KABANATA 2

1685 Words
“Christina?” Nakamaang na sinalubong ni Annie ang inaanak at halos malaglag ang sigarilyo nito na ipit-ipit sa pulang-pulang labi. “Ninang..” “Anong nangyari sa mukha mo? At bakit ngayon ka lang bumalik?” Tanong nito. Dalawang araw muna kase ang pinalipas ni Christina upang mawala kahit paano ang pamamaga ng mukha niya ,bago pumasok sa club na pina-pasukan ng ninang n'ya. Dishwasher s'ya doon dahil ayaw ng ninang niya na mag-waitress siya. Mas mabuti na daw na puro maruruming pinag-lutuan, plato, baso at kung anu-ano pa ang makaharap n'ya kaysa mga bastos na manginginom. Laking pasalamat niya dahil hindi napipilit ang ninang niya na higit pa sa dishwasher ang maging trabaho niya doon. “Maga pa kase itong mukha ko ninang ,pina-impis ko muna.” “At hindi na maga ang ganyan?” Turo nito sa bahaging iyon ng mukha niya na bagaman hindi na ganoon kalala ay hindi pa rin masyadong magaling. “Baka kase tanggalin ako sa trabaho, hindi rin pwede na magpahinga ng matagal. Kailangan ni nanay ng gamot ninang.” Napakamot sa kilay si Annie na para bang biglang namoroblema. Lumingon ito sa nakapinid na pinto na patungo sa cooking area. “Iyon nga ang problema inaanak. Dalawang araw kang wala at hindi ka naman nag-paalam.” “Wala kase ako mauutusan ninang. Wala din naman akong cellphone. Hindi ako makalabas dahil nilagnat ako.” Nag-simula ng mag-alala si Christina. Iyon lamang ang trabahong kahit papaano ay kayang matustusan ang gamot ng nanay niya. Hindi niya alam ang gagawin kung mawawalan siya ng trabaho. “Alam ko, mukha ngang lume-level up ang kademonyohan ng tatay Delio mo. Kung may magagawa lang ako kukunin ko na kayo ni Lorna. Pero daga lang ako na naki-ki-lungga.” Napangiti si Christina sa sinabi nito. Alam naman niya iyon. At alam niya na walang permanenteng tirahan ang ninang Lorna niya. “Heto,” Dumukot ito buhat sa cleavage at inilabas ang nakaipit na ilang daang piso. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang pera. “Pasensya ka na muna Christina, hindi ko basta-basta mapapatalsik iyong bagong dishwasher at kaanak nitong may-ari ng bar. Pero hayaan mo at gagawaan ko ng paraan.” Nanlumo siya sa narinig, subalit wala siyang magagawa. Kasalanan din naman niya dahil dalawang araw siyang nawala ng walang pasabi. “Salamat po ninang. Pasensya na din kung nabigyan pa kita ng problema.” “Ikaw talaga.” Inabot s'ya nito at mahigpit na niyakap. Langhap niya ang pinag-halong pabango at amoy ng sigarilyo dito. “Kahit kailan ay hindi kayo problema sa akin ng nanay mo. Para saan pa at tumanda kaming magka-kabit ang mga bituka.” Nang kumalas ito sa kanya ay hinawi nito ang buhok na nag-ku-kubli sa bahagi ng kanyang mukha na bahagya pang namamaga. Nag-lapat ang labi nito at rumehistro ang galit sa mga mata nitong sa tuwina ay animo nakangiti. Mag-ka-kaibigan ang magulang niya at ang ninang Annie niya. Ang sabi nito ay best friend nito ang tatay niya talaga bago nakilala at naging kaibigan ang nanay niya. Hanggang sa mag-dalaga at magkatuluyan ang mga magulang niya. Hindi na nakapag-asawa ang ninang Annie niya maaga kase itong nag-trabaho bilang entertainer sa mga bar. Wala daw lalake ang nararapat sa kagaya nito na isang babaeng mababa pa sa kalapate ang lipad. “Sa susunod na makita kitang ganyan ang itsura mo Christina, isinusumpa ko sa ngalan ng tatay mo na buburahin ko ang mukha ni Delio sa balat ng lupa.” Seryosong sambit nito. Ginapangan ng pangamba si Christina dahil halata sa ninang niya na hindi ito nag-bibiro. “Nag-bibiro lang ako..” Nakangiti nang sabi nito ng mapansin ang takot sa kanyang mukha. Subalit para kay Alice ay hinding-hindi s'ya mag-da-dalawang isip na gawin iyon sa oras na saktan muli ni Delio ang minamahal na inaanak. Pauwi na si Christina ng mapadaan siya sa karinderya. Naisipan niyang ibili ng kahit lugaw man lang ang nanay niya dahil gatas lang ang tanging laman ng sikmura nito. Nang bilangin niya ang perang inabot ng ninang Alice niya ay kulang-kulang 600 din iyon. Marahil ay ibinigay nitong lahat ang pera nito ng mga oras na iyon. “Christina, hinahanap ka ni aling Concha ah..nagkita na ba kayo?” Tanong ni Manong Oka na may-ari ng karinderya habang isinasalin ang lugaw na may itlog na binili niya. “Hindi po Mang Oka,kanina pa po ba?” Tanong niya. Hindi kaya sisingilin siya nito kaya siya hinahanap? “Kani-kanina lang. Oh heto ang lugaw mo. Dinagdagan ko na din iyan para sa inyo ng nanay mo. Lalo kang pumapayat ah.” “Salamat po Mang Oka.” Nakangiti n’yang sabi ng abutin ang binili. Bago tuluyang umuwi ay dumaan muna siya kay Aling Concha. Nag-aayos ito ng mga paninda sa sari-sari store nito ng abutan niya. “Aling Concha!” Tawag pansin niya dito. “Naku Christina! Naabala ba kita sa trabaho mo?” Agad itong lumabas at lumapit sa kanya. “Hindi naman po. Sa katunayan ay wala po akong pasok ngayon.” “Bakit naman? Masama pa ba pakiramdam mo? Hindi kaya napuruhan ka ng magaling mong tatay-tatayan?” May pag-a-alalang tanong nito. “Naku hindi naman po. Maayos na po pakiramdam ko. May bago na kasing dishwasher doon sa bar. Hihintayin ko pa po ang balita ni ninang kung makakabalik ako.” “Ganoon ba? Kung gayon ay wala kang trabaho?” “Opo, pasensya na Aling Concha ah. Pero mag-babawas po ako sa utang ko.” Inilabas niya ang pera sa kanyang bulsa, pero bago pa man niya iyon maiabot dito ay pinigil na siya nito. “Huwag na muna hija. Mas kailangan mo iyan.” “Pero ang akala ko po kaya mo ako hinahanap ay dahil maniningil ka?” Takang tanong niya. “Hindi naman. Ang totoo niyan, may sasabihin ako sa iyo. Iyong kapatid ko kase na si Sol ay nag-hahanap ng pwedeng maging caretaker. Malaki din ang sahod at may incentives pa.” “Talaga po?” Napukaw kaagad nito ang interes niya. Kailangang-kailangan niya ang trabaho at malaking bagay ang balita ni aling Concha. “Gusto mo ba? Dahil ngayon din ay tatawagan ko si Sol upang sabihin na ikaw na lang ang ipapasok n'ya.” “Sige po Aling Concha. Pero, ano po ba iyong caretaker?” Tapos naman s'ya ng high school pero nalilito siya kung ano ang trabaho ng isang caretaker. “Mag-aalaga ka lang ng bata, at kaunting gawaing bahay. Huwag kang mag-alala mababait daw ang mga iyon. Galing doon si Sol pero doon talaga s'ya sa main house daw namamalagi. " “Ganoon po ba? Eh saan po ba iyon papasukan ko kung sakali? Kailangan po kase makabalik din ako sa hapon.” Kaagad napalis ang ngiti ni Aling Concha sa sinabi na iyon ni Christina. “Palawan hija.” Alanganin nitong sagot. “P-Palawan?” Bagsak ang balikat na ulit niya. Imposible iyon sa kanya. Nang makauwi si Christina sa bahay ay tahimik ang paligid. Wala ang tatay Delio niya na marahil ay nasa trabaho o hindi naman kaya ay nasa sugalan o inuman. Dumiretso siya sa kusina upang isalin ang binili niyang lugaw at mapakain ang nanay niya. Kailangan niya ng trabaho subalit hindi niya maaaring iwanan ang nanay niyang may sakit. Hindi niya maaasahan ang tatay Delio niya kapag iniwan niya ang nanay niya. Hindi iyon maaari. Pag-pasok niya sa maliit na kwarto ay gulat na sinundan siya nang tingin ng kanyang nanay. Hinila niya ang upuang plastic at doon inilagay ang mangkok ng lugaw at isang basong tubig. "Christina, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may trabaho ka anak?" Sa hirap at pabulol na boses ay tanong ni Lorna kay Christina. Sa pag-sa salita pa lamang ay hinahapo na siya. "May bago ng dishwasher doon sa bar na pinag-ta-trabahuhan ni ninang nanay." Malungkot na imporma ni Christiana. Ginagap ni Lorna ang kamay ng anak at pinisil. "Pasensya ka na anak.." Umiling siya ng paulit-ulit. Walang kasalanan ang nanay niya at kailanman ay hindi niya hahayaang maramdaman nito na kasalanan nito ang lahat. Marahil ay isang malaking pagkakamali nga ang pakikisama ng kanyang nanay kay Delio, pero masisisi ba niya ang ina? Malalim na ang gabi ng maalimpungatan si Christina sa pag tulog. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya mula sa pagkakahiga sa tabi ng kanyang nanay. Unti-unting iminulat niya ang mga mata at gayon na lang ang hilakbot na bumalot sa katawan niya ng mula sa bungad ng kwarto ay nakatayo ang kanyang tatay Delio kasama ang isa pang lalaki sa tabi nito. Mariin niyang kinapitan ang kumot at nag-tulug tulugan ngunit sa gising na gising niyang diwa ay hinding hindi siya mag-dadalawang isip na itaya ang buhay kung may balakin ang dalawa sa kanilang mag-ina. "Oh hindi ba? Bayad ka na sa lahat ng utang mo sa akin kapag iyang anak-anakan mo ang ibinigay mo. May sukli ka pa." Anang isang lalaking kasama ni Delio habang humihipak ng sigarilyo. "Tarantado. Kapag inilakad ko iyan sa mga kano na nasa casino hindi lang lahat ng halaga ng utang ko ang magiging katumbas niyan." Pinitik pitik ni Delio ang mga daliri na animo nagbibilang ng salapi. "Dolyares Pare! Dolyares ang halaga ni Christina . Kaya hintay ka lang at mababayaran din kita. Doblehin mo pa ang tubo." "Sabagay nga. Pero baka naman pareng Delio..isang gabi lang." Nakangising sabi ng lalake. Kinilabutan si Christina at tila pinangapusan ng hininga sa mga naririnig niya. "Gago! Eh di nabawasan ang halaga niyan. Iyon nga ang nag-pamahal diyan tapos gusto mong mauna. Hanggang doon ka lang sa *saldakan*." Tukoy nito sa beer house. Tumatawang nag-labasan na ang dalawang lasing habang napabalikwas naman ng bangon si Christina. Nanginginig ang laman niya sa galit at takot. Hindi niya lubos maisip na kaya isang ibenta ng ama-amahan para sa interes nito. Ang akala niya ay sa mga nobela at soap opera lamang iyon posible, ngunit nagba-badyang mangyari iyon sa kanya. Minasdan niya ang ina na malalim ang tulog. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para hayaang mangyari ang nais ni Delio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD