Cheska's POV
Nagmamadali akong naglakad papasok ng studio. Nakasunod sa'kin ang mga managers at assistant ko para dalhin ang mga damit sa loob. Wearing my very own design cloths, White coat hanggang balakang paired with white slacks and pointed 6 inches heels.
"Good morning, ma'am!" bati nila sa'kin.
"Good morning, are we all complete? Sino pa ang wala?" tanong ko. Inaayosan na sila ngayon ng mga make-up artist namin.
"Wala pa ata si Hanna, ma'am." Sabi ni Bea sa'kin. Nagtaka naman akong umupo sa upuan ko.
"Huh? Ang babaeng 'yon talaga! Nagawa pang maging late." Napasinghap ako, "Bebs, lagay niyo na lang sa closet ang mga susuotin nila. Hindi pa naman sila tapos. May 2 oras pa tayo." Utos ko sa kaniya.
"Parang nakita ko ata siya kanina, ma'am." Sabi ni Chen.
"Saan mo siya nakita, Chen? Baka namamalikmata ka lang." Inaayos ngayon ang buhok niya.
"Nakita ko din po siya, ma'am." Napataas ang isa kong kilay. Bakit missing lagi ang babaeng 'yon? Ano ba ang nangyayari sa kaniya.
"Sige, iikotin ko muna ang buong studio. Baka nagpa-practice 'yon dahil pinagalitan ko ng nakaraan."
"By the way, ang ganda po ng damit niyo, ma'am." Napangiti ako sa komento niya. Lahat sila ay mabilis na umayon.
"Cheska!" napalingon ako sa pinto.
"Mom, Dad!" I run towards them and hugged them both, "Mabuti at nakapunta kayo. It's still early." I heard them laughed.
"Princess, of course pupunta kami. Medyo busy lang ang daddy mo no'ng nakaraan." My Mom kissed my cheeks, "You're so beautiful." Nanatili akong nakayakap sa kaniya.
"Wala pa ba ang mga kuya mo, hija? I thought papunta na sila." Dad roamed his sight in the whole area.
"Wala pa, Dad. Hindi ko alam kung pupunta sila, eh. Baka bigla na naman nilang iwan ang mga girlfriend nila."
He pat my head, "Of course, you should be the first thing first. Lalabas muna ako." Tumango ako.
"Let your kuya what they want to do, hija. They promised your dad that they will make you as their first priority."
"But they don't have to do that, Mom." I said.
"Of course they have! They are your knight and shining armor. Kailangang bantayan ang prinsesa." Makahulugan niyang sabi. Oo, sobrang mahal nila ako, ramdam ko 'yon. Pero sa sobrang ingat nila sa'kin pati buhay nila naaapektuhan.
"Mom, you look beautiful in your dress. Para kang 18 years old."
Mom is not young anymore but she looks young. She's skinny and beautiful. Ang galing niya pa ding maglakad suot ang mapakataas na heels. Sophisticated and well-mannered.
"No way! 'Wag mu'kong bolahin. I'm not kid anymore. Ikaw nga diyang ang sobrang professional sa suot. Parang may-ari ka nang malalaking clothing line." We both laughed.
"I missed you, Mom."
Naisipan muna naming uminom ng kape. I have my office here, kumpleto sa gamit at pagkain. I have fridge and things that I needed when working.
"I'm so proud of you, Cheska. Akala ko talaga magiging model ka na habang buhay but you discovered your skills more." Mom said after sipping her coffee.
"Mom, I know that I can't be a model until forever. Magiging laos din ako sa masa. So, I decided to build my own clothing line."
I am so proud of myself too. I study on how to make dresses and other clothes. But I never imagine myself to be successful like this. This is a big blessing.
"I'm looking forward that you'll make a nice coat for me, darling." Tumawa ako at tumayo.
"Mom, I'll let you see my designs," binuksan ko ang closet na nasa office at kinuha ang folder na naglalaman ng bagong designs ko. Tinago ko for them not to steal it. Mahirap na magtiwala ngayon, everyone can be a traitor.
