LUTHIZIA
MASUGID ‘kong pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong nahahagip ng aking panangin kung saan isaisa ‘kong pinag-aaralan ang bawat emosyong kumikislap sa kanilang mga mata, gano’n din sa espresyong nakapaskil sa kanilang mukha at mga reaksyong ginagawaran ng kanilang katawan sapagkat sa loob ng isang sayawan may iba’t ibang klase ng indibidwal.
Una…
The Party Type.
They are the ones who are getting wild on the dancefloor, therefore to hype them even more I crank the music to its limit blending every sound into a masterpiece that drives the crowd onto the center singing along as their bodies move to the beat.
“It's the love shot na nanana nananana…” mas lalong dumagundong ang buong paligid ng magsimulang sumabay ang lahat sa kanta habang pinapagewang ang kanilang bewang pagkatapos ay kanya-kanyang buhos ng mga alak sa bibig ng kanilang mga katabi kaya ang karamihan ay nasasamid na ngunit nagagawa pa ring bumawi para lang humalakhak sa tuwa.
Their eyes sparkled with pure happiness like little stars catching the club’s lights. On their faces every curve, every smile screamed the overwhelming joy they felt and their bodies moved endlessly to the rhythm, lost in the moment.
Pangalawa…
The Social Butterfly.
In the midst of chaos there are beautiful insects that land on every flower in the garden. Sila yun tipong palakaibigan na kakausapin ang lahat sa loob ng klab kakilala man nila o hindi, in short sila yung maraming koneksyon.
“Hi guys!, remember me?” she asked with a bright smile lighting up her face as she walked over to the table where three to five people were sitting, “We met earlier on the beach right? Mind if I join you guys for a bit? My friends kinda ditched me eh,” her eyes sparkled warmly and her relaxed confident posture made her seem completely at ease, which is why the group welcomed her.
Pangatlo…
The Wallflower.
Ito naman yung mga bulaklak na walang nakakapansin dahil sila ay nasa sulok lang pero hindi naman nakakabagot tingnan sapagkat they still blend inside of the garden.
A group of people lingers on the corner, cigarettes burning lazily between their fingers as they inhale and exhale clouds of smoke into the night. The haze wraps around them while their heads move in time with the music, eyes closed, lips curved in satisfied smiles as they lose themselves in the rhythm.
Pang-apat…
The Shot Taker.
From the words themselves. The permeable soil absorbing the liquid slowly pouring kaya kung minsan sila yung mabilis namamatay kasi kapag nasobrahan ang isang halaman may pagkakataong malanta kaagad kahit pa kakatanim palang.
On the counter side, abala ang bartender sa pagsasalin ng pinagsamasamang mga iba’t ibang klaseng inumin mula sa cocktail shaker kung saan ibinubuhos nito sa nakahilerang mga shot glass ang laman kaya nakagawa ito ng isang rainbow shot na pinagkakaguluhan ng marami, lalo na ng mga taong gustong tumagay ng tumagay.
“Shot!, shot!, shot!,” everyone cheer the person who’s standing on the middle of circle kung saan pinapaligiran ng mga ito ang babaeng makikitaan ng pananabik sa kanyang mata na humahalo sa sistema niya kaya sinimulan na nitong lagukin ang maliit na basong pang-alak habang mababakasan ng galak ang kanyang mukha.
Panglima…
The Drunk One.
They are like ants. Gumagapan na sa lupa dahil sa sobrang kalasingan ang pagkakaiba nga lang ang mga langgam ay maayos pa nakalinya subalit sa oras na maputol iyon magsisimula na sila magkagulo kaya dapat they always need a trusted friend who can ensure their safety and assist them if they black out.
“Huhuhu!, why did she dump me? I really miss her, hic-hic-hic!, I have to go to her,” puno ng mga luha ang kanyang mga mata ngunit natatakpan ng paghahangad ang kanyang itsura habang gumagapang sa sahig dahil hindi na nito kayang tumayo para maglakad palabas hanggang sa bigla na lamang ito nasuka kaya naman napapakamot sa ulong inalalayan ito ng kanyang kaibigan.
Pang-anim…
The Flirt.
How can I describe them?, maybe they're the ones who’s mostly like to be the snake who attracted Eve and Adam in the Garden of Eden. Ang lakas na kamandag nila kaya maraming nabibihag sa kanilang patibong at naaakit sa kapusukan.
A waiter suddenly walked towards my position and then handle me an alcoholic drink, “May nagpapabigay,” nakangising saad nito kaya tiningnan ‘ko siya ng nagtatanong kung kanino galing ‘yon kaya naman ngumuso itong upang maitinuro ang isang lalaking may kaakbay na babae habang nakasulyap sa gawi kung nasaan ako kaya ng makasalubong ng aking paningin ang nang-aakit nitong mga mata bigla itong kumindat na ikinangiwi ‘ko naman.
“Salamat pre,” saad ‘ko na lang sabay tapik sa kanyang balikat bago ‘ko kinuha ang basong may alak na kaagad din namang ikinatuwa ng lalaki kaya nginitian ‘ko ‘to bilang parte ng aking trabaho ngunit tinaas nito ang basong kanyang hawak na nagpapakitang pakikipagtagay kaya wala ako nagawa kundi gayahin ang kanyang ginawa bago uminom ang laman no'n.
Pangpito…
The Fashion Icon.
Kumbaga sa hardin na may magagandang tanawin sila yung mga estrakturang inuukit para gawing palamuti sa kapaligiran sanhi upang mapansin sila ng nakakarami.
Kaya sa bungad ng entrance magkakasunod na napapasulyap ang lahat ng may pumasok na grupo ng mga taong nakasuot ng mga branded na damit. Louis Vuitton, Chanel, Hermès dahil do’n kumikining sa pagmamalaki ang kanilang katawan habang kumikislap din sa kumpiyansa ang nakapaskil sa kanyang mukha dahil sa mga accessories na kanilang suot tulad ng Bvlgari, Carier, Tiffany and Co.
Pangwalo…
The Regular.
This is the usual and typical one, parang isang rosas na laging isinasaalang-alang ilagay sa isang bungkos ng bulaklak dahil ito ay kilala na ng mga manggagawa kaya laging minumungkahi sa mga mamimili.
“The usual?,” maagap na tanong ng bartender sa lalaking kakaupo lang sa stool ng club na ikinatango naman nito bilang tugon kaya kaagad itong kumilos upang gawin ang inumin, nang matapos ay kaagad din nitong ibinigay sa lalaki kaya deretso niyang nilagok ang alak bago muling humingi ulit. Gloom filled his eyes, and exhaustion rendered him dumbfounded.
Pangsiyam…
The Observer.
Para silang mga ibon na kung minsan malayang lumilipad sa himpapawid para suriin ang mga tao sa ibaba, kadalasan naman nakadapo lang sila para sa mas malapitang pag-oobserba sa mga nangyayari sa paligid.
Sandali ako napasulyap sa itaas na parte ng bulwagan kung saan may mga nakaitim na longsleeve. Some of them are standing straight, while others are leaning on the rail. Malikot ang kanilang mga mata na para bang may hinahanap, pagtingin ‘ko naman sa ibaba meron ding nakasuot ng kagaya sa itaas kung saan palingalinga ang mga ito.
At ang pang huli…
Pangsampo…
The Insider.
This one is like floral delivery personnel who delivers flowers inside the garden and of course they have free access to enter and exit through the back door because they are friends with the workers.
“Hi, can I play a song?” His sweet voice startled me as I felt his breath on my ear, kaya maagap akong napalayo sa kanya sabay tulak na kaagad naman nitong ikinatumba subalit ng maanigan ‘ko ang kanyang mukha kaagad ‘ko rin ito tinulungan.
“Ay sorry, bigla bigla ka naman kasi sumusulpot,” saad ‘ko na lang habang inaalalayan ito sa kanyang pagtayo na kaagad naman niyang ikinatawa.
“Pwede ba ‘kong magpatugtog?” pag-ulit niya sa kanyang tanong kaya napatingin ako dito habang nakataas ang isang kilay na tila hinuhusgahan ito sa kanyang tinuran.
“As if you need my approval for that,” saad ‘ko na lang at piniling ang aking ulo upang igawaran sa kanya ang aking pwesto. This man is the owner of this club but unfortunately he's also my best friend, “Iwan muna kita d’yan,” usal na saad ‘ko sabay tapik sa kanyang balikat bilang pagpapaalam.
“Wait, where are you going?,” agap na tanong niya bago pa ako makaalis kaya natutop ako sa aking kinatatayuan ng hawakan niya ang aking palapulsuhan na kaagad ‘ko rin namang binawi sabay kuha sa kahang nasa loob ng aking bulsa para igawayway ito sa kanyang harapan.
“Yosi lang,” maikling sagot ‘ko bago ipinagpatuloy ang aking paglalakad patungo sa labas.