Hindi ko alam kung gumaan ba o nanikip ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagkalat ng balitang magkarelasyon na sina Emma at Linus. I feel like I have been punched in my stomach. Ako ang tumulak sa kanya na gawin ito pero parang ako ang mas nasaktan ngayon. Halos araw araw usap usapan kung gaano sila kabagay sa isa't isa. Hindi katulad noong kami pa. Pakiramdam ko mayroon pumipilipit sa puso ko sa tuwing makakarinig ako ng papuri para sa kanila. Nahihirapan na akong ibalik sa normal ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakakasalamuha siya. Hindi siya umiwas pagkatapos ng pag-uusap namin sa bahay. Sa halip na iwasan ako ay ipinapakita niya pa sa akin kung paano siya maging boyfriend ni Emma. Madalas niya itong halikan sa leeg katulad nang ginagawa niya noon sa akin. Katulad nga ng sinabi niya

