Kabanata 4

2192 Words
"Let's welcome! The CM's greatest designs!" Kinakabahan akong tumayo sa back stage kasama ang mga models ko. Malakas ang tugtog at palakpakan ng mga tao. Isa-isa silang lahat na lumabas. Dala at suot ang gown at suit na dinesenyo ko. I should be proud, right? Hindi man naging maganda ang lovelife ko at least sa tingin ko magiging successful naman ako sa career. "Cheska, you can do it. Look, ang ganda mo." Kuya Rex said. Ako ang pumalit kay Hannah. I composed my self well. I enhaled exhaled. "Kuya, kinakabahan talaga ako, eh." Sabi ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at niyakap ako. "Trust me, you look stunning. Imagine, you're wearing the gown you designed." He hugged me at agad din kumalas. Mabuti na lang at magka-size kaming dalawa ng higad na 'yon. Iwinakli ko muna ang mga iniisip. Kailangan kong gawin 'to para sa kompanya ko. "Ma'am! Good luck po!" Bea gave me a  good luck gesture. Ilang ulit akong huminga ng malalim. I am wearing white gown. May white slacks ito sa ilalim na konektado sa tube sa itaa at sa gitna ang balloon gown na puweding ilagay sa likod at puwedi din maging gown talaga siya. "Paano ba 'yan, ma'am? Partner tayo ngayon?" humalukipkip si Chen sa gilid ko. He's wearing white and black tux. Magka-iba ang magkabilang bahagi. The lower clothes is the same style but the black part is in the white top. It can be use for balls or wedding. "Excuse me! Don't flirt with my sister!" biglang dumistansya si Chen sa'kin sa pagsigaw ni kuya. "Kuya, he is just joking. Masyado ka namang seryoso diyan." "Kung ikaw hindi nasasaktan, ako oo. Sobrang sakit na makitang niloko ka ng boyfriend mo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nawala agad siya sa paningin ko. Bigla akong nakaramdam ng pagbadya ng mga luha ko. "No, hindi ako iiyak. Hindi puwedi." Tumingin ako sa kisame ng back stage. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. "Anong ginagawa mo, ma'am?" I blinked my eyes many times para hindi maiyak. Pilit ko lang naman pinatatatag ang loob ko. Ayokong masira ang gabi ko dahil sa gagong 'yon. Kaya pala grabi ang concern niyang kumain ng masustansya. Kaya pala kapag umaalis si Tristan nawawala din ang higad na 'yon. Siguro ilang ulit na silang nag-s*x na hindi ko alam. "Ma'am, tayo na po." Bigla akong nataranta. "Ha? Tayo na agad?" "Opo, ma'am." Hinintay niya akong hawakan ang kamay niya. Pilit akong ngumiti, "Ma'am, 'wag naman pong plastic." I rolled my eyes and hold her hand. Ngumiti pa rin ako, "'Wag mong painitin ang ulo ko, Chen. Baka bigla kitang maitulak mamaya sa stage." Pagbibiro ko. Hindi ko kayang gawin 'yon 'no! Iniingatan ko ang mga trabahante ko maliban sa mga higad. "Ma'am, naman! Hindi ka naman mabiro. Ang ganda mo pa rin kahit ganiyang ka po ngumiti." Napakamot siya ng ulo at bahagya akong hinila. "Nangangamoy plastic, oh!" sabi ko. "Hala, may sunog ba?" natataranta niyang tanong. Tumawa ako kahit sobrang bigat ng loob ko, "Grabi ka, ma'am. Ang tawa mo parang deretso iyak ah?" "For the final, gown and suit. Let's welcome the owner of CM clothing line no other than, Ms. Cheska Melody Smith!" naunang umakyat sa'kin si Chen at inalalayan ako. The hall filled with melancholic music, nakahawak ako sa braso ni Chen. Madaming camera ang kumukuha ng picture naming dalawa. I made myself more composed for a ramp model.  