KABANATA 28

1409 Words
"Hindi ko inaasahan na makikita kita dito Christina." Umpisa ni Ralph matapos nilang pumasok sa isang café at makaupo. "Hindi ko rin inaasahan na makakasalubong kita dito Ralph." Nakangiting sagot ni Christina. "Malapit lang ang unit ko dito, actually walking distance lang. Naglalakad-lakad lang ako para maunat ang mga binti ko." Ani Ralph sabay lingon sa dalawang kasama ni Christina na ipinakilala nito sa kanya. Tumaas ang kilay ni Christina dahil sa tila pinitpit na lata si Karly. Kataka-takang bigla itong naging tahimik habang si Frida naman ay tila na-star struck na sa pagkakatitig kay Ralph. Hindi naman niya masisisi ang dalawa dahil para silang may kasamang artista. "So, how's Gibson? We haven't seen each other for quite sometime now. " Pagsisinungaling ni Ralph, at gaya ng inaasahan niya ay nagbago ang mood ng dalaga. May hinala na siya sa pagbabago din ng kapatid, gusto lang niyang makasiguro. Sa katunayan ay nakaplano niya talagang bisitahin si Christina sa pinagta-trabahuhan nito kaya natuwa talaga siya nang makita ang dalaga sa circle. "H-hindi na ako nakatira sa kanya eh.." Matamlay na sagot ni Christina. Ralph was taken aback. Hindi niya inaasahan iyon. So that sums it up.  "Lumipat na ako sa mas malapit sa shop para hindi na niya ako sinusundo o hinahatid.." Biglang bawi ng dalaga, she even plastered a wide smile to be more convincing but Ralph is observant and he can see as clear as the day that she's lying. "I see. Anyway, free ka ba sa Sunday?" "Uhm, oo wala naman akong plano sa araw na iyon. Bakit?" Takang tanong ng dalaga. "I was wondering if you can be my companion. My dinner kase akong pupuntahan.." Nakangiting tanong o paanyaya ni Ralph kay Christina. "Sumama ka na ate, mabuburo ka lang sa kwarto natin. Tsaka uuwi kami ni Karly sa sabado ng hapon. Diba Karly?" Siko nito sa kaibigan na nagulat pa nang sikuhin ni Frida. "Huh? O-oo..May exam kami sa Sunday." "Ano? Anong exam sa Sunday?" Nagugulat na tanong ni Frida na gusto nang hilahin ang buhok ng kaibigan sa pagiging lutang nito. "Ano bang sinabi mo?" Nagugulumihanang muling tanong ni Karly. "Ang sabi ko uuwi, uuwi ka'ko tayo sa Sunday kaya dapat sumama si ate Christina dito kay kuyang gwapo." Pumaling ang tingin ni Karly kay Ralph na nakangiti habang pinapanuod silang dalawa kaya mabilis niyang inilayo ang tingin dito at sa halip ay kay Christina bumaling na mukhang nagtataka na din. " T-tama. Sorry, may iniisip lang kase ako. Sumama ka na ate.." Pilit ang ngiting aniya bago muling itinuon ang pansin sa iniinom na Green tea late. "I guess your friends wanted you to come with me that bad." Baling ni Ralph kay Christina. "So?" Ani Ralph na naghihintay ng sagot niya. Bumuntong-hininga si Christina at saka tiningnan ang magkaibigan na pareho pang tumango sa kanya. "Okay, sasamahan kita." "Awesome. I'll fetch you at 6pm then." *** Matapos nilang mag-kape na inabot ng halos trenta minutos o humigit pa ay nag-aya na si Christina na umuwi. Nagprisinta si Ralph na ihatid sila. Sinubukan iyong tanggihan ni Christina pero idinahilan nito na susunduin naman siya nito sa linggo para malaman na rin ang location niya. Naghintay sila ng ilang minuto dahil kukuhanin pa daw nito ang sasakyan sa parking ng condo building nito. Napakapit pa sa braso niya si Frida nang huminto sa tapat nila ang isang metallic red na Mazda 3 sedan. Ilang beses na siyang nakakita at nakasakay sa mamahaling sasakyan dahil kay Gibson pero nagugulat pa rin siya sa luho sa sasakyan ng magkapatid. Lumabas si Ralph sa drivers side para lang ipagbukas sila ng pintuan. Sa backseat naupo sila Frida at Karly habang sa harapan naman siya pumuwesto. "Kuya.. Nakakahiya namang tapakan ang sasakyan mo." Ani Frida na iginagala ang mata sa loob ng sasakyan. Natatawang nilingon ito ni Ralph bago binuhay ang sasakyan. "Kahit mahiga ka pa Frida okay lang." Aniya at saka iyon pinaandar na. "Ang mahal mahal siguro nito ano?" "About one and a half million pesos," "Huh!" Gulantang na bulaslas niya. "It's not that much compared to my brother's cars value. I just happened to like sedan alot. So when I heard that  Mazda will release a new sedan I immediately ask one of my friends to help me get one once it's on the market. It brought memories.." Nakangiting dagdag pa ni Ralph. For a moment, parang napansin ni Christina na tiningnan ni Ralph si Karly mula sa rear mirror and he even look..sad? O baka namamalikmata lang siya dahil nang lingunin siya nito ay all out smile naman. Pagdating nila sa inuupahan ay inihatid pa sila ni Ralph sa gate. "I enjoyed this unexpected meeting Christina." Anas nito bago pa makapasok ang tatlo sa loob. Nakangiting bumaling siya sa binata at binigyan ito ng yakap. "Natutuwa din akong makita ka Ralph." "Yeah, I'll see you on Sunday." Sabay tapik niya nang marahan sa ulo ng dalaga. "Sige. Ingat ka pauwi Ralph." "Sure I will." Nang akmang papasok na sila sa loob ay muling napalingon dito ang tatlo nang muling magsalita si Ralph. "It's also.. good to see you again..Karolina." Pagkamangha at labis na gulat, kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ni Frida at dumugo ang tenga ni Christina sa narinig. "Im leaving now. Have a goodnight ladies." Paalam ni Ralph at saka dire-diretso na sa sasakyan nito. Nang lingunin ni Christina at Frida si Karly ay namumula ang buong mukha nito. Ang akala nila ay kinikilig ito pero laking gulat nila nang isa-isang malaglag ang luha sa mga mata ni Karly. " K-Karly..magkakilala kayo ni Ralph?" Sabay pang tanong ng dalawa. Subalit hindi sumagot si Karly sa halip ay tumalikod na ito at iniwan silang dalawa sa labas na puno ng pagtataka at pag-aalala. *** "Alak na naman?" Naka-ngiwing sita ni Sol kay Gibson. "Goodmorning too Nana Sol." Nakangising ibinaba ni Gibson  ang hawak na beer in can at saka lumapit kay Sol na mukhang kakagising lang. Dumating si Sol sa bahay ni Gibson nang nakaraang gabi. Nagulat na lang ang binata ng may mag-door bell at nang buksan niya ang pintuan ng bahay niya ay ang ginang ang nakita niyang nakatayo sa labas ng gate. Napailing pa siya sa sarili dahil may bahagi sa kanyang umaasa na si Christina ang naroroon. Ang pagkakaalam niya ay nasa main house ang ginang. "Itapon mo na iyan. Ipagluluto kita ng agahan. Sa tuwing daratnan kita ay alak ang hawak mo. " Utos nito sa kanya habang nakaturo sa beer. "Nana, hindi dapat inaaksaya ang binili ng pera." Aniya sabay lagok pero mabilis iyong naagaw ni Sol sa kanyang kamay bago pa man muling sumayad ang labi niya sa lata. Napangiti siya dahil sa kahit na may katabaan ito ay nagawa nitong tumalon para lang maabot iyon. Nang samaan siya nito ng tingin ay agad niyang itinaas ang dalawang kamay at saka dumistansya dito. "I'm sorry. I'll wait for breakfast I  promise." "Dapat lang. Tingnan mo nga ang sarili mo. Kay haba na ng buhok mo, hindi ka rin nag-aahit. Ako ang nangangati sa itsura mo." Sermon nito sa kanya, pero imbis na mabwisit ay napahagalpak pa siya ng tawa, plus the fact that he can't be mad nor annoyed at the woman who's like a third mother to him. Itinaas niya ang kamay patungo sa kanyang buhok at saka iyong ipinusod gamit ang laste na nasa kanyang pulsuhan. " Girls go gaga with this kind of look Nana. " "Ewan ko sa'yo. Hintayin mo lang na may masabi na naman ang daddy mo. Kung hindi ko pa alam sinasadya mo iyan para ma-highblood na naman si Ben sa iyo." Gibson smirk at the mention of his dad's name. Partly yes, sinasadya niya nga dahil alam niyang pupunahin na naman nito iyon. Dirty and unhygienic daw. Who cares tho. He actually like  pissing him off. Iyon yata ang isa sa mga nakasanayan niya na hindi niya maiiwasan. "Oo nga pala..may bisita daw ang daddy mo sa linggo kaya huwag mo daw siyang ipapahiya." "Thought it's a family dinner? " He ask sarcastically. Kibit balikat naman si Sol. "Iba din ang takbo ng isip ni Ben, kaya hindi na nakapagtataka kung hahaluan niya ng usaping koneksyon at ekonomiya ang family dinner na iyon. O siya, ako'y magluluto na." Paalam ni Sol at saka siya iniwanan sa sala. He can't help but wonder who's going to be their audience or audiences at their so called family dinner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD