"May tao sa labas, Sadie!" Nakalabi at padabog kong binitawan ang remote sa sofa nang utusan ako ni Daddy na pagbuksan kung sino man ang nasa gate. Nasa kusina siya at nagluluto ng agahan. Kagigising ko lang kaya wala pa akong gana na kumilos. "Inaantok pa nga ako," bulong bulong ko ngunit nagsimula na ring maglakad palabas. Pagkarating ko sa gate, sinilip ko kung sino ang naroon. Nang makitang dalawang lalaki iyon na mayroong bitbit na mga paper bags, hindi ko kaagad binuksan. Nakataas ang mga kilay na sinipat ko muna ng tingin isa isa ang mga bitbit nila. Nang matanto na paper bag iyon ng mga mamahaling gamit, nagmamadali akong mabuksan ang gate. "Nandiyan po ba si Mr. Collins?" Nasa mga paper bag na dala nila ang tingin ko nang ituro ko ang bahay saka sumagot. "Nasa loob-" "Papas

