"Sa bahay ka na tumira." Dito na rin siya nag-office sa opisina ko. Pinagkakasya niya ang sarili sa maliit na couch ngayon. Ang kaniyang laptop ay nakapatong sa center table. Bahagya siyang nakayuko dahil masyadong mababa ang center table ko dito sa opisina kumpara sa opisina niya. Sobrang tangkad pa naman niya. Nag-mukha tuloy laruan ng bata ang mga gamit ko dito sa opisina. "May bahay ako—" "Bahay ng kaibigan mo iyon, Sadie," kahit hindi ko siya lingunin halata sa boses niya ang irita. "Bahay ko na rin iyon dahil doon ako nakatira—" "Kaya nga lumipat ka sa bahay ko dahil bahay mo na rin iyon. Ilang floor lang mula sa unit ng kaibigan mo. Hindi ka naman mahihirapan na lumipat kaya bakit ang hilig mo akong tanggihan?" Umiling ako at nagbuntong hininga. Duda pa rin kasi ako. Parang hi