The Emcee discuss what are the features of gown that I'm wearing. Dahan-dahan lang kaming maglakad. I fierce to give this gown class, pagdating sa harapan ay huminto kami at nagtinginan ni Chen na para bang gusto namin ang isa't-isa. Of course, just a show para sa audience. After that Chen's clothes discussed by the Emcee. Binuksan ko ang harapan ng gown ko at nilagay sa likod. I am wearing the skinny white slacks. Napa-wow ang mga audience. I saw my family clapped their hands. Tumalikod kaming dalawa ni Chen at huminto sa gitna. Pinaikot niya ako, so I clicked the button to light my gown. Marami ang naghiyawan. Kaya ngumiti ako. Nag-iba ang music kaya naglakad ako at kinuha ang sariling microphone. I closed the gown. Nagsilabasan ang lahat ng mga model ko suot pa rin ang mga ito. Nanatili silang nakatayo ata nakangiti. "Good evening, everyone! I hope you enjoyed the show. As you can see there are many new designs." May isang taong nag-raised ng kamay niya. She's familiar, "Oh, yes? Stand up!" ngumiti siya sa'kin. "I have a question." Tumango ako. The coordinator gave her microphone. "Lahat 'yan ay ready to bid?" napatingin sa kaniya ang mga tao. I think she's a college student. "Yes, miss." Pumalakpak siya. "Thank you." "Back to what I'm saying, Thank for coming. This is one of the best night of my life. Andaming pumunta sa lahat ng in-invite ko. Let's give ourselves around of applause!" Lumakas ang palakpakan sa loob, " I now announced the bidding is now open!" "The bidding starts at 50 thousands." Nasa likod muna kaming lahat habang nagpapahinga, isa-isa lang naman ang i-bi-bid sa labas. "Ma'am, ang ganda niyo po talaga. Ang bongga ng suot niyo. Sayang si Hannah." "'Wag niyong banggitin si Hannah sa harapan ko, nandidilim ang paningin ko dahil sa kaniya." "Wala na bang 100,000? Wala na? Sold, 95 thousands for number 6." "Grabe, ang mahal ng bili niya." "Cheska!" napatayo ako at niyakap sila, "Tingnan mo, ang ganda niyang damit mo." "I thought you're Hollywood model." Dad said. I pouted my lips and my shoulder started to tremble, "No, what I said is true, Cheska. I'm not joking." "Dad, Mom," "Mom, niloko siya ng boyfriend niya." Inunahan ako ni kuya sa sasabihin, "We saw them earlier with our own eyes that he's making out with Cheska's model." Sumama ang mukha nilang dalawa. "He did that?" tumango ako at nagsimulang umiyak. Dad hugged me, "What did you do to him? Hinayaan niyo lang ba?" tanong ni Dad sa kanila. "No, sinuntok ko siya. Kung hindi nga lang namin kakailanganing umalis napatay ko na 'yon eh." "Kuya!" suway ko. I feel Mom is touching my hair. Feeling ko ang bata ko pa rin ngayon. Pinapatahan ng buong pamilya. Humanda siya sa'kin. Gagantihan ko siya. Tingnan natin kung ano ang magagawa nila. Hindi na ako magiging iyakin. I'll handle my self. "Shhhhh...tahan na, Cheska. We'll bid the gown you are wearing." Oo nga, kailangan ko pa ulit umakyat sa stage.  