Chapter 12
Nanlaki ang mata naming tatlo nang makita ang mga tao sa aming harapan. Seryoso silang nakatingin sa amin, nakakunot ang mga noo, masama ang tingin na para bang may ginawa kaming mali.
Ella faked a laugh to lessen the tension. "Hey, what are you guys doing here?" she asked, facing Creed and the other guys now.
Hindi sumagot ang tatlong lalaki, nanatili ang kanilang tingin sa amin. Tinginan palang alam ko na, iyon palang...halatang mahaba habang explanation ang magaganap, oo nga at wala kaming ginawang mali bukod sa pakikipagkilala roon kay Zayne, pero mga lalaki sila, makita lang nila kaming may kasama o kausap na lalaki ay iba na agad ang tumatako sa isipan nila, nagseselos sila.
"Calix, why are guys here?" ako naman ang nagtanong sa aking partner, nagbabaka-sakaling sasagutin ako nito, pero hindi 'yon nangyari, tinitigan niya lang ako.
"Nako, iwanan na nga natin ang mga 'yan, mukhang walang balak sumagot," nauubos na ang pasensyang ani Cae na ngayon ay titig kay Ash. "What?" masungit nitong tanong nang magkatinginan silang dalawa.
Ella made a move, she clung her arm into her husband's right arm, na naroon sa loob ng bulsa nito. "Love, let's go home na?" pagaaya niya kay Creed.
Nilingon na ni Creed si Ella. "Did we just saw you three with a guy?"
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na napabuntong hininga.
"Yes, nagkabungguan kasi kami." Ako na ang sumagot.
Kunot noo akong binalingan ni Calix. "What? You let that man touch you?" may kalakasan niyang tanong.
"No," agap ko.
"Wala naman kaming ginawang masama bukod sa makipagkilala kay Zayne, besides hindi nakipagkamay si Kesh at Ella, ako lang okay?" pag-amin ni Cae.
Hindi nakaligtas sa amin ang pagtaas ng isang kilay ni Ash, tila sinusubukan ang pasensya ng kaibigan.
"What? Wala namang mali roon ah? I'm single so stop looking at me like that." Nag-iwas siya ng tingin.
"Looking at you like that? Paano ba 'ko tumingin sa 'yo hmm?" tanong ni Ash at mas inilapit ang mukha kay Cae.
Inirapan siya nito. "Kung tignan mo ako ay para bang may ginawa akong mali."
Ngumiwi si Ash. "Oh bakit, wala ba?"
"Wala," agap ni Cae at pinandilatan pa ang kaibigang lalaki.
"You're not allowed to flirt." si Ash.
"Tigilan mo 'ko Ash, hindi kita pinakikialaman sa love life mo kaya 'wag mo ring pakialaman ang sa akin." Cae walked out after that, mukhang nayamot talaga sa pinagsasasabi ni Ash.
But she has a point...wala namang mali roon sa ginawa niya kanina, I mean kung titignan mo namang maigi, nakikipagkaibigan lang si Cae kay Zayne, saka sabi nga ni Cae kanina, wala naman siyang boyfriend kaya ayos lang.
Hmm, I really smell something fishy with those two!
Ash shrugged. "I'll go after her." Iyon lang at umalis na siya, for the second time, sinundan na naman niya ang kaibigan.
Tuloy ay naiwan kami nina Ella, Creed at Calix.
"Love, let's go home na okay?" si Ella sa kanyang asawa.
"You'll explain when we get home," sagot nito na siyang ikinahaba ng nguso ng asawa.
"I didn't do anything, bakit ka ba ganyan?"
"Kahit na," mariing ani Creed at hinawakan sa siko ang asawa.
"Ah, you guys should go na rin," alanganin kong nginitian ang dalawa.
Nilapitan ako ni Ella. "Goodbye Kesh, thanks for today." niyakap niya 'ko ng mahigpit, gano'n din ang ginawa ko.
Nang mawala ang mag-asawa sa paningin namin ay sinimangutan ko si Calix, nauna na akong maglakad palabas, nanatili lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makarating kami sa parking lot. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
"What? You're going to ignore me?" pigil ang inis na tanong ni Calix.
Nilingon ko siya. "I have nothing to explain to you," asik ko.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Really?"
"You don't believe me?"
Hindi siya nakasagot kaya biglang nabuhay ang inis sa loob ko. Hindi siya naniniwala sa akin kung gano'n? Ang unfair naman niya? No'ng sila ni Issabel ang magkasama, pinagexplain ko siya at naniwala ako, pero no'ng ako na...parang ang hirap para sa kanyang paniwalaan ako.
"Uuwi na 'ko, you should go home too." Tinalikuran ko na siya pero nakakailang hakbang palang ako nang bigla siyang magsalita.
"Kung gusto mong paniwalaan kita, hindi ka uuwi magisa, dahil sa ginagawa mo, lalo mong pinatutunayan na guilty ka."
Sa inis ay naiyukom ko ang kamao. Mariin akong pumikit kasabay ang pagtulo ng luha ko. Naiiyak ako sa inis! Gusto ko siyang paluin ng paulit ulit.
Buntis ako at bawal mastress pero heto siya! Dahil sa pagbubuntis ko, lumala ang mood swings ko, kaya dapat nagiingat din ako. Hindi lang sarili ko ang dapat kong isipin ngayon, miski ang anak ko.
Sa tingin ko'y hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanya ang tungkol sa baby, baka lalo lang kaming magaway kapag hindi ko nagustuhan ang reaksyon niya.
"Ano? Uuwi ka pa?" tanong niya, batid kong nakangisi siya ngayon bagaman napipika na sa akin.
Hinarap ko siya. "f**k you! No'ng kayo ni Issabel ang magkasama, pinagexplain kita at pinaniwalaan pero no'ng ako na, parang hindi mo 'yon magawa gawa, you're being unfair!" sigaw ko, tuloy ay medyo kinapos ako ng hininga.
"Nakita mo ba kung paano kang tignan no'ng lalaking 'yon? He likes you! Gusto ka pa niyang hawakan!" sigaw niya pabalik.
So kanina pa pala sila nandoon? The moment na nakipagkilala kami kay Zayne ay naroon na sila? Tch!
"Pwes hindi 'yon ang nakita ko."
"Lalaki ako Keshia!"
"Ano naman ngayon? So sinasabi mo, na porket lalaki ka ay palagi ka ng tama?" sarkastiko akong natawa.
Hindi na naman siya nakasagot at pinanatili ang paningin sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo! Napapagod na akong makipagtalo, maghiwalay nalang tayo." Mabilis ko siyang tinalikuran, naglakad na ako palayo.
Umasa akong susundan niya ako pero hindi 'yon nangyari. So that's it? Break na kami?
Ngumiti ako ng mapakla habang patuloy sa pagagos ang aking mga luha. Nakarating ako sa bahay namin, si ate Luisa ang sumalubong sa akin, nakita ko ang pangungunot ng kanyang noo nang makita ako, napakarami niyang gustong itanong pero hindi na siya sumubok dahil alam niya na wala ako sa mood.
Umakyat ako sa kwarto at nahiga sa kama, doon ako umiyak ng umiyak. I hate you Calix! 'wag kana talagang magpapakita sa akin! Dahil lang doon, nagkaganito na naman tayo! I hate you, I really do!
Ilang araw akong hindi pumasok at nanatili lang sa aking kwarto, lumalabas ako kapag tinatawag na para kumain, nagpaalam ako sa hospital na maglileave dahil sa tingin ko'y kailangan ko rin ng break kahit papaano.
Hindi ako masyadong umiiyak dahil makakasama 'yon sa bata, speaking of which...wala pa akong pinagsasabihan na kahit sino. Pero naisip kong 'wag nalang muna siguro.
Kung hindi kami magkausap ni Calix at magkabalikan, nagbabalak akong pumunta ng ibang bansa para roon ipagpatuloy ang pagbubuntis ko.
Ang oras ko sa araw araw ay iginugugol ko lang sa pagreresearch at pagtulog, bukod doon ay wala na. Kumakain ako ng marami at ng mga masusustansyang pagkain, sinusunod ko ang payo ng doctor ko. Nagtetake rin ako ng vitamins na nireseta sa akin para mas maging healthy pa si baby.
Nang magising ako ay hapon na, naalimpungatan ako nang marinig na parang may nagtatalo sa labas ng aking pintuan. Nanlaki pa ang mata ko ng mabosesan ang mga 'yon. It's Calix! Nakikipagtalo siya kay ate Luisa dahil ayaw siya nitong papasukin sa silid ko.
Hindi ako gumalaw. Naalala ko bigla ang pagtatalo namin. Malungkot akong bumuntong hininga at ipinikit nalang ulit ang mga mata. Ilang minuto ko pa lamang 'yong naisasara nang biglang bumukas ang pintuan.
Namataan ko si Calix doon. Nang magtama ang parehong mata namin ay kaagad siyang lumapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko. Awtomatiko naman akong bumangon at sinalubong ang kanyang tingin.
"Why are you here?" malamig kong turan.
"Pinuntahan kita sa hospital, ang sabi nila'y nakaleave ka kaya—"
I cutted him off. "Bakit ka nga nandito?"
"I missed you," aniya at basta nalang akong niyakap.
Hinayaan ko siyang gawin 'yon pero hindi ko siya niyakap pabalik. Nang makuntento siya roon ay hinaplos niya naman ang pisngi ko.
"Are you okay? Bakit ka nagleave? May sakit ka ba? What? I'm worried sick Keshia," tuloy tuloy niyang sinabi.
Hindi ako sumagot at pinanatili ang tingin sa kanya.
"I'm sorry about last time, nagselos lang talaga ako." Hinawakan niya ang pareho kong kamay at pinaghahalikan.
Hindi pa rin ako sumagot.
"Kesh, magiisang linggo na tayong ganito, for sure hindi lang 'to tungkol sa nangyari, may problema ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
Biglang kumabog ang dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Should I tell him about the baby? Ito na ba ang tamang oras? Gosh, it's so complicated! I can't, I just can't right now.
I sighed. "Wala, sige na matutulog na ako ulit."
Kumilos na ako at nahiga ulit, hindi naman na siya nagsalita kaya ipinikit ko na ang aking mga mata.
"I want you back, please," bulong niya, dahilan para magmulat na naman ako ng mga mata.
"Calix, let's have a break for now."
~to be continued~