bc

Breaking The CEO's Heart

book_age18+
6.0K
FOLLOW
37.2K
READ
manipulative
badboy
CEO
drama
bxg
city
abuse
weak to strong
wife
victim
like
intro-logo
Blurb

GIRL POWER: Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi Entry

Hindi akalain ni Jenezel na ang sobrang pagmamahal niya kay PJ ay magdudulot sa kanya ng kasawian.

Kaya nang magising siya sa isang ospital ay naisip niyang gumanti rito. Nagpanggap siyang walang halos maalala sa kanyang nakaraan.

Nang iuwi siya ni PJ sa bahay nila ay sinimulan na niya ang planong paghihiganti. Ginawa niya ang lahat para pasakitan si PJ at maiganti ang sarili.

Hanggang saan aabutin ang paghihiganti ni Jenezel? May puwang pa ba sa puso niya ang pagpapatawad kung punong-puno ng poot ang kanyang pagkatao?

May pag-asa ba na maayos pa ang pagsasama nila ni PJ? O hahayaan na lang ni Jenezel na mawasak ito tulad din nang pagkawasak ng pagkatao niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
“NAGKAKAMALI ka kung inaakala mong magugustuhan kita! Magpapakasal lang ako sa iyo para makuha ko ang aking mana. Pero hindi kita kailanman mamahalin. Itaga mo iyan sa bato!” bulyaw ni PJ. Hindi ko magawang sumagot. Napipi ako sa mga sinabi niya. Daig ko pa ang nakarinig nang malakas na bomba. Bakit ba ako nasuot sa ganitong sitwasyon? Ang gusto ko lang naman ay maikasal sa lalaking minamahal ko noon pang mga bata kami. Bakit hindi ako magustuhan ni PJ? Ano bang mali sa akin? Maganda naman ako kahit kayumanggi ang balat ko. Hindi naman ako mataba na parang lilitsunin. Hindi rin ako payat na parang butiki. Marami nga ang naiinggit sa katawan ko kasi seksi daw ako. Pero hindi iyon nakikita ni PJ. Tama iyong sinabi niya na pakakasalan lang niya ako dahil sa kanyang mana. Napatunayan ko iyon nang matapos ang aming kasal ay lumabas ang tunay niyang kulay. “Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na hindi ka puwedeng lumabas ng bahay! Bakit ang tigas ng ulo mo, ha? Nakipagkita ka ba sa lalaki mo kaya ka lumabas ng bahay?” Napailing ako. “Hindi totoo iyan, PJ. Sinamahan ko lang naman si Yaya Rona sa supermarket. Wala kasi siyang kasama, eh. Marami pa naman siyang pinamili.” “Ah, talaga? Sumasagot ka pa, ha!” Bago pa ako makapag-react ay bigla na lang dumapo ang kamay ni PJ sa mukha ko. Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay muntik na akong matumba. Hindi pa siya nakuntento. Hinila pa niya ang buhok ko. “Sa susunod na sumagot-sagot ka pa, hindi lang iyan ang aabutin mo!” pagbabanta niya. Nang mapa-aray ako ay lalong humigpit ang pagkakahila niya sa aking buhok saka niya ako itinulak. Mabuti na lang at sa sahig lang ako bumagsak. Kung nagkataong napalakas pa ang pagtulak niya sa akin ay baka tumama ang ulo ko sa cabinet. Hindi doon nagtatapos ang pananakit niya. “Anong tinitingin-tingin mo pa diyan? Bakit hindi ka pa maghubad, ha?” “PJ, please huwag naman ngayon. Masama ang pakiramdam ko,” pakiusap ko sa kanya. “Anong sinabi mo?” Bigla siyang lumapit sa akin saka niya ako hinawakan sa leeg. “Wala kang karapatang magreklamo dahil obligasyon mo ito sa akin bilang asawa mo!” Pagkasabi niya ito ay agad niya akong itinulak. Bumagsak ako sa kama. Ang balak kong pagbangon ay hindi ko na naituloy dahil kinubabawan niya ako at marahas na hinalikan. Kinabukasan, kandahirap akong maglakad nang magising ako. Ang hapdi ng nasa pagitan ng aking hita. Nang humarap din ako sa salamin ay halos mandiri ako sa aking nakita. Punong-puno ng kiss mark ang aking leeg hanggang dibdib. May mga pasa rin ako sa aking braso at hita. Nang makita ako ni Yaya Rona ay marahas siyang napailing. “Black eye na lang ang kulang sa iyo, iha. Kung hindi mo na kayang makisama sa anak ko, sabihin mo lang at tutulungan kitang tumakas.” Napangiti lang ako sa sinabi ni Yaya Rona. “Mahal ko po ang asawa ko, yaya. Magbabago rin po siya siguro kapag hindi ako lumalaban at nagrereklamo, saka susundin ko lahat ng mga sinasabi niya.” Napa-buntunghininga si Yaya Rona saka masuyong hinaplos ang aking buhok. Pero dumarating din pala ang panahon na mapapagod ka. Nakakapagod din palang magmahal lalo na kung ang taong pag-uukulan mo ng pagmamahal ay walang kapalit na tugon. Imbes na mahalin at pahalagahan ka ay sinasaktan ka pa. Kaya noong hindi ko na talaga matagalan ang makisama kay PJ, kinausap ko si Yaya Rona. Tinulungan niya akong makaalis ng bahay. Sinamantala namin ang pagkakataon na nasa opisina ang asawa ko. Itinuro sa akin ng matanda ang isang kotse na naroon sa garahe. Umiling ako dahil hindi ako marunong mag-drive. Pinakiusapan ko na lang si Manong Arthur na ihatid ako sa bahay ng lola ko sa probinsiya. Pumayag naman siya. Ngunit noong papasok na ang sasakyan sa probinsiya ay bigla na lang may humarang na sasakyan. Nang bumaba ang driver nito ay kinilabutan ako. Paano nga namang hindi? Si PJ lang naman ang lumabas mula sa sasakyan. Lumapit siya sa aming sasakyan at sinipa niya ang pintuan sa tabi ni Manong Arthur. Napilitan ang matandang lalaki na buksan ito saka siya lumabas. “Ikaw! Ano pang ginagawa mo diyan? Lumabas ka na rin!” bulyaw ni PJ. Ayoko sanang kumilos ngunit nang mapansin ko na umikot siya papunta sa akin ay kinabahan na ako. Nang mabuksan niya ang pintuan sa tabi ko ay marahas niya akong hinila palabas ng sasakyan. Pagkatapos ay binalingan niya si Manong Arthur. “Umalis na kayo. Iwan na ninyo kami rito,” utos niya. “Pero Sir…” Hindi naituloy ni Manong Arthur ang sasabihin niya dahil biglang sumabad si PJ. “Kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho ay umalis na kayo!” may diing sabi ng asawa ko. Napatingin sa akin si Manong Arthur. Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. “Pasensiya na, iha. Ako lang ang maasahan ng mga apo ko.” Nang makaalis ang matandang driver ay nilukuban na ako nang matinding takot lalo na nang makita kong may inilabas na baril si PJ. “Bilib na ako sa katigasan ng ulo mo. Kung nakinig ka lang sana sa akin at nanatili ka sa bahay ay hindi tayo aabot sa ganito.” Ikinasa ni PJ ang baril. Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Tumakbo ako papasok sa kakahuyan. Hindi ko na ininda ang mga sanga na nakaharang sa aking daanan. Basta ang gusto ko lang ng oras na iyon ay matakasan ang asawa ko. Kung saan-saan ako sumuot hanggang sa madapa ako. Hindi nagtagal ay narinig ko ang malakas niyang pagtawag sa akin. Bumangon akong muli at pilit na tumakbo kahit masakit ang aking paa. Ngunit nang makarating ako sa dulong bahagi ng kakahuyan ay napahinto ako. Bangin pala ang nasa dulo. Iniisip ko pa lang kung saan ako tatakbo nang marinig ko ang tinig ni PJ. “Sasama ka ba sa akin pauwi o babarilin na kita!” galit niyang sigaw. Marahas akong umiling. “Hindi. Hindi na ako babalik sa iyo.” Itinaas ni PJ ang kamay niyang may hawak ng baril saka itinutok sa akin habang lumalapit siya. Sa takot ay napaatras naman ako. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako. Nagulat na lang ako nang bigla akong mahulog. Imbes na sumigaw ay pumikit na lang ako. Sa wakas, malaya na rin ako sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook