KABANATA 27

1272 Words
"Gibson? Hey, are you with me?" Kinaway-kaway ni Olivia ang kamay sa tapat ng mukha ni Gibson upang gisingin ito sa tila paglalakbay ng isip. Napasimangot pa siya nang kumurap-kurap ito at umayos nang upo bago siya kunutan ng noo. "You're saying?" Dismayadong humalukipkip ang dalaga, emphasizing her swollen chest that almost pop out of her skimpy tube top. Kung hindi lamang kilala ni Gibson si Olivia ay iisipin niyang inaakit siya nito. "You're spacing out Gibson. I've been talking here for a while now.." "I'm sorry about that. I'm just thinking of something-" "You're thinking of that girl don't you?" Taas kilay na tanong ni Olivia. She don't like where the conversation is heading. Hindi siya tanga para hindi mahalata na ang ampon nito ang kasalukuyang umuukopa sa isip ng binata. Matagal siyang naghintay sa pagbabalik nito mula sa pagtatago sa Palawan, para lang magulat na may karay-karay itong ampon at higit sa lahat pinakilala pa nitong nobya. She can't believe it herself kahit na nang makita niya ang babae. She's nowhere near his type. "Nagawa mo na ang dapat sa kanya hindi ba? You've made the right decision of cutting her out of your life. You deserve so much better Gib-" "Am I here to hear you rant about Christina?" Tiim bagang na putol niya sa mga sasabihin pa nito. Awang ang labing napatigil si Olivia. Hindi makapaniwala na dinidepensahan nito ang dalaga sa harap niya. She clench her fist and try to regain her composure. " N-no..I didn't mean it like that. " Usal niya nang makabawi. "Then let's get  back into our topic." Pormal na muling sabi ni Gibson. Tinawagan lang naman siya ni Olivia upang makipagkita sa kanya at mapag-usapan ang kalagayan ni Chelsea, although siniguro na ni Ralph na wala na siyang dapat pang alalahanin dahil personal na nitong hawak ang health case ng dalaga. Hindi lang niya inaasahan na sa halip na sa klinika nito ay sa isang fine dining restaurant siya nito inaya. But since he considered Olivia as one of his friends he set aside the thought of her liking him. *** Ilang araw na ba ang lumipas buhat nang lumipat si Christina sa kwartong inuupahan? Dalawa? Tatlo? Hindi niya matukoy dahil parang kaytagal na. Hinahanap-hanap niya ang presensya ni Gibson. Sa tuwing gigising siya upang ipaghanda ito ng almusal bago sila pumasok sa kanya-kanya nilang trabaho, hanggang sa pag-uwi na ipaghahanda niya itong muli ng hapunan. Ang mga simpleng bagay na ginagawa nito, gaya nang pagsasalin ng pagkain sa kanyang pinggan o ang pagtulong nitong maglipit ng hapag-kainan. Ngayon ay tanging kape nalang ang gumigising sa diwa niya sa umaga, walang Gibson na sumasalubong ngl ngingiti sa kanya o ang pang-aasar nito. Sa gabi ay bumibili na lamang siya ng lutong pagkain sa katapat nilang karinderya. Gigising, papasok sa trabaho, uuwi at matutulog, parang recorded na ang mga lumipas na araw kay Christina. "Ate Christina, pupunta kaming BGC (Bonifacio Global City) , gusto mo bang sumama?" Napalingon mula sa pagbabasa ng mga lumang messages si Christina  kay Frida. Nakatayo ito sa tapat ng bed niya habang ang kaibigan naman nitong si Karly ay nagaayos ng buhok. "Oo nga ate. Para makalibot ka naman at nang hindi ka nagmu-mukmok lang dito. Mas mainam kung naaabala ang isip mo." Mapang-unawang ngiti ni Karly sa dalaga na matamang minamasdan ang magkaibigan. College students si Frida at Karly, nasa third year na. Parehong mula sa simpleng pamilya na pinipilit iraos ang pag-aaral. Parehong mabait at magaan kasama kaya madali niyang nakasundo. "Sama ka na ate minsan lang kami gumala ni Frida at isa pa hapon pa naman ang pasok namin bukas." Muling minasdan ni Christina ang huling mensahe sa cellphone. You should forget me and focus on what's in front of you Christina. Iyon ang huling mensahe ni Gibson sa kanya. Malungkot siyang napangiti bago muling hinarap ang magkaibigan. " Sige. " Sagot niya na kaagad nakapagpangiti sa dalawang kasama niya. *** "Wow.." Ang tanging nanulas sa kanyang bibig nang makarating sila sa destinasyon. Nagliliwanag ang paligid at parit-parito ang mga tao . Marami din siyang nakikitang mga turista na nasusundan na lamang niya tingin. Naramdaman na lang niya ang pag-akay sa kanya ni Karly na itinuturo ang isang pader na napipintahan ng parang isang bookshelf. Naalala tuloy niya ang shop. "Marami ka pang makikita na mga arts dito ate. Tapos may mga statues din. Favorite ko yung *the trees*." Excited na pagkukwento sa kanya ni Karly habang nangingiti nalang si Frida sa pakikinig sa kaibigan. Nagikot-ikot sila sa park at gaya ng sinabi ni Karly maganda nga ang favorite spot nito doon. Tatlong statue ng puno na magkakaharap pa-trianggulo at ang nagmimistulang mga dahon at sanga ay magkakadikit na parang sa isang kabute. It's like a united tree. Ang sabi ni Frida ay kukulangin sila sa oras sa paglilibot dahil sa malawak din ang lugar at madami pa daw pwedeng pasukin, puntahan at libutin. Nakakabitin man pero gagabihin din kase sila sa uwi. Nangako naman ang dalawa na muli silang babalik doon kapag walang pasok at kapag may panlibot na talaga ang mga ito. Naintindihan niya iyon dahil sa kagaya niyang ipit na ipit din nuon ay kailangan talagang i-priority kung ano ang dapat. Kaya habang naglalakad ang dalawa patungo sa mga tent o stalls na nagtitinda ng mga pagkain, nangako si Christina na sa susunod na pagbalik nila ay siya naman ang taya. "Ate!" Tawag pansin sa kanya ni Frida na kumaway pa. Naiwan kase siya dahil sa pag-iisip. Mabilis siyang naglakad upang makahabol sa mga ito. Hinintay siya ni Frida habang si Karly naman ay namimili na ng bibilhin. Bitbit ang pinamiling pagkain ay naglalakad na sila patungong cross road. Palingon-lingon pa rin si Christina, hindi makahuma sa nasisilayan ng kanyang mga mata. "Sa susunod ate sa Venice Piazza ka naman namin ililibot. Diba Frida?" "Oo, maganda nga doon." Tango naman nito. "Venice Pizza?" Kunot noong ulit ni Christina sa gulat niya ay parehong humagalpak ng tawa ang dalawang magkaibigan. "Piazza ate. Venice Piazza." Humihingal sa pagtawang ulit ni Karly. "Gutom na yata si ate Christina, Karly." "Maganda doon ate, para kang nasa ibang bansa. Para ka nang nakarating sa Italy." "Talaga?" Manghang tanong ng dalaga. Sunod-sunod na tango naman ang isinagot ng dalawa. "Malapit lang iyon dito. Pero syempre mas enjoy kung sasakay din tayo sa bangka at maiikot ang grand canal." Tumatangu-tangong ani  Karly habang nakahawak sa baba na tila ba nag-paplano na. "Kaso ang mahal n'un kaya ipon-ipon muna tayo." "Maganda ba talaga doon?" Tanong ni Christina dahil sa bukas palang ng mukha ng dalawa ay tila ba mga batang nangangarap ng regalo sa pasko. Kinuha ni Frida ang cellphone sa bag nito at nagpipindot doon. Makaraa'y iniharap nito sa kanya ang isang larawan. Nanlaki ang mata niya sa kuha doon. Sinong hindi mamamangha lalo na sa isang kagaya niya na tila napag-iwanan ng sibilisasyon. "Iyan iyon?" Turo niya. May mga ornaments, golden Christmas lights na mistulang kurtina na nakasabit  sa pader at sa ibabaw na parang bubong na nagbibigay ng mala-gintong liwanag sa paligid. Sa ibaba niyon ay parang sa isang pelikula lang niya nakikita. Mistulang isang malaking irigasyon o kanal na may bangka. Hindi na siya nagtataka kung bakit excited ang magkaibigan na makalibot doon dahil maging siya ay gusto rin niyang puntahan iyon. "Ganda noh?" Sabi ni Karly habang kumakain ng malaking kwek-kwek. "Sige, sa susunod-" "Christina?" Nabitin sa ere ang pagkagat ni Karly sa itlog, maging si Frida ay napatitig sa tumawag sa pangalan ng dalaga. "Ralph?" Maang na anas ni Christina. Sa dinadami-dami ng tao sa Metro Manila ay si Ralph pa ang nakasalubong nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD