Chapter 14
Napabalikwas ako sa aking hinihigaan nang makarinig ng sunod sunod na doorbell. Bumangon ako at lumabas sa silid ni Calix. Hindi ko na siya ginising pa dahil napakahimbing ng kanyang tulog.
Matapos naming mananghalian kanina sa kanyang opisina ay dumiretso kami rito sa penthouse niya. Buti nalang at wala na siyang iba pang schedule sa araw na ito kaya nakauwi kami agad.
Katwiran niya pa nga'y gusto niya akong makasama ng matagal, he wanted to spend some time with me matapos ang ilang araw na hindi kami nagkita. We made love, hindi naman nawala 'yon, saka everytime we see each other, talagang hindi na namin mapigilan ang aming mga sarili. Nababaliw kami sa isa't isa.
Suot ang aking nightgown at roba, nagtungo ako sa may pintuan. Pagbukas ko, I was surprised to see Fey outside Calix's penthouse.
Bago pa man ako makapagsalita at mabanggit ang pangalan niya ay umatake na siya. Hinila niya bigla ang buhok ko.
"Walang hiya ka! Ilabas mo si Sam!" sigaw niya habang hawak pa rin ang buhok ko.
Hindi ako pumalag, bagkus hinawakan ko ang kamay niyang naroon sa ulo ko, pilit ko 'yong tinatanggal dahil nagsisimula ng manakit ang anit ko.
"Let go of my hair!" mariin kong sinabi.
"Ilabas mo si Sam!" sabi na naman niya.
I gritted my teeth. "Hindi ko alam kung nasaan siya."
Ngumisi siya. "And you expect me to believe that?"
"Oo."
"Pinuntahan ka niya kanina-"
I cutted her off. "Pinaalis ko siya."
"I don't believe you! Ilabas mo siya!" aniya at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Hindi ko na kasalanan kung ayaw na niyang bumalik sa 'yo!" sigaw ko.
Nanlisik ang mata niya sa galit, dahilan para itulak niya ako. Napaupo ako sa sahig sa lakas no'n.
"Akin si Sam naiintindihan mo?" puno ng pangaangkin niya 'yong sinabi saka ako sinampal.
Ngumisi ako. "Wala akong pakialam sa inyong dalawa."
Totoo naman e, pakialam ko sa kanila? Sino ba sila para pakialaman ko pa?
She was about to say something nang bigla kong marinig ang tinig ni Calix mula sa likuran.
"Kesh," aniya, bago pa ako makalingon ay 'ayun na siya sa likuran ko, inalalayan niya akong tumayo.
Napunta ang paningin ni Calix kay Fey. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"
"Hindi na mahalaga 'yon! Ang gusto ko ilabas niyo si Sam!" sigaw niya.
Ang kulit naman ng lahi nito! Sinabi na ngang hindi ko alam!
Inis ko siyang tinignan. Lumapit akong muli sa kanya. "Sinabi ng hindi ko alam diba? Tanga ka ba? Bingi o Bobo?"
Bago niya pa man ako masaktan ay may mga security ng umawat sa kanya.
"Ma'am, Sir, pasensya na at ngayon lang kami, kanina pa namin siya hinahanap, dito lang pala nagpunta," anang isa sa security.
Tumango si Calix at tumabi sa akin. "Ilayo niyo 'yang babae na 'yan dito, siguruduhin niyong hindi na siya babalik."
Tumango ang mga security saka hinatak si Fey palayo. Bumuntong hininga ako saka sinulyapan ang pinto. Binalingan naman ako ni Calix.
"Bakit hindi ka gumanti? Bakit hinayaan mong ganunin ka lang?" may bakas ng inis sa boses niya.
"Lalo lang lalala kung gaganti ako." Tinalikuran ko na siya, nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto.
Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "Masyado kang mabait, Ipagtanggol mo naman ang sarili mo kahit minsan."
Natigilan ako, nilingon ko siya. "Hindi ako mabait, hindi ko siya ginantihan dahil lalala lang at masasayang lang ang lakas ko sa gaya niya."
"Pero hindi naman 'yon pupunta rito kung hindi ka nakipagkita kay Sam kanina."
Oh nandito na naman kami sa topic na 'to! Goodness! Hindi ba pwedeng 'wag na namin 'yong pagusapan? Tapos naman na eh! Wala na! Kaya ano pang silbi kung babalikan pa?
I rolled my eyes. "Nandito na naman tayo sa topic na 'to Calix."
"Bakit ka ba kasi nakipagkita sa lalaking 'yon?" tanong niya.
Matunog akong bumuntong hininga. Nakamot ko pa ang sariling noo. "Just to clear things up, kaya 'wag na nating pagusapan dahil wala rin namang kwenta."
Hindi na siya nagsalita pa kaya ipinagpatuloy ko na ang paglakad pabalik sa aming kwarto. Nauna akong maupo sa kama, habang siya ay nanatili roon sa may pintuan, nakatitig sa akin.
"What?" kunot noo kong tanong. But he didn't answer me. Tinitigan niya lang ako. Bumuntong hininga ako saka isinenyas ang parte ng kama na hinihigaan niya. "Come on, let's sleep."
"Matulog kana, mamaya na ako," aniya at lumabas ulit.
Ngumuso ako saka sumunod sa kanya, naabutan ko siya roon sa may kusina. Nagsasalin ng wine sa kanyang wine glass. Pinagkrus ko ang parehong braso, saka siya tinitigan.
Nang mapansin niya ako ay umiling lang siya at bumuntong hininga. Nilagpasan niya ako kaya sumunod na naman ako.
Seriously? Ganito nalang ba kami? Don't tell me magaaway na naman kami nito? Oh gosh! Sana naman ay huwag na, I've had enough already! Isa pa, mabigat sa loob kapag magkaaway kami at hindi nagkikibuan. Kapag hindi ko naman siya nakikita ay parang may kulang.
"Calix, baby, come on stop drinking, let's sleep," malambing kong sinabi nang tabihan siya sa couch. Inagaw ko ang baso sa kanya at inilapag 'yon sa lamesa. Isiniksik ko rin ang ulo ko sa kanyang leeg. "Don't be like this, ayokong ganito tayo," bulong ko.
"I just can't lose you, ayokong nakikita kang kasama ang lalaking 'yon, you're mine."
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang mapangiti at kiligin. Gustong gusto ko talaga kapag inaangkin niya ako! Sige lang Calix, ganyan nga!
Nag-ayos ako ng upo, saka tumitig sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napangiti na ako.
Nangunot ang noo niya. "What?" masungit niyang tanong.
"What?" nakangiti ko ring tanong.
"Binanggit ko lang ang lalaking 'yon, ngumiti kana." Umiling siya at nagiwas ng tingin.
Humagikgik ako saka siya iniharap sa akin. I caressed his face. I looked at him intently. "Kinilig kasi ako sa sinabi mo, gustong gusto ko na inaangkin mo ako," pag-amin ko.
"Lagi kitang inaangkin pero ako, hindi mo manlang ginagano'n," nagtatampo kunwari niyang tugon.
Natawa ako. "Nakakaloka naman 'to."
"What? Totoo naman," agap niya.
Ngumiwi ako. "Mahal na mahal naman kita ah?"
Nagiwas siyang muli ng tingin. Nang silipin ko ang kanyang mukha ay namumula na ito. Awit! Kinikilig siya oh! Sanaol!
"Asus, kinikilig siya," tukso ko.
Umiling siya at tumayo na. "Let's sleep, tama na 'yan, masamang magpuyat."
Tumaas ang isa kong kilay. Masamang magpuyat? E, parang gabi gabi niya nga akong pinupuyat pero wala lang sa kanya, nako Calix!
Pero may point naman siya, hindi rin ako pwedeng magpuyat kasi baka maapektuhan ang baby namin.
Nakagat ko ang ibabang labi saka yumuko. Kailan ko kaya sasabihin kay Calix? Ngayon na ba? Paano kung hindi niya magustuhan? Paano kung magalit siya at iwan ako? Hindi ko yata kaya 'yon.
Nabalik ako sa realidad nang maramdaman kong bigla akong binuhat ni Calix. Hindi na ako nagprotesta pa dahil gusto ko rin naman. Iba kasi 'yong pakiramdam kapag nasa mga braso niya ako, I feel safe and secured.
Napangiti ako ng dahan dahan niya akong ilapag sa kama. Inayos niya pa ang unan at kumot ko bago siya nahiga sa tabi ko.
"Good night baby, I love you," sabi niya sabay siksik sa akin.
Ilang minuto lang ay hinila na ako ng antok. Kinabukasan, nagising ako nang makaramdam na naman ng hilo at pagsusuka. Mabilis kong tinanggal ang braso ni Calix na nakapulupot sa bewang ko saka ako nagtatatakbo sa banyo. Dumiretso ako sa lababo at doon sumuka ng sumuka.
Para akong nanghina dahil doon, nagulat pa ako nang biglang tumabi sa akin si Calix, inipon niya ang buhok ko at inilagay sa likuran.
Matapos 'yon ay inabutan niya ako ng towel, siya pa ang nagpunas ng bibig ko. Hindi siya nagtanong, walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya. Basta niya lang akong inalalayan pabalik sa aming kama. Nang makaupo ako ay lumuhod siya sa harapan ko. Hinaplos niya ang pisngi ko.
Alam kong may nabubuo ng ideya sa isip niya, alam kong gusto niyang magtanong pero hindi niya lang maisatinig ang mga 'yon.
"Calix..."
"Are you okay?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, ayos lang ako."
"Talaga bang ayos ka lang? Ilang beses ka ng nagsuka," bakas sa boses niya ang matinding pagaaalala.
Pilit akong ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at paulit ulit 'yong hinaplos. "I'm fine Calix."
"Baby, I'm worried."
"Don't be."
"Let's go to the hospital baka kung-"
I cutted him off. "Hindi na, please? I'm okay Calix, huwag na tayong pumunta roon," pigil ko, medyo napataas pa ang boses ko kaya nagulat siya at kinunotan ako ng noo.
Yumuko ako para maiwasan ang tingin niya.
"Kesh, what's going on?" tanong niya.
Umiling ako, nakayuko pa rin.
"Tell me, I know something's bothering you, alam kong may hindi ka sinasabi sa akin."
Bumagsak ang pareho kong balikat, nagsisimula na ring mamasa ang mga mata ko. Maisip ko lang na naglilihim ako sa kanya ay masakit na pero kasi natatakot talaga ako! Natatakot akong baka hindi niya matanggap ang baby namin.
"Kesh..." aniya ng hindi ako sumagot.
Lumuluha akong nagangat ng tingin sa kanya. "Calix, may kailangan akong sabihin sa 'yo."
"Ano 'yon? Bakit ka umiiyak?" mabilis niyang pinunasan ang luha ko sa mukha.
"Calix kasi..." lalo na naman akong naluha nang titigan siya.
"Kesh, you're making me worried, ano ba 'yon? Bakit hindi mo masabi sabi?"
"Calix, I'm..."
"You're what?"
Muli akong umiling, naitakip ko na ang pareho kong palad sa aking mukha, doon ako lumuha ng lumuha.
"Kesh, kung ano man 'yan, sabihin mo." Tinanggal niya ang pareho kong palad na nakatakip sa aking mukha. Pilit niya akong pinatingin sa kanya. "Now, tell me, just by looking into your eyes, alam kong may something, you can't lie to me baby."
Bumuntong hininga ako. "Calix..." tawag ko sa pangalan niya. "I'm...pregnant."
~to be continued~
-----
There are times na madedelay ang update since nagstart na ang class ko, sana po maintindihan niyo, sana hindi kayo magsawang maghintay! Kapag naman po hindi ako busy, maguupdate ko.