Chapter 3
"That's all, may tanong ba kayo Keshia at Calix?" tanong ni Daddy, nagpapalit palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Calix.
Natapos ang meeting at discussion nila na wala akong naintindihan miski isa. Kahit anong pilit ko, hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto nila. Dinadaan daan pa nila sa mga presentation. If they want to tell us something, sabihin nalang nila ng diretsahan, hindi 'yong ganito na para akong nanghuhula at nangangapa sa isang tabi.
As for Calix, he's a businessman kaya paniguradong alam na alam niya ang mga ganitong bagay. Balita ko nga'y siya ang nagpalago ng kanilang business. Ilang magkakasunod na deals ang naiclose niya recently. Aaminin ko, humanga ako sa kanya no'ng nalaman ko 'yon, pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko na siya.
Marami pa akong bagay na hindi alam sa taong 'to kaya dapat magingat ingat ako. Baka mamaya'y siya pa ang maglaglag sa akin kina Daddy at Mommy. Kailangan ko pa ring mag-ingat. Wala ng pwedeng makaalam ng tungkol sa nangyari sa amin.
"I don't have questions," sagot ni Calix sabay ngiti.
Binalingan ako ni Daddy. "How about you Keshia?"
Sa isip isip ko'y ilang beses ko ng namura ang sarili. Wala akong naintindihan sa mga 'yon kaya ano pa ang maiisip kong itanong? Baka mapahiya ko lang lalo ang sarili ko eh, tama na 'yong kahihiyan kanina. Hindi na dapat masundan 'yon.
Mabilis akong umiling. "I don't have any Dad."
"Okay then," aniya at binalingan na ang mga bisita.
Nanatili ako sa aking upuan habang panay usap sina Daddy sa isang tabi. Tsk, akala ko ba'y tapos na? Bakit parang hindi pa sila tapos magusap?
Hindi ko na lamang sila pinansin, inabala ko ang sarili sa pagkalikot sa aking cellphone. Panay lang ang scroll ko sa aking feed, hanggang sa may nakita akong picture online.
Dauntiella Lee is marrying Creed De La Vega for the second time?
Natuptop ko ang sariling bibig at pinakatitigan ang litrato ng babae at lalaki sa article. Omg! Totoo ba 'tong nakikita ko? Kasi kung oo masayang masaya ako para kay Ella, sa kanila ni Creed. Kasi sa kabila nang mga pinagdaanan nila ay sa simbahan pa rin ang tuloy nila.
Last time, umiiyak lang si Creed sa bar kasama namin, pero kita mo naman ngayon, magpapakasal na sila.
"Nakita mo na rin pala 'yan," napahawak ako sa aking dibdib sa gulat.
Paano ba naman kasi! Bigla bigla nalang pupunta itong si Calix sa may likuran ko, may pagbulong pang nalalaman!
Natawa siya at inangat ang kamay kong may hawak ng phone. Tuloy ay hawak niya rin ang kamay ko. Ano nalang ang iisipin ng mga magulang namin?! Hindi naman malabong hindi nila 'to makita, kahit naman kasi abala sila sa paguusap, alam kong malakas ang pakiramdam nila sa mga ganitong bagay.
Sinubukan kong gumalaw pero pinigilan niya ako.
"Shh, stay still, tinitignan ko pa," bulong niya.
Ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't isa! Ano ba naman 'yan, ang awkward naman ng posisyon namin.
Ngumiwi ako. "Hindi mo pa ba 'yan nakikita?"
Umiling siya, binitiwan na niya ang kamay ko. "I've heard the news pero ngayon ko palang nakita ang mga pictures," sagot niya at naupo sa upuan na katabi ng sa akin.
"Hindi ka ba sinabihan ng kaibigan mo?"
"Wala siyang nabanggit sa akin na kasal sila at magpapakasal ulit," sagot niya at ngumisi. "That man, sinundan talaga niya."
"Natural, mahal niya," komento ko.
Gano'n naman kasi talaga 'di ba? Kapag mahal mo, gagawin mo lahat, susundan mo siya kahit saan pa siya magpunta. Pero mukhang hindi 'yon maiintindihan ni Calix, dahil gaya nga ng sabi ni Creed no'ng nakaraan, hindi pa ito naiinlove.
Sa edad niyang 'yan? Hindi ko tuloy maiwasang kwestyunin siya, I mean 'yong iba nga dyan, high school o college palang naranasan na 'yan e, tapos siya? May trabaho na't lahat lahat wala kahit isa? Pafling fling lang gano'n?
"What are you thinking?" tanong niya bigla.
Napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin ngayon. "Talaga bang hindi ka pa naiinlove?" matapang kong tanong.
Nangunot ang kanyang noo, maya maya'y natawa rin. "I haven't," sagot niya.
Tumaas ang isa kong kilay. "Sa edad mong 'yan hindi pa?" tanong ko na naman.
"Hindi pa nga, why are you so curious about my love life anyway?" tanong niya at inilapit na naman ang mukha sa akin.
Bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya pero gano'n kabilis niyang inilagay sa magkabilang gilid ng upuan ang mga braso niya.
Nakagat ko ang ibabang labi tsaka tumitig sa mga mata niya. "Nagtataka lang kasi talaga ako," pag-amin ko.
Natawa na naman siya, nagawa niya pang dilaan mismo sa harap ko ang kanyang ibabang labi. Tuloy ay napaiwas ako ng tingin.
Shit naalala ko na naman! Naalala ko kung paano niya akong hinalikan no'ng gabing 'yon, tandang tanda ko rin kung gaano kalambot ang labi niya, kung paano ko rin 'yong pinanggigilan at paulit ulit na hinalikan.
"Gusto mo ako?" bigla ay tanong niya.
Nanlaki ang mata ko tsaka siya muling tinignan. "What?"
"Gusto mo ako?" paguulit niya sa tanong kanina.
Mabilis akong umiling. "No!"
"Hmm, let's see about that," aniya sabay kindat.
Matapos 'yon ay nagpunta ulit ako ng bar. That man is giving me a headache! Akala ko'y matapos ang gabing 'yon ay hindi na kami magkikita pa pero kita mo nga naman, mukhang mapapadalas pa 'yon lalo na at kasosyo na namin sila sa business.
Sa dinami rami naman kasi ng pwedeng makasosyo bakit ang pamilya pa nila? Wala na bang iba? Sila talaga? Final na 'yon?
Idagdag mo pa si Fey at Sam na nakita ko sa hospital! Nako, kay liit talaga ng mundo.
Inis akong bumuga ng hangin bago ulit umorder ng maiinom. Alam kong dapat hindi ako nagiinom dahil may duty pa ako bukas, pero sa tingin ko, kailangan ko ito ngayon! I badly need a drink! Nafufrustrate ako sa nangyayari. Calix is not an ordinary guy, he's not someone na madali kong matatakasan!
"You're drinking...again." Mariin akong pumikit matapos marinig ang boses na 'yon! Bakit ba nandito na naman siya?
Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-inom. Narinig ko pa siyang natawa bago naupo sa tabi ko. Gaya ko, umorder din siya ng maiinom. Nang sulyapan ko siya ay mukhang may malalim siyang iniisip. Sunod sunod ba naman niyang nilagok ang laman ng mga baso eh.
Nilingon niya ako, kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko at ibinalik nalang ang atensyon sa iniinom.
"Nainlove kana ba?" tanong niya na ikinagulat ko.
Natigilan ako at dahan dahang lumingon sa kanya.
"Your eyes says it all," nakangisi niyang sinabi.
Tumaas ang isa kong kilay. "Pero wala pa akong nagiging boyfriend," pag-amin ko.
"Really?"
Bakit parang hindi siya makapaniwala?
"Oo."
"Bakit?"
Mapakla akong ngumiti. "I don't have time for that."
"Hmm."
"How about you?"
"I don't believe in love, para sa akin lahat may katapusan."
"Paano mo nasabi kung hindi mo pa naman pala nasusubukan?"
Nagkibit balikat siya. Calix and I spent the night talking. For the second time, naenjoy namin ang company ng isa't isa. Sa sobrang lalim ng paguusap namin, hindi na namin namalayan ang oras. Inabot na kami ng madaling araw! Gosh may duty pa ako bukas!
Mabilis akong tumayo at lumabas ng bar. Medyo tinamaan na ako pero pinilit kong maglakad ng maayos. Tatawid na sana ako nang biglang may humila sa akin. Paglingon ko, it was Calix!
"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, may dadaan na sasakyan oh." Isinenyas niya 'yong kotse na dumaan.
Napalunok ako at napatitig sa kanya. Nanatili akong gano'n ng ilang segundo bago tuluyang lumayo sa kanya. Pumunta ako sa parking at hinanap ang kotse ko pero wala ito roon! Damn it! Nasaan 'yon?
Inis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa saka tinawagan si Mommy. Matapos ang ilang rings, sinagot niya rin naman ito.
[Keshia, what is it?]
"My car is gone! Where is it?"
[Ipinakuha ko kanina, bakit?]
I gritted my teeth in irritation! Pinakuha niya kanina ng hindi sinasabi sa akin! Paano ako uuwi kung gano'n? Ano bang pumasok sa isip ni Mommy at ginawa niya 'yon?
"Bakit mo pinakuha Mom? Anong sasakyan ko pauwi?" hindi ko na naitago sa boses ko ang inis.
[Sumabay ka kay Calix, I heard nandyan siya—]
Hindi ko na pinatapos si Mommy, basta ko nalang ibinaba ang tawag.
Oo nga naman, bakit ba hindi ko 'yon naisip? Ipinakuha niya ang sasakyan ko para sumabay ako kay Calix! The f**k is that? Nasa matinong pagiisip pa ba ang nanay ko?
"Where's your car?" tanong ni Calix mula sa aking likuran.
Nilingon ko siya. "Ipinakuha ni Mommy!"
Nangunot ang noo niya. "Why did she do that?"
"Syempre para sumabay ako sa 'yo." Pinandilatan ko siya.
Naitaas niya ang parehong kamay. "Chill, don't worry ihahatid na kita."
"Hindi na." Pigil ko ng akmang pupunta na siya sa kanyang sasakyan.
"Bakit?"
"Magtataxi nalang ako."
"No, ihahatid kita." Lumapit siya sa akin at basta nalang akong kinaladkad. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat at pilit akong pinasakay roon.
"I can go home, magtataxi na nga lang ako," sabi ko nang makasakay siya sa driver's seat.
"Hindi kita hahayaang magtaxi sa ganyang lagay."
"At bakit?"
"Baka mapagsamantalahan ka."
"Tss, no'ng may nangyari nga sa atin hindi ka naman nagalala," bulong ko.
"Parehas natin 'yong ginusto," aniya bago tuluyang paandarin ang kanyang sasakyan.
Narinig niya 'yong sinabi ko! Gosh Keshia, nakakahiya ka!
~to be continued~