One year later... Madeline’s POV Isang taon na ang nakakalipas mula noong makauwi ako ng bansa. Isang taon na din akong nagsasanay kasama ang mga Zodiacs at alam kong mas nag-improve pa ang lakas at bilis ko. Mas naging matalas na din ako sa pagkilatis sa mga taong pagkakatiwalaan at higit sa lahat... Mas matigas na ang puso ko ngayon kumpara noon na lumalambot sa mga taong mahalaga sa akin. Sa mga taong sila din mismo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. “Nakuha mo na ba ‘yong mansion?” Tanong ko kay Jared a.k.a Zodiac Tiger. Siya ang isa sa naging kanang kamay ko sa pagpapatakbo ng negosyo at pagpapabagsak sa mga Wright. Ayokong malaman nila kung nasaan ako at si Jared ang pinakatamang tao para dito dahil literal na tigre siya pagdating sa negosyo. Literal na agresi

