Third Person’s POV “Thank you so much to everyone who went beyond their schedule and still manage to attend and share my special day...” Madamdaming pahayag ni Aether habang nakatayo sa mini stage na binuo ng team para sa kaniya. Ngayong araw ang pagbubukas ng kaniyang shop dito sa Pilipinas at masaya siya dahil dumalo ang mga importanteng tao ngayon sa buhay niya at isa na doon si Ariella na kaniyang best friend at siyang naghanda sa lahat ng program para sa opening na ito. “I would also like to thank Miss Madeline for catering the foods you will all be enjoying a few moments from now.” Bukod kasi sa shop niya ay mayroong nai-set up na mini buffet sa bandang gilid kung saan minamata din ng mga nandoon ngayon lalo pa at humahalimuyak sa ere ang mabango nitong aroma at kaaya-ayang

