Mas mahalaga pa ba ito sa engrandeng awarding ceremony na ito?” Napatigil ito at ngumiti saglit nang may lumapit na camera man mula sa isang sikat na media sa kanila. Magkaakbay ang dalawa nang mapitikan ng flash at saka nakangiting lumakad paalis upang kumuha ng litrato ng iba.   “Oo naman... May mas mahalaga pa ba sa aming anak?”   Napatigil si Florante saglit at mabilis na sinipat ang araw sa kan’yang cellphone. Nanlaki ang mata nito at awang ang bibig nang maintindihan ang nais sabihin ng kumpadre.   “Birthday na pala ni Madi! Sosorpresahin n’yo ba?” Malaking ngiti ang iginawad ni Mr. Moore sa kan’ya at humalik sa kakadating lang na asawa sa kan’yang tabi.   “Oo. Surprise sa inaanak mo at kakauwi lang rin namin galing Russia. H’wag kang maingay ha?” Nakakaintindi namang napatango si Florante at kumaway habang papalayo ang mga ito. -- “Leirra, nakausap mo na ba sila Manang Gemma? Kumusta daw si Madi?” Tanong nito sa asawa na kakatapos lang makipagtawagan sa kaninang mayordoma. Napatango naman ang babae habang may kakaibang ekspresyon sa mukha.   “Ayon, nagtatampo daw si Madi kasi birthday n’ya at wala tayo. Nako Maui, mahabang paliwanagan na naman ‘to sa kan’ya,” nag-aalalang ani ng ginang at sumakay na sa passenger seat ng kanilang sasakyan.   Napailing naman si Maui at lumipat na sa kabilang puwesto kung nasaan ang driver’s seat. Papasok pa lang s’ya ng makaramdam ng kakaiba sa paligid kaya’t sinipat n’ya ito ngunit walang natagpuang kakaiba. Napahinga ito ng malalim at ipinagsawalang bahala na lang ang nararamdaman dahil kailangan na nilang makauwi para sa birthday ng anak. -- “Maui, pakibagalan ang takbo mo please. Alam kong nagmamadali tayo pero h’wag naman ‘yong ganito,” sita ni Lierra sa asawa dahil sa bilis ng pagpapatakbo nila.   Nananatiling walang ekspresyon si Maui at hindi pinapansin ang pagsesermon sa kan’ya ng asawa. Napahigpit ng kapit si Lierra sa seat belt nang lalong bumilis ang kanilang takbo. Pigil nito ang hininga dahil sa hindi maipaliwanag na bilis nito.   “Ano ba, Maui! Itigil mo ang kotse at bababa ako!” Malakas na sigaw n’ya. Hindi man lang kumikibo ang asawa kaya’t pinaghahampas n’ya ito habang nagsisimulang tumulo ang luha sa mga mata dahil sa takot.   “M-Maui, tama na... G-Gusto kong may u-uwian pa tayo. Hinihintay pa tayo ni M-Madi,” nahihirapang saad n’ya nang ma-realize ang nangyayari ngayon sa kanila.   Tila natauhan si Maui sa sinabi ng asawa at malungkot na ngumiti dito. Binitiwan n’ya ang manibela at hinayaan itong magdire-diretso.   “P-Patawarin mo ako, Lierra. Hindi ko napansin na naisahan nila tayo,” malungkot n’yang sambit habang nakakuyom ang kamao. Napapikit naman ang ginang habang inaalala ang anak nilang nag-aantay sa kanila. Dali-dali nitong kinuha ang cellphone at nai-dial ang numero ng kanilang mayordoma.   “Sagutin mo please...” Pakiusap nito na agad dininig dahil may sumagot sa kabilang linya.   “Hello, Mommy? Bakit po kayo tumatawag kay Yaya Gemma? Are you coming home na po ba?” Bungad mula sa kabilang linya. Nai-loud speaker n’ya ito at nakakaintinding tumango sa asawa.   “H-Hi baby... M-Mommy and daddy loves you, always remember that, okay?” Tinakpan n’ya ang bibig upang hindi madinig sa kabila ang kan’yang hikbi. Naiiling naman si Maui habang naiiyak lalo na nang marinig ang malungkot na tinig ng bata.   “O-Opo love ko din po kayo. Uwi na po kayo ni dad please... I really miss you po. ‘Di ba promise n’yo na mag-cook po ulit tayo?”   Sandaling natahimik ang mag-asawa habang pinapanood ang paglapit ng kanilang sasakyan sa isang ginagawang bridge dito sa Manila. Kung magpatuloy pa ito ay tiyak na sa tubig ang bagsak nila.   “Hi anak, si daddy ito. B-Behave ka lagi, okay? Daddy will always guide you no matter what,” emosyonal na sabi ni Maui habang pinupunasan ang luhang lumalandas sa kan’yang mata. Napahinga ito ng malalim habang kinakalkula kung ilang minuto na lang ang mayroon sila.   “Yes daddy. Good girl po ako kasi iyon ang turo n’yo. Pauwi na po ba kayo? May naalalala po ba kayo kung anong mayroon bukas?” Tanong ni Madi sa kabilang linya na pinapahulaan pa sa mag-asawa ang tungkol sa kaarawan n’ya. Imbes na tumawa ay lalong naiyak ang dalawa sa sinambit nito. Sinipat nila ang orasan sa harap at nakitang 11:59 pm na, isang minuto bago ang inaasam na kaarawan ng anak.   Nagtanggal na rin ng seat belt si Lierra at mahigpit na yumakap sa asawa habang nakalapit sa kanila ang telepono. Dinig na din ang hikbi nila sa kabilang linya na nagpataka sa batang si Madi.   “B-Bakit po kayo umiiyak? Nadidinig ko po ‘yong car, pauwi na po ba kayo?”   “Madi anak, h-happy birthday b-baby...” Hinagkan nito ang labi ng asawa habang walang patid sa pagluha ang dalawa. Habol nito ang hininga dahil hindi n’ya na maibuka sa sobrang paghikbi ang mga labi. Gamit ang natitirang segundo, binanggit n’ya ang huling pangako para sa anak.   “Pauwi na kami ni daddy...”   Kasabay ng pagsapit ng alas dose ng gabi ay ang pangako na hindi na matutupad dahil tuluyan na silang nilamon ng nagngangalit na karagatan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.8K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

Dangerous Spy

read
299.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook