Madeline's POV Hindi ko maiwasan ang sipatin mula sa rear mirror si Vaughn na nasa back seat. Si Caiden ang nagda-drive ngayon samantalang ako naman sa passenger seat. Wala naman sanang problema, kung hindi lang ako masyadong awkward sa paulit-ulit na sulyap ni Caiden sa gawi ko. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko na may gusto siyang itanong na hindi niya magawa dahil nandito ang aming boss. Napuno ng katahimikan ang sasakyan sa buong byahe hanggang sa nakarating kami sa isang village na halos walang tao. Nangunot ang aking noo dahil imbes na tumigil sa mga malalaking bahay ay patuloy lang ang sasakyan sa pagbaybay. Ipinikit ko ang mata at hinayaan na lang kung saan ako dadalahin ng dalawa. Hindi naman ako takot dahil alam kong kaya ko sila. Isa pa, kahit panoorin ko ang daan ay