Huminga ako ng malalim ay pinunasan ang mukha ko. I called the make-up artist para i-retouch ang make-up ko. "Ma'am, bakit kayo umiyak? Ang successful ng show ninyo, ang dami pang bumili ng gawa ninyo." Sabi niya, "Ngumiti ka po." Utos niya. "Mahabang kwento. Tommorow puwedi mo ng makuha ang sweldo mo." "Advance payment po kami?" masigla niyang tanong. "Yes, dahil mag-be-break muna ako ng ilang days. Magpapahangin lang ng ulo." Sabi ko. "Ma'am, puwedi naman kitang hipan sa tenga." Natatawa niyang sambit. Kinurot ko siya sa gilid. "Gusto mo talagang kinukurot ka ano?" "Ang sarap niyo po kasing mangurot. Isa pa nga!" request niya. Akma ko siya kukurutin pero lumayo ito, "Tapos na po." He is my long time make up artist at hairstylist na din. Ang galing niya kaya natagalan siya sa'kin. Gusto ko kasi 'yong hindi gano'n ka kapal at natural lang tingnan. "Let's call on the last but not the least, Ms. Cheska. Wearing the gown sparkling light to tube gown." Umakyat ako na taas-noo. Tumahimik ang lahat at hinintay ang pagsasalita ng bidder. Sino kaya ang makakakuha nito. "Let's start the bidding at 100 thousands." Tumaas ang numerong dos, "100,000!"  siya 'yong babaeng nagtanong kanina. "105,000!" sabi ng number 6. "115,000." Itinaas ito ng isa pang babae. Hindi na nakapagsalita ang bidder. "120,000!" my Mom bidded. Napangiti ako. Bakit niya gusto 'to? "125,000!" bawi ng numberong dos. "150,000." Napanganga ang lahat. Ako rin nagulat. "155,000? One, two----," "160,000." Laban ng number 2. Ayaw niyang magpatalo at mukhang nagtatalo sila ng boyfriend niya. "Going once going twice. Wala na bang 165,000?" "165,000!" napakagat labi ako. Ayaw ayaw magpatalo ni Mom. "170,000. Akin na 'yan. 'Wag na kayong dumagdag." Sobrang daldal niya. Napangiti kami ng siya nga ang nakakuha. Wow, ang laki ng kita ko. Lahat ng bumili ay tumabi sa mga damit na sinusuot mg model namin. Maraming kumuha ng picture. "Hindi mu'ko naaalala? Ako 'yong bumili ng gown dito." Nag-isip ako kung sino 'to 'yon, "May kasama pa ngang maskara 'yon." "Ah, kayo pala 'yon. Kaya pala pamilyar ka sa'kin." Napangiti ako. "Parker, take us a picture please." Nakabusangot ang lalaking lumapit sa kaniya at kinuha ang phone nito. Lumapit siya sa'kin at bahagyang yumakap. "1,2,3, smile." Ilang ulit kaming ngumit sa harap ng camera at ang kumukuha at tila walang gana, "I'll wait in my car, Em." "I'm sorry, hindi lang talaga siya ngayon okay." Ngumiti siyang tumingin sa'kin. Actually she's beautiful wearing her white gown and looks bubbly and hyper, "Teka, kailan ko 'yan, makukuha?" "You can have it tommorow, fill up and pay ka muna do'n table then we'll send this gown tommorow." "Waahhh! Excited na talaga ako. Bye, ang ganda mo." Pabahol niya at nagmadaling umalis. I sighed and started to walk to rest. "Ma'am," tawag sa'kin ng coordinator. "Yes?" "We'll take care of it, ma'am. Puwedi ka na pong magpahinga." Nagbadya ang mga luha kong lumabas dahil sa sinabi niya. Pagod na pagod na ako, "Hala! Ma'am, sorry po." "N-no, n-no, it's okay. Nagiging emotional lang talaga ako." Hindi ko na napigilang lumandas ito kaya agad ko itong pinunasan. "Ma'am, ito po may tissue ako." "Thank you." "Ang successful po ng event na 'to dapat masaya kayo, sold out lahat." Kaya nakakagulat, no'ng nakaraan hindi naman. I can still make another para sa ibang gustong bumili, "Naghihintay po sila sa inyo sa office niyo, ma'am." "Thank you, Beth."  I tapped her shoulder. I sniffed many times parang sinipon na ako kakaiyak. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa biglaang pagsigaw. "Congratulations, Ma'am Cheska!" sumabog sa itaas ko ang confetti kaya napanganga ako sa gulat. Ngiti at saya ang binungad nila sa'kin. "Congratulations, bunso." Lumapit si kuya at ibinigay ang bulaklak, Niyakap niya ako at hindi mapigilang umiyak, "Hwag kang umiyak dahil lang sa kaniya. He's not worth it." Tumango ako. "Kami naman!" napatawa ako ng niyakap ako ni Phin, "Sinu-solo ka niya lagi, eh." "Dapat ako 'yong nauna dahil ako ang pinakamatanda." Napanguso ako at niyakap si kuya, "'Wag lang iiyak-iyak sa kaniya! Naiintindihan mo?" tumango ako. "I just want to thank all of you, kung hindi dahil sa inyo hindi magiging successful 'to. Group hug!" pinalibotan nila akong lahat at niyakap ako. "Ang swerte po namin, ma'am. Ang bait niyo po." "Oo nga, hindi ko alam kung bakit siya umiiyak." "Tumahimik ka, Chen." "Nag-break siguro sila ng boyfriend niya. Ma'am, puwedi na ba akong manligaw?" bigla naman akong nahiya sa pagiging blunt niya. Tinukso kami ng iba pang models. "Ma'am, mas bagay kayo ni Chen. Lalo na kanina." Nakita kong namula ang pisngi niya dahil maputi ito. "Kung ibagay ko kaya ang mukha niya sa sahig?" pagalit na usal ni kuya. Dad and Mom shrugged. I hugged them. "Kumain na muna kayo sa labas. May pagkain do'n, tiyak nagugutom na kayo." "Oo nga po. Bye, ma'am. Ando'n na sa dresser ang mga damit namin." I slightly smiled at them. Nahagip ng mga mata ko ang pagkindat ni Chen. ****** Umuwi ako mag-isa sa bahay. Tingin ko pagod na pagod ang katawan ko. Gusto sana akong samahan nila kuya but I refused. Hindi na ako bata ma kapag malungkot ako dapat ando'n sila. They are already have their own life. Kumuha ako ng nakaka-lasing na inumin sa fridge ko. Kailangan ko 'to. Binuhos ko agad ito sa wine glass ko. Nakaupo ako sa gilid ng pool habang naka-tampisaw ang mga paa ko sa tubig. My tears fell without noticing it. I'm drinking while it's falling. "Bakit hindi ko napansin 'yon? Ang tanga ko naman." "Ang gago naman niya. Ang galing." Pumalakpak ako mag isa. "Dapat binigyan ko siya ng medal sa pagiging first honor sa pagkamanloloko with special award higad-iness, sobrang kati." Ng maubos ang laman ng baso ko ay tinungga ko ang kalahating laman ng bote. Umiikot na ang paningin ko. Tumawa ako ng maalalang wala silang saplot ng nakita namin. "Gago! Hindi ka naman daks!" sigaw ko, "Madaming bulbol! Hindi marunong mag-shave!" Tawa ako ng tawa habang umiiyak. Naubos ko na ang isang bote kaya tumayo ako, bigla akong natumba. "Oppss!" tumawa ako, "Hala! Nanlambot ang tuhod ko, gagi!" lumakas lalo ang tawa ko. Paekis-ekis ang lakad ko. Hanggang nakapasok sa bahay. Kumuha ulit ako ng isang bote. "Tristan! Bukas hindi na kita mahal! Wala nang magmamahal sa'yo! Kasi, gago ka! Bobo, malandi, maharot! Oo,  maharot talaga siya. Pamilya kayo ng mga higad!" Binuksan ko ulit ang isang bote saka deretsong ininom. "Ho!" bigla akong naduwal kaya agad akong tumakbo sa banyo. Bumangga ako sa pader at natumba ako. "Aray! Kuya! Help me! Susuka ako. Si Tristan ang may kasalanan nito, eh." Humagolgol ako sa sahig habang nakahiga. Hindi na ako nakabangon. ____________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD