Chapter 15

1509 Words
Chapter 15 Hindi nagsalita si Calix matapos ko 'yong sabihin, wala siyang sinabing kahit ano. Tuloy ay hindi ko maiwasang kabahan. Oo nga at pinunasan niya ang luha ko pero bukod doon ay wala na. Nagulat pa ako ng bigla niya akong pagbihisin at sinabihang pupunta ng hospital. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang, gusto kong matuwa dahil ibig sabihin lang no'n ay may pakialam siya sa bata, pero sa kabilang banda hindi ko rin maiwasang malungkot kasi wala pa siyang sinasabi na kahit ano magmula kanina. Sa buong byahe namin patungo sa hospital, panay lang ang sulyap ko sa kanya. Kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay mabilis kong iniiwas ang paningin ko, ibinabaling ko 'yon sa may bintana. "How's the baby Doc?" tanong ni Calix habang inuultrasound ako no'ng OB na kakilala niya, ang paningin niya ay naroon lang sa screen. Titig na titig siya roon. Nakangiti siyang nilingin ng Doctora. "The baby's fine and healthy, iwas stress lang siguro, don't worry, may mga vitamins naman siyang tinetake para mas maging healthy ang baby." Tumango si Calix. "Kailan namin pwedeng malaman ang gender ng baby?" Gulat kong nilingon ang boyfriend ko. Gusto kong ngumuso dahil masyado pang maaga para malaman ang bagay na 'yon. Kadalasan, nalalaman ang gender ng baby kapag nasa limang buwan na ito. Pero sa lagay ko, wala pa ako roon. Ngumiti ang Doctora. "Sa mga susunod pang buwan, excited kana ba? Gusto mo ng mamili agad ng gamit?" Ngiti lang ang isinagot ni Calix. Matapos 'yon, pumunta kami ng mall. Hindi ko alam kung anong naisip niya at niyaya ako rito, pero hinayaan ko nalang. Isa pa, nagugutom na rin ako. Gusto ko ng kumain! Puro pa fast food ang nandito, naglalaway na ako. "Wife where do you want to eat?" tanong ni Calix na ikinagulat ko. Did he just called me wife? Omona, anong ibig sabihin no'n? Kumabog bigla ang dibdib ko, napatitig ako kay Calix, I even blinked twice kasi baka nagiimagine lang ako pero mukha namang hindi. "Hmm?" aniya nang hindi ako makasagot agad. "Ha?" wala sa sarili kong naitanong, titig na titig pa rin sa kanya. "Where do you want to eat?" pag-uulit niya. Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Hindi na niya ako tinawag na wife! Ano ba naman 'yan! "Kesh..." "Now you're calling me Kesh!" sigaw ko na ikinagulat niya. "Easy baby," aniya sa kalmadong paraan. "Kesh ka ng Kesh e baby nga diba?" masungit kong tanong. Sinusumpong na naman ako ng pagiging moody! Nakakainis naman kasi 'tong si Calix! Gusto ko siyang paluin at kurutin! "I'm sorry," natatawa bagaman naiiling niyang sinabi bago ako tuluyang yakapin. Tinapik tapik niya ang likod ko, sa ganoong paraan niya ako pinapakalma. "Sorry? Pagkatapos mong hindi magsalita kanina." Kahit nasa ganoong posisyon kami ay sinamaan ko siya ng tingin. Kinalas niya ang yakap at hinarap ako. "Pasensya na." "Pasensya? Sinabi kong buntis ako tapos wala ka manlang kareact react huh? Manhid ka ba? Alam mo bang kung ano ano ng tumatakbo sa isip ko, na baka hindi mo gusto 'yong—" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin at gawaran ako ng isang mabilis na halik sa labi. Napatitig na naman ako sa kanya nang bitawan niya ang labi ko. Hindi ako nakapagsalita. "'Wag ka ng mainis, makakasama kay baby." Sinenyas niya pa ang tyan ko. Hinampas ko siya sa braso nang hindi ko na napigilan ang inis ko. "Bwiset ka!" "Baby, calm down okay?" aniya at muli akong niyakap. "Masaya ako nang malaman kong buntis ka, hindi ako nakapagsalita dahil sa sobrang saya, but if you would ask me, I would even throw a party." Humiwalay ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Totoo ba 'yan?" "Oo," sagot niya agad. "Okay." "So saan mo gustong kumain? For sure nagugutom na kayo ni baby." Bumuntong hininga ako. "Sa McDo nalang Calix." Hindi siya sumagot kaya nangunot na ang noo ko. "Hoy Calix! sabi ko sa McDo tayo." Naiiling siyang nagiwas ng tingin. "Tss kasi naman Keshia, Calix ang tawag mo sa akin." Hindi ko nalang siya pinansin at nauna ng maglakad. Kaagad kong hinanap ang McDo. Nang makita 'yon ay pumasok na ako sa loob, narinig ko pang tinawag ako ni Calix pero hindi ko na siya nilingon. Napakaarte naman kasi, kanina ako 'yong gano'n, tapos siya naman ngayon! Jusko nagugutom na ako! Humanap ako ng mauupuan, hindi ako nahirapang maghanap dahil hindi naman gaanong marami ang tao. Sakto namang pagkaupo ko ay ang siyang paglitaw ng aking boyfriend sa harapan. Napakalapad ng ngiti niya sa labi ngayon. Hindi ko 'yon pinansin, itinuon ko nalang sa may counter ang atensyon, kung saan nandoon ang mga listahan ng pagkain na mayroon sila. Nakagat ko pa ang ibabang labi bago ibinalik kay Calix ang paningin, sinabi ko sa kanya lahat ng gusto ko, hindi naman siya nagreklamo at umapela kaya I assumed na okay lang. "Gusto ko ng chicken! Burger! Sundae! Coke float! Fries!" Wahhhh nagcacrave ako eh! "Is that all?" tanong niya. Nakangiti akong tumango. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik na si Calix dala dala ang tray ng mga pagkain namin. "Wow ang sarap! Cravings satisfied." Tapos kinuha ko na 'yong chicken na may kasamang kanin. "Solve na ba wifey?" tanong ni Calix. Natigilan na naman ako at napatitig sa kanya. He called me wifey again! "Oo, solve na solve na, thanks baby." Nginitian ko siya saka ko ibinalik ang paningin sa mga pagkain sa harap. "Good to know baby." Nginitian niya muna ako, bago siya nagsimulang kumain. Nang matapos kaming kumain, naglibot libot kami sa mall habang magkahawak ang parehong kamay. Natigil lamang kami sa paglalakad nang biglang may tumawag sa pangalan ng boyfriend ko. Bago pa man makalingon si Calix ay inunahan ko na. Pinukol ko ng tingin 'yong babae na tumawag sa kanya. Nang makita ko ang mukha ng babae ay biglang kumulo ang dugo ko, nabuhay ang inis sa loob ko. "Calix!" Sigaw no'ng babae tapos naglakad na siya palapit sa amin. Sinulyapan muna ako ni Calix bago siya alanganing humarap doon sa babae. "Ah...hello." si Calix. Palihim kong inirapan ang babae at dahil protective girlfriend ako dali dali kong pinulupot ang braso ko sa braso ni Calix at hindi naman ako nabigo doon dahil nakuha ko ang atensyon ng babaeng kaharap namin ngayon. Tinignan ako no'ng babae mula ulo hanggang paa kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "At sino ka naman?" tanong niya. I was about to answer her nang bigla na naman siyang magsalita. "If I know fling ka lang ni Calix, tss." Ngumisi siya at paulit ulit na umiling. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Calix dahil sa inis. Mukhang napansin 'yon ng boyfriend ko kaya binalingan niya 'yong babae bago pa man ako makagawa ng kung ano mang aksyon. "Janica tumigil ka na pwede? This woman beside me is not my fling, she's my girlfriend and we're getting married soon so back off," mariing sinabi ni Calix. Gulat akong tumitig sa kanya. Talaga bang sinabi niya na magpapakasal kami soon? Totoo ba 'yon? Hindi ba ako nabibingi o ano? Omona! May plano siyang pakasalan ako. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang ngumiti. "Tsk maghihiwalay din kayo Calix." Ang saya na nararamdaman ko ay kaagad na nawala matapos marinig 'yon kay Janica. Inis ko siyang binalingan. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngisi lang ang iginanti niya, gusto kitang sabunutang babae ka! Bigla kang susulpot tapos ganyan pa sasabihin mo? She's really out of her mind, dapat sa kanya ay sa mental dinadala, bakit ba hinahayaan 'tong magpagala gala rito sa mall? "Stop it Janica," saway ni Calix. "Fine I'll stop okay?" sabi pa ni Janica sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusurrender na. "Ang cute mo dyan ate girl." Hindi ko napigilan ang sarili ko, humaglpak ako ng tawa dahil sa itsura niya, sobrang epic as in! Awtomatikong sumama ang mukha ni Janica. "Nakakainis ka ng babae ka ah! Iniinsulto mo ba 'ko?" Ngumiwi ako. "Hindi naman ate girl kaya lang kasi nakakatuwa 'yong mukha mo, ang epic, parang nakita ko na 'yan sa mga movie eh." "Aish you're so annoying!" Umamba siyang sasampalin ako kaya napapikit ako. Hinintay kong may dumapong palad sa pisngi ko pero hindi 'yon nangyari. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang nasalag ni Calix ang kamay ni Janica. "Janica please, enough," pakiusap ni Calix. "Enough? Tumigil na ako pero hindi tumigil 'yang girlfriend mo," depensa niya saka ako sinamaan ng tingin. "She's pregnant!" medyo napalakas ang pagkakasabi no'n ni Calix kaya pinagtinginan kami ng ilang tao na malapit sa gawi namin. Natawa ng sarkastiko si Janica. "Pregnant? Is that the reason why you're marrying her? Kasi nabuntis mo?" Nakagat ko ang ibabang labi, nagbaba ako ng tingin sa aking tyan. Kaya ba ako pakakasalan ni Calix dahil sa baby? Kasi diba, no'ng huli kaming nagusap tungkol sa kasal ay nainis siya at hindi maganda ang nangyari, kaya possible bang tama si Janica? ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD