Third Person’s POV “Be free to close the door once you leave and don’t even bother shaking hands with me. You’re not hired anyway.” Hindi na napigilan ni Madi ang sarili at nag-make face sa kaniya. Habang nakatalikod si Vaughn ay libo-libong ideya ang pumapasok sa kaniyang isipan kung paano siya papaslangin ngayon mismo. Nandito ang i-strangle ito gamit ang lubid na nasa bag o kaya naman ay barilin na lang ito direkta sa ulo gamit ang nakatagong pistol sa hita ni ng babae. ‘Huwag muna, Madi. May tamang oras para diyan. Hindi sapat na mamatay lang siya. Gusto kong maramdaman ng tatay niya ang sakit ng pagkawala ng mga magulang ko noon.’ Pigil niya sa sarili. Makailang ulit siyang nagbuntong hininga at napabalik lang sa reyalidad nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Caiden.

