Chapter 11
Warning: Read at your own risk. Some scenes and languages may not be suitable for young audiences.
"Ahh!" sigaw ko nang mabuksan ang pinto ng banyo at madatnan doon si Calix na may facial wash sa mukha.
Gosh, nagulat talaga ako! Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat! Bakit naman kasi hindi siya naglalock ng pinto? Saka bakit hindi siya nagsabi o nagbanlaw manlang muna? Alam niya namang magugulatin ako ah?
"Oh bakit para kang nakakita ng multo dyan?" tanong ni Calix.
Tsk, talagang tinanong niya pa, bakit kaya hindi niya tignan ang sarili niya 'no? Nang sa gayon ay malaman niya kung bakit!
Kung hindi niyo kasi naitatanong, nandito ulit ako sa penthouse ni Calix, sinundo niya ako kagabi sa hospital tapos dito na kami dumiretso since malapit ito roon, in that way, hindi ako mahihirapang bumalik sa hospital in case na ipatawag ako at kailanganin ng iba pang doctor at nurses.
"Hindi kana sumagot," aniya na ang paningin ay nasa salamin na, sinimulan na niyang i-rub ulit ang facial wash sa kanyang mukha.
Naiiling akong tumabi sa kanya. Kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste. Nagsimula na akong magsepilyo, natigil lang ako nang mapansing nakatitig na siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, tinanggal ko rin muna ang toothbrush sa bibig ko para makapagsalita ako ng maayos.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Nagpacheck up kana ba?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Check up?
"Nagsuka ka no'ng nakaraan, kaya itinatanong ko kung nagpacheck ka na," paglilinaw niya, mukhang nahalata niya na hindi ko nakuha ang nais niyang iparating kanina.
Ang pagkakakunot ng noo ko ay biglang nawala. "Ah, 'yon ba?"
Tumango siya, naghihintay ng sagot.
"May hindi lang ako nakaing maganda," pagdadahilan ko, kahit pa may nabuo na talagang ideya sa isipan ko.
"Hmm, next time icheck mo muna ang mga kinakain mo, baka mamaya mafood poison kana." Inalis na niya ang paningin sa akin, bahagya pa siyang yumuko para mabanlawan ang mukha.
Sandali akong natulala bago ulit ipinagpatuloy ang ginagawa. Dapat na ba akong magpacheck up? Pero kung gagawin ko 'yon, dapat wala munang ibang makaalam! Kahit pa si Calix! Kailangan makasiguro muna ako.
"Akala ko ba may lakad ka?" tanong ko nang makalabas ng banyo.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang kama habang hawak hawak ang cellphone. Sabi niya kasi kagabi, may lakad siya ngayong araw.
"Yeah, tapos na," nag-angat siya ng tingin sa akin. "How about you, saan ang lakad mo?" tanong niya, pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuuan ko.
Ngumuso ako. "Sa mall lang, bawal ba?"
"Hindi naman pero bakit hindi ka nagpaalam?" tanong niya habang titig na titig sa akin.
Bakit nga ba kasi hindi ko nabanggit sa kanya na may lakad ako? Magdamag naman kaming magkasama pero bakit nakalimutan ko? Gano'n na ba kapre-occupied ang isipan ko?
"Nawala sa isip ko pasensya na," pag-amin ko. Napayuko ako dahil sa hiya.
I heard him sighed. "Gaano ba karami ang iniisip mo para mawala sa isip mo?"
Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Marami, about work, iba iba, pasensya na talaga."
"Sinong mga kasama mo?"
"Sina Cae at Ella."
"Saang mall kayo?"
"Sa MOA."
"Hmm, anong oras ka uuwi?"
Napakamot ako sa ulo dahil sa dami ng kanyang tanong. Nakakaloka naman 'tong si Calix! Kung magtanong, akala mo Daddy ko! Mas mukha pa siyang strikto eh.
"Ang dami mong tanong." Kinuha ko na ang bag ko at humarap sa salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili gamit 'yon. Nasalaminan ko pa si Calix na ngayon ay seryoso na namang nakatingin sa akin mula sa likuran. "What? Pangit ba ayos ko?" tanong ko.
Hindi siya sumagot pero tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran. Ang baba niya ay ipinatong niya sa aking balikat.
"You look beautiful baby," bulong niya saka sinimulang dampian ng halik ang leeg ko.
Bahagya kong itinagilid ang ulo ko para mas bigyan siya ng access doon. Napangisi siya sa ginawa ko, ang kamay niya ay nagsisimula ng maging malikot. Una nitong pinuntirya ang dibdib ko, na kahit natatakpan ng damit at bra ay nagawa niya pa ring pisil pisilin.
Doon palang, nag-init na kaagad ang katawan ko. Napadaing ako nang dumausdos pa ang kamay niya pababa, papunta sa gitna ng aking mga hita, kung nasaan ang pinakapribadong parte ng katawan ko.
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang mapadaing ng paulit ulit. Nang magtama ang paningin namin sa salamin ay 'ayun na naman ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
"Remove all your clothes," bulong niya.
No'ng una'y nagulat pa ako at hindi agad nakagalaw. Sinulyapan ko pa ang orasan dahil baka mamaya'y mahuli ako sa lakad namin ng mga girls, pero nang makita kong may 30 minutes pa ako ay dali dali kong sinunod ang sinabi ni Calix.
Nang mahubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan ay walang sabi sabi niya akong binuhat at inihiga sa kama. Hinayaan ko ulit siyang gawin ang kung anong gusto niya sa akin, panay lamang ang ungol ko sa t'wing masasarapan sa kanyang ginagawa.
"You're so sexy," daing ni Calix nang magsimula akong gumalaw sa ibabaw niya. Sinadya kong bagalan 'yon para tuksuhin siya pero nang makita ko ang nasasarapan niyang mukha ay mas lalo ko pang binilisan ang ginagawa. Mas ginanahan akong ilabas masok ang kahabaan niya sa akin sa t'wing uungol siya at babanggitin ang pangalan ko.
Inilagay ko ang parehong kamay sa aking dibdib at saka 'yon nilamas at pinisil pisil, nahuli kong tumitig roon si Calix, napamura pa siya bago tabigin ang kamay ko. Ipinalit niya ang kanyang mga kamay roon at siya mismo ang gumawa no'ng ginagawa ko kanina.
Naramdaman kong lalabasan na siya kaya mas lalo kong binilisan ang paggalaw sa ibabaw niya. Ilang segundo lang, sumabog siya. Pawis akong bumagsak sa ibabaw niya.
Nahiga ako nang ilang minuto sa kanyang gabi bago napagdesisyunang ayusing muli ang sarili. Tulog ulit si Calix nang iwan ko, pumara lang ako ng taxi papunta sa hospital. Yes, doon muna ako pupunta, nagtext naman ako sa mga girls na malelate ako at sabi nila, ayos lang daw.
Pumunta ako roon sa kaibigan kong OB, sa kanya ako nagdesisyong magpatingin dahil mapagkakatiwalaan ko siya. Pagkarating ko, kinuhaan niya agad ako ng test, buti nalang at wala siyang pasyente kaya naging mabilis ang proseso no'n.
"Anong result?" tanong ko nang makitang hawak na niya ang test results.
Nginitian niya ako, naglahad pa siya ng kamay sa akin kaya medyo naguluhan ako at nangunot ang noo.
"Congratulations Kesh! You're 3 weeks pregnant," aniya na hindi ko na ikinagulat pa.
I knew it! Tama ang hinala ko at ang nabuong ideya sa isip ko, pero paano ko sasabihin kay Calix? Paano kung hindi pa pala siya ready? Paano kung ayawan niya 'yong bata at hiwalayan ako?
Being pregnant by this time is not a big deal to me. Normal lang naman na ganito dahil may boyfriend ako at nagsesex kami lagi, pero nagtetake naman ako ng pill ah? Kaya paanong nabuntis ako?
Binalikan ko ang mga araw at oras na kinailangan kong uminom ng pill, nasapo ko ang noo nang maalalang dapat iinom na 'ko no'n nang bigla akong ipatawag sa ward, sa sobrang busy ay hindi ko na naalala pa 'yon. s**t talaga!
Sa dami ng iniisip ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na sina Cae at Ella. Nakangiwi ang dalawa habang nakatingin sa akin.
"Lutang ka girl?" tanong ni Cae.
"May iniisip lang," agap ko.
Nagkatinginan ang dalawa at bumuntong hininga. Maya maya lang ay namalayan kong nahila na nila ako.
Libot dito, libot doon, picture dito, picture doon, kain dito kain doon, bili dito, bili doon. Sa gano'ng scenario lang tumakbo ang oras namin sa mall. Nakakapagod din pala pero masaya lalo na at kasama ko sila. Naappreciate ko 'yong time and effort nila, alam ko kung gaano kabusy ang sched ng dalawang ito pero heto sila at kasama ko. Dahil sa kanila, nakalimutan ko ang mga iniisip at pinoproblema ko.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Ella.
Umiling si Cae."Duh kita mong nageenjoy pa tayo eh."
"Nagtatanong lang ako," ani Ella at sinulyapan ang kanyang cellphone.
"Excited umuwi girl?" tanong ni Cae, umiling si Ella. "Umuwi ka na nga nako Ella!"
"Tsk, may asawa kasi akong naghihintay sa akin 'di ba?" pinandilatan ni Ella ang kaibigan.
Naiiling namang ngumuso si Cae.
"Hay nako girls! tara na nga at magenjoy," sabi ko pa at nauna ng maglakad sa kanila.
Pumunta kami nina Cae at Ella sa isang resto rito sa MOA. Nagdesisyon na kaming kumain dahil gabi na at nagugutom na kami.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang tawagin ni Ella ang waiter. Nagkatinginan pa kami ni Cae nang mapagtantong umorder pa ito ng pagkain, pero take out. Batid kong para 'yon sa kanyang asawa. How sweet! Sanaol may asawa, I wonder how it feels to have a husband...
"Sus, may pasalubong kay Hubby," tukso ni Cae at binigyan ng nakakalokong ngiti ang kaibigan.
Nginisian lang siya ni Ella. "Syempre, ayokong nagugutom ang asawa ko, ikaw ba? Hindi mo ipagtetake out si Ash?"
Ang ngiti sa labi ni Cae ay awtomatikong nawala nang marinig ang pangalan ni Ash. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
"Sino 'yon? Kilala ko ba 'yon?" maang-maangan pa si Cae tsk! Porket nireject ng best friend ay naging bitter na!
Nakangiwing umiling si Ella bago sumubo ng rice. "Ewan ko sa 'yo Caecilia, napakabitter mo na, paano ka magugustuhan ni Ash kung ganyan?"
"Wala akong pake sa kanya okay? Kung ayaw niya sa akin e 'di 'wag niya duh."
"Ikaw ba, Kesh?"
Gulat akong tumitig kay Ella. "Ha? Ano 'yon?"
"Hindi mo ba ipagtetake out si Calix?"
"Ah, oo nga," alanganin akong ngumiti bago tinawag ang waiter. Inorder ko ang mga pagkain na gustong gusto ni Calix, buti nalang at may ganito rito sa resto.
Paniguradong matutuwa siya nito! Gosh, gusto ko ng umuwi bigla, gusto ko na ulit siyang makita at makasama!
Matapos kumain ay nagdesisyon na kaming umuwi, kasalukuyan kaming naglalakad nang bigla akong bumunggo sa isang pader.
Teka pader nga ba 'to? Dahan dahan akong nagangat ng tingin sa pinagbungguan ko. Nanlaki pa ang mata ko nang mapagtantong hindi siya pader!
Hala omoooo! Hindi siya pader! Kasi ano...kasi lalaki siya! Nilingon ko ang dalawa kong kasama, pero mukhang natulala sila sa lalaking nasa harapan ko.
"Miss are you okay?" tanong no'ng lalaki sa akin, dahilan para mabalik ulit sa kanya ang paningin ko.
Tumango ako. "Ayos lang ako." Bahagya akong lumayo sa kanya dahil sobrang lapit talaga namin sa isa't isa!
"Sure ka miss? Sorry talaga ah?" sabi pa ulit no'ng lalaki.
Napatitig ulit ako sa kanya. Takte...ang gwapo! Parang model! No wonder natulala sa kanya sina Cae at Ella! Magandang lalaki, may katangkaran at kaputian, matangos rin ang ilong at makapal ang kilay, ang labi niya ay may kanipisan gaya ng kay Calix!
"Miss?" anang lalaki nang hindi ako sumagot.
Inalis ko na ang paningin sa lalaki dahil baka kung ano pang isipin niya. "Ayos nga lang po, hindi naman ako masyadong nasaktan," agap ko.
Wala ba talagang balak magsalita 'tong mga kaibigan ko? Ano, nastar struck na sila dyan? Pero hindi ko naman sila masisisi, gwapo kasi talaga 'tong lalaki na 'to!
"Girls," tawag ko sa dalawa, iwinagayway ko pa ang kamay ko sa mga mukha nila para kahit papaano'y matauhan.
"By the way my name is Zayne," Naglahad ng kamay sa akin ang lalaki. Kaagad na dumako roon ang paningin ko.
"I'm Keshia—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit ang mga kaibigan ko.
"Hi Zayne, I'm Cae!" nakipagkamay siya kay Zayne.
"Hi Zayne, Dauntiella here," ani Ella at kumaway lang sa lalaki.
Taray ah? Committed na talaga siya kay Creed! Alam niya ang limitasyon niya kahit wala ang asawa niya, nakakabilib.
Ngumiti si Zayne saka kami tinignang tatlo. "Hello ladies, nice to meet you all."
"Ang gwapo mo," diretsang ani Cae.
Natawa si Zayne at kumindat. "Salamat, kayo rin ang gaganda niyo," komento niya na ikinapula ng mga pisngi namin.
"Salamat." si Ella.
"Alam na namin 'yon enebe," maarteng sagot ni Cae at hinampas pa sa braso si Zayne.
Nagkatinginan kami ni Ella at sinulyapan si Cae na parang walang balak tumigil sa ginagawa niya.
Bahagyang dumikit sa akin si Ella. "Hayaan na natin 'yan, walang lovelife eh."
Natawa ako at tumango nalang sa sinabi niya.
"No worries ladies, paano ba 'yan may lakad pa 'ko e, mauna na 'ko sa inyo, bye, ingat kayo," nilingon niya ako at nginitian. "Sorry ulit Keshia." then he waved goodbye.
Tumili si Cae saka kami binalingan. "Ang gwapo niya!"
"Hmm, gwapo nga pero pass, may Creed na ako," agap ni Ella at ngumiti.
Ngumiti si Cae at kinagat pa ang ibabang labi. "E 'di sa akin nalang siya, tutal wala naman akong lovelife."
"Tss." Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan no'n.
Nanlaki pa ang mata naming tatlo nang makita ang mga pamilyar na tao sa harap namin.
Uh oh.
~to be continued~