Madeline’s POV “Ang ganda-ganda mo, Madi. Bakit ka naman malungkot diyan?” Puna ni Aether sa akin. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti mula sa salamin habang busy siya sa pag-aayos ng damit na isusuot ko ngayon. “Wala. Iniisip ko lang kung matatalisod ba ako sa haba ng gown na ‘yan,” biro ko dito ngunit napailing lamang siya at itinuro ang mahaba nitong laylayan. “Of course you won’t, hun. Mahaba naman ang legs mo so the excess length ain’t too much. Plus this slit will expose your legs then gets narrower as it gets closer to your waist.” Paliwanag niya na may ngiti sa mga labi. Sa totoo lang ay maganda ang gown na ginawa niya para sa akin. Literal na every penny is worth it dahil halata sa unang tingin na maganda ang kalidad nito. Hindi lang ng tela kung hindi magi

