KABANATA 4

1584 Words
"Aling Sol.." Tawag pansin ni Christina kay Sol habang nag-aayos na muli ito upang bumalik sa Manila. Tatlong araw na mula nang makarating si Christina sa Puerto Princesa. Naturuan na rin siya ni Sol ng mga dapat at hindi dapat gawin. Ang buong akala niya ay bata ang aalagaan niya. Sa Tatlong araw na iyon ay isang beses lamang niya nakita si Gibson. Iyon ay ang unang umaga niya sa beach house at hindi na nasundan pa. "Oh, huwag mong sabihin na gusto mo na rin bumalik sa Manila?" Natatawang biro nito habang tila batang nag-papaawa si Christina dito. "Ako lamang po kase dito.." "Lumabas-labas ka. Hindi ba't inilibot na kita sa mga pupwede mong pasyalan dito kapag wala ka nang ginagawa, o hindi naman kaya ay kapag day off mo. Hindi ka naman hihigpitan ni Gibson basta't huwag ka masyadong lalayo nang hindi niya alam." Tumango si Christina kahit na wala naman siyang lakas ng loob mamasyal nang nag-iisa. Matapos mag-ayos ng mga gamit ay isang bitbit lang naman ay si Christina na ang nag-prisintang nag-buhat niyon hanggang sa garahe ng sasakyan na nasa labas ng Beach house. "Mag-iingat po kayo." Bilin niya at saka yumakap kay Sol. "Hayaan mo at kapag naka-uwi ako sa Iloilo ay pupuntahan ko ang nanay mo." "Salamat po aling Sol." "Paano, maiwan na kita dito. Kapag may problema ay tawagan mo na lang ako." Bilin nito at saka muling yumakap kay Christina bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Hindi siya umalis hanggang sa tuluyan nang maglaho sa kanyang paningin ang sasakyan. "Christina!" Gulat na nilingon niya ang tumawag. Si Gibson iyon na nakatayo sa bungad ng gate. Mukhang kararating lang nito kaya mabilis siyang lumapit. "Nakaalis na ba si Nana?" Tanong ni Gibson nang makalapit si Christina. "O-opo, siguro ay wala pang labinlimang minuto.." "Then what are you standing there? Pumasok ka na sana." Kunot-noong anito. Hindi na sana niya papansinin ang dalaga at hahayaan na lamang muna sa labas subalit natawag ang atensyon niya ng isang grupo ng foreigners na balak lapitan si Christina kaya niya ito tinawag. " Pasensya na po.. " Lalong nag-salubong ang kilay niya sa naging sagot nito. Pakiramdam niya ay tumatanda siya ng doble kapag si Christina ang kausap. "Huwag kang patambay-tambay dito sa labas ng mag-isa. Let's get inside, and please prepare the breakfast." Kahit kase lumang t-shirt at jogging pants ang suot nito ay makatawag-pansin ang ganda nito lalo na at salat sa kahit na anong kulorete sa mukha. She look innocent and naive.. *and clumsy*sa isip ay dagdag niya. Nauna siyang pumasok sa loob, sumunod sa kanya ang dalaga at isinara ang gate. Dumiretso sa kusina si Christina upang initin ang iniluto niyang agahan, samantalang dumiretso naman sa kwarto niya si Gibson upang mag-palit ng damit. Nang makababa siya ay naka-ayos na ang mesa. Inilibot niya ang paningin sa paligid ngunit ni anino ni Christina ay hindi niya makita kung kaya tinawag niya ito. "May kailangan ka pa ba sir? May nais ka pang kainin?" Alalang tanong niya. Nangangambang baka hindi nito nagustuhan ang iniluto niya. "What are you saying, you actually cooked a lot. Have you had your breakfast?" "A-ano, pagkatapos mo nalang po." Alanganing sagot niya. "Ikuha mo ako ng isa pang plato at kubyertos." Utos nito sa kanya. May diin iyon kaya kaagad siyang kumilos upang sundin iyon. Nang ma-ibigay niya ang extra na plato at kubyertos dito ay inilapag nito iyon sa tapat niya. "Sit down and join me." Utos nito. "Pero sir.." "Christina, Nana Sol and I.. eat together, breakfast even lunch. It's nothing unusual." Matamang minasdan ni Gibson si Christina na marahang hinila ang upuan at tila makinang hindi nalangisan kung kumilos. Sa baba ito nakatingin kaya halos yumuko siya at ipaling ang ulo upang mabistahan ang mukha nito. " Go on..make your self comfortable. " Nang maka-upo si Christina ay tsaka pa lamang nagsalin ng pagkain sa kanyang pinggan si Gibson. Inilapit niya ang mga pagkain sa dalaga at saka pa lamang ito kumilos. "So Christina.. Tell me something about your self." Pagbubukas ni Gibson ng topic matapos sumubo. Nabitin naman sa pag-nguya ang dalaga at mula sa pagkakayuko ay sinilip siya. "A-ako po?" "Well unless you're not Christina..." Pinamulahan si Christina na lalong nanliit sa kinauupuan. Hindi niya matagalan ang bawat titig ng kaharap sa kanya, at lalong hindi siya makatagal sa pag-tingin dito. Para siyang hinihigop ng mga mata nito at isinasailalim sa isang hipnotismo. Nakakalunod ang presensya nito para sa kanya. "Kamag-anak mo ba si Nana?" "H-hindi po. Kalapit bahay namin ang kapatid ni aling Sol, si aling Concha. Siya po ang nag-sabi sa akin na naghahanap ng caretaker si aling Sol. Kataon naman po na kailangan ko ng trabaho." "I see, what's your full name though. Tell me anything..basic information perhaps? Since wala ka namang bio data at direct hire." Napatitig si Christina dito nang salinan nito ng orange juice ang baso nito pero hindi nito iyon ininom, bagkus ay iniabot sa kanya. Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon at ng bahagyang magdikit ang mga daliri nila ay halos mabitiwan niya ang baso kung hindi lamang naging maagap si Gibson na saluhin iyon. "Relax, I don't bite." Natatawa nitong sabi. "Kinakabahan po kase ako." "Bakit naman?" Takang tanong niya, bagaman kahit hindi nito sabihin iyon ay halata naman. Kaya nga sinisikap niyang hulihin ang loob nito kahit papaano. Baka kase walang anu-ano ay kumirapas ito nang takbo. "Nakakatakot ka po kase.." Nanlaki ang mga mata ni Christina matapos niya iyong sabihin. Nais niyang pukpukin ang sariling ulo sa luma-labas sa bibig niya bago pa niya iyon mapag-isipan. "Mukha ba akong nakakatakot ?" Nabibiglang tanong naman ni Gibson. Unang beses iyon na may nagsabi sa kanya na nakakatakot siya. And it's something..refreshing to his dull life. "Hindi po iyon ang ibig kong sabihin sir.." Natatarantang paliwanag ng dalaga. "I think I have an idea of what you are talking about." Nakangiting sabi ni Gibson na muntik na namang ikatulala ni Christina. "Kapag komportable ka na at saka mo nalang sabihin ang background mo. Finish your breakfast, I'm just upstares if you need anything." Paalam nito sa kanya. Tumango na lamang siya at sinundan ito ng tingin. Ngayong malapit na malapit si Gibson sa kanya ay duon niya napansin ang bahagyang pag-ika nito sa paglakad. Hindi iyon mapapansin kung hindi itutuon sa mga binti nito ang mga mata. *Napilay kaya siya?*Tanong ni Christina sa isip. Napangiti siya nang maiwan na siyang mag-isa sa mesa. Mabait naman pala ang amo niya. Taliwas sa bukas ng mukha nito na parang laging may kaaway. Pansin niya ang maliliit na guhit sa sulok ng mata nito kapag ngumingiti o natatawa, nawawala ang mabigat na aura nito na para bang isang makulimlim na panahon na nagbabadya ng isang bagyo. *Umayos ka Christina. Hindi ka narito upang lumandi, narito ka dahil kailangan ng nanay mo ng gamot, kailangan mo ng pera, ng trabaho. Kapag nalaman niyang may umuusbong na kakirihan diyan sa katawan mo ay natitiyak kong babalik ka sa kangkungan. * Kastigo ng matinong bahagi ng isip ni Christina. Pabuntong-hininga niyang tinuhog ang hotdog at saka iyon kinagat. "Para namang matatapunan niya ng pansin ang isang hamak na atchay na gaya ko." Maghapong hindi lumabas ng kwarto si Gibson, at kahit na nang katukin ni Christina ang pinto nito para sa hapunan ay hindi ito lumabas. Dala ang tray ng pagkain ay muli niya itong kinatok ng pumatak ang alas-diyes ng gabi. Subalit gaya nang una ay bigo siya. "Sir Gibson, dala ko po ang hapunan mo. Hindi ka kumain ng tanghalian, baka po magka-ulcer ka niyan." Hinintay niyang sumagot ito subalit nanatiling tahimik sa loob ng silid. "Iiwanan ko na lang dito sa gilid ng pinto ang tray ng pagkain.." Nang wala siyang makuhang sagot ay susukot-sukot na bumaba na ang dalaga. Matapos niyang linisin ang kusina at masigurong maayos ang sala ay nagtungo na lamang siya sa kanyang kwarto upang manood ng TV hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulugan niya iyon. Bumalikwas nang bangon si Christina ng makarinig ng pagkabasag mula sa itaas. Ini-off niya ang TV, tumayo at lumapit sa kanyang pintuan. Sumandal siya doon at nakiramdam. Hindi nag-tagal ay muli siyang nakarinig ng na-basag. Sa pagka-kataon na iyon ay mas malakas,na tila ba hindi na lamang iyon isang baso. Sumikdo ang dibdib niya sa kaba. Ang bilin ni Sol ay huwag na lamang niyang pansinin kapag muli siyang nakarinig ng na-basag sa ikalawang palapag. Subalit mas matimbang ang pangamba at pag-aalala niya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at halos takbuhin ang hagdan patungo sa itaas. Naroon pa rin ang tray ng pagkain, hindi man lamang nagalaw. Kakatok na sana si Christina ng makarinig siya ng ungol na tila nahihirapan kaya lalo siyang kinabahan. "Gibson? Ayos ka lang ba?" Kinatok niya ang pintuan. Isa, dalawa, sunud-sunod. Pero walang naging sagot. Kung maririnig lamang ang kalabog ng puso niya maaari na iyong sound effect sa isang horror movie. Muli niya na sanang kakatukin ang pintuan ng makarinig naman siya nang tila paghawi sa mga na-basag na kung anuman sa loob ng silid,makaraan ay ang ang muling ungol doon. Walang pag-a-atubiling pinihit ni Christina ang seradura ng pinto at gayon na lamang ang hilakbot niya ng makitang nakahandusay sa sahig na puro basag na salamin si Gibson. "Sir Gibson!" Puno ng takot na nilapitan niya ito at hinawi ang mga salamin gamit ang unan. Subalit lalo siyang nagimbal nang makitang pipis ang isang binti ng suot na pajama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD