INTOXICATED LOVE 33

5000 Words

"Ang dalas yatang sumama ng boyfriend ni Blair ngayon?" Nakay Linus ang tingin ni Mimi. May pagtataka sa mukha niya na nahahaluan ng kilig. Kausap ko si Liam sa telepono dahil malapit na siya. Sasamahan niya raw ako at handang maging alalay ko bago ang alis niya. Galing siya sa isang meeting na pinapuntahan ng Papa niya. Pinapabalik siya nito sa L.A dahil kailangan siya ng Papa niya bilang katuwang sa negosyo nila doon. Kabababa ko lang sa tawag nang marinig ko ang sinabi ni Mimi. Kuryuso akong lumapit sakanya upang walang makarinig sa pinag-uusapan namin. "Bakit? Hindi ba siya palaging nakadikit kay Blair?" Kunwaring wala lang na tanong ko. Nagawa ko pang ayusin ang bulldog clips na nakaipit sa suot niyang gown sa bandang likuran. Susuotin niya kasi ito sa pictorial. Kaya lang, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD