Chapter 3.,Yummy Papa

2183 Words
Sassy Pov.... " Sino ka sabi?! " Mas malakas at tila may halong galit na ang tono ng boses ng lalaki. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na para bang sasabog na ako sa inis. Huminga muna ako ng malalim at nag ipon ng tapang at kapal ng mukha at saka ako taas noong humarap sa lalaki. Awtomatikong tumaas din ang isang kilay ko para kahit papano'y makita ng antipatikong lalaking ito na palaban ako at hindi ako basta basta magpapatalo. " Teka! Parang pamilyar yang mukha mo sa akin " sabi niya na sinabayan pa ng pagkunot ng kanyang noo. " Mabuti naman at natatandaan mo pa ang mukhang ito, ang cute na mukhang ito na napahiya lang naman dahil sa ginawa mong pag bunggo sa akin ng nasa Quiapo ako, alam mo bang todo todong kahihiyan ang inabot ko, pinag pyestahan ako ng mga Maritess sa kalsada dahil sa ginawa mo! " " Ahh,,,, okay,,,, ikaw pala yun! So,,, ano ngang ginagawa mo dito? Magnanakaw ka noh? " akusang tanong nito sa akin. Bigla na namang nagpantig ang tainga ko kasabay ng pagkulo ng dugo ko dahil sa nakakapikon na salitang binitawan ng lalaking ito. " Ayusin mo yang pananalita mo hah!,,,Magnanakaw? Agad agad! Tirik na tirik pa ang araw sa labas oh, at sa pintuan ako dumaan hindi sa bintana, and for your information lang ha, kaya ko magdildil ng asin kaysa magnakaw! " " Ang tapang mo hah! Baka nakakalimutan mong nandito ka sa loob ng pamamahay ko! " " Ay hindi ko nakakalimutan yun! Actually ikaw pa nga ang nakaka kalimut mag sorry sa akin eh,,,sa ginawa mong pag bundol sa akin at isama mo na din ang mga sinabi mo sa akin ngayon. " Hindi siya nagsalita. Naging matalim ang bawat titig niya sa akin. dahan dahan niyang inihakbang ang mga paa niya papalapit sa akin. At ng makalapit siya ay unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko na kulang na lang ay maghalikan kame. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sa halip na mainis ako dahil ka arogantehan ng lalaking ito ay tila bigla akong nakaramdam ng kilig sa kalooban ng aking puso. Para akong matutunaw sa matatalim niyang titig. Pero hindi ako nagpahalata at pilit pa ding nagpanggap na galit. " I'm Sorry for everything i've done and said to you! " malumanay niyang wika. " Kung maka English ka naman wagas! Mag tagalog ka na lang! Nandito lang naman tayo sa bahay mo di ba? " " bakit ka nga nandito sa bahay ko?! " Kahit mahirap ay pinilit kung sumimangot kahit kaunti upang maitago ang kilig na nararamdaman ko. Huninga muna ng malalim bago ako nagsalita. " Alam mo? Hindi naman ako nandito para sayo! Nandito ako dahil kay Tita Rosa, mag papa-service siya sa akin! " " Tita? At kailan mo pa naging tiyahin ang tiyahin ko? " Sasagot pa sana ako ng mula likuran ko ay may biglang nagsalita. " Ahhh,,,Excuse me,,,Daniel anak ,,gising kana pala!" Sabay kameng napa lingun sa pinang gagalingan ng boses. At mula sa bungad ng kusina ay nakita namin si Tita Rosa na may dalang tray na naglalaman ng isang mangkok ng champorado at isang bagong tubig. " Siya nga pala si Sassy! " Pakilala sa akin ni Tita Rosa. " Pinapunta ko siya dito kasi magpapalinis ako ng kuku at mag papamasahe. " Ang masungit na lalaki na kasalakuyang kaharap ko ngayon ay Daniel pala ang pangalan. Masyadong maamong pangalan na hindi naman bagay sa personalidad nito na matapang at parang parating galit. Mas bagay dito ang pangalang ben short for better. Humakbang papalapit kay Tita Rosa si Daniel. " Good morning Tita Mommy! " bati nito na humalik pa sa pisngi ni Tita Rosa. Medyo nakaramdam ako ng kaunting tuwa dahil sa malambing na asal ni Daniel kay Tita Rosa. " Nakahanda na ang almusal mo sa kusina iho, yung paborito mong champorado, Kumain kana doon! " utos ni Tita Rosa. Walang imik na nagtungo ng kusina si Daniel. Ayoko man pero hindi ko napigilan ang mga mata kung habulin siya ng tingin. Hindi ko maipaliwanag pero para bang nakaramdam ako ng panghihinayang dahil nawala na siya sa paningin ko. " Okay ka lang ba Sassy? " " Ahhh,,,oo naman po Tita Rosa! " " Pasensiya kana sa pamangkin ko hah! Medyo masungit lang yang batang yan, pero mabait yun. " " Mabait? Sigurado po ba kayo? " duda kung tanong. " Aba'y oo naman! Eh ako ang nagpalaki sa batang yan! " " Ahh,,,Okay,,,po! " sabi ko na lang. Mas minabuti kung tumahimik na lang muna kaysa makipag argumento pa kay Tita Rosa. " Mabuti pay kumain ka muna bago ka magsimulang mag trabaho. " Inilapag na ni Tita Rosa sa center table ang tray na may Champorado. Sakto naman dahil medyo gutom na din ako kaya sinimulan ko ng kainin ang champoradong inihain niya sa akin. " In fairnes Tita Rosa ang sarap niyo po magluto ha! " " Naku! Salamat naman at nagustuhan mo iha. " Pagkatapos kung kumain ay sinimulan ko ng linisin ang mga kuku ni Tita Rosa. Gamit ang enamel remover at bulak ay inalis ko muna ang lumang cutix na nakalapat sa mga kuku niya. Pagkatapos nito ay gamit naman nail cutter ay ginupit ko ang ilang mga hiblang kuku niya sa paa upang magawa ko ang hugis ng kuku na gusto ni Tita Rosa. Gumamit din ako ang Emery board upang mas gumanda pa ang hugis at luminis pa ng mga kuku ni Tita Rosa. Pagkatapos ay ginamit ko naman ang cuticle remover at pusher para simulan linisin mga kuku. Tinanggal ko ang mga dead skin gamit naman ang nipper at cuticle oil. At ang pinakahuli ay inilgay ko na sa kuku niya ang pinaka magandang kulay ng cutix. Inabot ako ng halos dalawang oras ang pag-pedicure at manicure na ginawa ko kay Tita Rosa kasama na ang masahe. ................. Saglit akong lumabas ng bahay at nagtungo sa maliit na garden para maka inat inat ng katawan at upang mawala ang pangagalay ng aking likod dulot ng pagod sa pag mamasage at pag pepedicure at para makalanghap na din ako ng sariwang hangin. Maya maya'y mula sa parteng gilid ng bahay ay may narinig akong kalamapag ng tila mga bakal na nag uumpugan. Para bang bigla akong na curious kaya humakbang ako papapunta sa ingay na narinig ko mula sa gilid ng bahay at ganoo'n na lang panginginig ng boung katawan ko kasabay ng pamimilog ng aking mata ng masilayan ko kung anong meron sa gilid ng bahay. Nakita ko si Daniel na abala sa pag papaganda ng katawan gamit ang mga gym equipment gaya ng barbell, gym plates at dumbbell. Naka toples lang siya at black Adidas jogging pants kaya kitang kita ko ang mga nag uugat at galit na galit niyang mga braso, dib dib at mga pandesal sa tiyan. Napalunok ako at agarang namawis. Para bang napawi ang lahat ng pagod ko sa tanawing aking nakikita. Nag i-enjoy na sana ako sa aking napapanood ng walang ano ano ano'y biglang aksedenteng napatingin si Daniel sa kinaroroonan ko. Napayuko ako at dahil sa hiya ay agad agad akong umalis at bumalik sa garden. Sa sobrang taranta ay hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Daniel. " Ang sarap noh! " preskong sabi nito. Napahinto ako sa paglalakad at pilit na nagpigil sa aking nararamdaman. Napataas ang kilay ko at humarap sa kanya. Ngunit ng ako'y humarap ay tila na estatwa at naparalisa ang dila dahil sa nakita kung mukha ni Daniel na nakangiti. Napako ang mata ko sa maganda at pantay pantay na ngipin nito at mga matang lalong naging singkit gawa ng mala taingang ngiti nito. Bukod pa do'n ay kahit naliligo ito sa pawis ay hindi ito mabaho. Mapanukso ang ngiti nito na para akong inaakit. Pero hindi ako pwede magpatalo sa kahinaan ko bilang babae. " Oo,,,guwapo at macho ka! Pero huwag kang masyadong bilib sa sarili mo, dahil never ever akong magnanasa sayo! " labas sa ilong na sabi ko. " Talaga lang ha! Ako pa talaga? Anyway,,,hindi din naman ako pumapatol sa butanding na kagaya mo! " " Ang yabang mo makapintas hah! " " Dahil alam kung yummy at guwapo ako! " " Abay tig_" " Sassy iha! " Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong tinawag ni Tita Rosa mula sa loob ng bahay. Napadako ang tingin ko sa pinto ng bahay at mula doon ay lumabas si Tita Rosa. " Salamat iha! For the job well done! Ang ganda ng trabaho mo sa akin at natanggal lahat ng sakit ng katawan ko! Na relaxed ako ng sobra." inabot sa akiin ni tita Rosa ang bayad sa serbesyo ko. " pag uwi mo ay ikamusta mo ako sa tiyahin mo hah! " Nagulat ako dahil ng abutin ko ang pera ay sobra ng limang daan ang ibinayad niya. " Makakakrating po kay Tita Bethany ang pangangamusta ninyo, pero Tita Rosa sobra po yata ang _" " Wala yan iha! dagdag ko yan sayo, dahil sa ginawa mong trabaho sa akin." " Salamat po!" " Daniel, iho! Baka naman puwede akong humingi ng pabor sayo? " " Sige po tita mommy! Ano po ba yun? " " Baka naman pwede mong ihatid ng kotse mo si Sassy, kahit hanggang sa gate lang ng village natin? Pag dating naman sa highway ay may masasakyan na siya. " Biglang nanlaki ang mata ko sa aking narinig. " Naku! Huwag na po! " Tangge ko kaagad. " Kaya ko naman po maglakad,, okay nga po yun para mabawasan ng kaunti ang mga taba ko sa katawan. Bumaling ng tingin sa akin si Tita Rosa " I insist iha..masyadong malayo ang gate ng village,,,,please! " " Pero po Tita_" " Sige po Tita Mommy!" Singit ni Daniel sa usapan. " Ihahatid ko na po siya, mag bihis lang po ako. " Napasulyap sa akin si Daniel sabay ngisi ng nakakaloko. Sinimangutan ko siya. Baka naman sabihin niya eh gustong gusto ko sumakay sa kotse niya at baka maisip niya na easy to get ako! Excuse me! Kahit chubby ako at hindi kagandahan ay hindi ako basta bastang babae. .................. Daniel Dela Vega POV.... Hindi ko maipaliwanag kung anong meron kay Sassy. Pero parang kakaiba siya sa lahat ng nakilala kung babae. Kadalasan kasi sa mga nakikilala kung babae ay magaganda at sexy at bukod pa do'n ay madali kung napapa amo ang mga ito kahit gaano pa katapang at kasungit ang iba sa kanila. Even my ex girlfriend Phoebe ay madali kung nakuha because of my look and s*x appeal. Samantalang itong babaeng na kasalukuyang katabi ko ngayon sa driver seat ay hindi na nga kagandahan at mataba pa ang katawan. Pero palaban at hindi nagpapatalo. Mga katanginan ng babaeng magiging hamon sa bawat womanizer na kagaya ko. " Mabuti na lang at mahal ko si Tita Mommy, Dahil sa utos niya kaya nasa tabi kita ngayon." " Alam mo simple lang naman ang dapat mong gawin eh! Ihinto mo sa tabi itong kotse mo at maglalakad lang ako hanggang gate. " " Huwag na! Baka mag sumbong kapa kay Tita Mommy, maging masama pa ako sa paningin niya!" " Bakit kung anong ibinait mg tiyahin mo siyang sinama ng ugali mo? " " Akala mo lang yun na masama ang ugali ko ako pero ang totoo, inaasar lang namann kita, kasi ang sarap sarap mo kasi buwisitin." sabi ko sabay tawa ng malakas. " Ganoo'n? Puwes ihinto mo ang kotse sa tabi at baba na ako, ngayon na! " " Malapit na tayo sa gate ngayon kapa magpapahinto para maglakad! Style mo din eh noh." Nakita ko na halos's namumula na sa galit si Sassy. Kaya pansamantala na mo na akong tumahimik.tumigil. Pagdating namin sa gate ng village at walang imik siyang bumaba ng sasakyan ko. " Bye! Wala ba tayong thank you man lang diyan! " wika ko sabay kindat. " Ahhh,,,okay,,,salamat,,,,salamat sa pang bubuwesit mo sa araw ko! " sabi ni Sassy sabay talikod niya sa akin. Naglakad na si Sassy palabas ng gate ng village. Nakita kung pumapara siya ng mga jeep na bumabiyahe. Ilang segundo lang at may isang jeep ang huminto sa tapat niya at agad siyang sumakay. Menaneobra ko na ang kotse ko pabalik ng bahay. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko pag nai-imagine ko ang mukha ni Sassy. Ang taba kasi ng pisngi niya na parang si jollibee. Napaka- cute niya. Napapawi ang lungkot ko dahil sa kanya. Maya maya'y nahagip ng mata ko ang isang wallet na nakapatong sa upuan. Saglit kung inihinto kotse sa gilid ng kalsada. Alam kung kay Sassy ang wallet na nakikita ko. Dinampot ko ang wallet agad kung hinanap ang identification card niya at doon ay nakita ko agad ang tunay na pangalan ni Sassy at adrees niya sa Taguig. Abot tainga ang ngiti kung menaneobra muli ang sasakyan pabalik sa gate ng village. Pupunta ako sa taguig at personal kung isasauli ang wallet ni Sassy sa kanya.... Itutuloy.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD