Chapter 13
"What are you doing here?" Iyon kaagad ang una kong itinanong nang madatnan ko siya sa aming dining area na kumakain.
Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya, ni wala siyang pasabi kaya hindi ko talaga alam kung anong dahilan ng biglaan niyang pagsulpot dito sa bahay ngayon.
Nilingon niya ako. She smiled a bit. "I brought you strawberries, ang sabi kasi ni ate Luisa, 'yon daw ang gusto mong kinakain nitong mga nakaraang araw." then she showed me a basket of fresh picked strawberries.
Sumilay ang isang napakagandang ngiti sa labi ko nang makita 'yon. Kaagad akong lumapit sa gawi niya at naupo sa tabi niya. Inilagay niya sa harapan ko 'yong basket, inabutan niya pa ako ng isang piraso no'n.
Gosh, she's so thoughtful! Pero hindi lang ito ang pinunta niya panigurado. Sa sandali naming pagsasama ni Cae, kilala ko na siya agad, madali kong nababasa ang tumatakbo sa isip niya, ang nararamdaman niya na maaaring sa iba, naitatago niya, pero sa amin, hindi.
Just by looking at her eyes, I can already see a lot of emotions. I don't know why she's keeping it to herself pero sana aware siya na hindi naman sa lahat ng oras ay magisa siya, na walang nandyan para sa kanya, she doesn't need to face everything alone.
Nandito kami, she can tell us her problems, rants, everything. Cae is selfless, tipong hangga't kaya niya, iki-keep nalang niya sa sarili niya, she's too shy and afraid to tell others, kasi baka makaistorbo siya at makadagdag pa sa iisipin ng mga ito. She doesn't want to burden anyone with her own problems.
When Lauri is having a hard time, Creed is with her, when Ella is hurting, her friends are with her but when Cae is dealing with tons of challenges and issues, I wonder...kung sino ang nasa tabi niya habang pinagdadaanan ang mga 'yon, kasi sa nakikita ko ngayon? She's been avoiding Ash. Si Ash na best friend niya.
It must be tough for her, itinutulak niya palayo ang best friend niya para 'wag itong madamay sa kung ano mang kinakaharap niya.
Nabalik ako sa realidad nang bigla akong subuan ni Cae ng strawberry. "Eat a lot Kesh."
"Cae..."
Umiling siya. "Don't Kesh." she smiled to assure me that she's fine.
Alam niyang tatanungin ko siya kaya pinigilan na niya ako. But if she doesn't want to talk about it, ayos lang, may ibang oras pa naman para roon.
I tapped her hand na nasa ibabaw ng lamesa. "I'm just here, nandito kami okay?" nginitian ko siya.
Tumango siya. "Thank you."
"No worries."
"Kesh..."
"Hmm?"
"I heard what happened with you and Calix," panimula niya kaya natigilan ako sa pagsubo ng strawberry.
Inilapag ko ang dapat sana'y isusubo ko at bumuntong hininga. "Oo, paano mo nalaman?"
"He told me," she said. "I'm sorry." she held both of my hands.
Umiling ako. "It's not your fault, desisyon ko na magtake muna kami ng break."
"You guys will be fine right? Hindi naman talaga kayo maghihiwalay ng tuluyan?" she asked, sounding guilty, worried and sad at the same time.
I smiled, I shaked my head to say 'no'. "That's not going to happen Cae."
"Oh thanked God! Huwag na kayong maghiwalay ha?"
"Hmm, hindi."
"I want you guys to be happy."
"We want you to be happy too, kaya magsettle down kana rin, or atleast find yourself a boyfriend," sabi ko na siyang ikinahaba ng nguso niya.
She rolled her eyes. "Wala na akong balak magpakasal o magsettle down, okay na ako sa ganito."
Ngumiwi ako. "Ang corny ha!"
Ilang araw pa akong nanatili sa bahay bago tuluyang bumalik ulit sa trabaho. Napagisip isip ko ring puntahan si Calix sa opisina nila, I wanted to say sorry saka isusurprise ko siya, sasabihin ko na rin ang tungkol sa baby. Ayoko na 'tong patagalin pa. He needs to know about this.
Pero bago ang lahat at dahil gusto kong gawing special 'to para sa kanya, tinawagan ko ang Mommy niya para alamin kung ano ang paborito niyang ulam bukod doon sa mga palagi naming kinakain. Nang malaman 'yon ay pumunta kaagad ako sa grocery para mamili ng mga sangkap. Kaunti lang naman ang binili ko kaya hindi na rin ako nagpasama kay ate Luisa.
Paguwi ko, tinulungan niya akong maghiwa at maghanda ng iba pang mga ingredients, talagang sinigurado niya pa na kumpleto ang mga 'yon. Bawat gawin ko na hakbang ay nasa tabi ko siya, nakaalalay. I'm not really good in cooking pero may ilang putahe akong alam iluto, natuto lang din ako sa kapapanood ko kay ate Luisa noon.
"Ano ate? Masarap ba?" tanong ko nang tikman niya ang iniluto kong chicken adobo at pritong talong. Gumawa na rin ako ng friend rice para mas lalo siyang ganahang kumain. I even prepared a mango shake na ako pa mismo ang may gawa, of course with the help of ate Luisa pa rin.
Ninamnam niya ng paulit ulit 'yong luto ko bago ako tuluyang tinignan. Kinabahan pa ako dahil parang hindi siya nasarapan doon.
"Hindi ba masarap?" tanong ko saka kumuha ng kutsara.
"Tikman mo," aniya na sinunod ko rin naman.
Tinikman ko 'yong sabaw ng adobo, nanlaki pa ang mata ko nang malasahan 'yon! Ang sarap! O my gosh! Nagawa ko! Paniguradong magugustuhan niya 'to! Sunod kong tinikman 'yong chicken, napangisi pa ako nang makitang lutong luto 'yon at hindi matigas.
"Ang sarap! Iba talaga kapag in love," parinig ni ate habang isinasalin na sa lagayan 'yong mga dadalhin kong pagkain. "Nga pala, 'yong bulaklak na pinabili mo kanina, nandyan na, ibibigay mo rin ba 'yon kay Calix?" tanong niya.
You heard her right, nagpabili ako ng isang bungkos ng bulaklak para sa boyfriend ko. This time, ako naman ang mageeffort, ano naman kung bigyan ko siya ng bulaklak diba? Hindi lang naman babae ang dapat nakatatanggap no'n, dapat miski lalaki.
Umakyat na ako sa itaas at nagbihis na. Sinuguro kong maayos ang damit ko dahil gusto kong maging maganda sa paningin niya mamaya. Nang makuntento sa ayos ko ay bumaba na ako, sakto namang pagbaba ko ay tapos na rin si ate Luisa sa pagaayos ng mga dadalhin ko.
Sinamahan niya ako hanggang sa makarating sa labas. Siya na rin ang nagpasok ng mga 'yon sa kotse ko. Ilang minuto lang ang naging byahe ko bago narating ang opisina nila. Paglabas palang ng elevator sa floor nila ay pinagtitinginan na ako, panay ang bati at ngiti ng iilan kaya gano'n din ang ginawa ko.
I was about to went to Calix's office when someone grabbed my arm. Pagtingin ko...'yong secretary niya pala.
"Ma'am, wala po dyan si Sir Calix," aniya at alanganin pang ngumiti.
Nangunot ang noo ko. "Nasaan siya? Meeting?"
Tumango siya. "Opo eh, pero maya maya po tapos na rin sila."
"Gano'n ba?"
"Opo, maghintay nalang po kayo sa loob," aniya at pinagbuksan pa ako ng pinto. "Dito nalang kayo maghintay Ma'am, sasabihan ko nalang po siya na nandito kayo—"
I cutted her off. "Ah, don't tell him na nandito ako, gusto ko sana siyang isurprise." then I gave her my sweetest smile.
"Sige po, lalabas na muna ako," paalam niya. Tinanguan ko lang siya at nginitian.
Inilabas ko na ang mga dala ko at inayos 'yon sa kanyang lamesa. Napangiti pa ako nang makita ang mga 'yon. Hindi na ako makapaghintay na makita ito ni Calix! Paniguradong matutuwa siya at magugulat!
Mauupo na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. A message was sent to me, pero hindi ko alam kung sino dahil hindi familiar ang number.
From: 0961*******
Let's meet, nasa lobby ako nang opisina ng boyfriend mo.
I was about to type something when another message came.
From: 0961*******
It's me Sam.
Nakagat ko ang ibabang labi saka tinignan ang huling mensahe. It's Sam! Bakit naman siya nandito? Ano bang balak niya? Manggugugulo na naman ba? Pero, hindi ko rin naman malalaman kung hindi ko siya pupuntahan.
Tama, I need to talk to him too, para matapos na. Pagkatapos nito, hinding hindi na ako makikipagkita sa kanya. Just this once, after so many years...ngayon nalang ulit.
Lumabas ako ng opisina ni Calix at nagbilin nalang sa secretary niya na may pupuntahan lang sandali at babalik din.
Pagbaba ko ng elevator, naabutan ko si Sam na naghihintay sa labas no'n. How did he know na ito ang sinakyan kong elevator? Sa dami ba naman? O baka naman coincidence lang? Tama! Maaari ngang gano'n, hindi na dapat ako magisip ng kung ano ano.
Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ako. "Kesh..."
"Let's not talk here." Nauna na akong maglakad sa kanya, nanatili lang siyang nakasunod sa akin mula sa likuran. Pumunta kami sa pinakamalapit na coffee shop sa labas ng building nina Calix.
Naupo na kaming dalawa, magkatapatan ang upuan namin ngayon. Sinulyapan ko sandali ang relo ko saka tinignang muli si Sam. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."
"Kesh, gusto ko sanang humingi ng tawad sa sinabi ko no'ng nakaraan at sa mga nagawa ko noon."
Tumango ako. "Okay na 'yon, kung 'yon lang ang paguusapan natin, mauuna na ako." Tumayo na ako pero pinigilan niya ako.
Dumako ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. "Alisin mo 'yang kamay mo," mariin kong sinabi na kaagad niya namang sinunod.
Naupo ulit ako at tinitigan siya. "Sabihin mo na lahat dahil nagmamadali ako."
"Iwan mo nalang siya, ako nalang ulit ang piliin mo, this time sa 'yo na ako, hindi ko na babalikan si Fey, iiwan ko siya—"
I cutted him off. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hinding hindi ko iiwan si Calix para sa 'yo, hindi rin kita pipiliin dahil nahanap ko na ang para sa akin, kung ano man ang mayroon sa inyo ni Fey, wala akong pakialam," tumayo na ako. "Pero kung ano mang problema niyo, 'wag niyong idamay ang bata."
Iniwan ko na siyang mag-isa doon sa lamesa, naglakad na ako palabas, pero hindi pa man ako nakakalayo, naramdaman ko nang may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Keshia please," ani Sam at ibinaon pa ang ulo sa parteng leeg ko.
Mariin akong pumikit saka buong lakas na tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akun. "Don't touch me," asik ko.
"Kesh..."
"Ito na ang una at huling beses na magkikita tayo." Tuluyan na akong naglakad pabalik sa building, nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong hindi na siya sumunod pa.
Pagbalik ko sa floor nila, dumiretso agad ako sa opisina ni Calix. Naabutan ko siya roon na nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Calix," pagtawag ko.
Nagangat siya ng tingin sa akin. His eyes were bloodshot. "Ano? Nagkabalikan na kayo?"
"What are you talking about?"
"Talagang sa harap pa kayo ng building ko nagyakapan huh? Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin?"
Napakurap kurap ako saka tumitig kay Calix. Hangga't maaari ayokong magalit sa kanya! Hindi pwede, pumunta ako rito para makipagbati. Hindi para dagdagan ang away namin.
"Nagusap lang kami at 'yong yakapan na nakita mo, inalis ko kaagad," paliwanag ko.
"And you expect me to believe that?" tanong niya, tumayo na siya mula sa pagkakaupo at pumunta sa harapan ko.
Mabilis akong tumango. "Yes, dahil nagsasabi ako ng totoo Calix at kung hindi mo man ako paniwalaan, hindi kita pipilitin."
He sighed. "I'm sorry, I believe you baby, I do," bulong niya saka ako niyakap ng mahigpit.
I hugged him back. "I came here to surprise you, I even prepared those for you, alam ko kasing matutuwa ka." Kumalas ako sa pagkakayakap, itinuro ko sa kanya 'yong mga dala ko.
"Para sa akin 'yan lahat?" tanong niya mula sa aking likuran.
Nakangiti ko siyang nilingon. "Yes, all for you." I snaked my arms around his neck.
Ngumisi siya, inilagay niya ang parehong kamay sa bewang ko. "I missed you." Hinalikan niya ako sa labi.
"You do?" tanong ko sa gitna ng aming halikan.
"Yes so much, more than you ever know."
Natawa ako. "Too cheesy! Tama na 'yan, ipinagluto pa naman kita, kumain na tayo." Lumayo na ako sa kanya, lumapit ako sa lamesa at binuksan ang lagayan na naglalaman ng adobo, fried rice at fruits. Nilagyan ko na rin ng straw 'yong shake na ginawa ko at inabot sa kanya.
Kinuha niya ang shake sa kamay ko, sinimulan na niyang inumin 'yon. "You made all of these for me?" gulat niyang tanong.
Tumango ako. "Oo, ako lahat ang may gawa niyan, I even bought flowers."
"Ang effort mo naman, anong gusto mong kapalit?"
"Hmm." Umakto akong nagiisip.
"Hmm, I missed you so bad," ngumisi siya bago ako sinunggaban, pinugpog niya ako ng halik sa mukha, pababa sa aking leeg. "I love you."
~to be continued~