"Stay back, Jerson!" Hindi ko maiwasan na tumingin kung saan naglalaro sila Linus nang mangibabaw ang boses niya. Nasa kalaban ang bola at umalis sa pwesto ang goalkeeper kaya't sinigawan niya. Hindi na siya sumasama kahit kanino pa sa mga kaibigan ko. Madalas niyang kasama ang mga ka-team niya sa soccer. Palagi ko silang natatanaw na nagpapractice at sa tuwing makikita ko siya ay madalas niyang kasama sa grupo sina Emma at Elliot. Nakikita ko rin na minsan kasama nila sina Maica at Devi. Mukhang ayos naman siya dahil madalas ko siyang makita sa mga bagong circle of friends niya na nakikipagtawanan. It was Emma who told him about the bet. Minsan lang na napag-usapan nina Caleb at Cara. Hindi nila alam na may iba pa lang nakarinig sa kanila. Inaamin ko na na-challenge ako dahil iba siya

