Sa labas pa lang ay nabosesan ko na siya kaya't inasahan ko na rin na siya ang madadatnan ko rito. Subalit ang hindi ko inasahan ay ang maaabutan kong sitwasyon ni daddy. Nakahiga ito sa sahig habang umiiyak ang babaeng nasa gilid niya at sumisigaw ng tulong. Nangilabot ako at nanghihinang nabitawan sa sahig ang dalang bag. Hindi pa nakakalapit, isa-isa nang nagbagsakan ng sunod-sunod ang mga luha ko. "Daddy!" Mabilis akong dumalo. Lumuhod ako at sinubukan siyang gisingin. Paulit ulit ko siyang ginising at nang walang kahit kaunting galaw ay umiiyak kong binalingan si Mommy. "Anong ginagawa mo rito?! Anong ginawa mo sa kanya?!" Nanginginig ang mga kamay ko at hindi alam kung ano ang unang gagawin. Nang makita ko na gumalaw ang babaeng may gawa nito saka lang ako natauhan. Nagkatinginan

