"1,500 lang, 500 tubig at ilaw, bali 2,000 pesos lahat lahat."
Mula sa pagkakatingin sa kwarto ay napalingon si Christina sa landlady na nasa likuran lang niya. Hindi kalakihan ang silid, at kung tutuusin ay parang mas malaki pa ang banyo sa silid niya sa bahay ni Gibson. Mayroong dalawang double deck na kama at dalawa na ang occupants niyon. May nag-iisang bintana, dalawang maliit na lamesita sa magkalbilang paanan ng mga kama, dalawang plastic na dura-cabinet at apat na plastic chair.
Si Lorraine ang nag-imporma sa kanya ng bedspacer na iyon nang magtanong siya dito kung saan siya pwedeng mangupahan. Tamang-tama lamang iyon dahil isang sakay lang sa jeep at hindi siya maliligaw. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na silang dalawa ni Gibson. Although alam naman niya na darating din talaga ang panahon na iyon dahil wala naman itong pagtingin sa kanya at bukas ang isip niyang tanggapin ang tungkol doon ay hindi pa rin niya mialis ang katotohanan na malaking bahagi niya ang nakuha na nito.
Sinubukan niyang kausapin si Gibson nang makahuma siya sa pagkabigla, subalit nabigo siya. Hindi siya nito hinarap. Doon niya tuluyang naramdaman ang bigat ng kalooban. Ang sakit na kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang maramdaman. Ganoon pala ang pakiramdam ng isang nabigo ng dahil sa pag-ibig. Gumagana ang isip at diwa mo pero manhid ang buong pagkatao sa sakit. Ang buong akala niya ay kayang kontrolin ng isip ang puso at pangatwiranan. Pero malayo iyon sa katotohanan para sa kanya. Dahil kahit ilang ulit niyang kalmahin ang naninikip niyang dibdib sa kirot ay hindi magawa ng utak niya. The pain was unmistakably unbearable, na kailangan pa niyang magtago sa banyo para ibuhos ang lahat ng emosyon doon. She open the shower ay stand under it, letting the cold water hit her face and drown the sobs that erupted from her throat.
It never crossed her mind that heart breaks can be that painful, not until that day. And it still hurt, until this very moment.
"Kailan mo balak lumipat?"
Tanong ng ginang. Kumurap-kurap si Christina para maalis ang panlalabo at hapdi ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha doon.
"Mamaya din po sana."
"Walang problema. Mga estudyante ang makakasama mo dito sa kwarto. Hapon pa ang uwi ng mga iyon. Tawagan mo nalang ako kapag narito ka na para maibigay ko sa iyo ang susi mo."
Nakangiting anito kaya kahit nabibinat ang pisngi niya ay gumanti rin siya ng ngiti at saka nagpaalam na. Kukunin na lamang niya ang mga gamit sa bahay ni Gibson pag-uwi niya galing trabaho. Mabuti na lamang at may pera siyang ipon para makapagsimula..ng nag-iisa.
***
Wala si Bianca sa shop ng araw na iyon. Ang balita niya ay schedule ng anak nito sa doktor. Ramdam ni Christina ang nagtatakang sulyap ng mga ka-trabaho niya. Maging ang manager nilang si Hubert ay nilapitan pa siya para tanungin kung masama ang pakiramdam niya. Matamlay daw kasi siya at nanlalalim ang mga mata. Umiling siya at siniguro sa mga ito na maayos siya. Hindi na nag-usisa pa si Hubert at hinayaan na lamang siya.
Natapos ang shift ni Christina sa trabaho na parang walang nangyari. Kung tatanungin nga siya, ay baka malito pa siya sa kung ano ang dapat isagot dahil lumilipad ang isip niya. Parang naka-auto pilot ang katawan niya sa durasyon ng kanyang trabaho.
"Christina, narito na ang sundo mo."
Tumalon ang puso ni Christina sa gulat at kaba nang marinig si Hubert . Nabuhay ang naghihingalo na niyang pag-asa. Napuno ng pagkasabik ang mukha niya kaya lalong nagtaka ang mga ka-trabaho niya sa biglaang sigla na iyon.
Nagbago ba ang isip niya?
Masayang tanong niya sa sarili. Kaagad niyang kinuha ang bag at nagpaalam na. Nagmamadali at malalaki ang hakbang sa excitement na binuksan niya ang glass door ng shop. Nakangiti niyang inilingon-lingon ang ulo sa paligid bago napakunot-noo. Hindi naman niya makita ang sasakyan ni Gibson.
"Ma'am kayo po ba si Christina?"
Tanong ng taxi driver na nag-baba lang ng windshield sa gawi niya.
"O-opo.."
"Sakay na po ma'am."
Laglag ang balikat na inabot niya ang handle ng pinto sa backseat at saka sumakay. Nag-iinit ang buong mukha niya sa hiya. Ang laking gaga niya para mag-aasume na si Gibson ang sumundo sa kanya. Asang-asa ang puso niya. Galak na galak, para lamang bumulusok muli sa pagka-bigo.
Pagdating sa tapat ng bahay ay pipindutin na sana niya ang doorbell nang mapansin na naka-awang ang gate. Bukas iyon. Nagtaka siya dahil hindi naman iniiwang bukas ni Gibson ang gate. Pumasok na siya at saka iyon isinara. Nang pihitin niya ang seradura ng pinto ay bumukas iyon. Tahimik naman ang kabahayan, pero napako siya sa kinatatayuan ng buhat sa kusina ay lumabas ang lalaking tanging naging laman ng isip niya sa buong araw. Bitbit nito ang isang mansanas na may kagat na.
Nagtama ang paningin nila, at wala siyang ibang gusto kundi ang tawirin ang espasyo at damhin ang init ng yakap nito. Pero bago pa man hunakbang ang paa niya ay tumalikod na si Gibson paakyat.
"Lock the door when you leave the house Christina."
Walang lingon-likod na sabi ni Gibson sa dalaga na muling ikinadurog ng puso niya.
"A-alam mong aalis ako?"
Halos pumiyok na tanong niya. Huminto sa paghakbang sa baitang ang binata.
"I packed your belongings. So.. Do you a need a hand to carry them out?"
Tanging sagot nito at saka siya bahagyang nilingon.
Gumapang ang kilabot mula sa talampakan niya patungo sa kanyang mukha. Ganoon ba ka-eager ang binata na ipagtulakan siya palayo sa buhay nito?
" I'll take your silence as a no then. Take good care of your self Christina."
Ani Gibson at saka siya tuluyang tinalikuran.
Gaya ng sinabi ni Gibson ay naka-empake na ang lahat ng gamit ng dalaga. Dalawang medium size na maleta at isang kahon na naglalaman ng ilang personal na gamit niya. Kung paano nito nalaman na aalis na siya ng gabing iyon ay misteryo sa kanya. Isa-isang ibinaba ni Christina ang mga gamit patungo sa labas kung saan naghihintay ang taxi na hindi niya pinaalis. Tinulungan siya nitong ikarga iyon sa compartment ng sasakyan. Muli siyang pumasok sa loob upang kunin ang kahon at nang mabitbit iyon ay hindi niya naman maihakbang ang mga paa palabas ng silid. Muli niya din iyong naibaba sa kama, matapos ay tuluyang tumiklop ang mga tuhod niya pababa at mapasalampak sa malamig na sahig. Ipinatong niya ang mga braso sa gilid ng kama at doon umamot ng lakas habang hilam sa luha ang mga mata. Sa hindi mabilang na sandali ay muli niyang hinayaan ang sarili na tangayin at muling igupo ng sakit.
***
"Okay na po sir. Nasa loob na siya ng bahay. "
Imporma kay Gibson ng taxi driver na inarkila niya para kay Christina upang sunduin ang dalaga sa shop at ihatid ito sa uupahang matutuluyan. Pinatay niya ang cellphone matapos magpasalamat.
Si Joseph ang kaagad na nag-balita sa kanya nang tungkol sa pag-alis ni Christina sa bahay niya. Si Hubert, ang manager naman nito ang nag-report niyon kay Joseph. Hindi daw nito sinasadyang narinig ang paguusap ng tauhan nito sa shop at ni Christina. Mapakla siyang nangiti dahil mukhang pinababantayan ni Joseph ang dalaga.
Nalungkot siya nang malaman ang tungkol doon, pero hindi naman niya masisisi ang dalaga sa desisyon nito. Itinutulak niya ito palayo, at ngayong nagyayari na ay binabagabag naman siya ng sariling damdamin. Mas mabuti na rin na wala na ito sa poder niya.
Nilaru-laro niya ang mansanas sa kamay na nakagatan na niya. The discoloration of the beaten apple made him frown.