KABANATA 3

1723 Words
"Huwag kang mag-alala, hindi pababayaan sa Maria's Shelter ang nanay mo." Marahang tinapik-tapik ni aling Sol ang kamay ni Christina. Sakay sila ng isang ferry patungong Palawan. Hindi man niya nais na maiwan ang kanyang Ina sa Iloilo ay kailangan niyang umalis upang may maipantustos siya sa gamot at iba pang pangangailangan nito. Pagka-kataon na rin niya upang kahit papaano ay makaipon at kung palarin ay magkaroon ng sariling bahay. Nang gabing marinig niya ang kanyang Tatay Delio at ang isa pang lalake na pinag-uusapan ang pag benta o pag-bugaw sa kanya ay hindi na siya nagpaabot pa ng umaga. Dali-dali siyang nagtungo kay aling Concha upang hingin ang tulong nito. Sa kabutihang palad ay buong puso naman siya nitong tinulungan. Tinawagan nito ang kapatid na si Sol upang sunduin ang mag-ina. Nanatili sila sa bahay ni Sol sa Jaro ng dalawang araw upang ihanap ng pansamantalang shelter ang nanay ni Christina. Ang Maria's Shelter sa City Proper ang na-pagdalhan nila sa ina. Isa iyong non-govement institution na kumakalinga sa mga kababaihan na inabuso o inabandona. Malayo man si Christina sa kanyang nanay ay panatag na ang loob niya dahil wala na ito sa poder ng kanyang ama-amahan. Hiling niya lamang ay huwag na sana silang hanapin pa ni Delio. "Salamat po Aling Sol..ang laki po nang naitulong ninyo ni aling Concha sa amin ni nanay." "Huwag mong alalahanin iyon, ang mahalaga ay nasa maayos na kalagayan na kayo ni Lorna. Magugustuhan mo sa Palawan hija, pihadong tataba ka doon." Nakangiting sabi nito. "Marami nga po akong naririnig tungkol sa Palawan. Resort po ba ang pupuntahan natin gaya ng sa mga magazines?" Bakas ang tuwa at pagkasabik sa tinig ni Christina, nag-mistula siyang bata na ipapasyal. "Hindi naman, pero malapit lang ang resort doon sa bahay bakasyunan ng mga Montréal, kapit-bahay lang halos." "Talaga po? Ibig sabihin ay dagat po doon?" Napataas ang boses niya kung kaya't napalingon ang ibang pasahero ng ferry sa kanila. Nahihiyang napayuko na lamang si Christina upang itago ang pamumula ng mukha. Natatawang tinapik-tapik naman muli ni Sol ang braso niya. " Kung mahilig ka sa dagat ay baka panawaan mo doon. Literal na dagat ang tanawin doon." Halos isang araw sila sa laot bago nakarating sa Puerto Princesa, subalit ang 24 oras o humigit pang byahe ay hindi alintana ni Christina dahil iyon ang unang beses na nakasakay siya sa isang ferry at nakabyahe nang ganoon katagal. Sa 27 taon ng buhay niya ay kahit swimming pool ay hindi niya narating o nakalabas man lamang sa Iloilo. Pagdating nila sa daungan ay mayroon ng isang matandang lalake ang naghihintay upang sunduin sila Christina. Nag-pakilala ito bilang Tata Damian, on call driver ng mga Montréal sa Puerto Princesa. Sa pagod ni Christina ay nakatulog siya sa durasyon ng byahe nila, nagising na lamang siya nang marahan siyang yugyugin ni Sol. "Narito na tayo hija." Kinusot-kusot niya ang mga mata bago tumingin sa labas ng nakabukas na pintuan ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Christina at saka siya bumaba upang ilibot ang paningin sa paligid. Dinig niya ang hampas ng alon sa dalampasigan at langhap na langhap niya ang amoy ng tubig dagat. Hindi niya gaanong tanaw ang dagat pero sa tuwing tumatama ang alon sa dalampasigan ay animo iyon mga kristal na kumi-kislap sa liwanag ng mga poste ng ilaw at ng buwan. "Marami ka pang pagka-kataon upang masdan ang tanawin bukas. Tayo na sa loob at nang makakain tayo ng hapunan." Marahang inakay ni Sol si Christina na hindi maiwanan ng tingin paligid niya. Malamlam ang liwanag sa paligid ng bahay, mayroon iyong gate na gawa sa tabla subalit ang harapan ng bahay ay buhangin pa rin. Bago makarating sa main door ay isang porch naman na gawa din sa malalapad na tabla na may isang dangkal ang iniangat mula sa buhangin. Dalawang palapag ang bahay at para kay Christina ay hindi na iyon isang simpleng bahay bakasyunan lang. Sa gaya niyang salat ay kinokonsidera na niya iyong mansyon. "Halika, sumunod ka sa akin." Sinenyasan ni Sol si Christina na sundan siya. Mula sa sala na iilan lamang na gamit ang naroroon ay nagtungo si Sol sa likuran kung saan naroon ang kusina. Open kitchen iyon, at sa tapat niyon ay ang pasilyo patungong servants quarters. " Ito ang magiging silid mo Christina." Niluwagan ni Sol ang pintuan. Nang pumasok siya ay naroon na sa loob ang gamit niya na dinala ni Tata Damian. Napangiti siya dahil maaliwalas ang silid. May dalawang single bed, may palantsahan sa sulok at clothing rods. Mayroon din 24 inches na TV. "May sarili kang banyo dito. Magkakaroon ka lamang ng kasama dito kapag may mga okasyon." "Eh kayo po aling Sol?" "Hindi ba sinabi ni Concita sa iyo na sa main house ako namamalagi?" Tukoy nito kay aling Concha. Nang maalala ni Christina na nabanggit nga iyon ni aling Concha sa kanya ay malungkot siyang tumango. "Huwag kang malungkot, tatawagan kita dito. Iyong telepono na iyon." Itinuro nito ang aparato sa tabi ng telebisyon. "Kapag tumatawag ang pamilya o hindi naman kaya ay mga kaibigan, o konektado sa trabaho ni Gibson ay ikaw ang unang sasagot. Iisa lamang ang linya ng lahat ng telepono dito sa bahay." "Sino po si Gibson? Siya po ba ang pagsi-silbihan ko?" "Oo, pero bukas mo na siya makikita, sa mga oras na ito ay pihadong tulog na iyon. Oh siya, halika na sa kusina at nang makapag-hapunan. Nag-order ng pag-kain si Gibson diyan sa restaurant malapit sa resort kaya masarap ang pag-kain. Kumakain ka naman ng seafoods hane? " Sunud-sunod ang tango ni Christina. Minsan na niyang natikman ang seafood paella na labis niyang nagustuhan. " Mabuti dahil mas madalas na lamang dagat ang nais kainin ni Gibson. " Kalaliman na ng gabi ng makarinig si Christina ng pagkabasag mula sa itaas ng bahay. Kinabahan siya dahil baka may mag-nanakaw. Mabilis siyang bumangon at nakiramdam. Nang muli siyang makarinig nang nabasag ay halos mapatalon pa siya sa pag-kakaupo sa lakas niyon. Lumakas ang kalabog ng puso niya. Tatayo na sana siya ng pigilan ni Sol. Umiling ito sa kanya. "Pabayaan mo na hija. Huwag kang matakot dahil ganoon lang iyon.." Tanging sabi ni Sol sa nagtatakang si Christina. Magtatanong sana siya kung ano iyong ingay sa itaas at baka kailangan ng tulong nila pero bago pa siya lumabas sa labi niya ang nais ay naunahan na siya nito ng sabihan na muli nang matulog. Dahil sa nangyaring insidente ay halos hindi nakatulog si Christina habang si Sol naman ay mahimbing pa ang tulog. Nang tingalain niya ang wall clock sa taas ng pinto ay mag-a-alas syete na ng umaga. Sa halip na gisingin si Sol ay nag-disisyon na lamang siyang bumangon, mag-hilamos at mag-toothbrush na. Kumpara sa barong-barong na bahay ni Delio ay di hamak na mas komportable at nakakahinga nang maluwag si Christina sa bagong tinutuluyan. Matapos mag-ayos ng sarili