INTOXICATED LOVE 03

2095 Words
THREE Humikab ako nang magising. Sa field unang tumutok ang mga mata ko kung saan kaunti na lang ang mga tao. Wala na ring tao sa mga stone bench. Sandali akong natulala sa upuan bago naalala na tanaw ko ang likod ng mga kaibigan doon bago ako makatulog. Nasaan na sila? Hindi ko namalayan na totoong nakatulog ako. After I wondered where my friends were, I lifted my head to see if the guy next to me before I fell asleep was still here. Nandito nga siya. Nakapulupot ang braso niya sa likod at bewang ko. Nakapikit siya at nasa anyo na tulog din. Mabilis akong nakaramdam ng irita. Bakit hindi nila kami ginising at hinayaan kaming matulog ditong dalawa?! Sa halip na sumimangot ay napatitig ako sa katabi. Ang inosente ng mukha niya. He looks strong but there's something about him that softens his appearance. Matang mapupungay? Malambot na labi? Hindi ko alam. Pero mukha siyang maamong leon. Maaaring katakutan ang itsura dahil sa tikas niya ngunit maamo pala kapag nilapitan. Siguro’y naramdaman niya ang paggalaw ko at ang titig ko dahil dahan-dahan na dumilat ang mga mata niya. Mapupungay pa iyon galing sa pagtulog. Wala siyang reaksyon kahit nagtama ang tingin namin, malamang ay dahil kamumulat lang at hindi pa lumilinaw sa kanya kung nasaan siya. Ilang segundo pa bago umawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin, ngayon lamang natanto na nasa harapan niya ako at magkalapit ang mga mukha namin. “They’re really blue.” Hindi ko pinakawalan ang mata niya. Hinuli ko iyon gamit ang mga mata ko at pinakatitigan. They look like beautiful blue marbles inside a glossy crystal. “Yeah. They…they’re plain—” “It’s beautiful.” I cut him off. Naisara niya ang bibig niya at napalunok. Binaba ko ang aking mata upang tumitig sa kasasara niya lang na bibig. Muling umawang iyon nang madako doon ang mata ko. Para bang hirap siyang huminga dahilan na ilang pulgada lang ang nakapagitan sa mga mukha namin. Habang nakatitig sa nakaawang na labi niya’y napaawang din ang labi ko. I suddenly became thirsty and wanted to kiss him. Hindi na ako nag-isip. Tinawid ko ang pagitan namin at pinaglapat ang mga labi namin. The moment our lips unite, a satisfying sigh escaped my lips. Marahan ang una kong iginawad na halik. Hindi siya kumilos at parang nanigas sa ginawa ko, hindi alam ang gagawin. Kusang nagsara ang mga mata ko. With my eyes closed, I continued to give his startled lips a soft and sweet french kiss. Tama nga ako na malambot ang mga labi niya. The scent and taste of his mouth is a combination of fresh, sweet, and innocent like the smell of baby products. It’s like smelling like a baby is his body’s natural body-odor. May gigil kong kinagat ang kanyang malambot na ibabang labi bago bahagyang umatras at sabik na tinitigan siya sa mga mata. Halos pumikit na ang mga mata niya at hindi na maayos ang paghinga. “Kiss me back, Linus.” Paos na boses ang kumawala sa bibig ko. Nalasing yata ako nang matikman ang labi niya. "I...I don't know how..." Nalilito na salitan niyang tiningnan ang mga mata ko. Nauutal at wala sa sarili nang sumagot. Napatulala ako. I have a hunch that this man might be a virgin, but damn, am I his first kiss too? Totoo ba siya? May ganito pa ba talagang lalaki sa panahon ngayon? I stopped my smirk and swallowed the excitement I felt. "I'll lead you. Just open your mouth and follow my lips." Pinag-iinitan ako ng katawan at pakiramdam ko'y ako ang lalaki sa aming dalawa. Hindi ako ganito sa mga naging lalaki ko. Wala pang lumagpas bukod sa foreplay. Kay Linus, isang araw pa lang pero gusto ko na kaagad na lumagpas kami sa kaya kong ibigay. His innocence makes me excited and makes me want to teach him worldly things. Umangat ako upang pumuwesto sa ibabaw niya. Nasa magkabilang gilid na niya ang mga hita ko. Nakatitig lang siya sa akin habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang bewang ko. Ang harapan ng isang hita niya’y naramdaman kong dumikit sa aking pang-upo, habang ang isa niyang binti ay pinadulas niya pabagsak sa damuhan. Binigay ko ang bigat sa kandungan niya at tuluyang umupo. He’s staring and waiting, so without further ado, I leaned forward to kiss him. I gently sucked and bit his lower lip, he imitated me and did the same to my upper lip. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. I told him to follow the movement of my lips and that’s what he did. I lick his lips as a reward and to tease him. Inawang niya ang bibig niya at balak gayahin ang ginawa ko. Subalit bago pa niya madilaan ang labi ko’y inunahan ko siya. Sinunggaban ko siya, hinalikan, at pinasok ang aking dila sa nakabukas niyang bibig. Ramdam ko ang gulat niya dahilan ng paghigpit ng hawak niya sa bewang ko. Kumunot ang kanyang noo habang nakapikit at pilit na ginaya ang ginawa ko. His tongue fought with mine and a once upon a time sweet kiss turned wild. Nakadilat ako buong durasyon na hinahalikan ko siya. Pinagmamasdan ang pagkunot ng kanyang noo at pagbabago ng emosyon sa kanyang mukha. Nagsimula na siyang mamula at nagsimula na ring maghabol ng hininga. Nagulat ako dahil ang bilis niyang matuto at makasunod. Kung hindi ko lang alam na ako ang una niyang halik, aakalain ko na expert na siya sa ganitong bagay. Sa bawat paggalugad ng dila ko sa loob ng bibig niya'y naririnig ko ang pagtama ng hikaw ko sa dila sa kanyang ngipin. Ang tunog nito'y nakakadagdag init sa aking nararamdaman. Pumikit ako at mas ninamnam ang labi niya. His lips are so good I couldn’t stop. Kinuha ko ang isa niyang kamay at nilagay iyon sa ibabaw ng dibdib ko. His palm started to massage my breast like he understood his assignment. And when his fingers accidentally pinched my cloth-covered n****e, it made me moan. This is too much but I still feel like this is not enough. Nakukulangan pa ako! I rubbed my private part against him while we're still fully clothed and I moaned again when I felt him very hard. No doubt he’s aroused. Umungol siya sa muli kong paggalaw sa aking balakang. Nagmura ako sa isip dahil lalo akong nag-iinit sa ginawa niya. But f**k! We should stop! We're still inside the campus for f*****g sake! Pinilit kong tumigil sa ginagawa. Tumigil ako sa paghalik ngunit hinabol niya ang labi ko at hinalikan ako ng malalim. Mag-isa na ring gumagalaw ang labi niya at ni hindi na namalayan na huminto na ako. Nagmura ako sa isip at hindi na alam kung paano siyang patitigilin. Hinayaan ko siya sandali bago ako suminghap at gamit ang dalawang palad ay itinulak ko siya sa dibdib. Nahinto siya. Napatitig ako sa mapupungay niyang mga mata. Basa ang labi niya at sobrang pula. Nagtataka ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Why…why did you stop?" tanong niyang habol pa rin ang hininga. Ibinaba niya ang isang kamay niya na nasa batok ko at humimas ng taas-baba sa aking bewang. Kinikilabutan ako sa haplos niyang mayroon balak gawin. Naglikot na pala ang mga kamay niya. Hindi ko man lang nasundan ang mga hawak niya habang naghahalikan kami. "Linus, we're still inside the campus." I whispered, still drunk from our kisses seconds ago. Parang natauhan siya at napatingin sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata niya at pagkaharap sa akin ay nahihiyang humingi ng pasensya. Namumula na naman siya pero hindi mapigilang tingnan ang labi ko na para bang gusto niyang ituloy ang naputol na tensyon kahit nasa school kami. Umalis ako sa pagkakaupo sa ibabaw niya at bumalik sa dating puwesto. Pareho kaming nakaupo at nakasandal sa puno. Gumalaw siya’t inabot ang kaniyang bag upang ipatong iyon sa harapan niya. Napabaling ako doon. Kahit tinakpan niya'y halata ang naka-umbok. Napaiwas ako ng tingin at hindi maiwasan na kabahan. I don’t know what to feel. I just know that I felt him and we almost lost it. Sa loob pa talaga ng school kung saan may puwedeng makahuli. Hindi ko man lang siya nagawang hilahin sa tagong lugar. Tiningnan ko ang mukha niya na namumula na naman. Sa hiya siguro at sa ginawa namin kanina. Magulo ang buhok niya. Naalala ko na sinasabunutan ko na pala siya kanina. Ilang beses akong napapamura sa isip. Muntik na akong hindi makapag-pigil. First kiss niya iyon, hindi ba? Muntik ko na rin makuha ang isa pang first niya. And worst, naka-live pa na maaaring may makakita sa aming dalawa. Kung hindi ako nagpigil at hindi inisip kung nasaan kami at na maaaring may makakita sa amin, nasisiguro ko na hindi ako pipigilan ni Linus at susunod lang sa agos. Kung sakali ay baka nagawa namin ang bagay na iyon sa bawal na lugar at sa open space. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at pagkatapos ay tumayo na. Sumunod siya sa akin. Habang naglalakad, nararamdaman ko ang nakakatusok na titig niya sa aking likod. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? First kiss niya iyon ngunit sobra-sobra pa sa halik ang nagawa namin. Parang nararamdaman ko pa rin ang init ng katawan niya, ang haplos niya sa bewang ko at ang paghatak niya sa batok ko. Pumikit ako ng mariin habang nakatalikod sa kaniya. Pagdating namin sa classroom, nagsisimula na ang klase. I think we're half an hour late. I lazily knocked and nonchalantly opened the door. "I'm sorry, sir, we're late. We fell asleep in the field and some stupid fuckboy didn't even try to wake us up," sabay sama ng tingin kay Caleb. Nakanguso lang at nangingiti ang hayop. "Watch your words, Miss Collins. Take your seat now. And don't look at Caleb like you're going to murder him," natawa si Sir Cally. He's Caleb's older brother. Buti na lang rin ay siya ang nag-sub and he's tolerating lates. Motto kasi niya’y 'It's better to be late than never'. Linus and I sat on our seats. Nauna ako, sumunod siyang naupo dahil nanatili siya sa likuran ko kahit nang pumasok kami sa classroom. "Rafiel, are you okay? I’m sorry. Sumunod ako kina Caleb, akala ko’y nakasunod ka sa amin.” Umiling si Linus sabay ngiti. “Ayos lang.” Tinitigan siya ni Luna. Natahimik ito bago nagtanong. “What's that on your lips?" When I looked at her, I saw her looking at Linus’ lips. Nagaya ko siya. Nadala ko rin ang mata sa labi ni Linus. Mayroong mantsa ng lipstick ang gilid ng labi niya. Mabilisan at guilty’ng kinuskus ni Linus ang braso niya sa buong labi niya. Pagkatapos niyon ay napatingin siya sa akin at biglang namula. Pairap akong umiwas ng tingin. Sa kilos niya’y hindi sadyang maipapangalandakan niya ang nangyari at kung ano at saan nanggaling ang lipstick na iyon. Kung mga kaibigan ko ang nakasaksi sa ginawa niya, alam na nila agad at hindi na kailangan pang manghula. Mabuti na lang din na kagaya niya si Luna na ignorante. Nag-uusap sila habang ako’y walang imik at tahimik. Nagtanong si Luna kung mayroon siyang kinain, sumagot si Linus na wala. Namumula pa rin siya. Nagsimula ulit ang discussion kaya hindi na muling nakapagtanong si Luna. She stops questioning Linus but she’s looking at me like she's thinking of something. I just ignored her and pretended I’m taking notes. Am I wrong? Is she not that ignorant? Did she notice that I was wearing the same color of lipstick? Madalas kaming magkatinginan ni Linus. Nasa labi ko kaagad ang mga mata niya na para bang tumatak sa kaniya ang pakiramdam na nakalapat ang labi niya roon. Kinakausap niya na rin ako at minsan ay sinasadyang madikit ang balat sa akin. Kung nasa pribadong lugar kaming dalawa, sa palagay ko'y siya pa ang unang hahalik sa akin. “Argh! I don’t remember this lesson!” Reklamo ko sa binigay na tanong na hindi ko alam ang mga sagot. "That’s fine, I’m here. Akin na ang papel mo. Ako na ang magsasagot.” Pabulong niyang sinabi iyon at nang tumalikod ang guro ay pinagpalit niya ang mga papel namin. I cursed hard in my mind and stared at him when he smiled sweetly after he snatched the paper from me like he’s saying he got me. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto habang nakatitig sa kanya na maganang nagsasagot. Don't tell me he thinks we're already in a relationship because of that kiss?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD