Chapter 7
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Mas nauna pa akong gumising kay Calix. Ako na ang naunang maligo dahil aayusan pa ako ng make up artist maya maya.
Habang inaayusan ako, si Calix naman sa kabilang banda ay abala ring nagaayos ng kanyang sarili. Nang matapos sa ginagawa ay nagawa niya pa akong titigan at panoorin na ayusan, tuloy ay hindi ko maiwasang mahiya.
Titig siya sa akin, pakiramdam ko ay matutunaw na ako!
Nang matapos akong ayusan ay nagpaalam na kami ni Calix sa isa't isa. Pinuntahan na niya si Creed, habang ako naman ay pumunta sa kwarto na kinaroroonan ni Dauntiella.
Pagpasok ko sa loob ng silid, naabutan ko sina Lauri at Cae na abala sa pagaayos sa kanya. Yup, nabanggit ni Ella kagabi na hindi siya naghire ng make up artist niya dahil gusto niyang si Cae mismo ang mag-ayos sa kanya. Si Lauri naman ay panay ang ayos sa mga gagamitin ng kanyang sister-in-law para sa kasal na gaganapin ngayong araw.
Napangiti ako nang maramdaman nila ang presensya ko. Gaya ko, nakabihis na rin sina Lauri at Cae, si Ella nalang ang hindi pa dahil hindi pa siya tapos lagyan ng make up, ang buhok niya ay nakapusod na. Batid kong si Lauri pa ang may gawa no'n dahil magaling siya sa ganito, maraming hairstyles ang alam niya.
Sinenyasan ako ni Ella na lumapit, kaya naman sumunod ako. "Kesh, kinakabahan ako," aniya sabay hawak sa kamay ko.
Natawa ako nang mahawakan ang kamay niya. Napakalamig no'n! Siguro'y kinakabahan siya? Kahit naman yata sino 'di ba, kapag ikakasal ay gano'n. Sadyang hindi lang ako makarelate kasi hindi pa naman ako ikinakasal.
Pero kailan nga kaya ako 'no? Malapit na ba?
Nginitian ko siya. "Ganyan talaga 'yan, pero mawawala rin 'yan mamaya."
"Iyan din ang sinabi ko sa kanya e, pero kabado pa rin," natatawa bagaman naiiling na ani Lauri. Lumapit siya sa amin at pumunta sa likuran ni Ella para tignan ang itsura nito mula sa salamin.
Ngumuso ang bride-to-be. "Sino ba namang hindi kakabahan sa ganito?"
Tinawanan lang namin siya.
"Paano kung makalimutan ko ang vows ko?" tanong niya, bakas na bakas ang kaba. "Ilang beses pa naman akong nagpractice!" Kinuha niya ang isang papel na naroon sa harap ng vanity, batid kong doon nakasulat ang vows niya na nakatakda niyang sabihin sa kasal mamaya.
"Hindi ako makarelate, pasensya," ani Cae at isinara na ang palette na hawak. Tinignan niya si Ella sa salamin. Nang makuntento sa ayos ng kaibigan ay tinanguan na niya ito at sinenyasang isuot na ang gown.
Ngumiwi si Ella saka binalingan si Cae. "Paanong hindi ka makakarelate e wala ka ngang love life."
Cae just rolled her eyes. "Oh napunta naman sa akin ngayon? Isipin mo ang sarili mo, kasal mo ngayong araw."
"Parang hindi pa nagsisync in sa 'kin." Hindi na napigilan ni Ella na maluha. Buti nalang at waterproof ang make up na ginamit ni Cae sa kanya.
Panay ang pasasalamat niya, si Lauri ang sumama sa kanya sa loob ng banyo para tulungan siyang maisuot ang gown. Nang lumapit kami sa may pintuan para sana icheck kung ayos na ay narinig namin sina Lauri at Ella na may malalim na pinaguusapan.
Umalis kami para mabigyan ng privacy ang dalawa. Ilang sandali pa ang lumipas at lumabas na sila ng banyo. Hindi naitago nina Lauri at Ella ang bakas ng luha sa kanilang mga mukha. Nagkatinginan kami ni Cae at ngumiti sa isa't isa.
Confirm, nagkaroon ng heart-to-heart talk ang dalawa!
Matapos ang ilang picture taking ay dumiretso na kami sa pagdarausahan ng kasal. As expected, malawak ito at maganda, halatang hindi tinipid, ang disenyo at mga kagamitan ay eleganteng tignan. At base sa mga upuan at lamesang narito, mukhang marami raming tao ang inaasahan nilang dadalo.
Naunang maglakad si Creed. Ang best man niya ay si Tusher habang ang maid of honor naman ay si Lauri. Si Cae at Ash ay magkasabay na naglakad sa gitna, naghiwalay lang sila nang makarating sa dulo, gano'n din kami ni Calix.
Nang magsimulang maglakad si Ella ay naluha na si Creed, nakangiti siya habang titig na titig sa papalapit na asawa. Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa isa't isa, miski si Ella ay umiiyak na rin, pero kahit gano'n, bakas na bakas sa kanilang dalawa ang kasiyahan, ramdam mo 'yong pagmamahal nila sa isa't isa.
"I, Asher Creed De La Vega, take you, Dauntiella Lionette Lee, for my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part," nakangiting ani Creed sabay suot ng singsing sa kaliwang kamay ni Dauntiella.
Ngumiti si Dauntiella. "I, Dauntiella Lionette Lee, take you, Asher Creed De La Vega, for my lawful husband, I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life." Isinuot na niya ang singsing kay Creed.
I can't help myself from crying because of this. I mean, kahit sino ay maiiyak sa sobrang kaligayahan para sa dalawang ito. Ramdam na ramdam ko 'yong pagmamahal na mayroon sila sa isa't isa. They've been through a lot, I heard kaya deserve naman nila 'tong lifetime na magkasama.
Hindi ko na naiwasang maging emosyonal hanggang sa matapos ang kasal. Mas lalo pa akong napangiti nang halikan ni Creed si Dauntiella, matagal 'yon at batid kong nakakahugot hininga.
Nagtawanan pa ang lahat ng ilang beses pang halikan ni Creed ang kanyang asawa.
Nasa reception na kami ngayon at isa isa ng nagbibigay ng mensahe 'yong mga malalapit na tao sa buhay ng magasawa. Nagulat pa nga ako ng miski ako, hingan ng mensahe. But I must admit, I'm so happy and proud na kahit sandali, nawitness ko 'yong isa sa pinakamahalagang event sa buhay nilang dalawa.
After the messages, Creed and Dauntiella had their first dance as husband and wife. Hindi nagtagal at dinaluhan na rin sila ng iilan pang couples sa gitna.
Sina Lauri at Tusher ay nakangiti habang nagsasayaw, hindi nila inaalis ang tingin sa isa't isa. Si Cae naman, nakaupo sa tabi ko, si Ash sa kabilang banda ay katabi naman ni Calix.
Nakanguso lang si Cae habang nakatingin sa mga couples na nagsasayaw sa gitna.
Siniko ko siya. "Gusto mong sumayaw?"
Nilingon niya ako at mabilis na inilingan. "Ayoko, nananakit na nga ang paa ko rito."
"Sus, paano kung si Ash ang magyaya sa 'yo? Go ka?" tukso ko.
Natigilan siya, kapansin pansin din ang pamumula ng kanyang pisngi. "Hindi, ayokong kasayaw 'yong pangit na 'yon."
"Pangit ba talaga?" binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.
Inirapan niya lang ako. "Tigilan mo 'ko Kesh, magsayaw nalang kayo ni Calix kung gusto niyo," aniya sabay inom ng wine.
"I heard my name." si Calix sa tabi ko.
"Yayain mo ngang magsayaw Calix," ani Cae at inginuso pa ako.
Ngumiti si Calix saka ako binalingan. Naglahad siya ng kamay sa harapan ko na kaagad ko rin namang tinanggap.
Gaya ng ibang couples sa gitna, nagsayaw rin kami ni Calix. Titig na titig siya sa akin, ang mata niya ay hindi manlang nilubayan ang mukha ko. Tuloy, hindi ko maiwasang mahiya at mailang.
Kapag ganyang titig na titig siya sa akin, mas lalo akong nacoconscious sa itsura ko. Baka mamaya may dumi na pala ako sa mukha hindi manlang niya sinasabi 'di ba?
"Naiilang ako Calix," sabi ko at nagiwas ng tingin.
Narinig kong siyang matawa. "You're so gorgeous," bulong niya na siyang nagpatindig na naman sa balahibo ko.
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang mapangiti. Isinandal ko ang ulo ko sa may dibdib niya, sa gano'ng posisyon kami nagsayaw, mabagal 'yon at tamang tama sa musika na tumutugtog ngayon.
"Nililigawan mo 'ko?" diretsa kong tanong, ang ulo ay naroon pa rin sa kanyang dibdib.
Kaya malakas ang loob kong tanungin siya kasi hindi naman kami magkaharap, hindi ko nakikita ang mukha niya.
"Yeah, hindi ba halata?" batid kong nakangisi siya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Pwes ngayon alam mo na," aniya saka ako hinalikan sa labi.
Nahampas ko siya matapos niyang bitawan ang labi ko. Bahagya ko pang iginala ang paningin sa paligid, nagaalalang baka may ibang makakita.
Gosh, ayokong agawin ang spotlight kina Creed at Dauntiella! Bakit ba hindi na naman makapagpigil itong si Calix? Sa public place na naman really?
"I'm taking a pill now." Ngumisi ako saka pinagtaas baba ang parehong kilay.
I consulted a doctor last time and sinabi niyang okay lang na magtake ako ng pill. Regarding my period, regular naman siya, nadelay lang talaga.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Hmm?"
"Yeah."
"That means..."
"That means what?"
"We can make love all day?"
Hinampas ko na naman siya. "Pupuyatin mo na naman ako?"
"Oo naman," agap niya sabay halik sa pisngi ko.
Later that day, inihatid na namin sa labas ang magasawa. They're planning to have their honeymoon in Paris. Parehas ng nakabihis ang dalawa, but Dauntiella is still holding her bouquet of flowers on her left hand.
Nang makalapit sa sasakyan ay nilingon niya kaming lahat. Malapad ang kanyang ngiti.
"I'm going to throw the bouquet now," anunsiyo niya at tinalikuran na kaming muli.
Seconds later, nasa ere na ang bulaklak. Lahat kami ay inaabangan kung kanino 'yon mapupunta.
Nanlaki ang mata ni Dauntiella nang mapunta kay Ash 'yong flowers. Tuloy ay tinukso silang dalawa ni Cae ng mga bisita.
"Calix, catch." Basta nalang ibinato ni Ash ang bouquet kay Calix na kaagad din naman nitong nasalo.
"It's yours baby," bulong ni Calix sabay abot sa akin ng bulaklak.
Naginit ang mukha ko sa kilig habang nakatingin sa bulaklak na hawak.
Omg, kami na ba ang susunod na ikakasal? Char!
~to be continued~