KABANATA 25

1276 Words
"Christina, gising na.." Kumawala ang mahinang ungol ng protesta sa labi ni Christina at saka itinaas ang kumot patalukbong sa kanyang ulo. Gusto pa niyang matulog at isa pa ay kay bigat - bigat pa nang talukap ng mga mata niya. Sa agaw diwa niyang konsensya ay narinig niya ang mahinang buntong-hininga at ang pag-lundo ng kama. Sinubukan niyang paglabanan ang pamimigat ng ulo at dumilat subalit animo naka dikit ang pagkakapikit ng mga mata niya. "Christina lalong sasakit ang ulo mo kapag hindi kapa gumising. Kailangan mo na rin kumain." Hindi man ganap na naidilat ng dalaga ang kanyang mga mata ay nagising naman nang tuluyan ang diwa niya. Si Gibson ang nagsalita at naroroon ito ngayon sa silid niya. Mahigpit niyang hinawakan ang comforter nang maalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Kasabay nang pagkagising niya ay ang pagkagising din ng lungkot at sakit sa kanyang dibdib. Paano niya haharapin si Gibson? Muli niyang narinig ang marahang pagpapakawala nito ng buntong-hininga. "Iiwan na muna kita." Sa sinabi nitong iyon ay napabaling ang ulo niya sa direksyon ng binata. She wanted to protest, she don't want him to leave, pero sa tuwing naalala niya ang sinabi nito kay Rony ay pinangungunahan siya ng takot. Nanigas ang katawan niya nang maramdaman ang kamay ni Gibson sa kanyang buhok, ang pag-galaw ng kama, at ang pagdampi ng labi nito sa kanyang ulo. "I made lunch. Freshen up, so we can it. I'll be back." Lunch? Tanghali na? Natitigalang tanong niya sa isip. No wonder mabigat ang pakiramdam niya. Hindi lang dahil sa pagod na mata sa pag-iyak kundi sa sobrang haba na rin ng itinulog niya. Naramdaman niya ang pag-alis nito sa kama, makara'ay sobrang tahimik na. Hinihintay niyang marinig ang pagsara ng pintuan pero nanatiling tahimik ang paligid, o baka naman iniwan nito iyong bukas. Aalisin na sana niya ang pagkakatakip sa mukha nang muli niyang marinig si Gibson. "About last night. Let's talk. We really need a serious talk Christina." Kumabog ang dibdib niya sa huling sinabi ni Gibson. Nang sa wakas ay magsara ang pintuan, kaagad siyang bumangon pa-upo at gimbal na tinitigan ang nilabasan nito. Ano ang paguusapan nila? Mapakla siyang napangiti, ano pa nga ba ang dapat na pag-usapan nila, kundi marahil ay ang estado ng relasyon nila, lalo na at harap-harapan nitong inamin sa mga kaibigan na wala itong nararamdaman para sa kanya. Gaya nang sinabi nito, isa lamang siyang kawang-gawa para dito. Mabigat ang kaloobang tuluyan na siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Pahinamad na isinara niya ang pintuan at nang makarating siya sa sink upang maghilamos at mag-toothbrush ay literal na napanganga siya. Parang kinuryente ang buhok niya sa pagkakabuhaghag, nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata at namamaga. Para siyang na-allergy na ewan. Mabuti na lamang at hindi siya nakita ni Gibson sa ganoong ayos. Matapos makapag-ayos ng sarili ay naghanda na siyang lumabas ng banyo. Subalit sa gulat niya ay ang bulto ni Gibson ang sumalubong sa kanyang paglabas. Kita sa mukha nito ang gulat nang mabistahan ang mukha niya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Let's eat?" Anyaya ni Gibson kay Christina. Nang hindi ito kumibo ay nauna na siyang naglakad palabas ng silid. Sadyang binagalan niya ang lakad upang masiguro na nakasunod sa kanya ang dalaga. A sigh of relief escaped from his lips when she followed him downstairs. Pagdating sa kusina ay inalalayan pa niya ang dalaga na maka-upo habang tila namamangha sa pagtingin sa mga iniluto niya. He made her a mushroom and cream soup, grilled porkchop, mashed potatoes at shrimp tempura. "Let's eat.." Pagbasag niya sa katahimikan. "Salamat.." Napangiwi si Gibson nang marinig ang boses na iyon ni Christina. Paos na paos ang boses nito. Nang akma nitong aabutin ang pitsel ng