Nilapag ko ito sa harapan niya, "Choose yours!" masaya kong sambit. I have been working for that for almost a month now. I'm still practicing things but I'm sure that I can make it well.
"Wow, this is all beautiful. I like this one!" namangha si Mom sa bawat lipat niya ng pahina, "I want this, Cheska." Tumayo ako para tingnan ito.
It's a coat na iba't-ibang kulay. Kung titingnan mo para lang siyang pinagtagpi-tagping kasuotan. The uniqueness is in there. Ngayon talaga people will look for unique clothes. Nakakahiya naman kasing makita na may kapareho kang damit na nakasabay mong maglakad sa kalye.
"We are in the same taste, Mom. I'll make one for you."
"Wow! What a great artist you are, Cheska. Mom is proud of you and so your dad, too." I'm so happy having them. It's like a family that not everyone have.
"I'll keep this secure, Mom. Baka mawala 'to."
"Oh, sure. Take care always of your things, okay?"
"Yes, Mom."
Lumabas na kaming dalawa. I'm holding my LV bag in my left hand and holding Mom in my right hand.
"You should eat properly, huh? Baka nalilimutan mo nang kumain." Paalala niya sa'kin.
"Yes, Mom. Marami na palang tao. Teka, ich-check ko muna ang event coordinator ko. I'll see you later." I kissed her cheeks before going.
"Hi, ma'am. Madami na po ang nandito." Sabi niya sa'kin. She's wearing a headphone.
"Assist mo lang sila, okay? Ilang minutes na lang ang natitira?" tanong ko habang napapatingin sa dumadating.
"55 minutes, ma'am. Ayaw siguro nilang ma-miss ang events." Tumango ako at nilibot ant tingin. The T-stage is decorated by many flowers. The ceiling have many black and white balloons. The theme is black and white. Umalis muna ako para tingnan ang mga models ko.
"Wow! Ang ganda niyo naman!"
"Pati lalaki maganda?" sumimangot ako.
"Ang ga-gwapo niyo, Chen. Teka, halika. Ayusin ko muna ang coat mo." Malaki ang katawan niya at hindi nakasara ang coat. Inayos ko ang kwelyo ng suot niya, "'Yan, lalo kang naging pogi."
"Ma'am, 'wag mu'kong bulahin ng ganiyan. Baka mahulog ang puso ko." Lumabas-pasok ang dibdib niya habang hawak ito. Tumawa kaming lahat sa kaniya.
"Wala ka talagang hiya, pare!"
"Alam na natin 'yon, Ge!" pagsang-ayon ko.
Lumapit sa'kin ang isang make-up artist ko, kinakabahan ang mukha niya at hindi mapakali.
"Ma'am, si Hannah po. Wala pa po siya." Natataranta siyang napakamot.
"Ano?! Nasaan ba ang babaeng 'yon? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?!" lumakas ang boses ko. Napayuko naman sila lahat, "Saan niyo siya huling nakita?" nagsimulang uminit ang ulo ko. Ano? Sisirain niya ang show na 'to? Siya ang pinasuot ko ng pinaka-highlight ng show na 'yon. The white gown, I did.
"A--nakita ko po siya papunta sa likod ng building." Nauutal na sabi ni Chen.
"Walang lalabas dito, ah? Naiintindihan niyo?!"
"Opo!" sigaw nilang lahat.
"Ang bobo talaga ng babaeng 'yon! Akala niya ba madrasta siya?" rinig kong komento ng isa sa kanila. Lumabas ako na nakakuyom ang kamao. I can't let this happen. Masyado siyang abusado. She's working at isang oras na siyang late.
"Cheska, congratulations!" hinawi ko ang bulaklak na dala ni kuya at deretsong naglakad.
"What's happening?" tanong nila. Wala akong oras para magsalita.
"Rex, galit yata siya dahil iniwan mo na naman ang girlfriend mo."
"Pinayagan niya akong umalis, Phin."
"Shut up! Sundan na lang natin siya." Lumabas ako sa building at tumama agad sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Maga-gabi na kaya medyo malamig ang hangin.
"Cheska! You have event! Uuwi ka ba? No way!"
"Puwedi bang tumahimik kayo, kuya? May hinahanap ako!" naiinis kong baling sa kanila, "Samahan niyo na lang ako." They zipped their mouth and walk with me.
Anong gagawin niya sa likod? May abandonadong kwarto lang naman ang nando'n.
"Teka, wala pa ba si Tristan? Hindi niyo siya nakita?" I faced them and asked.
"I think nakita ko ang kotse niya sa parking. The white car is his, right?" tumango ako.
"Nauna yata siyang dumating." Weird, hindi siya pumunta sa'kin.
Nagsimula ulit akong maglakad. My heart is beating fast. Kinakabahan ako, sana andito siya.
"Narinig niyo 'yon?" napahinto ako sa tanong ni kuya Angelo.
"Ang alin?" tanong namin pabalik.
"Nawala na." I sighed.
"Pusa lang 'yong naririnig ko, eh."
"Hindi 'yon."
Pagdating namin sa likod ng building ay katahimikan ang namayani. Walang kahit anong tunog kung 'di hininga namin.
"Bakit may iba akong naririnig?" Phin said.
"What is it, kuya?" I whispered.
"Hindi mo dapat malaman 'to." Kuya Phin whispered to Angelo and Rex. Masama ko silang tiningnan.
"That's what I've heard earlier, Phin."
Nagdabog akong tinulak sila, "What is it?"
"Sabihin mo na, Phin." Bakit ang aarte nila? Bakit ba ganito ang kapatid ko?
"I heard moans and scream, Ches. Bumalik na tayo." Sabi niya.
"Hindi puwedi, hanapin natin. The events is about to start and one of my model is missing. Baka siya 'yon?"
"Ano akala nila sa building na 'to, motel? Damn it! Let's go." Sabi ni Kuya Angelo.
"Ilang room ba ang hindi nagagamit?"
"Dalawa lang naman. Ang isa is storage room." Kuya knocked the first door. Kinakabahan ako na ako, na baka maistorbo namin sila pero baka si Hannah 'yon.
"Hello," walang sumasagot. He opened the door. I turned on the flashlight in my phone. Tiningnan namin ang buong paligid, maalikabok.
"Sayang ang suit ko dito, maaalikabukan lang." Reklamo niya.
"Edi, sana bumalik ka do'n." Nauna akong lumabas dahil wala naman tao do'n. Napatigil ako ng marinig ang mahinang ungol. Naririnig ko na. Nauna akong naglakad sa kanila.
I walk slowly. Lalong itong lumakas. Paano nila 'to nabuksan? I did lock it. At nasa opisina ko lang ang susi. Hindi puwedi 'to. Sino ang pumasok do'n na walang permiso?
"Cheska!" pabulong nilang sigaw. Hindi ko sila pinansin. I knocked the door , wala na akong oras. Walang sumasagot at lalo lang silang nag ingay.
Pinihit ko ang door knob. Hindi ito naka-lock. Sumuno sila sa likod ko.
"Tama ba 'tong gagawin natin?"
"Shhhh..."
I opened the door wide.
"Hinaan mo ang boses mo." Bigla akong nanlamig ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
"Ang sarap kasi, eh." Hindi ako nagkakamali. Si Hannah 'yong nagsasalita, "Hala! May modeling pa ako!" hinanap ko ang switch ng ilaw saka pinaandar ito.
"May tao ba diyan?" tama nga ako. Si Tristan 'yon.
"Teka, pamilyar sa'kin ang boses niya ah?"
Nagtapang-tapangan akong nalakad kung saan sila nagtago.
"Cheska!" tinulak ko ang mga kahong nakaharang.
"Lumabas kayo diyan!" sinipa ko ang mga nakaharang na mga gamit, "Ayaw niyong lumabas? Sinong nagsabi sa inyo na gawin niyong motel 'tong building ko?" paghila ko sa nakaharang na kurtina ay bumungad sa'kin ang hubot-hubad na boyfriend ko habang nakayakap sa kaniya ang model na nagtatrabaho sa'kin, si Hannah.
Lumambot ang tuhod ko at napaluhod sa harapan nila. My eyes suddenly became blurr. Napaiyak ako sa aking nakikita.
"Baba!" napayuko na lang ako.
"Gago ka! Halika ka dito." Lumapit sa kaniya si kuya Angelo at kwenelyuhan ito, "'Wag kang mag-deny! Kitang-kita diyan sa betlog mo na jutay ka!"
"Tumayo ka diyan, Cheska." Inalalayan nila ako. Naningkit ang mga mata kong tumingin kay Hannah na wala kahit anong suot habang si Tristan ay binubugbog ni kuya.
Lumapit ako sa kaniya. Napayuko siya sa tuhod niya.
"Sayang ka naman! Pumatol ka sa pinaglumaan. Gano'n ka na ba talaga?" I smirked. "Anong nakuha mo kay Tristan? Nakuha ba ang kati diyan sa p**e mo?"
"Cheska! I'm sorry!" sigaw ng gagong boyfriend ko.
Narinig ko ang paghikbi ni Hannah sa sahig.
"Sorry po, ma'am Cheska."
"Sorry? Anong sorry? Bobo ka ba? Kung kati lang naman pala ng katawan ang hanap mo at hindi trabaho, edi sana sa bar ka ka pumunta!"
She kneeled in front of me.
"Cheska! I'm sorry! Tama na! Tama na, Angelo!" bahala kang mawasak ang mukha diyan sa suntok ni kuya.
"Patawarin mu'ko, ma'am! Hindi ko na uulitin." Lumabas ang buong katawan niya. Kinuha ko ang damit niya at ipinaghahampas sa katawan niya.
"Isuot mo 'yan! Baka bigla ko 'yang putulin lahat ng bulbol mo!"
"Cheska, enough!"
"No, kuya! Binigyan ko siya ng trabaho! Binigay ko sa kaniya ang ilaw ng pagiging una sa kanilang lahat! Tapos ngayon, aahasin niya ako." Sinipa ko at tinulak. Masama na kung masama. Pero mali 'yong ginawa niya.
"Si Tristan po ang unang lumapit sa'kin. Wala po akong kasalanan. Natukso lang po ako." Malakas siyang napaiyak sa gilid. Ang sakit sa loob ko pero hindi ako ngayon iiyak. May mas importante pa dito.
"Lumabas ka na, Hannah. Sinira mo ang gabi ko. LABAS!" natisod siya sa sobrang pagmamadali.
"Mahal ko siya, ma'am. Hindi mo na siya mababawi." Lalong uminit ang ulo ko sa huling sinabi niya. Akma ko siyang hahabulin ng pigilan ako ni Rex.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang coordinator.
"Hello,"
"Ma'am, 20 minutes na lang po at magsisigaw na ang events. Almost full na po ang seats."
"Sige, thank you."
"Kuya, dalhin mo siya dito."
"Masakit?" tanong ko sa kaniya. Parang hindi na niya mabuksan ang mga mata niya.
"Cheska, mahal ko siya. Ang ganda ng katawan niya," malakas ko siyang sinampal.
"Ang gagong 'to. May maiibubuga pa pala."
"Piliin mo ang kinakalaban mo, Tristan."
"Sabi ko nang manloloko 'yan, eh."
"Mahal mo siya?" sinabunutan ko ang buhok niya, napatawa ako sandali, "Oo nga, eh. Bagay kayong dalawa, parehong makakati." Sinampal ko siya ng paulit-ulit. Parang dinudurog ako ng paunti-unti.
Tumalikod ako at pinunasan ang luhang biglang dumaloy. Hindi ito natatapos. I held my chest because it's hurting. Ang sakit, ang sakit sakit.
"Cheska!" inakbayan ako ni kuya Phin, "It's okay, you can cry." Yumakap ako sa kaniya at umiyak, "Just cry, Cheska. Sabi ko na sa'yo na manloloko siya."
"Paano na ang events?"
____________________________________________________________________________