Chapter 19
I was miserable, pinuntahan ko na lahat ng lugar na madalas naming puntahan pero ni anino niya ay hindi ko manlang nakita. It was already dark and raining, kanina pa ako naglalakad dito sa may ulanan, nakayapak habang nakasuot ng wedding gown. My face is wet, hindi lang dahil sa tubig ulan, kundi maging sa aking luha.
I don't know and I don't have any idea kung bakit ito gagawin ni Calix sa akin, I mean we were happy! We love each other so much! He even asked for my hand, we planned it all, everything was falling into places and according to plan pero bakit ganoon?
Bakit niya 'to nagawa sa akin? May mali ba ako? Hindi na ba niya ako mahal? Ito ba talaga ang plano niya una palang? Ang iwan din ako sa huli?
Mas gugustuhin ko pa yata na iwan niya ako na alam ko, na nagpaalam siya kaysa 'yong ganito na parang wala akong kaide-ideya sa nangyayari, he vanished, disappeared all of a sudden, without saying anything, without a word.
Maiintindihan ko pa kung sinabi niya sa akin na ayaw na niya, na huwag nalang ituloy ang lahat, kasi kahit masakit maiintindihan ko, atleast may rason. Hindi 'yong para akong tanga na naiwan sa ere mag-isa.
I don't even know kung papaano kong haharapin ang mga susunod pang mga araw na wala siya, na ganito...paniguradong makakarating sa media ito at hindi nila ako titigilan, everyone knew about this kaya hindi ko alam kung paano silang haharapin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang nangyari kasi miski ako, hindi ko alam ang sagot sa mga ito.
"Kesh o my gosh!" Nilingon ko ang may-ari ng boses na iyon. It was Cae!
Paano siyang nakarating dito? Did she follow me here?
"Cae..." tawag ko sa kanya, ang boses ko ay hindi na gaanong ayos, hindi na makilala gawa ng nararamdamang lamig sa katawan at gawa ng pag-iyak.
"I'm sorry, it's going to be okay," aniya saka ako niyakap ng mahigpit, she was squeezing me lighlty, it made me feel better kahit papaano.
"Cae si Calix," sabi ko kasabay na naman ng pagtulo ng mga luha ko.
Naramdaman kong hinagod niya ang likod ko, pinapakalma ako sa possibleng paghisterya. "We're doing everything to find him Kesh, don't worry, mahahanap din natin siya."
Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Pero paano kung sinadya niya talagang umalis?" tanong ko, masakit isipin na sa akin pa iyon mismo nanggaling, halo halo ang nararamdaman kong emosyon, hindi ko na alam.
Hinaplos niya ang pisngi ko pero maya maya'y naglabas din ng panyo mula sa kanyang bag at pinunasan ang mukha ko. "Huwag mong isipin 'yan, malay mo may nangyari lang, you guys can work this out okay?"
Pabuntong-hininga akong tumango.
"Let's get you home, you deserve a rest," mahinahon niyang sinabi saka ako inalalayang makabalik sa kotse ko. Pinaupo niya ako sa shotgun seat at siya ang naupo roon sa driver's seat.
"Ikaw ang magdadrive?" mahina kong tanong.
Nakangiti siyang tumango. "Yes why?"
"Paano ka nakarating dito?"
She sighed. "Nagcommute ako."
Gulat ko siyang tinignan. "What? Bakit mo 'yon ginawa?"
Cae is a model, may makakita lang sa kanya sa daan ay pagkakaguluhan na siya.
She stared at me intently. "Because you need me, besides everyone is worried about you."
"Buti walang nakakilala sa 'yo."
Ngumisi siya saka may kinuhang mga damit sa kanyang bag na dala. Inabot niya iyon sa akin. "Wala maingat ako eh, here magpalit ka, hindi ka pwedeng mababad sa basa at baka magkasakit ka."
Kinuha ko iyong damit na ibinigay niya. "Thank you Cae."
"No worries, ah magbibihis kana ba? do you want me to leave you for the mean time?" sunod-sunod niyang sinabi na naging dahilan ng pagtawa ko.
She's so cute! Ngayon ko lamang nakita si Cae na ganito, iyong parang mahiyain at maingat.
"Nah, you can stay here, kakailanganin ko rin ng tulong para mahubad itong gown ko."
"Okay, I'll help you."
Hindi na siya nagsalita pa ulit at tinulungan na lamang ako sa paghubad ng aking gown. It took few minutes bago ako tuluyang nakapagpalit, buti malang talaga at nandyan si Cae kaya hindi ako nahirapan.
"Cae, thank you ulit," nakangiti ko iyong sinabi sabay sandal sa may upuan.
"Hmm, just take a rest Kesh and be positive okay?"
"I'll try."
Iyon ang huling salita na binitiwan ko bago ako tuluyang hilahin ng antok.
Nang magising ako ay wala na ako sa kotse, inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Our friends are here!
"Si Calix ba nakita na?" Iyon kaagad ang una kong itinanong sa kanila nang makita nila akong bumangon.
Nagkatinginan silang lahat saka bumuntong hininga. So, wala pa rin? Marami naman kaming tauhan ah, miski sina Calix pero bakit ganoon? Gaano katagal ba ako maghihintay? Paano kung may masama na palang nangyari sa kanya?
No...hindi ko kaya! Hindi ako papayag na mawala siya sa akin, na mawalan ng ama ang anak ko!
"Kesh, hindi pa rin," ani Ella at tumabi sa akin sa kama, kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong hinaplos.
"But don't worry, ginagawa na nina Tito at Tita ang lahat para mahanap siya." si Creed.
"Wala ba siyang nabanggit sa inyo?" nagsisimula na naman akong maluha.
"Wala siyang nabanggit sa amin, bihira na nga namin siyang makita." si Ash.
Naluluha akong umiling-iling. "Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ganito..." tumulo na ang luha ko. "Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to, ni wala siyang pasabi, wala siyang nabanggit."
"Calix is not the type of man na bigla nalang mawawala, baka naman may nangyari lang." si Tusher.
"I agree, hindi kasi siya ganoon, kaya pati kami nagulat." si Lauri.
"May nangyari panigurado at iyon ang kailangan nating alamin." si Ella sabay sulyap sa asawa na ngayon ay tutok sa kanyang cellphone.
"What?" tanong ni Creed nang hindi matagalan ang titig ni Ella.
Tinaasan siya nito ng kilay. "May pinagdadaanan si Kesh tapos ikaw, kanina mo pa hawak 'yang cellphone mo, hindi mo manlang mabitawan."
"Love naman..." ani Creed sabay lapit sa asawa.
"Tigilan mo ako, ano bang meron dyan sa cellphone mo?" may bahid na talaga ng inis ang boses ni Ella.
"Wala," agap ni Creed.
"Nako Ella! May kausap na babae 'yan kaya ganyan," natatawa bagaman naiiling na sabat ni Ash.
Awtomatikong sumama ang mukha ni Ella, umalis siya sa tabi ko at pumunta sa isang gilid. Sumunod naman si Creed na mukhang handa na siyang suyuin.
"Don't come near me! Sinasabi ko talaga sa 'yo Creed," pagbabanta ni Ella pero hindi manlang natinag ang kanyang asawa, bagkus mas lumapit pa ito sa kanya.
"Love, 'wag kang maniwala kay Ash, alam mo namang wala akong ibang babae e, ikaw lang," paliwanag ni Creed.
Nag-iwas ng tingin si Ella. "Don't talk to me."
Nilingon ni Creed si Ash at sinamaan ng tingin. "Kapag kami ng asawa ko hindi nagkabati, kasalanan mo."
Natawa si Ash saka umiling-iling. "Ipakita mo nalang kasi laman ng phone mo para matapos na."
"Oo nga, kung wala kang babae, ipakita mo nalang." si Cae.
"Ay nagkampihan pa sila," hindi makapaniwalang ani Creed.
Nagkatinginan sina Ash at Cae saka nag-apir. Wait, okay na ba ulit sila?
"Okay na ba kayo?" tanong bigla ni Lauri.
Napalunok si Ash, si Cae naman ay nag-iwas ng tingin at ibinaling nalang ang atensyon sa kanyang cellphone.
"AWKWARD!" ani Tusher na sinadya pang ipagdiinan 'yon.
Sa sandaling iyon ay nakalimutan ko kahit papaano ang lungkot na nararamdaman. Lumipas ang ilang araw at wala pa rin kaming balita sa kanya, ang mga magulang naming pareho ay hindi tumitigil sa paghahanap, hindi sila nawawalan ng pag-asa, ni halos hindi na sila nakakatulog dahil doon.
Laking pasalamat ko talaga sa mga kaibigan namin kasi hindi nila ako iniwan, they even cleared their sched para sa akin, kung ako ang tatanungin ay ayokong gawin nila iyon, ayokong pati personal nilang buhay at trabaho ay maabala ng dahil sa akin pero mapilit sila kaya wala na rin akong nagawa, hinayaan ko nalang.
"Kesh, what do you want to eat?" tanong ni Lauri nang makita akong kadarating lang sa dining area.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lamesa, isa isa kong tinignan ang mga pagkaing nakahanda.
"I want some pancakes," sagot ko sabay ngiti.
"Hey, may syrup ako rito, perfect ito para diyan." si Cae na nakasuot pa ng apron.
Siya ang nagluto ng agahan kung gano'n? Bilib na talaga ako sa babaeng ito...
"Kain na tayo," ani Ella na halatang katatapos lang maligo.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng dining area, bakit parang wala ang mga boys? Nasaan sila? Bakit miski pati sina Daddy at Mommy ay wala rin? si ate Luisa?
"Umalis ang mga boys, tumulong sa paghahanap, ang parents mo naman may inasikaso sa business, si ate Luisa, pinagday off muna," ani Lauri na parang nabasa ang nasa isip ko.
Mind reader na ba siya ngayon?
"Kami na muna ang kasama mo, sana hindi ka magsawa sa mga pagmumukha namin," nakangiwing sinabi ni Cae saka sinulyapan sina Ella at Lauri.
Natawa ako. "Hindi ako magsasawa, natutuwa pa nga ako na kasama ko kayo," pag-amin ko.
Natapos kaming mag-almusal, si Ella na ang naghugas ng mga pinagkainan, habang si Lauri naman ay panay pa rin ang kain, si Cae? 'ayun, panay ang daldal about sa mga fashion shows na dadaluhan niya sa mga susunod na buwan. She even showed me those outfits na isusuot niya, I heard malaking event 'yon, hundred thousands ang inaasahang dadalo.
"Ito ang huli kong imomodel." Ipinakita niya sa akin ang isang gown na hindi masyadong maraming disenyo pero tiyak kong napakalakas ng dating. Elegante kung titignan mong maigi.
Lumipas ang mga araw at wala pa ring balita kay Calix, kasabay pa ng paglipas no'n ang paglaki ng tyan ko kung kaya't hindi ko na iyon naitago pa sa aking mga magulang, at first, akala ko'y magagalit sila, na sasabihan nila akong pabaya o kung ano pang masasakit na salita, pero hindi iyon nangyari, they were happy upon hearing the news about my baby. They started buying some stuffs and many more.
And one time, when Mom and I are at the mall, buying some few things for the nursery, hindi ko mapigilang maluha at malungkot habang iniisip si Calix, by this time, kasal na siguro kami, and maybe sa puntong ito at oras ay siya ang kasama ko imbes na si Mommy.
Nakagat ko ang ibabang labi nang malingunan ang dalawang tao na nakangiti habang tumitingin ng damit pang-baby, I assumed mag-asawa sila. It reminded me of Calix...hays!
"Kesh are you okay?" Naalis ang paningin ko sa mag-asawa nang marinig ang tinig ni Mommy sa aking tabi.
Nakangiti ko siyang nilingon. "Yes Mom, I'm fine, tapos na kayo mag-usap ng tumawag sa 'yo?" tanong ko para naman kahit papaano ay hindi na niya ako tanungin pa.
"Namimiss mo si Calix?" tanong niya.
Nakagat ko ang ibabang labi saka hinaplos ang tyan ko. "Palagi naman Mom, pero naisip ko lang na kung sakaling hindi na siya bumalik, atleast may naiwan siyang alaala sa akin," mapakla akong ngumiti matapos iyong sabihin.
"Babalik siya, huwag kang mawalan ng pag-asa," agap ni Mommy.
Pabuntong-hininga akong tumango at hindi na lamang nagsalita pa.
Months went by so fast and guess what? Narito kami ngayon sa hospital, if you're wondering why, kabuwanan na kasi ni Lauri at manganganak na siya, she was about to give birth to a twins, pareho pang lalaki.
Tusher is inside kasama ni Lauri, Ash and Cae are here also but Creed and Ella are not present dahil nataon na nasa ibang bansa ang mga ito para sa business at sa pagmomodel ni Ella.
Sina Cae at Ash ay nakatakda ng bumalik ng US bukas pero pinili pa rin nilang magtungo rito nang malamang manganganak na si Lauri.
"Kesh ayaw mo bang kumain muna? for sure, mamaya pa sila." si Cae na ngayon ay katabi ko sa upuan.
"Kain tayo sa baba?" nakangiti kong tanong.
Tumango siya at tumayo na. Inalalayan niya rin ako dahil medyo hirap na akong tumayo gawa ng aking tyan na malaki na.
"Ash gusto mo bang sumama?" tanong niya sa kaibigan na ngayon ay tutok sa cellphone.
Nag-angat ng tingin si Ash. "Hmm yeah?"
Tumaas ang isang kilay ni Cae. "Hindi ka sure?"
Ngumiwi si Ash. "Well, if you want me to come, I will."
Sarkastikong natawa si Cae. "Yayayain ba kita kung ayaw ko?" matapos niya 'yong sabihin ay binalingan na niya ako at niyaya ng maglakad.
~to be continued~