Lumabas si Blair pagkatapos ng mga sinabi niya. Sabi ko kay Liam, last na. Magagalit iyon kapag nakita akong umiyak na naman. Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang kalmahin ang sarili ko. Nag-ayos ulit ako hangga't hindi pa ako tinatawag. Pagkalabas ko sa stage, wala nang bakas ng luha sa mga pisngi ko. Nakangiti ako. Nang madaanan ko si Blair, matamis akong ngumiti sa kaniya. Hindi mababakas sa akin ang pagiging apektado ko sa mga sinabi niya sa akin sa loob. Nakita ko kung paano bumalatay sa kaniyang mga mata ang galit nang makitang nakangiti ako. Hindi niya matanggap na sa kabila ng mga sinabi niya, hindi niya ako napalabas na basag. Kung ano ang ayaw niyang makita, iyon ang ipapakita ko sa kaniya. "Salamat... Thank you..." Paulit-ulit kong sinasabi sa mga modelo na sumalubon

