“Breaking news! Natagpuan ngayong alas-otso ng umaga ang sasakyan ng dalawang pinakamagaling na chef hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Ayon sa mga saksi at sa kuha ng CCTV, tuloy-tuloy ang andar ng mag-asawa na di umano’y nawalan ng preno hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa karagatan. Nakita man ang sasakyan ngunit hindi pa rin nahahanap ang katawan ng mag-asawang Lierra at Maui Moore. Inaalam din ng kapulisan ang ibang anggulo o kung may foul play na nangyari sa insidenteng ito. Ako po si Mark Jurias, nagbabalita, bente kwatro oras.”
Hindi maawat sa pag-iyak ang batang si Madeline habang ipinapalabas sa telebisyon ang mukha ng kan’yang magulang at ang kasalukuyang nangyari sa sasakyan nito. Basag ang mga salamin at punong-puno ng tubig ang loob.
Malungkot na nakatingin sa kan’ya ang kanilang mayordoma at ilang yaya habang nagsisiiyakan din ang mga ito sa mapait na sinapit ng amo. Ano mang sakit na nararanasan nila ay walang papantay sa sakit na nararamdaman ng ngayon ay siyam na taong gulang na si Madeline. Nakatapon ngayon sa lapag ang cake na pinaghirapan nitong i-bake para mang-sorpresa sa pagbabalik ng magulang. Hindi nga lang nila inaasahan na ito ang mas masusurpresa lalo na sa mismong kaarawan n’ya.
“N-No! M-Mommy, daddy!” Malakas na palahaw nito habang nakadikit sa TV na tila gustong pumasok doon. Agad namang lumapit ang driver nila at hinila palayo ang humahagulgol na bata. Dahil sa tindi ng pagkakakapit nito ay nadala ang TV at nabasag. Nagkalat ang bubog sa paligid at tumama sa hita ng bata. Mas lumakas ang pag-iyak nito at kung sinong makarinig ay tiyak na mahahabag. Inalalayan ni Yaya Gemma ang alaga patungo sa kwarto nito habang nagsimulang linisin ng ibang katulong ang kalat na nagawa nito.
Napuno ng malungkot na ambiance ang lugar lalo na nang dumating ang sasakyan ng pulis dala ang cellphone at wallet na nagpapatunay na ang mag-asawang Moore nga ang laman ng naaksidenteng sasakyan.
Samantala, piniling mag-isa ng batang si Madi sa kwarto ng magulang dahil hindin n’ya kayang harapin kung ano mang pinag-uusapan sa baba. Hawak nito ang isang picture frame habang nakatingin sa family picture nila na nakangiti habang nakayakap sa kan’ya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kan’yang mga mata habang inaalala ang mga araw na magkasama silang tatlo at masaya.
“K-Kagabi lang magkausap po tayo ‘di ba?” Umiiyak na sabi nito habang nakatitig sa mukha ng mga magulang.
“S-Sabi n’yo po uuwi na kayo...” Hindi na nito nakaya ang sakit at naihulog ang frame na ikinabasag nito. Patuloy ito sa paghagulgol lalo na nang makita ang munting bracelet na ginawa n’ya para sa mga ito.
Muling bumalik sa kan’yang alaala ang huling salitang binitiwan nito bago sila maaksidente
“Madi anak, h-happy birthday b-baby...
“Pauwi na kami ni daddy...”
Dahil sa sobrang pagkahapo ay hindi na napansin ng bata ang oras at nakatulog sa lapag habang yakap-yakap ang picture ng magulang.
--
Tahimik ang paligid ng bahay ng mga Moore. Pangatlong araw na ng burol ng mag-asawa at bukas na ang libing nito. Nananatiling tahimik ang batang si Madi habang nasa harapan ng dalawang urn kung saan itinuturing na abo ng kan’yang magulang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng mga ito. Hinihinalang inanod na ito dahil malakas ang alon noong gabing iyon. Ang pinanghahawakan lang nilan ebidensya na wala na ito ay ang sasakyan nilang isang tingin pa lang ay alam mo ng walang makakaligtas sa nagngangalit na alon ng dagat.
“Thank you po sa pagpunta, Mr. Wright,” magalang na bati ng mayordoma sa bagong dating. Mula sa labas ay kita ang pagparada ng isang malaking sasakyan at pagbaba ng isa sa prominenteng tao sa larangan ng kanilang industriya.
“Walang ano man, Gemma. Labis akong nalungkot nang malaman ang tungkol sa aking kumpadre. Noong nakaraan lang ay magkasama kami ngunit ngayon ay...” Hindi na nito itinuloy ang sasabihin at huminga ng malalim at saka nilingon ang kakabukas lang na pintuan ng kanilang sasakyan. Lumabas dito ang isang batang mas matanda lang ng kaunti kay Madeline. Inilahad ni Mr. Wright ang palad sa bata at tinanggap naman nito iyon at sabay na silang naglakad patungo sa harapan.
Lahat ay nagsisilingunan habang dumadaan sila sa gitna. Kung pinayagan lang nila ang media ay tiyak na pinagkakaguluhan na nila ito.
“Madi hija, may bisita ka...” Ani ng mayordoma at masuyong hinaplos ang braso ng bata. May ibinulong pa ito na nagpalingon sa kan’ya sa mga bisita.
“Kukuha lang po muna ako ng makakain at maiinom n’yo, iwan ko na po muna kayo,” magalang nitong sabi at naglakad papasok ng bahay. Naiwan sa labas ang bata na walang emosyong nakatingin sa bagong dating.
“Madeline Moore... Condolence. Ako nga pala ang iyong Tito Florante, kaibigan ako ng magulang mo...” Mahinahong pagpapakilala n’ya sa bata at inilahad ang palad dito.
Tiningnan lang iyon ni Madi at tumango at muling itinuon ang atensyon sa urn na nasa harap nila. Napapahiyang ibinaba ni Florante ang kamay dahil hindi iyon tinanggap ng bata. Mabuti na lang at tanging mga yaya na lang ang natira dito at kakaunti na lang ang bisita dahil nagsialisan na ang mga ito kanina. Malungkot s’yang tumingin dito at akmang magsasalita nang tumunog ang kan’yang cellphone. Napabuntong hininga ito at ngumiti ng maluwang sa bata na nakatingi ngayon sa gawi n’ya.
“Sasagutin ko lang ito, hija. Babalik din ako kaagad,” paalam n’ya at lumayo sa kanila.
Naiwan si Madi kasama ang batang kasama ni Mr. Wright kanina. Nakatingin lang ito ng diretso sa bata na walang ekspresyon ang mga mata. Mukhang napansin naman ni Madi ang mga titig nito kaya’t lumingon s’ya at binigyan ng walang ganang tingin ang bata.
“Bakit ka sad?” Inosenteng tanong nito dahil kanina n’ya pa napapansin na hindi ngumingiti ang bata sa harap n’ya. Huminga ng malalim si Madi at itinuro ang dalawang urn sa kanilang harapan.
“Wala na akong parents... Iniwan na nila ako.”
Nilingon ng batang Wright at itinuturo ni Madi at nagtaka nang makita ang itinuturo ng batang kausap n’ya.
“Bakit vase ang itinuturo mo? Hindi naman sila kakasya d’yan,” inosenteng sabi n’ya at tinabihan ito sa upuan.
Imbes na pansinin ang sinabi ay tumahimik na lang si Madi habang ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Bata, bata!” Pagtawag ng batang Wright sa kan’ya. Napalingon naman si Madi dito at saka bumaba ang tingin sa pantog na hawak-hawak n’ya.
“Samahan mo ako mag-CR, bata.” Pakiusap n’ya at hinila patayo si Madi. Walang nagawa si Madi kung hindi sumunod lalo na nang makitang ipit na ipit nito ang dalawang hita para hindi tuluyang makaihi sa salawal.
“H-Hindi ko na kaya... W-Wala bang mas malapit?” Nahihirapang tanong n’ya habang tagaktak ang pawis sa noo nang makitang papasok sila sa malaking bahay.
Napabuntong hininga si Madi at hinawakan sa kamay ang bata at dinala ito sa garden hindi kalayuan sa kanila. Walang tao dito at mahina ang ilaw dahil hindi pa naaayos ng kanilang driver.
“Dito ka na lang.”
“H-H’wag kang sisilip!” Banta n’ya at tumalikod at saka ibinaba ang salawal.
Napaiwas naman ng tingin si Madi at napatawa sa isip lalo na nang makita ang color pink nitong brief. Napatigil lang s’ya sa pagtawa nang marinig ang sigaw ng kasama n’ya at nang lumingon s’ya ay isang panyo ang tumakip sa kan’yang mukha hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.