“ANO ang mga iyan?” nagtatakang tanong ko nang iniaabot sa akin ni PJ ang dalawang maliliit na card. Hindi ko iyon tinanggap. Nakatitig lang ako sa mga ito. Kararating lang namin mula sa doktor na tumitingin sa akin mula pa noong nasa ospital ako. Last check-up ko na iyon sa kanya. “ATM card ito at may laman na fifty thousand,” sagot ni PJ nang itaas ang puting card. “Credit card naman ito,” dagdag niya nang itaas ang asul na card. “Para saan ang mga iyan?” kunot noong tanong ko. Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ipinapakita niya ang mga card sa akin. Ngumiti siya nang malapad. “Para sa iyo ang mga ito. Para may magamit ka.” Napakamot ako ng ulo. “Hindi ko naman kailangan ang mga iyan kasi wala naman akong pinagkakagastusan. Ikaw naman ang bumibili ng lahat kasama na ang mga gami

