Chapter 18

2855 Words
Chapter 18 Weeks passed by smoothly. It was fine and going according to plan. And for the past few weeks I think, masasabi kong naayos na namin ang lahat ni Calix, as in everything. Pagdating naman sa parents naming dalawa, they already knew about our upcoming wedding. Nakakadismaya lang din na sa iba pa nila nalaman imbes na sa amin. The news about our rumored engagement was all over the news for the past weeks. Hindi na ako magtataka roon, I mean Calix is one of the most popular bachelor in town, isa siya sa hinihintay ng mga tao na magpakasal, and now that it's finally happening, they can't stay silent. I sighed as I enter our house, kagat-labi akong umiiling-iling habang naglalakad papunta sa kusina. Mula pa lamang sa may pintuan ay naririnig ko na ang malakas na boses ng aking ina. She's talking to someone at base sa tono ng kanyang pananalita ay masasabi kong yamot ito. Hindi muna ako nagpakita sa kanya, nagtago ako sa isang gilid at sinilip ang kanyang ginagawa. She was talking to someone over the phone. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. For sure, nakakunot na naman ang kanyang noo, salubong ang mga kilay. Ganoon na ganoon siya kapag nayayamot. Napangisi ako nang maalala ang mukha ni Mommy sa t'wing may nalalaman siyang ginawa ko, yamot na yamot siya roon, kulang na nga lang ay paluin niya ako, pero syempre kahit gaano pa katigas ang ulo ko ay hindi niya ako kailanman sinaktan. Her way of disciplining me is through words, talk or whatever you call it. Nabalik ako sa realidad nang biglang magtama ang mata namin ni Mommy. Ang pagkakakunot ng kanyang noo at pagsasalubong ng dalawang kilay ay awtomatikong nawala. Nginitian niya ako at maya maya'y ibinaba na rin ang tawag. Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Who are you talking to?" tanong ko. Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "That's nothing anak." Pinanliitan ko siya ng mata. "Nothing? E, bakit yamot na yamot ka Mom?" "About business lang iyon, huwag mo ng isipin pa," aniya at pumunta sa harap ng ref, maya maya lang ay may hawak hawak na siyang box ng cake. Pinagmasdan ko lang siyang dalhin 'yon at ilagay sa ibabaw ng dining table. Nang mapansin ang pagtitig ko ay tinaasan niya ako ng isang kilay. "What are you looking at?" masungit nitong tanong. Grabe, ang bilis talaga mag-iba ng mood! Umiling ako para sabihing wala. "Katatapos lang ng duty mo?" tanong niya matapos ilapag ang platito na naglalaman ng isang slice ng cake sa harap ko. Sinenyasan niya akong maupo kaya naman sumunod ako. Sumubo muna ako ng cake bago siya sinagot. "Yup, pero dito kaagad ako dumiretso." Naupo si Mommy sa katapat kong upuan. "Bakit dito?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. "What do you mean by that? Of course, dito ako uuwi kasi dito ang bahay ko." "What I mean is bakit hindi mo muna pinuntahan si Calix?" paglilinaw niya. Inabot ko 'yong baso sa tabi saka 'yon sinalinan ng tubig. Uminom muna ako bago ibinalik ang tingin kay Mommy. "He's busy Mom, ayokong guluhin siya." Tumango tango siya sa isinagot ko. "Sabagay, pero kung pupuntahan mo siya-" I cutted her off. 'Ayan na naman siya, nagsisimula ng maging makulit! "Mom, hindi ko siya pupuntahan kasi busy siya." "Kapag busy ang Daddy mo noon, madalas akong pumunta sa kumpanya, ang sabi niya, kapag nandyan ako ay isasantabi niya ang trabaho at uunahin ako," nakangiting aniya. Ngumiwi ako. "Syempre iyon ang sasabihin ni Daddy para hindi sumama ang loob mo." Ang ngiti sa kanyang mukha ay biglang nawala nang marinig ang sinabi ko. "Tigil tigilan mo ako Keshia Samantha Lopez! Nanay mo pa rin ako ha!" Natatawa ko siyang tinignan. "Nagsasabi lang ako ng totoo." Pairap na inalis ni Mommy ang paningin sa akin, nang hindi makayanan ang inis ay iniwan niya akong mag-isa roon sa dining area. Matapos kong maubos ang isang slice ng cake na inihanda ni Mommy ay nakailang ulit pa ako. Ang sarap kasi e! Saan niya kaya 'to binili? Bumalik ako sa kwarto ko, nagshower lang ako sandali matapos ay nahiga na sa aking kama. Muli akong napangiti nang titigan ang singsing na ibinigay sa akin ni Calix. Kahit yata ilang beses ko 'yong tignan ay hindi ako magsasawa, walang magbabago sa nararamdaman ko, masaya pa rin ako, kinikilig at hindi makapaniwala. Sandali kong inalis ang paningin sa kamay ko at napunta 'yon doon sa tyan ko. Bahagya ko pang inangat ang laylayan ng shirt ko para masilip iyon. Marahan ko 'yong hinaplos. Pinagmasdan ko rin ang laki no'n. Hindi pa ito halata masyado pero paniguradong sa susunod na buwan ay mapapansin na nila ito, buti nalang talaga at mas inagahan ni Calix ang kasal namin. Wala pa rin siyang alam tungkol sa bata, sasabihin ko nalang pagkatapos naming maikasal. Hindi pa pwede ngayon, lalo na at abala siya masyado sa trabaho, ayokong maging dahilan ng distraction niya. Hindi ko magugustuhan kung mangyayari man 'yon. Pinalis ko ang isiping iyon at ipinikit nalang ang aking mga mata. Hindi ako pwedeng mastress at mag-isip ng kung ano ano ngayon, baka makasama sa baby, isa pa hindi 'yon makakatulong. Matapos ang ilang sandali ay hinila na ako ng antok. "Keshia..." Dahan dahan kong iminulat ang mata ng marinig ang tinig na 'yon. "Hmm?" tanong ko, ang antok ay mababakasan pa sa aking boses. "Dinner is ready," ani Mommy. "Matutulog nalang ako Mom," tamad kong sinabi at nagtalukbong na ng kumot. "Baka magutom ka?" "Hindi 'yan Mom," sagot ko, nakapikit na. "Oh sige, basta kapag nagutom ka, ire-heat mo nalang ang ulam sa ref okay?" Naramdaman ko pang tinapik ni Mommy ang binti ko. "Sige Mom, salamat." Hindi na sumagot ang aking ina kaya batid kong lumabas na ito. Nang maramdamang wala na siya sa loob ng silid ay saka ko ipinagpatuloy ang tulog ko. Kinabukasan nang magising ako ay si Ate Luisa nalang ang naabutan ko sa may kusina, abala siya sa pag-aayos ng mga pagkain doon. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya na ako. "Maagang umalis ang Mommy at Daddy mo kaya hindi kana raw nila masasabayang kumain." Naupo na ako sa silyang madalas kong upuan. Hinayaan ko lang si ate na lagyan ako ng pagkain sa pinggan. "May business trip sila kaya baka sa susunod na linggo pa makakauwi," sabi na naman niya, tinitigan niya akong muli matapos lagyan ng gatas ang baso ko. Nangunot ang noo ko roon. Sa susunod na linggo pa? Bakit naman alanganin? Kasal ko na next week! "Pero kasal ko na sa susunod na linggo ate," histerya ko na para bang may magbabago pa gayong nakaalis na ang mga ito. Bumuntong hininga siya saka hinaplos ang buhok ko. "Magtiwala ka nalang sa kanila, panigurado namang hindi nila hahayaang hindi sila makadalo sa kasal mo." Hindi na lamang ako nagsalita pa, ilang sandali ko pang tinitigan ang pagkain ko bago ko 'yon naisipang galawin. Ang pag-uwi nina Mommy at Daddy sa susunod na linggo ang siyang inaalala ko. Kailangan nandoon sila! Hindi sila pwedeng mawala roon! Pabuntong hininga akong naupo sa kama ko, pagkatapos kumain ng almusal ay bumalik na kaagad ako rito. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinignan kung mayroon mang text o tawag doon mula kay Calix o sa mga magulang ko, pero nabigo lamang ako nang mapagtantong wala kahit isa sa inaasahan ko ang naroon. Kagat labi kong itinipa ang numero ni Calix saka siya tinawagan. Nakakailang rings na ito pero wala pa ring sumasagot kaya inihinto ko na muna. Siguro'y abala siya masyado hanggang ngayon dahil next week na ang kasal namin. Mahihiga na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Ella. Nagtama kaagad ang mata naming dalawa, ang ngiti niya ay mas lalo pang lumapad habang papalapit sa akin. "Hey!" bati niya sabay beso sa akin. "Anong meron? Bakit biglaan yata ang pagpunta mo?" sunod-sunod kong tanong. Ngumisi siya. "Bored kana ba?" tanong niya, naupo siya sa tabi ko. Nakanguso akong tumango. "Oo, busy si Calix at wala rin ang mga magulang ko kaya wala akong magawa rito." "Labas tayo?" pag-aaya niya na ikinagulat ko. "Ngayon?" tanong ko, ang gulat ay naroon pa rin. Tumango siya. "Oo, bakit? May gagawin ka ba ngayon?" "Wala naman," agap ko. "I cleared my sched para makapagbonding tayo," aniya at tumayo na. "Nasaan ang closet mo?" tanong niya kaya naman itinuro ko 'yong pinto, kung saan nandoon ang closet ko. Ngumiti siya bago pumasok sa loob no'n. Sumunod naman ako sa kanya. Naabutan ko siyang namimili ng mga damit doon. Kunot-noo ko siyang binalingan. "Anong meron?" "Pinipilian kita ng damit na isusuot mo para mamaya," sagot niya at itinapat sa akin ang isang dress na kulay pula. "Saan ba tayo mamaya?" hindi ko na napigilang tanungin siya tungkol doon. "You'll know later," sagot niya sabay kindat. Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan nalang si Ella na mamili ng isusuot ko. Habang pumipili siya kanina ay nagpaalam muna akong maliligo. Paglabas ko, naabutan ko siya sa may harap ng vanity, sa harap niya ay naroon ang kung ano anong make up na sa tingin ko'y balak niyang gamitin sa akin. Matapos akong ayusan ni Ella ay niyaya niya ako sa mall, kumain kami ng kumain pagkatapos ay ipinamili niya ako ng sangkatutak na damit, tumanggi ako pero hindi naman siya nakinig at ipinilit pa rin ang kanyang gusto. Nang sumapit ang gabi ay nagtungo kami sa isang condo na sa tingin ko'y isa sa pagmamay-ari nina Creed. Pagpasok palang namin ay panay na ang pagbati ng lahat kay Ella. Nanatili lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang floor na hindi naman pamilyar sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas at huminto na siya sa tapat ng isang pinto, nilingon niya muna ako at sinenyasang lumapit bago pumasok sa loob. Saktong paglapit ko kay Ella ay siyang pagbukas ng pinto. Nanlaki pa ang mata ko nang makita si Cae at Lauri sa loob ng unit, hindi lang iyon, may mga lobo at kung ano ano pa sa paligid. Anong mayroon? "Tonight is your night." si Lauri na ngayon ay may hawak na pinggan, naglalaman iyon ng cake! "Anong meron?" tanong ko, ang paningin ay iginagala pa rin sa kabuuan ng unit. "Bachelorette party mo 'to," sagot ni Cae, she's now holding a wine glass. Ngumiwi ako. "Kailangan pa ba no'n?" "Oo!" sabay sabay nilang sagot, dahilan para hindi ako makaimik. The party that they arranged for me started as soon as a man entered our room. The girls even insisted na lagyan ako ng blindfold pero tumanggi ako dahil ayoko talaga sa ganoon, baka makarating pa ito kay Calix at magtalo kami. Inalok nila ako ng wine pero tumanggi ako, I decided to just drink some juice. The show was fun, miski ako napatili kasabay nina Ella nang magsimulang sumayaw sa harap namin iyong lalaki, pero kahit yata gaano pa siya ka-macho at ka-hot, hindi niya pa rin madadaig si Calix. "Ang hot niya!" tili ni Cae habang kagat kagat ang kanyang labi. "Lower down your voice Cae!" asik naman ni Ella na ngayon ay nakahawak na sa kanyang braso dahil sa paulit-ulit na paghampas ng kaibigan kanina. "Ang iingay naman, ienjoy nalang natin 'to," ani Lauri na ngayon ay tutok ang mga mata sa lalaki sa aming harapan. Nakangisi akong napailing-iling sa aking inuupuan matapos pasadahan ng tingin ang mga babaeng kasama ko ngayon. Natapos ang party bago pa sumapit ang alas dose. Cae and Ella already passed out kaya kami na lamang ni Lauri ang naiwang gising. Ako na rin ang nagboluntaryo na maglinis dahil ayoko namang pakilusin masyado si Lauri, malaki na kasi ang tyan niya kaya paniguradong mahihirapan siyang gumalaw galaw. Hinayaan ko lang siyang maupo roon sa couch. "Can't wait for your wedding day," sabi ni Lauri, dahilan para matigil ako sa pagliligpit at lingunin siya. Nginitian ko siya. "Ako rin, hindi na makapaghintay." "Swerte niyo ni Calix sa isa't isa," sabi na naman niya habang nakangiti. Tumango ako. "Oo, kayo rin naman swerte sa mga partners niyo." Lauri was about to talk again when the door opened. It was Tusher! he's with the boys! O my gosh! Anong ginagawa nila rito? Paano kung malagot ako kay Calix? Kaagad na dumapo ang paningin ni Tusher sa kanyang asawa, ganoon din si Calix sa akin, si Creed at Ash naman ay iginala ang paningin sa kabuuan ng unit, hinahanap sina Ella at Cae. "Ah, nandoon sina Ella at Cae sa kwarto, nakatulog na sa kalasingan, sila lang kasi iyong umubos ng beers kanina," sabi ko bago pa man nila ako tanungin. Tumango si Creed at ngumiti, sandali silang nawala ni Ash sa aming paningin pero maya maya'y nariyan na ulit, pero this time, kasama na nila ang dalawang babae, buhat buhat nila ito na parang pangkasal. "We'll go ahead, thank you and congratulations once again," paalam ni Creed sabay sulyap isa isa sa amin. "Same here, mukhang lasing na lasing si Cae." si Ash. Tumayo si Lauri at tumabi kay Tusher. "Kami rin Kesh, anyways, congratulations ulit." Nang isa isa silang mawala sa paningin namin ay saka pa lamang kumilos si Calix. Lumapit siya sa akin at yumakap ng mahigpit, niyakap ko rin siya pabalik. "I'm sorry," bulong nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit ka nagsosorry?" Umiling siya. "Wala, basta sorry." Hindi na ako nagsalita pa at ninamnam nalang ang sandali naming iyon na magkasama. We spent the whole night in that room, hindi na kami umuwi pa at doon nalang napagdesisyunang matulog. Days passed by again and today is my wedding day! Tapos na akong ayusan at narito na kami sa harap ng simbahan, nasa loob ako ng sasakyan, kabado man ay hindi ko na ipinahalata sa mga taong kasama ko. Kahit gusto kong umiyak ay hindi ko na ginawa dahil baka masira ang make up ko. I just remained calm, wala akong ibang nasa isip kundi ang pag-iisang dibdib namin ng lalaking pinakamamahal ko. I woke up early for this, ni hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement. Pero hindi ko pa nakakausap si Calix, ang huling paguusap namin ay noong bachelorette party pa, he was so busy kaya wala na kaming oras magkita at mag-usap, pero inintindi ko nalang dahil para rin naman iyon sa future naming dalawa. "Wala pa ba si Calix?" Nabalik ako sa realidad nang marinig ang tanong ni Ella, nasa tabi ko siya ngayon pati si Cae. si Lauri naman ay naroon na sa loob. "Wala pa nga raw," nauubos na ang pasensiyang ani Cae. "E, kanina pa tayo naghihintay dito ah?" ani Ella. "Darating din siya, tiwala lang." si Cae sabay hawak sa kamay ko. Nakangiti akong tumango kahit pa na sa loob loob ko ay may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi lamang iyon basta bastang kaba, kundi may kasama ring takot. Nagsisimula na rin akong mag-isip ng kung ano ano. Ang pag-iisip kong iyon ay biglang naputol nang biglang may kumatok sa bintana! It was Creed, together with Ash. Pairap na ibinaba ni Cae ang bintana at tinignan ang dalawang lalaki. "What is it?" Ash sighed. Pinalis niya ang tingin kay Cae at tumingin sa akin. "Kesh, we have to tell you something." Tipid akong ngumiti. "Something? Tungkol saan ba?" "Kay Calix..." si Creed. "What about him?" tanong ko, ang bilis ng pintig ng puso ko! Miski ang matinding kaba at takot ay hindi ko na napigilan pa. Nagkatinginan pa sina Creed at Ash sabay buntong hininga. "Calix can't make it Kesh," diretsang sinabi ni Ash na siyang naging dahilan ng pagtigil ng mundo ko. He can't make it? Why? Nasaan ba siya? Calix...No! Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Ella. "What? Paanong nangyari iyon? Everything is fixed already!" "We don't know either, basta ang sabi'y hindi raw nila mahanap si Calix." si Creed. Mabilis kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Calix, pero nakakailang rings na iyon ngunit wala pa ring sumasagot. Bumuntong hininga ako bago humarap sa mga kaibigan namin. Nanginginig man ang mga kamay ay sinubukan ko iyong ipirmi para hindi nila mapansin pa. Ang luha ko ay nagsisimula ng manggilid, kaya bago pa man iyon tuluyang tumulo ay nagsalita na ako. "Paki sabihan nalang ang mga tao na hindi na tuloy ang kasal," pinal kong sinabi na batid kong ikinagulat nila. Kahit ako ay nagulat sa sarili ko. Hindi ko alam... "Kesh baka naman-" I cutted Ella off. "Umalis na muna kayo, gusto kong mapagisa." Pagkasabi ko no'n ay sabay sabay pa silang napabuntong hininga bago tumalima sa sinabi ko. Miski ang driver ay pinaalis ko. Ako ang pumalit sa driver's seat at nagmaneho palayo sa simbahan. Where are you Calix? tanong ko sa aking sarili kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. ~to be continued~ ----- Sorry for the late update! Super busy lang talaga sa school, pero hinabaan ko 'tong chapter na 'to para kahit papaano ay makabawi sa inyo, salamat sa paghihintay! -ellastic18
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD