Chapter 4

1527 Words
Chapter 4 Days passed by smoothly at hindi ko na ulit nakita pa si Calix. Well, I was busy, same goes with him. Isa pa, mas pabor pa sa akin na hindi ko siya nakikita. Atleast hindi na ako masyadong maitutulak pa ng mga magulang ko sa kanya. Kung ako, sobrang abala. Ang mga kaibigan ko naman ay parang si Dora. Kung saan saan sila nakakarating, panay ang kain at panay rin ang send ng pictures sa akin. I wanted to go with them pero hindi ko rin maiwan ang hospital. Besides, mas mahalaga ang mga pasyente kaysa sa gala. Katatapos ko lang puntahan ang pasyente ko, kasalukuyan akong naglalakad sa may hallway nang madaanan ko na naman ang nursery. Sandali akong huminto sa tapat no'n at pinakatitigan ang mga sanggol na naroon. Kada araw, napakaraming sanggol ang isinisilang. Kada araw, may panibagong buhay, biyaya. "Keshia!" Naalis ang paningin ko sa mga sanggol nang marinig ang mga boses na 'yon. Yes, hindi lang isa ang tumawag sa akin kundi dalawa! Nasapo ko pa ang sariling noo habang papalapit sila. Nang dahil sa sigaw nila, naagaw nila ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya! Kung bakit naman kasi kailangan pang sumigaw? Bago pa man ako makapagsalita ay yumakap na silang dalawa sa akin. Napakalapad pa ng ngiti nilang dalawa. "Bakit ba kayo sumisigaw ha? sabay pa talaga kayo ha!nakakahiya!" singhal ko pero ang mga loka inirapan lang ako. "Tsk ikaw naman oh, ang sungit mo! meron ka ba?" tanong ni Angela. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako bigla ng kaba at kung anong gulat pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanila. Sandali kong kinuha ang phone ko at tinignan ang period tracker ko. Sa sobrang busy ay halos hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Almost 3 weeks na akong delayed! Ni hindi ko manlang 'yon napansin! Nabalik lang ako sa realidad nang bigla akong sikuhin ni Krizzy. "Ano nga? Meron ka?" tanong niya. Si Krizzy ay isa sa mga kaibigan ko. Bukod kay Angela, siya ang madalas kong kasama. No'ng nagpunta ako sa bar ay naroon din siya. Umiling ako. "Wala pa 'ko, teka bakit nga pala kayo nandito?" pagiiba ko sa usapan. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti. "Yayayain ka sana naming mag meryenda sa labas eh, tsaka may sasabihin kami sayo, I mean balita pala." Hmmm tungkol naman kaya saan? Balita ba talaga 'yon o chismis? "Tungkol saan 'yang ibabalita niyo? Siguruduhin niyo lang na hindi 'yan aksaya sa oras ah," sabi ko pa habang nakangiwi. "Hindi, so ano game?" si Angela. Bumuntong hininga ako bago tumango. Nagapir pa ang dalawa nang makumpirma ang pagpayag ko. Bumalik ako sandali sa opisina ko para kuhain ang ilang gamit ko. Matapos 'yon lumabas na kami sa parking, ginamit namin 'yong sasakyan ni Krizzy. Habang nasa byahe, panay lang ang kwento nila tungkol sa mga pinuntahan nila no'ng nakaraan. Hindi naman ako makarelate kasi hindi ako nakasama. Natigil lang sila sa pagkekwento nang huminto kami sa tapat ng Contis. Nang makahanap ng mauupuan ay kinuha na namin ang menu. Ilang sandali pa ay nilapitan na kami no'ng waiter. "What's your order Ma'am?" tanong ng waiter sa aming tatlo nina Angela at Krizzy. "Blueberry cheesecake sa akin," sagot ni Angela bago isinara ang menu na hawak. Binalingan naman ako ng waiter. "Chocolate cake naman sa akin," sagot ko sabay ngiti. "Ube cake sa kin," sagot ni Krizzy sabay sulyap doon sa waiter. "Drinks Ma'am?" tanong no'ng waiter habang ang paningin ay na kay Krizzy. "Coffee nalang," maarteng tugon ni Krizzy. Iling iling kami ni Angela habang nakatingin sa kanya. Gosh, kahit saan ay lumalandi siya! Ano ba naman 'yan! Nang mawala ang waiter sa paningin namin ay kinurot ni Angela si Krizzy. "Napakalandi mong babaita ka," naiiling na ani Angela. Ngumuso si Krizzy. "Hindi mo kasi ako naiintindihan." Tumaas ang kilay ni Angela. "Anong hindi naiintindihan ang sinasabi mo dyan?" "Ikaw kasi may boyfriend ka, ako wala." Pinagkrus ni Krizzy ang parehong braso saka pabuntong hiningang sumandal sa kanyang inuupuang silya. "So ano na 'yong ibabalita niyo?" tanong ko, para naman matigil na sila sa pagtatalo. Hindi naman kasi kami pumunta rito para lang panoorin ko silang magtalo! Ngumisi si Angela. "Tungkol kay ano..." Nangunot ang noo ko. "Ano?" "Nakita namin si Sam last week," sagot niya. Hindi na ako nagulat doon. Kahit ako e, nakita ko rin siya last time, actually hindi nga lang siya 'di ba? Pati si Fey? "Nakita ko rin sila ni Fey sa hospital," walang kagana gana kong sagot saka uminom ng tubig. Nanlaki ang mata nilang pareho saka tumitig sa akin. "Hindi nga?" Tumango ako. "Oo nga." "Bakit nasa hospital?" tanong ni Krizzy. "Buntis si Fey, si Sam ang ama," diretso kong sinabi. Nanlaki na naman ang mata nilang dalawa. Parang hindi makapaniwala sa nabalitaan. Akala ko ba sila 'yong may ibabalita pero parang ako pa ang nagbalita sa kanila tsk. "E, okay ka lang?" mukhang nagalangan pa si Angela na itanong 'yon sa akin. Nginitian ko sila. "Of course, bakit hindi?" "Grabe, nakamove on kana talaga." Ngumisi ako. "Oo naman, isa pa hindi naman kawalan si Sam, marami pang iba dyan." "Tama marami pang IBA dyan." Ngumiti ng nakakaloko si Angela. "Si Calix Fontanilla ba 'yon?" para akong nataranta ng marinig ang sinabi ni Krizzy. Kaagad kong nilingon ang direksyon na tinitignan ng aking kaibigan. Nanlaki pa ang mata ko nang makumpirmang si Calix nga ang lalaking nandoon sa may entrance. "Hala anong ginagawa niya rito?" aligagang tanong ni Krizzy. Mabilis niyang kinuha ang foundation sa loob ng kanyang bag saka inayos ang sarili. "Bakit ka nagaayos dyan?" masungit na tanong ni Angela. "Duh! Si Calix 'yon e, sino bang hindi nangarap na mapansin niya?" "Kay Keshia na si Calix," ani Angela na ikinagulat ko. Medyo napalakas ang pagkakasabi niya no'n kaya impossibleng hindi narinig ni Calix! Sa hiya ay tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking parehong palad. "Omo! Palapit na siya!" tili ni Krizzy pero hindi ko nalang pinansin. Nanatili ang aking palad sa aking mukha. Nahihiya talaga ako! Baka kung ano ng iniisip ng lalaking 'to sa akin! "Kesh, nasa harap mo siya," bulong ni Angela. "Tigilan mo ako," agap ko. Nanlaki ang mata ko nang biglang may nag-alis ng palad ko sa aking mukha. Pagtingin ko, it was Calix! Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. "Why are you covering your face?" Hindi ako nakasagot, ang dalawa kong katabi ay para ng ewan sa aking tabi, dinig na dinig ko ang kanilang bulungan. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kilig na nararamdaman ni Krizzy. Naupo si Calix sa tabi ko. "Buti nalang nakita kita, dito nalang ako makikitable ah?" paalam niya. Para akong tanga na tumango. Dumating ang order namin at wala na ni isa sa amin ang nagsalita. "Kagagaling ko lang pala sa kumpanya niyo." Natigil ako sa pagkain nang sabihin 'yon ni Calix. "Oh, sige." Iyon lang ang isinagot ko dahil wala naman akong alam sa business na 'yan at ayoko ring alamin. Wala akong balak! Okay na ako sa propesyon ko ngayon. "By the way, are you free next next week?" bigla ay tanong niya. Nahuli ko ang panlalaki ng mata ng dalawa kong kaibigan. "Why?" kaswal kong tanong. "Ikakasal na sina Creed at Dauntiella, they wanted us to be there," sagot niya at inilabas sa bulsa ang isang napakagandang imbitasyon. "Really?" gulat kong tanong. Ngumiti siya saka tumango. "Yes, pinabibigay pala 'to ni Creed, ibigay ko raw sa 'yo, buti nalang pala at nakita kita rito." Inilapag niya sa lamesa 'yong invitation. Kinuha ko 'yon at tinignan. Natuptop ko pa ang bibig nang makita kung saan gaganapin ang kasal. The wedding will be held in London! "Sa London sila ikakasal?" tanong ko, ang paningin ay nasa imbistasyon pa rin. "Yes, the wedding will be huge and grand, maraming tao ang dadalo," dagdag pa niya. Ngumuso ako. "Nahihiya akong pumunta." "Why?" "Eh syempre puro sikat ang nandoon." "Kasama mo naman ako." "Oo nga pala pupunta ka rin." "So ano? Sasama ka? Sabihan mo ako para sabay na tayo." "I'll check my sched, sasabihan nalang kita." Itinago ko na sa bag ko 'yong invitation. "Sure, I'll wait." Natapos kaming magmeryenda. Sabay kaming lumabas nina Calix. He even paid for our orders, tuloy ay nahiya na naman ako. Dumarami na ang atraso ko sa lalaking 'to! We are about to go to the opposite direction when Calix called me. "Keshia." Nilingon ko siya. "Why?" Ngumiti siya at lumapit sa amin. Binalingan niya ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay napakalapad na naman ng ngiti. "Pwede bang sa akin na muna sumabay si Keshia?" tanong ni Calix kina Krizzy at Angela. Mabilis na nagsitanguan ang mga kaibigan ko. "Sure, sige lang walang problema," sabay nilang sagot. Natawa si Calix bago ako iginiya palapit sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "Thanks," sabi ko bago niya isara ang pinto ng shotgun seat. "Kesh..." aniya nang makapasok sa driver's seat. "Hmm?" "I need to tell you something." Wala pa man siyang sinasabi ay nakaramdam na ako ng kaba. Ano kayang sasabihin niya? Good kaya o Bad? ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD