TWO
After eating, we decided to head to our next class. Kasama ko sina Marco at Caleb sa subject na ito. Sa tuwing naglalakad talaga kaming magkakasama’y palaging agaw pansin sa mata ng mga estudyante. Sa itsura pa lang nitong dalawang kasama ko, hindi na mabilang ang leeg ng mga babaeng halos mabali na sa paglingon. Isama pa ako na sinusundan din ng mata ng mga kalalakihan.
Si Caleb ang nagbukas ng pintuan ng classroom, pangalawa akong pumasok at sa likuran ko ay si Marco. Our classmates' eyes are all on us as usual. Hindi kami late at kasisimula pa lamang ng pasukan kaya’t hindi pa mahigpit at wala pang parusa para sa mga late. Ngunit ang mga estudyante, pagkapasok palang namin, sa amin na natutok ang mga mata.
Alam kong nakatitig sa akin ang partikular na pares na kulay asul na mga mata ngunit nagkunwari ako na hindi ko siya nakita. Ito 'yung lalaki sa canteen kanina. Kaklase ko pala siya? Napangisi ako’t binalot ng excite sa katawan. Mukhang masaya ito. May mapaglilibangan ako’t hindi aantukin. Mukhang magkakaroon din ako ng dahilan para hindi mag-cutting sa subject na ito.
"Are you going to sit somewhere?" Si Marco nang mapansing bumagal ako at paunahin ko siya sa paglalakad.
Umikot ang leeg ni Caleb para lingunin ako. “Cutting class? Paabutin mo muna ng isang buwan!”
Inirapan ko siya nang humalakhak siya. Dinig ang tudyo niya sa akin sa buong classroom. Umiling si Marco. Nanguna siya at iniwan kaming dalawa ni Caleb.
"Mind your own f*****g business or else I’ll kick your ass out from our group!" Pabulong kong singhal. Nang matanto niya kung saan ako paupo'y nakangising napailing na lang siya.
Our group usually sat at the back. Tatlo man kami o buong grupo, sa likuran kami umuupo. Mukhang alam din iyon ng mga estudyante dahil hinahayaan na bakante para sa amin iyon. But instead of sitting beside my friends today, I sat beside him, next to this weird guy. Katabi nito ang babae na madalas daw nitong kasama ayon kay Caleb. Gulat ang lalaki na napalingon sa akin pagkaupo ko sa tabi niya.
Ako, pasimpleng inaayos ang mga gamit sa bag. Ramdam kong nakatitig siya sa akin. Subalit nang mag-angat ako nang mukha, nag-iwas siya. Patagong umangat ang gilid ng labi ko at natawa sa loob-loob ko. Oh, so he's that kind of guy that's hard to get. Hindi ba marunong mag-flirt ito? Halata naman sa kilos at pamumula niya na type niya ako. Napangisi ako sa aking sarili. Tingnan natin kung magpa-hard to get ka pa rin pagkatapos ng mga makamundong balak kong gawin sa ‘yo.
"Eyes on the board! Are you all listening?" Angil nang prof. I mentally rolled my eyes because I'm one of those who don't listen.
Naka-pokus ako sa ibang bagay. Magkadikit kasi ang mga upuan namin. Kaunting galaw ko lang ay maaari kaming magdikit. Ipinatong ko ang aking isang siko sa desk at nakangusong nagpangalumbaba. Ang isa ko pang kamay ay nakapatong din sa desk, nilalaro sa aking mga daliri ang ballpen habang nakatingin sa harapan kung nasaan ang nagdi-discuss na guro.
Nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Gustong-gusto ko talagang matawa ngunit sa halip ay naisipan ko na lang na tuksuhin siya.
I heard him gasp when I bit my lower lip like I'm seducing someone in front of me. Napangisi ako habang kagat ang labi at parang hindi ko na kayang magpigil ng halakhak. Wala sa harapan ang atensyon ko at nasa kaniya lang kahit hindi ako sa kaniya nakatingin.
Hindi ako nakikinig sa nagdi-discuss. Kahit nga ang isinusulat nito sa black board ay hindi ko binabasa. Kaya naman nang tawagin ako nang prof na nasa harapa’y muntikan na akong mapatalon. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko at nagkarambulan ang mga ugat sa utak ko. Matalino ako sa ibang bagay lalo na sa kalokohan, pero hindi sa pag-aaral. Mas gugustuhin ko pang yumukyok at matulog sa desk kaysa makinig sa guro na nagsasalita.
"Yes, ma'am?" Mabait at nakangiting tanong ko kahit na ang totoo ay sobra na akong badtrip dahil sa dinami-rami ng estudyante niya'y ako pa ang tinawag niya.
"Let’s see if you’re listening and not daydreaming, Miss Collins. Can you answer this question here?" Masungit na nakataas ang kilay nito.
Nakakota na ako ng mura sa kaniya sa aking isipan dahil alam niyang wala akong isasagot pero tinatanong pa niya ako. Bakit ba madalas tawagin ng mga guro ay ang mga estudyanteng mukhang hindi nakikinig sa kanila? Kung may tanong siya na gustong masagot ng estudyante, hindi ba't mas convenient kung ang estudyanteng nakikinig at alam ang sagot ang tatanungin niya?
"This question. Answer this, Miss Collins."
Pinigilan kong umirap sa harapan niya. f*****g f**k! Hindi ko alam kung ano ang dini-discuss niya!
Nagbuntong-hininga ako at nagdesisyon na aminin na hindi ako nakikinig. Ngunit bago ko pa masabi sa guro'y napansin ko na ang nalaglag na papel sa aking paanan. Saglit ko lang na tinitigan iyon bago ko natanto kung ano. This is a piece of paper with a written question and answer. At ito ang itinatanong ni Mrs. f*****g Martinez ngayon!
I looked at him and saw that he had a shy and small smile on his lips. Dalawang beses akong napakurap bago nagawang sagutin ang guro na nasa harapan. Pinanliitan ako ng guro ng mga mata dahil nakasagot ako subalit kalaunan ay nagpatuloy ulit ito sa pagtuturo. Nagkibit-balikat ako. Tinanong niya ako ‘tapos nang sinagot ko ayaw maniwala na nasagot ko? Hindi ko maintindihan ang mga matatanda ngayon.
Pagkaupo ko'y pinulot ko ang papel na hinulog niya at nilukot iyon. Maganda ang sulat kamay niya at malinis. Naiiba sa sulat ko na laging nagmamadali at parang kinahig ng manok. Napalabi ako at nilingon siya. Akalain mong itong mukhang bayani na ito'y naging hero ko ngayon?
"Hi! Thank you for that! By the way, I'm Sadie Artemisia Collins!"
Napatitig siya sa inilahad kong kamay at parang nagdadalawang isip na abutin iyon. Lalo kong inilapit sa kaniya ang kamay. Nakatitig siya sa mga mata ko. Nang taasan ko siya ng kilay, doon pa lang niya inabot ang kamay ko.
"Linus Rafiel Alejo." Pakilala niya.
Kusang nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok pagkarinig ko sa malalim at matigas na boses niya. May kagaspangan din ang mga kamay niya. Mukha naman siyang anak mayaman pero parang batak na batak ang katawan at parang maraming ginagawang trabaho ang mga kamay.
Pinisil ko ang kaniyang kamay at matamis ko siyang nginitian katulad sa tuwing inaakit ko ang mga lalaking pinaglalaruan. Pinamulahan siya kaya't nagtaka ako. He reacts like a virgin. Maybe he's one of those rare virgin men? Kadalasan kapag ganitong nanguna ang babae, nakikipaglandian na ang mga lalaki. Siya, nasa itsura niya na lalo siyang nahiya at tumiklop. May kung anong nagdiriwang sa dibdib ko dahil sa hindi niya pagbitaw sa aking kamay. He was embarrassed but couldn’t let go of my hand.
"Linus, we’re done shaking hands. You can let go of my hand now," malambing ang boses ko.
Napatingin siya sa magkahawak pa rin na mga kamay namin. Bahagyang lumaki ang kanyang mata. Para siyang napaso at mabilis akong nabitawan. Yumuko siya. He murmured I'm sorry and then he looked away. Lumiyad ako at hinabol ng tingin ang mukha niya.
"Are you sick? Your face is red," maarte at kunwaring nag-aalala na tanong ko.
Hinawakan ko pa ang pisngi niya na lalo niyang ikinapula. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Bakit ang cute niya? Ang laking tao ngunit ang bilis mamula.
"No. I'm not sick. Don't worry," he said using his small voice.
I pouted. Who said I'm worried?
"Do you want to come with me after class? I can treat you lunch and your girlfriend," I asked meaningfully, searching for answer if he's in a relationship with this girl.
I was almost startled when he suddenly looked at me and shook his head.
"She's not my girlfriend. She's my friend, Luna.” He explained immediately as if he doesn't want me to think that he's in a relationship.
"Oh? Hi there, Luna!" I greeted her even though I'm not interested no matter who she is.
She smiled sweetly and greeted me back. I shrugged my shoulders and thought that she might be friendly. Baka puwede kong ilakad kay Caleb.
"You two are new here, right? You can come with me if you want. I'll introduce you to my friends.” I'm smiling in front of them like an idiot just to look sweet and sincere.
Nagtinginan sila. Pagkaraan, sabay silang tumango. Matapos ang klase'y niyaya ko sila sa cafe kung nasaan ang mga kaibigan ko na gaya naming may vacant time pagkatapos ng isang subject. Ipinakilala ko sila at sabay-sabay na kumuha ng pagkain.
Katabi ni Linus si Luna sa kabilang side ng lamesa. Si Caleb naman ay nasa tabi ni Luna. Katapat ko si Linus. Napagigitnaan ako nina Cara at Aston. Si Seth at Marco ay nasa magkabilang dulo ng lamesa. I ordered creamy carbonara with garlic bread and mango juice. Panaka-naka kong nasusulyapan si Linus na napapa-angat ng tingin sa akin. Especially on my lips every time I licked it to clean the excess sauce of carbonara. Sinadya ko ang lumagpas na sauce ng burger sa canteen pero hindi ito. It's not intentional but I like the way his eyes follow my lips and tongue.
The way he glances, I can feel that he wants to kiss me. Kahit ang mga ganitong mahiyain na lalaki pala'y madali kong naaakit. Just one lick and he’s mine. Lalo tuloy akong natuwa at nasabik sa kalalabasan ng mga gusto kong gawin sa kanya. I’m excited to tease him. Touch him. Kiss him.
I smirked at him then looked at his lips for my eyes to convey that we're mutual. That I want to kiss him too. Nakita niyang nakatitig ako sa mga labi niya. Napainom siya ng tubig at parang nahirapang lunukin ang kinakain. Nakatitig siya sa mga mata ko at nangungusap ang mga mata kung ano ang gusto kong gawin sa mga labi niya at kung bakit ganito ako tumingin. Walang salitang malandi kong dinilaan ang aking labi habang nakatitig pa rin sa mga labi niya na para bang nalalasahan ko ang labi niya sa sarili kong labi. Napakurap siya sa aking ginawa. Namula ang tenga niya at mabilis na nagbaba ng tingin sa pagkain niya.
Napangisi ako at napabaling sa gawi ni Marco na inilingan lamang ako. He saw what I did. He witnessed how I silently tempt and flirt with the innocent man in front of me. Hindi sila sang-ayon ni Seth sa gusto kong gawin. Siguro’y dahil nakikita nilang inosente 'tong isang ito at mukhang kahit halik hindi pa nakakatikim. Kilala nila ako. Alam nila na naglalaro lang ako at masasaktan ko ang lalaki na ito kapag natapos na akong makipaglaro.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa field at nanood ng mga naglalaro ng soccer. Umupo ako sa tabi ng puno at sumandal doon. Ang iba ay nasa magkabilang stone bench. Kausap ni Luna si Caleb na mukhang pumoporma na. Si Aston, tahimik lang na nakatayo sa gilid nila Cara habang nagmamasid din sa kalakhan ng field.
Nagulat ako na may halong pagbubunyi nang magawang lumapit ni Linus sa pwesto ko. Tumayo siya sa gilid ng puno na kinaroroonan ko at sumandal ng patagilid habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Nagsuot ako ng earphone at pumili ng magandang kanta sa phone. Tiningala ko si Linus na nasa malapit sa akin at tinapik ang tabi kong damuhan.
"Come here. Sit beside me."
Para siyang laging nagugulantang sa tuwing tinatawag ko. Parang ang sarap niyang halikan para mas magulantang siyang lalo. Natawa ako sa naisip. Nang sundin niya ako'y umusog ako palapit sa kanya hanggang sa magtama ang mga balikat namin.
Ang isang earphone ko ay inilagay ko sa kanyang tenga. Ang isa ay nasa akin. Patagilid akong humilig upang ibigay ang kaunting bigat sa balikat niya. Ang likod ng ulo ko nama’y isinandal ko sa punong kinasasandalan naming dalawa. It's like I'm his clingy girlfriend who leans on him, and he's my lover who lets me do what I want. Pumikit ako at ngumiti. I know he's staring at me, so I pretended to be sleepy and slowly dropped my head on his shoulder.
"Don't move. I'm gonna sleep.”
Hindi ako inaantok kanina subalit nang masandal ang ulo ko sa balikat niya'y hindi ko mapigilang makaramdam ng antok. He didn't stop me from leaning on him and didn't shrug my head. Sa halip na sawayin ako ay inayos niya pa ang ulo ko upang hindi iyon mahulog sa balikat niya't kumilos paharap ng kaunti sa akin. Naramdaman kong inilagay niya ang kanyang isang kamay sa likod ko bilang suporta upang mas mai-ayos ang halos pahiga ko nang puwesto sa katawan niya.
I secretly gritted my teeth when I realized that we look like a couple here. Kulang na lang ay yakapin niya ako o magyakapan kaming dalawa rito. Nagulat ako sa kilos niya pero hinayaan ko dahil mas naging komportable ako sa kanyang ginawa. Busy din naman silang lahat sa pag-uusap at panonood sa field kaya hindi kami masyadong napapansin.
“You can sleep freely if you’re sleepy.” Mahina ang boses niya ngunit malalim at papunta na sa paos.
I ignored the goosebumps I felt all over my body and instead hummed a sleepy moan. Isiniksik ko pa lalo ang aking ulo sa leeg niya. Ang bango niya. Amoy pinaghalong baby cologne at baby powder. Ang sarap niyang amuyin dahil hindi siya katulad ng ibang lalaki na matapang ang amoy. Nakakarelax ang kanyang amoy at parang dinuduyan ako at hinihila na matulog.