Chapter 6
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo. Paglabas ko, namili na ako ng susuotin. Nang makapamili ay nagtungo ako sa harap ng salamin.
Sinulyapan ko sandali 'yong maleta ko na nasa may gilid ng kama. Ngayon ang flight ko papuntang London para sa kasal nina Creed at Dauntiella. Bukas 'yon gaganapin kaya ngayon palang aalis na ako. Buti na nga lang at nabakante ko ang sched ko sa mga susunod pang araw kaya makakatagal pa ako ng ilang araw roon.
Matapos ang nangyari no'ng isang araw sa hotel ni Calix ay hindi na ako nagabala pang tawagan siya o itext. Hindi na rin ako nakipagkita sa kanya.
Wala na rin naman akong balita sa kanya, nakapagtataka pa na sina Mommy ay hindi manlang nagtanong no'ng hindi na pumunta dito si Calix para sunduin at ihatid ako, pero naisip kong maayos na rin 'yon. Mas pabor pa sa akin na hindi sila nagtatanong.
I'm falling for Calix, alam ko 'yon. Sa ilang linggo naming pagsasama, unti unti akong nahulog sa kanya. At 'yong mga nangyari sa pagitan namin, para sa akin, hindi 'yon s*x lang, we made love, pero sa takot ko na baka hindi naman gano'n ang nasa isip niya ay naisip ko nalang na umiwas para matigil na.
Hangga't maaga pa, dapat iniingatan ko na ang puso ko. Besides, knowing Calix? Hindi siya naniniwala sa love or relationships na 'yan. Masasaktan lang ako kapag gano'n.
Hindi ko rin naman masabi na pafall siya kasi mukhang natural lang naman ang ipinapakita niya sa akin. Isa pa, kasalanan ko rin naman, hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko. Nagtiwala ako sa kanya kaya binigay ko ang sarili ko.
Aminado ako na first time akong nakaramdam ng ganito, 'yong tipong excited ako sa t'wing sasapit ang uwian kasi makikita ko siya, maaabutan ko siyang naghihintay sa akin.
And I hate to admit it pero hinahanap hanap ko siya, ang presensya niya, everything about him. Kung pu'pwede nga lang ay araw araw kaming pumunta ng hotel eh, pero syempre nasa katinuan pa naman ako. Ako ang babae kaya dapat maghinay hinay rin ako.
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang tinig ni ate Luisa sa may pintuan. "Ma'am ready na po ang sasakyan sa ibaba."
Sinulyapan kong muli ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay hinila ko na ang maleta ko palabas.
"Ilang araw ka sa London?" tanong ni Mommy nang makarating kami sa labas.
Ang maleta ko ay kinuha na ng aming driver, ipinasok niya na 'yon sa loob ng sasakyan.
Nilingon ko si Mommy. "Nagextend ako, so baka 2-3 days."
Tumango tango siya. "Hmm, take care," aniya saka inayos ang buhok ko sa likuran.
"Thanks Mom, ingat din kayo ni Dad."
"Sure, nga pala..."
"What is it? May ipapabili ka ba roon?"
"Si Calix? Akala ko ay sabay kayong pupunta roon?" parang nagalangan pa siyang itanong 'yon sa akin.
"Ah baka nauna na siya, I don't know," sagot ko.
Hindi naman na nagtanong pa si Mommy kaya pumasok na ako sa sasakyan.
Pagdating sa airport. Ilang minuto lang akong naghintay bago tinawag ang flight. Pagpasok ko sa eroplano nagulat ako nang madatnan si Calix sa tabi ng upuan ko.
Nang magtama ang pareho naming mata ay ako na ang kusang umiwas. Naupo ako sa tabi niya na hindi manlang siya nililingon.
"Kesh..."
"Calix later nalang," agap ko.
Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Sa buong byahe namin, nanatili kaming walang kibuan ni Calix, nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin pero agad ding umiiwas kapag nahuhuli ko.
After 14 hours of trip narating na namin ang London. Nauna akong bumaba kay Calix pero ramdam kong nasa likuran ko siya. Paglabas namin, isang sasakyan ang sumalubong sa amin.
And for the second time, tabi na naman kami. Habang nasa byahe ay hindi ko na naiwasang pumikit pikit. Nagulat lang ako nang biglang ilagy ni Calix ang ulo ko sa kanyang balikat. Magpoprotesta na sana ako pero nginitian niya lang ako.
"You need sleep, sige na," aniya saka hinaplos ang buhok ko.
Mabilis akong hinila ng antok dahil sa ginawa niya. Nang magising ako ay nasa isang puting kwarto na ako. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan no'n.
"Gising kana pala," ani Calix na naroon pala sa couch at abalang nagaayos ng gamit niya.
"Paano ako napunta rito sa kama?" tanong ko kahit pa na may sumagi ng sagot sa isipan ko.
Tinignan niya ako. "Binuhat kita," kaswal niyang sagot saka ibinalik ang paningin sa kanyang gamit.
Umalis ako sa kama at lumapit sa kanya. "Gaano ako katagal tulog?"
"2 hours."
"Eh? Sana ginising mo nalang ako."
Nag-angat siya ng tingin. "Ang himbing ng tulog mo kaya hindi na kita ginising."
Nag-iwas ako ng tingin at iginala nalang ang paningin sa kabuuan ng silid. Ang kwarto na kinaroroonan naming dalawa ay malaki, siguro'y kahit apat na tao ang matulog at manatili rito ay pwede.
"Nasaan tayo?" tanong ko.
"Sa hotel nina Creed."
"Bakit nasa iisang kwarto tayo?"
"I don't know, akala siguro nina Creed may something tayo."
Natigilan ako sa sinabi niya. Dahan dahan ko siyang nilingon. Seryoso ang mukha niya ngayon, ni walang bahid ng biro o pagloloko.
"Wala naman tayong something." I faked a laugh bago iniwas mula ang tingin.
"Really hmm?" tanong niya nang makalapit sa akin.
"W-ala naman talaga!" agap ko at bahagyang lumayo sa kanya.
"So anong tawag mo sa ginawa natin? Sa ginawa ko sa 'yo?"
"Ano nga ba?" pagbabalik ko ng tanong. "Sige nga, sabihin mo sa akin, anong ibig sabihin sa 'yo ng mga 'yon?"
He sighed. Muli siyang lumapit sa akin, hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "We made love Kesh, it's not s*x for me, and those gestures and efforts, I really mean it."
"Made love? E hindi ka pa nga naiinlove 'di ba?"
"I don't know, basta ang alam ko, lahat ng 'yon ginawa ko dahil gusto kitang mapasaya."
Natigilan na naman ako. Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya, inaalam kung may bahid ba ng pagloloko roon pero mukha namang wala.
Ang mga mata niya ay puno ng sinseridad.
"Calix..."
"Shhh." Inilagay niya ang hintuturo sa labi ko para pigilan akong magsalita.
Ilang segundo kaming nagtitigan at nanatili sa gano'ng posisyon. Hanggang sa naramdaman ko nalang na siniil niya na naman ako ng halik. We ended up making love again.
Nang magising ako ay gabi na. Nadatnan ko si Calix sa tabi ko na ang himbing himbing ng tulog. Ang braso niya ay nakapulupot sa akin. Ang kanyang binti ay nakadantay sa akin, napangiti ako ng maisip na ayaw niya akong makawala.
Ilang sandali kaming nanatili sa kama bago siya tuluyang nagising. Sabay kaming naligo, we ended up making love inside the bathroom, ewan ko ba, sa t'wing magkasama kami ay hindi na namin mapigilan ang aming mga sarili.
Matapos magayos ay dumiretso kami sa ibaba, kung saan nagpahanda ng dinner ang magasawang Creed at Dauntiella. Nang makarating kami roon ay kakaunti palang ang tao.
Sinalubong kami nina Creed at Dauntiella. Nang magtama ang paningin namin ni Ella ay mukhang nagulat pa siya pero maya maya'y ngumiti rin.
"Calix, buti naman at nakarating kayo," ani Creed at sinulyapan kaming pareho ni Calix.
"Yes, I don't wanna miss your wedding." si Calix.
"Thanks for coming, ngayon palang ay nagpapasalamat na ako," nginitian kami ni Ella.
"By the way love, I invited Keshia," ani Creed.
Muli na naman akong nginitian ni Ella. "Masaya nga ako na narito siya." Lumapit siya sa akin at yumakap. "I miss you Kesh!"
I hugged her back. "I miss you too, congrats sa inyo! Finally!"
Nakangiti siyang humiwalay sa akin at bumalik sa tabi ng kanyang asawa. "Salamat, sana kayo na ang sumunod."
Nginitian ni Creed ang asawa. "Pero bago 'yan love, tanungin muna natin sila..." Binalingan nila kami ni Calix. "Kung ano ng score nila as of now?" panguusisa ni Creed.
Naginit ang pisngi ko dahil sa biglaang tanong na 'yon. Sinulyapan ko si Calix, nginitian niya lang ako.
"We're...well nililigawan ko siya."
Gulat akong tumingin kay Calix. He's courting me? Really?
Nagkatinginan ang mag-asawa saka kami binigyan ng nakakalokong ngiti. Matapos ang kaunting chikahan kasama sina Creed at Dauntiella ay ipinakilala nila ako sa iba pang naroon.
Nagulat pa ako ng makita si Lauri roon, well I'm friends with her, ngayon ko lang din nalaman na ang napangasawa niya ay 'yong kapatid ni Creed. Ibinalita niya rin sa akin na dalawang buwan na siyang buntis at binabalak na manganak sa hospital namin mismo.
Hindi lang si Lauri at asawa niya ang nakita ko roon, nahagip din ng mata ko 'yong mga sikat na model. Sina Ash at Cae. Hindi na ako nagulat nang malaman na magkakaibigan silang lahat.
"Calix, you're with someone I see," tukso ni Ash nang makalapit sa amin. Katabi niya si Cae.
"Yes, this is Keshia Lopez," pagpapakilala sa akin ni Calix.
Nginitian ko sina Ash at Cae bilang pagbati. Nang tumagal, I just found myself talking and catching up with the girls. Same goes with the boys.
Magkakasama kaming apat nina Lauri, Ella at Cae, habang sina Calix, Tusher, Creed at Ash naman sa kabilang banda ay ganoon din.
Ipinakilala ako ni Ella at Lauri kay Cae, kaya hindi nagtagal at naging komportable na kaming lahat sa isa't isa.
"May something kayo ni Calix?" tanong bigla ni Cae, dahilan para mapunta sa kanya ang paningin ko.
Hindi pa man ako sumasagot ay ngumisi na sina Ella at Lauri. Para bang kahit wala pa akong sinasabi ay alam na nila ang lahat ng tungkol sa amin ni Calix.
"What?" naiiling bagaman natatawa kong tanong.
"Nililigawan ka palang pero..." si Lauri.
Tumaas ang isang kilay ni Cae. "Anong alam niyo na hindi ko alam?"
Inirapan ko ang dalawa saka inilingan si Cae. "Wala 'yon."
"Wala raw." si Ella habang nakangisi.
"Tayo tayo na nga lang dito, ayaw niyo pang sabihin sa akin." si Cae na kunwari nagtatampo.
Sasagot na sana ako nang bigla kong maramdaman na may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko, it was Calix! Kasama niya rin ang tatlo pang lalaki.
"C'mon wife, maaga pa tayo bukas," ani Creed na sinadya pang maghikab at magunat sa tabi ng asawa.
Nakangiwing tumayo si Ella. "Good night na, inaantok na ang mister ko."
"Sige na, maaga pa tayo bukas," pagtataboy ni Cae.
"Ash! Pakidala si Cae sa kwarto ha! Bilis bilisan niyong gumawa ng baby, excited na akong-ah!" Napatili si Ella nang bigla siyang buhatin ni Creed na parang pangkasal.
"Good night everyone." Tinalikuran na kami ni Creed habang buhat buhat ang asawa matapos 'yon.
Nagkibit balikat si Lauri saka natatawang sumama kay Tusher. Si Ash ay nakakunot pa ang noo habang nakatingin kay Cae.
"What now woman?" inis na tanong ni Ash na halatang hinihintay si Cae.
"Bakit nandito ka pa?" masungit na tanong ni Cae.
"Obviously, I'm waiting for you."
"Just go, tutal wala ka namang paki sa akin."
Tumaas ang isang kilay ni Ash saka hindi makapaniwalang tumitig kay Cae. "How can you say that?"
"Totoo naman 'di ba? Nireject mo nga ako! Nagconfess ako sa 'yo pero tinawanan mo lang ako, no'ng nalaman mong seryoso ako ay nireject mo ako bigla!" dire-diretsong ani Cae na ikinagulat namin ni Calix.
Hindi sumagot si Ash at nahilot lang ang kanyang sentido, sa gano'ng paraan niya pinahahaba ang pasensya niya sa kaibigan.
"Bahala ka nga riyan!" Tumayo na si Cae at naglakad.
"Good night bro, Kesh." Tumayo na rin si Ash at sinundan si Cae.
Nagkatinginan kami ni Calix at sabay na natawa sa inakto ng dalawa.
Sus indenial pa yata 'tong mga 'to eh. Nakakaloka! Sila na ang complicated!
~to be continued~
------
This update is a bit longer than the previous ones. Ginanahan ako bigla magsulat so ayun, sana maenjoy niyo! Sana hindi kayo magsawang maghintay araw araw sa update ko, dahil hangga't hindi ako busy ay sisikapin ko na makapagupdate everyday.
-ellastic18