NAGKAKAWAG-KAWAG ako sa tubig ngunit bago ako tuluyang lumubog, hinila ako ni PJ at tinulungang makaangat. “Buwisit ka! Papatayin mo ba ako?” Sinisigawan ko siya at pinaghahampas ang dibdib niya. Ngunit hindi naman iyon ininda ni PJ. Ni hindi siya umimik. Tahimik lang siya na nakahawak sa baywang ko at hinayaan niya ako na saktan siya. Nang mapagod ako at magasawa na saka niya ako niyakap nang mahigpit. “Sorry, sweetheart kung natakot ka sa ginawa ko. Kung hindi ko kasi gagawin iyon baka hindi ka rin lulusong ng tubig. Baka magtampisaw ka lang dito sa ibabaw. At least ngayon, nakalubog ka na rin sa tubig,” mahinahong sabi niya saka ako hinalik-halikan sa ibabaw ng aking ulo. Lalo akong nabuwisit sa sinabi niya. Pilit akong kumalas sa kanyang yakap saka ko siya hinampas nang malakas

