Third Person’s POV “Good evening Mr. Vaughn Rage Lewis,” pagbati ni Officer Gonzales nang harapin siya nito sa opisina. Nilingon lang siya ni Vaughn at tinaasan ng kilay saka tumango at itinuro ang silya sa harapan niya. “Take a seat, officer.” Tugon niya dito at umupo din sa kaniyang silya. Kanina pa siya nagmumura sa isip dahil magulo sa loob. Nagkalat ang ilang papel sa sahig habang tambak ng dokumento ang parehong lamesa. Masyadong maraming client meeting ang na-cancel dahil lang hindi siya nakasipot sa appointment nila. ‘Damn you, Caiden. I swear I’m gonna kill you for letting me down and leaving me on this,’ sambit niya sa isip habang nagpipigil ng galit dahil ang daming hindi nagawang trabaho just because nagtatampo ang kaniyang trusted secretary sa pagtanggal sa