ay lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina upang mag-luto na lang ng agahan. Dahil hindi pa niya alam kung ano ang dapat na ihanda sa kanyang amo ay basic breakfast na lang ang sinimulan niya. Naka-sentro ang atensyon niya sa inilulutong itlog nang mula sa kanyang likuran ang dumagundong ang boses ng isang lalaki. "Who the hell are you!" Asik nito. Sa gulat ni Christina ay nabitiwan niya ang spatula dahilan upang malaglag iyon. Mabilis siyang yumuko upang pulitin ang nalaglag na gamit nang tumama naman ang noo niya sa handle ng oven sa kanyang pag-yuko. "A-aray.." Daing niya habang sapo ang noo. "Are you dumb?" Angil ng lalake habang mabilis na humakbang patungo sa kanya. Hinablot nito ang mga kamay niyang nakasapo sa kanyang noo. Pakiramdam ni Christina ay kumawala ang lahat ng hangin sa baga niya nang pag-hiwalayin ng lalake ang kanyang mga kamay upang mabistahan ang kanyang mukha. Ito na yata ang pinaka-magandang lalake na nasilayan ng kanyang mga mata o dahil mas madalas lamang siya sa beer house noon kaya mga maton at mga lasingero lang nakikita niya? Ang makapal na kilay at pilik mata na binagayan ng kulay tsokolate nitong mga mata ang unang humigop sa kaluluwa niyang nilisan yata ang katawang lupa niya. Alon-alon ang may kahabaang buhok na bahagyang mamawis-mawis pa. May kanipisan ang labi na mas mapula pa yata sa kanya at ang ilong nitong nakakahiyang itabi sa ilong niya sa tangos. "Are you listening?" Iritadong sabi nito na nagpabalik sa katinuan niya lalo na nang bahagyang pitikin nito ang noo niyang tumama sa handle ng oven sa kalan. "A-ano po?" Nahihiyang tanong ni Christina. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil tila siya nahipnotismo ng ilang minuto. Naiiling na tinalikuran siya at dumiretso sa refrigerator. Nang bumalik ito sa harapan niya ay basta nalang nito idinuldol ang ice pack sa kanyang noo. Napaurong siya pero bago pa tumama ang likod niya sa kalan ay muli na siya nitong nahila at saka nito iyon pinatay. "Next time be more cautious. Huwag kang aanga-anga." Sermon nito kay Christina na nagpa-awang sa bibig niya. Hinawakan siya nito sa ulo at iginiya na parang bata sa isang stool at pina-upo. Nag-iwas siya ng tingin nang pakatitigan nito ang mukha niya. "Did you hit your entire face?" "Huh?" Maang na tanong ni Christina. Nakakaintindi naman siya ng English pero nahihirapan siyang unawain ang sinasabi nito dahil bukod sa mabilis itong mag-salita ay na di-distract din siya sa tiim ng titig ng mga mata nito sa kanya na para bang binabasa ang buong pagkatao niya. "Christina Dios mio kang bata ka!" Humahangos na lapit ni Sol kaya sabay na napatingin dito ang dalawa. "Nana Sol." Buong giliw na hinalikan ng lalake si Sol sa tuktok ng ulo bago mahigpit na niyakap. "I missed you, you're still huggable." "Hay naku bata ka huwag mo na akong bolahin at matagal na akong bilog. At ikaw Christina napaano ka naman? Hindi pa nga magaling ang mukha mo sinundan mo na, aba'y sisirain mo ba iyang mukha mo?" Baling ni Sol kay Christina na kulang na lang ay isubasob ang mukha sa ice pack. " So magkasama kayo Nana? " " Siya si Christina ang mag-aasikaso dito. Hindi ba't nag-pa-pahanap ka nang mag-aalaga sa iyo?" " What am I? A baby? So her name's Christina.. " Binasa nito ang labi na tila ba nilalasahan ang pangalan doon. "I'm Gibson." Naka-ngising pakilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD