Chapter 2...
Sassy Pov...
"Miss...Excuse me...baka lang gusto mo ng tumayo? Ang bigat mo eh!"
Bigla akong natauhan ng marinig kung magsalita ang lalaki. Ang malaki at buong buo nitong boses ay nagmistulang kalimbang sa aking tainga na sinabayan pa ng pagsasalubong ng makakapal nitong kilay. Mabilis akong napatayo mula sa pagkakahiga. Kasunod kung tumayo ang lalaki na mahahalata sa mukha ang pagkainis.
" Miss...pwede bang sa susunod ay maging alerto ka sa paligid mo! Hahara hara ka sa kalsada!" bulyaw sa akin ng lalaki.
Biglang nagpantig ang tainga ko sa aking narinig. Tila biglang tumaas ang presyon ng dugo ko at agarang umakyat ang lahat ng ito ko sa ulo ko. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko dahil sa inis.
"Hoy...lalaking hambog! Para sabihin ko sayo, ikaw itong bumonggo sa akin, at sa laki ko ba namang ito ay imposibleng hindi mo ako makita? Kaya huwag kang mag inastang parang ikaw ang biktima dito!" pagalit na sabi ko.
"Wala akong oras sayo! Natangay ang cellphone ko at kailangan kung habulin yung snatcher!" Tinalikuran niya ako sabay muling takbo ng mabilis.
" Bastos! Mahal ba presyo ng salitang sorry at hindi mo masabi! " pasigaw na sabi ko.
Ngunit hindi manlang lumingon sa akin ang estrangherong lalaki at deri-deretso lang ito sa pagtakbo. Habang ako naman ay biglang napayuko dahil napagtanto kung pinagtitinginan na pala ako ng mga tao sa paligid. Pinagpagan ko muna ang aking sarili bago sinumulang i-hakbang muli ang mga paa ko papunta sa dapat kung puntahan.
...............
Gabi na ng ako'y makauwi sa Taguig. Payapa akong naglalakad ng biglang gumuhit ang ngiti sa aking mukha ng matanaw ko sa kanto ng kalsada ang kaibigan kung si Sharmela na kasalukuyang nasa bilihan ng mga street food at kumakain ng paborito naming meryenda. Ang kwek-kwek. Walang pag aatubili ko siyang nilapitan.
" Mukhang ang sarap ng kain mo diyan ah?"
Bahagyang nasamid si Sharmela ng marinig ang boses ko. Agad itong napaharap sa akin
" Sassy! ikaw pala, saan ka galing? "
Hindi ko muna siya sinagot. Dumapot muna ako ng kwek kwek gamit ang scallop tong at saka ko ito ipinaluto sa tindero.
" Galing ako sa Quaipo, nagsimba ako at namili na din ng ilang gamit sa pag pepe-pedicure,,, hay naku,,,Alam mo bang may nakakahiyang nangyari sa akin kanina! "
"Ano naman yun?"
" May isang lalaking bastos at walang modo ang bigla na lang bumungo sa akin kanina, napahiga tuloy ako kalsada,,,,nakakinis talaga yung lalaking yun, kung alam mo lang, ni hindi man lang marunong mag-sorry sa akin. "
Masusui akong pinagmasdan ni Sharmela. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa ko.
" Mukhang okay ka naman Sas! Promise,,,eh wala ka nga halos kadumi dumi at gas gas sa katawan!" puna ni Sharmela.
" Eh papano ba naman, doon ako napahiga sa katawan ng lalaking bastos na yo'n! " Kinuha ko na ang bagong lutong kwek-kwek. Nilagyan ko muna ito ng suka at saka ko sinimulang kainin.
" Wow naman! Ikaw na talaga Sas! Maiba ako, guwapo ba yung lalaki? "
" At yun pa talaga ang naisip mo itanong ha! Bruha ka! Ikaw talaga puro ka ganyan eh noh! "
" Ito naman ang sungit! Simple lang naman ang tanong ko sayo! "
" Hindi ko alam, pero mukha siyang inchik behong naligaw sa Quaipo! "
" Well,,, mukang hindi nga maganda ang mood mo ngayon girl, buweno, may raket ako bukas ng gabi sa may Malate, gusto mo bang sumama? "
" Salamat girl pero may service din ako bukas eh, pupuntahan ko yung dating kliyente ni Tita Bethany, magpapalinis daw ng kuku at mag-papamassage na din."
" Ganon'n ba!"
" Oo eh! Isa pa ay hindi naman ako sing sexy mo para i-sout yung mga damit na binibigay sayo ng mga bar na pinagpa part time man mo. "
" Okay, ikaw ang bahala, buti pa't tara na! Sabay na tayo umuwi. "
Uminom muna ako ng s**o't gulaman. Pagakatapos ay sabay na kami ni Sharmela naglakad.
Kababata at long time friend ko si Sharmela. Halos sabay kameng lumaki at nagdalaga. Gaya ko ay maaga din siyang nagbanat ng buto sa pagtatrabaho at hindi na din nagpatuloy ng pag aaral sa college. Isang kanto lang ang layo ng bahay niya sa bahay ko kaya madalas siyang magpunta sa bahay ko para makipagkuwentuhan at magbigay ng kung ano anong raket na puwede kung pasukin.
Gaya ko ay bread winner din si Shaemela sa kanilang Pamilya. Panganay siya sa tatlong magkakapatid. Pareho din kame halos's ng kapalaran dahil wala na din siyang mga magulang na masasandalan. Naghiwalay ang mga ito at kapwa nagkaroon ng bagong pag ibig.
Dahil sa mga nangyari ay kinalimutan na silang magkakapatid ng kanilang mga magulang. Bagay na nagbigay tapang kay Sharmela para tumayo sa sariling mga paa at buhayin ang sarili at mga kapatid. Nagbanat siya ng buto. Pinasok lahat ng puwedeng pagkakitaan. Gaya ng pag-po-promo girl at waitress sa mga bar sa Malate at Bgc Taguig. Mahilig din siyang sumali sa mga bikini contest na kung saan ay siya ang madalas manalo.
Hindi gaya ko na chubby at may average beauty ay kabaliktaran ko naman si Sharmela. Dahil biniyayaan siya ng magandang mukha na tila manika at katawang mala- barbie doll.
Pero gano'n pa man ay hindi siya ang tipo ng babaeng magpapakababa para sa pera. Sa totoo maraming dom o dirty old men ang nagkakagusto sa kanya at handang magbigay ng malaking halaga para sa sandaling aliw.
Ngunit taas noo itong tinatanggihan ni Sharmela. Siya ang tipo ng taong hindi basta basta masisilaw sa kislap ng salapi. Masaya na siya sa kapiranggot na tip at sa budget na binibigay sa kanya ng bar. Bagay na labis kung ikinabilib sa kaibigan ko.
.................
Daniel dela Vega...Pov...
Kanina pa ako nakaupo sa may VIP area sa isang disco bar dito sa may THE FORT na matatagpuan sa Bgc Taguig. Dahan dahan kung iniinom ang isang bote ng beer habang panay ang masid ko sa mga sexy at nag gagandahang babae na nagsasayaw sa dance floor.
Kalahating oras na ako dito at tatlong beer na din ang nauubos ko. Masaya at nalilibang ako sa ambiance ng paligid na maingay dahil sa malakas na sound system na pinapatugtog ng dj sa booth area. Walang ano ano ay isang pamilyar na boses ang biglang bumulong sa tainga ko.
" Sorry for keep you waiting! "
Napalingon ako sa aking likuran at napakunot ang noo ko ng makita ko si Jefferson. Ang matalik kung kaibigan since college days. Nakangiti ito sa akin na tila humihingi ng pasensiya.
" Buti't dumating kapa, i thought it would't come! " nayayamot na wika ko.
" Sorry bro! Marami lang talagang trabaho sa office! Alam mo naman ako, work is work! " Umupo na ito sa tabi ko at nagbukas ng isang bote ng beer. " By the way! Kamusta ka naman? "
" Hindi mabuti,,,kanina nasa Quaipo ako, pupunta sana ako sa convinced store ng may isang batang kalye ang bigla na lang hinablot ang cellphne ko, mabuti na lang at nahabol ko yung bata at nabawi ko agad ang cellphone ko! "
" Pina blotter mo ba yung bata? "
" Hindi na,,,bata eh,,,nanaawa din ako! "
" So! Okay naman na pala eh! Ano pang ikanaiinit ng ulo mo? "
" Bukod pa doom may na encounter din ako kanina sa Quiapo na matabang babae na sak sakan ng ewan! Aksedente ko siyang nabunggo kanina habang hinahabol ko yung bata at diyahe kasi napahiga pa siya sa katawan ko, alam mo ba pakiramdam ko kanina? Para akong mababalian ng tadyang sa sobrang bigat niya. "
" Alam mo Bro? Napapansin ko na simula ng i-refuse ni Phobe yung wedding proposal mo ay parang sunod sunod na din ang bad luck mo, parang ang daming nangyayari sayo na hindi maganda gaya sa business mo! Sayo mismo! At yung nangyari nga sayo ngayon! "
Biglang hindi ako nakaimik sa pangalang narinig ko sa bibig ni Jefferson. Saglit akong naging emotional ng maalala ang ginawang pagtanggi niya sa wedding proposal ko. Nakakasama lang ng loob dahil four years girl friend ko si Phoebe. I thought na siya na ang makakasama ko habambuhay. Pero mas pinili pa nito ang isang Malaysian business man na nakilala niya lang naman sa isang event show.
Walng siyang puso. Ganoong kabilis niya lang itinapon ang pinagsamahan namin ng halo's apat na taon. Dahil ba sa mas mayaman ang malaysian men na yo'n. She ruined my life!
Hindi ko namalayan ang sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha at panginginig ng kalamnan ko. " That woman! She's evil! "
" Sorry sa sasabihin ko bro! But I guess na hindi talaga si Phoebe ang babaeng nakalaan para sayo, maybe may tamang tao ang nakatadhana para sayo! "
" I don't think so! Bro, four years kameng naging mag-boyfriend at_"
" At hindi mo din ba nahalata na baka hindi kayo meant to be." Putol ni Jefferson sa sinasabi ko. " Bro ang dami niyong hindi napagkakasunduan, sa loob ng apat na taon ay mas marami pa ang naging hidwaan niyo kaysa sa sweet memories. "
" Nandito kaba para damayan ako o para ipamukha sa akin na loser at naging tanga ako sa relasyon namin ni Phobe, " matalain kung wika.
" Hindi sa gano'n bro, okay, maging realistic tayo, Phoebe is a model, beautiful and sexy, pero sa kabila nito ay hindi din gano'n ka stable ang buhay niya, bread winner siya sa family niya at bukod pa do'n ay marami pa siyang gustong gawin at maabot na pangarap, kaya nga ng makakilala siya ng lalaking mas higit pa ang katayuan sayo ay sinunggaban na niya ang pagkakataon, nagpakasal siya dito at iniwan ka niya. "
" What ever! " maiksing sambit ko.
" All you have to do bro is to move on, and start a new life, theres a lot of woman in this world, at pitong buwan na kayong break ni Phobe, masaya na siya kasama ang asawa niya sa Malaysia, huwag mong sayangin ang buhay at mukha mo sa isang babae lang, okay! " Dinampot ni Jefferson ang isang bote ng beer at nakipag cheers sa akin.
Hindi na ako umimik. Dahil sa isang banda ay tama naman talaga ang kaibigan ko. Nangyari na ang lahat. Kahit magmukmuk ako at libutin lahat ng club dito sa BGC Taguig ay hindi ko na mababago pa ang katotohanang wala na kame ni Phobe.
Dumampot ako ng tissue at pinunasan ko ang mga mata ko upang mapigilan ko ang pag agos ng aking mga luha. pagkatapos ay kinuha ko na ang isang bote ng beer at nakipag cheers kay Jefferson.
............
Sassy...Pov......
DING....DING...DING....
Tunog ng doorbell ng pintdutin ko ang botton nito. kasalukuyan akong nasa tapat ng gate ng bahay ni Madam Rosa. Ngayon kasi siya naka-scheduled para mag palinis ng kuku at mag-pamassage na din. Maya maya ay bumukas ang gate at sumalubong sa akin ang isang babaeng mestisa na sa tantiya ko ay nasa kuwenta'y singko na ang edad. Balingkinita ang katawan nito. Kahit may edad na ay bakas pa din sa mukha nito ang kagandahan. Nakaroba ito at may nakapulpot na tuwalya sa buhok. Halatang kakatapos lang nito maligo.
" Hay Sassy! Hindi kaba nahirapang hanapin itong bahay ko? "
" Naku,,,hindi naman po Madam Rosa_"
" Tita Rosa na lang ang tawag mo sa akin iha! "
" Ah,,,eh.,,,si,,sige po,,,Tita Rosa," medyo nahihiya ko pang sabi.
" Tara! Pasok ka! "
" Salamat po! "
Ramdam ko kaagad ang magaan na pakikitungo sa akin Tita Rosa. Naging kampante ang loob ko sa kanya. Mukhang gaganahan magtrabaho sa kanya. Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ay namangha ako sa lawak ng bahay na bungalow type ang style. Middle class ang itsura ng sala na may maganda at floral na kurtina, may flat screen television, aircon at magandang sofa,
" Maupo ka iha, sandali lang ha at may niluluto pa akong champorado,,, wala akong maasahan ngayon dahil nag day off yung maid ko, yung pamangkin ko naman ay tulog pa, umaga na kasing nakauwi yun eh, diyan ka lang ha, in five minutes tapos na ako magluto, huwag kang mailang hah, feel at home! "
" Wala pong problema Tita! Take your time po! "
Dumiretso na si Tita Rosa sa kusina. Pagkaupo ko ay sinimulan ko ng ihanda lahat ng gagamitin ko sa pag-pe-pedicure gaya ng foot files, cuticle remover, nail files, pusher at ang magagandang kulay ng cutix. Inilapag ko ang lahat ng ito sa center table.
Habang relaxed akong nakaupo at hinahantay ang muling pagbalik ni Tita Rosa ay aksedenting napadako ang tingin ko sa isang may kalakihang picture frame na kung saan ay nakalagay dito ang picture ng isang lalaki.
Hindi ko alam kung papanong nangyari pero tila kusang kumilos ang mga paa ko para tumayo at humakbang papunta sa kinaroonan ng picture frame. Pinagmasdan ko maigi ang picture ng isang lalaking kulay blonde ang buhok, maputi at may singkit na mga mata. Kahit pa nakasout ito ng lose printed white t-shirt ay mababakas pa din dito ang matipunong pangangatawan.
" My god! Ang guwapo naman nito! " sigaw ng isip ko.
Walang ano ano'y biglang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla ng tuluyan ko ng nakilala kung sino ang lalaki sa picture. Sobrang Pamilyar ang mukha nito sa akin. Hindi ako puwedeng magkamali dahil tumatak sa utak ko ang nakakahiyang ginawa nito sa akin sa Quaipo.
" Sino ka? "
Tuluyan ng nanlambot ang tuhod ko ng mula sa likuran ay muli kung narinig ang bou at malaking boses ng lalaking aking kinaiinisan....
Itutuloy.......