orange juice ay pinigilan niya ang dalaga. "That will worsen your sorethroat Tin. I'll make something for you." Aniya at saka muling tumayo patungo sa kusina. Pagbalik  ay inilapag niya ang isang tasa ng green tea with lemon. Inilapag niya iyon sa harap ng dalaga at saka siya muling naupo upang kumain. Panaka-naka niyang sinusulyapan si Christina sa pagitan nang pagsubo. Mabagal at paunti-unti ang pagkain nito. She barely eat, pero hindi na rin niya ito pinilit pa kaya matapos ang pagkain ay tumayo na siya upang ligpitin ang hapag kainan. "Ako na dito.." Prisinta ni Christina  pero umiling siya. "No, I'll do the dishes. Hintayin mo nalang ako sa sala. Susunod ako pagkatapos nito." Aniya habang isa-isang inililiglit ang mga pinggan. Hindi tumayo si Christina sa kinauupuan, bagkus ay pinanood lang niya si Gibson sa ginagawa. He gracefully, yet manly stood  in front  of the kitchen sink while washing the utensils. Kung hindi lamang natutuliro ang isip ni Christina ay baka pinagpi-pyestahan na ng mga mata niya ang katawan ng binata. Kung paano ito kumilos, kung paano gumalaw ang braso at ang mga balikat nito ay sadyang kaaya-aya sa kanyang paningin. Tanging ang ingay lamang sa ginagawa nito ang pumupuno sa paligid, at ng sa wakas ay makatapos ang binata at mailagay sa draining rack ang mga pinggan ay hinarap siya nito. Hawak ang kitchen towel at pinupunasan ang mga kamay ay sinandal nito  ang likuran sa sink at saka matiim na tinitigan ang dalagang puno ng antisipasyon at kaba na nakatingin din sa kanya. Lumapit siya dito at inabot ang kamay, bago pa tayo siyang hinila nang marahan. Walang pasubali namang nagpatangay si Christina hanggang sa makarating sila sa sala. Inalalayan siyang muli na makaupo sa mahabang sofa at matapos ay tumabi ito sa kanya. Pinisil-pisil ni Gibson ang kamay niya na para bang nire-relax siya sa pamamagitan niyon. Pero hindi niyon mabura ang takot na nagsisimula nang mamuo sa dibdib niya. "I'm sorry about what happened last night.." Nilingon ni Christina si Gibson pero naka-sentro ang atensyon nito sa kamay niyang hanggang ngayon ay hawak-hawak nito. Hindi niya inalis ang tingin sa binata, at halos ay hindi siya kumarap sa pag-hihintay sa sasabihin pa nito. " You are such a sweet girl Christina. So naive, innocent and fragile. Seeing you hurt because of me, makes me realized that what they said about me are all true. I'm afraid that I might ruin you.." Nanlamig si Christina sa narinig. Hindi man niya masyadong masundan ang lahat nang sinabi ni Gibson ay hindi naman mahina ang pang-unawa niya. May hinuha siya kung ano ang gusto nitong iparating pero umaasa siyang nagkakamali lamang siya. Ang paninikip ng dibdib niya ay tuluyang nagpapamanhid sa katawan niya. Awang ang labing hindi niya alam kung paano o ano ang dapat sabihin. "Ayokong saktan ka nang higit pa dito. Kaya habang kaya ko pang iwasan, na hindi ka mapabilang sa mga babaing dumaan sa buhay ko para lang masira ko, kailangan ko nang tapusin ang kung anuman na meron tayo ngayon." Sa mababang boses ay tuloy-tuloy na sabi ni Gibson. Nilingon niya si Christina na namimilog ang mga mata sa gulat. " I'm sorry Tin. Let's break up. " Malungkot siyang napangiti. Iniiwasan niyang masaktan ang dalaga pero sino ang niloloko niya gayung  ngayon palang ay alam niyang nasasaktan na niya ito. But it's  the right thing to do, right?  You'll get over from me, soon enough.  Pang-aalo niya sa sarili. But damn if he didn't want to take those words back and just bring her to his arms. But he can't afford to break her too. It's better if she keep his distance from her and let her live a life without him. It's nothing new. Atleast he'll leave her along  with Christina's innocence untouched. It's the right thing to do and yet, why did he have that aching feeling inside of his chest? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD