Chapter 17

1706 Words
Chapter 17 Gano'n nalang kabilis ang pagmulat ko ng mata at pagbangon sa kama matapos magkaroon ng napakahabang panaginip. Hawak hawak ko ang aking dibdib. Grabe ang panaginip na 'yon! Ikinasal na raw ako...kami ni Calix. Pero paanong nangyari 'yon eh hindi ko pa naman nasasabi sa kanya ang tungkol sa baby. Isa pa, no'ng oras na sinabi ko sa kanya, saka naman nagkaroon ng aberya. "Calix..." tawag ko sa pangalan niya saka pumikit. "I'm pregnant," mahina kong sinabi, napapikit pa ako dahil hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya na nakatingin sa kanyang mga mata. Ilang segundo akong nanatiling nakapikit, nang mapagtanto kong tahimik pa rin ay hindi na ako nagdalawang isip na dumilat, ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtantong wala na si Calix sa harap ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko no'n, halo halo iyon pero mas nanaig ang kaba at takot ko, takot na baka hindi niya magustuhan ang balita tungkol sa bata, na baka bigla nalang niya akong iwan. I know that it's really a wrong timing, as in sobrang wrong timing! Ang pagiisip ko nang oras na 'yon ay biglang naputol nang marinig ko si Calix sa may labas ng kwarto, he was talking to someone, lumapit ako sa may pintuan at saka siya sinilip gamit ang maliit na uwang. Mukhang naramdaman niya agad ang pagtingin ko kaya nilingon niya ako at sinenyasang maghintay sa kanya sa loob ng kwarto, kaya naman sumunod ako. Sumapit ang ilang minuto at sa wakas ay pumasok na ulit siya sa kwarto. Pumwesto siya sa tabi ko saka ako hinarap. "Kesh, ano nga ulit iyong sasabihin mo?" tanong niya. Bahagya akong natigilan pero kaagad ding umiling nang makita ang seryoso niyang mukha. "Wala 'yon, nawala na rin sa isip ko," pagdadahilan ko, I even faked a laugh para talaga hindi na siya mabother pa at magisip ng magisip. "You sure?" tanong niya. Nakangiti akong tumango. "Yes, I'm sure." Tandang tanda ko pa iyong araw na 'yon, iyong nangyari mismo. At oo, hindi ko talaga nasabi kay Calix ang tungkol sa bata kaya ang panaginip na ikinasal kami, nagpatingin sa doctor at kung ano ano pa ay talagang impossible. Kinuha ko ang salamin sa gilid ng aking kama at doon pinakatitigan ang aking sarili. Kung titignang maigi ang aking mukha, wala namang gaanong nagbago, hindi ako pumapangit o kaya'y nangingitim, ang tyan ko naman ay wala pang umbok. Napabuntong hininga ako saka napatitig sa kung saan. Ang panaginip na mayroon ako ay parang totoo kaya akala ko talaga ay ikinasal kami ni Calix at alam na niya ang tungkol sa bata. "Keshia." Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang tinig ni ate Luisa. "Bakit po ate?" tanong ko, bahagya ko pang inayos ang buhok ko na gulo gulo gawa ng pagtulog. "Nasa ibaba si Calix," aniya habang nakangiti. Nakagat ko ang ibabang labi saka tumango. "Sige ate, pasabi susunod na ako." Pagkasabi ko no'n ay umalis na siya at nagtungo na sa ibaba. Napapikit ako at magkakasunod na huminga ng malalim, nagulo ko pa ang buhok sa halo halong emosyon na nararamdaman. Ang pagpunta sa doctor, ang pakikipagaway kay Janica, 'yong kasal at honeymoon! Lahat ng 'yon ay parte lamang ng panaginip ko, pero bakit parang totoo? Bakit parang nangyari na talaga? Mabilis kong pinalis ang isiping 'yon at nagtungo nalang sa banyo para magayos. Nagshower lang ako tutal gabi na. Paglabas ko, nagtungo ako sa closet para mamili ng maisusuot. After a couple of minutes I decided to wore my grid print top paired with my handkerchief hem skirt. Naglagay lang din ako ng cream at lip gloss sa mukha, matapos 'yon, kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas. Pagbaba ko, naabutan ko si Calix na nakaupo roon sa couch, nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hi," bati niya saka ako ginawaran ng halik sa pisngi. "Hello, anong ginagawa mo rito? May lakad ba tayo?" sunod sunod kong tanong. Kasi sa pagkakatanda ko, wala naman siyang nabanggit na may lakad kami ngayon, hindi niya nasabi na yayayain niya ako ngayong gabi, lately kasi sobrang busy na siya sa kumpanya nila. Abala rin naman ako sa hospital kaya hindi na namin masyadong napapansin na lumilipas ang mga araw. Hindi rin namin namamalayan na unti unti na kaming nasasanay na wala sa tabi ng isa't isa. I don't know how it happened pero bigla nalang nagkaganoon. Isinawalang bahala ko kasi pakiramdam ko normal lang naman 'yon, na naiintindihan naman naming dalawa, kasi hindi lang naman sa amin umiikot ang mundo, marami kaming kailangan gawin, responsibilidad na kailangang gampanan. May kumpanya siyang kailangan patakbuhin, may mga pasyente naman akong kailangan asikasuhin, pagalingin at alagaan. Maraming bagay pa ang kailangan naming gawin, kaya parang ang wrong timing na biglang may baby kami. "Lalabas tayo," aniya, kinuha niya ang kaliwa kong kamay at hinawakan. Iginiya niya ako palabas ng bahay. Nang makarating kami sa tapat ng kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto gaya ng lagi niyang ginagawa. "Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay siya sa driver's seat. Nilingon niya ako. "Just...somewhere," sagot niya, sinimulan na niyang buhayin ang makina ng kanyang sasakyan. Hindi na ako nagtanong pa at nagsalita kasi feeling ko wala rin siya sa mood, cold...o baka ako lang ang nakararamdam no'n? Ibinaling ko ang aking atensyon sa labas ng bintana at sa aking cellphone. Hindi ko alam ang daan na tinatahak namin kaya wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin ngayong gabi. Pero kahit na may iilan akong mga tanong ay minabuti ko nalang na sarilinin at hintayin siyang magsabi sa akin. Lumipas ang ilan pang minuto at nakarating kami sa isang bundok sa may San Mateo. Ang paligid ay pulos mga puno, damo at mga talahib ang makikita, ang kalangitan naman ay napakaliwanag, ang mga bituin ay nagkalat sa itaas at talagang napakaning ning kaya't hindi nakakasawang tignan. Kung bahagya mo namang ibababa ang iyong paningin ay makikita mo ang samu't saring liwanag na nagmumula mismo sa mga kabahayan at mga establisyemento. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar at wala akong masyadong nakikitang bahay sa paligid no'n. "Kakaunti lang ang nakatira rito," ani Calix dahilan para mapunta sa kanya ang paningin ko. Nangunot ang noo ko. "Ha?" "Kaya wala masyadong bahay dahil kakaunti lang ang nakatira rito," paglilinaw niya. Nabasa niya ba ang nasa isip ko? Mind reader na siya ngayon? "Bakit mo 'ko dinala rito?" pagkatanong ko no'n ay tumingala ako at muling tumingin sa mga bituin sa kalangitan. "Kesh..." "Hmm?" ako na nakatingala pa rin. "What are your thoughts about marrying me?" tanong niya. Natigilan ako at dahan dahang nagbaba ng tingin sa kanya. Sinalubong ko ang tingin niya. "Bakit mo biglang naisip 'yan?" "Wala naman, sumagi lang sa isip ko." "Ah, ayos lang naman," kaswal kong sagot at ngumisi. Tinalikuran ko siya sandali para kuhaan ng litrato ang view na makikita mula sa itaas ng bundok. "Ayos lang?" paniniguro niya. Tumango ako. "Oo naman." "Kung yayayain ba kitang magpakasal ay papayag ka?" tanong niya na ikinagulat ko. "Calix—" Nang magkaharap kaming muli ay natigilan ako. Napako bigla ang paningin ko sa kanya papunta roon sa hawak niya. "Kesh," tawag niya sa pangalan ko. Nakaluhod na siya ngayon habang hawak hawak ang maliit na kahita, kung saan nandoon ang isang napakaganda at nasisiguro kong mamahaling singsing. "Calix..." nagsisimula ng manggilid ang luha ko. "Will you marry me?" tanong niya sa wakas. Nakagat ko ang ibabang labi saka paulit ulit na tumango, kasabay pa no'n ang pagtulo ng luha ko. Ngumiti si Calix. Dali dali niyang kinuha ang singsing at isinuot sa kaliwa kong kamay, doon sa palasing-singan. Matapos 'yon ay hinalikan niya ito. Sakto namang pagkatayo niya ay sinalubong ko siga ng halik ng yakap. Hanggang sa makauwi ako ay 'ayun pa rin ang halo halong emosyon na nararamsaman ko pero lamang pa rin ang matinding saya sa mga 'yon. Ang ngiti sa aking labi ay hindi manlang mawala wala. Lumipas ang mga araw ng ganoon kabilis, abala kaming pareho sa kanya kanyang trabaho pero sa kabila ng mga 'yon ay inaasikaso rin namin ang para sa kasal. Hindi pa namin nasasabi ang tungkol sa kasal sa aming mga magulang, minabuti namin na saka nalang muna siguro kapag patapos na ang lahat, dahil paniguradong kapag nalaman nila ngayon ay baka manguna sila sa preparasyon hanggang sa igiit nila na sila nalang ang magasikaso ng lahat. "Are you okay?" Nabalik ako sa realidad matapos marinig 'yon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon at nginitian. "Yes, I'm okay," sagot ko, narito ulit ako sa may nursery at pinagmamasdan ang mga bagong panganak na sanggol. Sumagi kasi sa isip ko na pagkatapos naming maikasal ay darating na ang aming anghel. Napahawak ako sa aking tyan at bahagya 'yong hinaplos. Ang pagyayaya ni Calix ng kasal kahit pa hindi niya alam ang tungkol sa bata ay talagang nakapagpasaya sa akin. Pakiramdam ko ay umaayon sa akin ang tadhana. "Usap usapan 'yang singsing mo ah, engage kana ba talaga?" tanong ni Dr. Gavin. Isa sa mga residenteng doctor dito, kaibigan ko rin. Sinulyapan kong muli ang aking kaliwang kamay saka ngumiti. Bagay na bagay 'yong singsing sa aking kamay. "Oo, pero 'wag mo na munang sabihin sa kahit sino," sabi ko, inilagay ko na sa loob ng bulsa ng aking coat ang aking kamay. Nakangiti siyang tumango. "Sure thing, pero bakit hindi muna pwedeng ipagsabi?" "We want to keep it private for the mean time, alam mo namang sikat siya sa industry ng business, malamang sa malamang dudumugin siya kapag ganoon," paliwanag ko. "Are you happy Kesh?" tanong niya na ikinagulat ko. "Oo naman," sagot ko agad. "Hmm, good to know." "Really?" "Masaya ako na nakikita kang masaya." "Same goes with you." "I've never seen you this happy before," aniya saka tinapik ang aking balikat bago ako iniwan. ~to be continued~ -------- Sorry for the late update, busy po kasi talaga sa school kaya wala akong masyadong time magsulat pero kung magkaroon man ako ng oras, maguupdate ako. Sana po maintindihan niyo at hindi kayo magsawang maghintay. Sana suportahan niyo ang storya ko hanggang dulo. Have a good night everyone! Hope you enjoy reading this! Keep safe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD