KABANATA 5

1584 Words
"Salamat po sa agarang pag-punta kahit na alanganin na ng gabi." Pumihit paharap kay Christina ang doktor na sinundo ni mang Damian. Ngumiti ito at saka sinilip mula si Gibson na noon ay matiwasay nang natutulog. "Walang anuman. Trabaho ko ito para sa pamilya nila kaya hindi mahalaga kung anong oras ako kailanganin." Tinapik ng doktor na nagpakilalang Samuel Gesmundo ang balikat ni Christina upang iparating na hindi ito naging abala. "Mabuti at naglakas loob kang akyatin siya. Anyway, I better go. Ipainom mo na lamang sa kanya ang gamot na ibinilin ko sa iyo, kung kinakailangang isalaksak mo iyon sa lalamunan niya ay ikaw na ang bahala." Tumatawang dagdag pa nito na ikinangiti ng dalaga. Hinatid niya ang butihing doktor hanggang sa gate kung saan naka-abang na si mang Damian. Nang maka-alis na ang dalawa ay muli siyang umakyat sa kwarto ni Gibson at inayos ang comforter nito. Nang matagpuan niya itong walang malay at nakahandusay sa mga basag na salamin, ang buong akala niya ay patay na ito pero nang lumapit siya ay doon niya naamoy ang matapang na amoy ng alak. Subalit ang lubos gumimbal sa kanya ng oras na iyon ang binti nito. May ilang minuto rin yata siyang nakatayo lang at tila na-estatwa bago muling nagising sa reyalidad. Dali-dali siyang bumaba at kinatok si mang Damian na katabi lamang ng garahe ang bahay. Tinulungan siya nitong buhatin at ilipat si Gibson sa kama. May mga hiwa ng nabasag na salamin sa braso nito at paa, gayun din sa mukha, pero dahil sa kalasingan nito ay namanhid na. Mainit din ito kumpara sa normal na temperatura kaya nasisiguro niyang may sakit ito bago pa naisipang lunurin ang sarili sa alak. Inabot ni Christina ang prosthetic leg, medyo mabigat iyon at mukhang hindi basta-basta ang halaga. Para iyong binti ng isang robot na napa-panood niya sa pelikula. Maayos niya iyong itinabi at saka siya nagtungo sa kusina upang mag-pakulo ng salabat. Nang matapos siya ay muli siyang umakyat sa kwarto ni Gibson at pinalitan ang bimpo nito sa noo. Bago mananghali ay muli siyang umakyat upang dalan ng pagkain si Gibson at painumin ng gamot. Hindi na siya kumatok dahil ang tantya niya ay natutulog pa ito kaya kumawala ang tili sa kanyang labi sa gulat nang makitang nakaupo ito sa paanan ng kama at walang saplot. Mabilis siyang tumalikod habang hawak ng mahigpit ang tray ng pagkain. Mabuti na lamang ay mistulang basket ang tray dahil kung dalawang kamay niya iyong hawak ay baka sa sahig niya pulitin ang mga pagkain. "What are you doing here?" Sa paos na boses at animo hinihingal ay tanong ni Gibson sa dalaga. "D-dala ko po ang tanghalian mo sir.." Pakiramdam niya ay umahon sa lalamunan niya ang kanyang puso sa sobrang lakas ng kabog niyon. "Didn't Nana told you that I don't want other person here in my room?" "Eh sir..pasensya na.." "Just leave. I'm not hungry." Lakas loob na pumihit paharap si Christina pero halos bumigay ang mga tuhod niya ng makitang hubad pa rin ito at tanging ang pagka-lalake lamang nito ang natakpan ng comforter hanggang hita. "A-ano s-sir..iinom ka kase ng gamot. Kailangan magkalaman ang sikmura mo." "Gusto mong magkalaman ang sikmura ko? Alright then. Pakiabot mo na lang sa akin yung isang bote ng cognac na nasa ibaba." "Cognac? Hindi pwede sir. " Iling niya. *Eh alak iyon eh* Gustong sabihin ng dalaga pero mabilis niyang itinikom ang bibig. "At sino naman ang may sabi na hindi pwede? Sa pagkakatanda ko, ako ang amo mo. So, inuutusan kita..wala nang paki-abot." Sandaling natigilan si Christina bago huminga nang malalim upang supilin ang pagbalong ng tampo sa kanyang dibdib. Nasaktan siya sa paraan ng pagsasalita nito. Mariin at tila ba gustong itatak sa kukote niya. *Echusera ka. Totoo naman na amo mo siya kaya bakit nagbabalat sibuyas ka? * "Pasensya na talaga sir, pero bilin po kase ni Dr. Samuel na pa-inumin ka ng gamot at pakainin. Mahigpit din po niyang ipinagbawal ang kahit na anong alak." "Galing si Samuel dito?" Dumagundong ang boses na iyon ni Gibson sa kabuuan ng kwarto kaya kulang na lang ay umuklo si Christina at iabon ang sarili sa makintab na sahig. Parang tatay na nito si Dr. Samuel pero Samuel lang ang tawag nito? "Natakot kase ako kagabi sir, puro hiwa ka ng basag na salamin tapos ang taas pa ng lagnat mo.." "Leave Christina." Utos nito sa dalaga. "I said f*****g leave!" Nang hindi ito kumilos ay muling sigaw ni Gibson. Halos bumangga si Christina sa pintuan sa pagmamadaling makalabas. Habang tila pangangapusan naman siya ng hininga sa pagod gayong wala naman siyang ginagawa. Sapo ang ulo ay pabagsak siyang humiga sa kama para lang muling mapa-ungol sa pag-sigid ng kirot sa ulo niya dala ng hang over. Sumisingaw ang init sa kanyang mata at sa bawat pag-hinga. *Damn flu. * Ipinaling ni Gibson ang ulo patungo sa nakapinid na pinto. He didn't know what infuriates him. Na nakita siyang muli ni Samuel sa nakakadismayang sitwasyon? Sa kalagayan niya? O sa isipin na nakita ni Christina ang kahabag-habag na itsura niya? He didn't mean to snap, didn't want to scare her. But he wants an outlet to release that frustration bubbling like a boiling water inside of him. Christina was there, she's stubborn and.. "Sir Gibson.." Nangingimi ang boses na iyon matapos kumatok. His droopy eyes stared at the ceiling. Naidlip na naman yata siya ng nakalawit ang paa. "Come in Christina." Nang bumukas ang pinto ay hinila niya ang comforter upang matakpan ang dapat na matakpan. He saw her hesitant steps towards his bed and put the tray of food on the divan. "Hindi ka ba giniginaw sir?" Alanganing tanong nito at saka lumapit upang salatin ang kanyang noo. "I'm fine." Ipinaling niya ang ulo pero makulit si Christina. Mabilis nitong inalis ang palad nang mahawakan siya na tila ba napaso. "Ang init mo sir Gibson." Anas ng dalaga. Nagmadali itong magtungo sa closet upang kumuha ng bihisan at ng makabalik ay inilapag iyon malapit sa kanya at saka muling tumakbo pababa at ng magbalik muli ay may dala ng bowl ng yelo at tubig. "Sorry sir kung makulit ako at paulit-ulit, pero kailangan mong mag-damit, huwag kang mag-alala sando lang ito at board short. Mas mabuti nga kung papawisan ka para sumingaw ang init sa katawan mo. Kailangan mo rin kumain. Pagagalitan ako ni Dr. Samuel kapag-" " Stop Christina. Lalong sumasakit ang ulo ko. Do whatever you want. " Putol ni Gibson sa pagsasalita ng dalaga. Sumisigid ang sakit ng ulo niya lalo na sa tila walang humpay na salita nito. Dahan-dahan siyang kumilos upang umupo. Kaagad naman siya nitong inalalayan na bagaman ilang na ilang sa nakikita ay pinipilit na gawin ang gusto. "Are you a virgin?" Walang gatol na tanong niya. Sa gulat ni Christina ay halos maitampal niya sa mukha nito ang malamig na bimpo. Naumid ang dila niya at nanigas siya sa pagkakayuko. Para siyang isinalab sa apoy sa gumapang na init sa kanyang balat patungo sa kanyang mukha. "So you're a virgin. Ilang taon ka na?" Dagdag pa nito na tila naaaliw pa sa kahihiyan niya. "Tu-t-twenty s-seven po." Utal-utal na sagot nito. Dahil sa tanong na iyon ni Gibson ay lalong nakaramdam ng pagka-ilang si Christina. Lalo na nang gumawi na ang pagpunas niya dito sa malapad nitong dibdib. Napa-pitlag pa siya nang hulihin nito ang kamay niya. "As much as I enjoyed what you are doing I feel weak Christina. Can we hurry?" "Pasensya na-" "Stop saying pasensya na. Ilang beses ko na iyan naririnig sa iyo." Inabot ni Christina ang sando at isinuot iyon kay Gibson. Siguro nga ay nanghihina ito kaya hindi na ito nag reklamo pa. Sunod niyang kinuha ang board short pero napatingin siya kay Gibson na taas ang kilay at hinihintay kung ano ang gagawin niya. " Sir..kailangan mo ba ng brief?" Pulang-pula ang mukha nitong tanong kaya nanliit ang mga mata niya sa pagpipigil na huwag bumunghalit ng tawa, samantalang hindi naman makatingin ng diretso sa kanya ang dalaga. Inagaw niya ang short dito at saka sumenyas na tumalikod. Mabilis pa yata sa kidlat ang ginawang pagtalikod ni Christina sa kanya. Matapos bihisan si Gibson ay inalalayan ito ni Christina upang makaayos ng higa. Isinandal niya ito sa headrest upang maka-kain at makahigop nang ginawa niyang salabat. Bagaman nagrereklamo sa lasa niyon ay hindi naman ito tumanggi. Ilang subo lang nagawa niyang ipakain dito sa kawalan nito ng gana kaya pinainom na lamang niya ng gamot. Wala pang ilang minuto ay tulog na ulit ito. Masuyong inayos ng mga daliri ni Christina ang may kahabaang buhok ni Gibson. Bagaman alon-alon iyon nasisiguro niyang mas malambot iyon kaysa sa kanyang buhok na tila alambre lalo na sa umaga. May ilang hiwa ng salamin sa noo, pisngi at ilong nito pero hindi man lamang iyon nakabawas sa maganda nitong mukha. Makinis iyon at malambot ang balat. Sinundan ng daliri niya ang balingusan ng ilong nito hanggang sa tumapat iyon sa labi. "Nakaka-insecure naman ang pagkapula ng labi mo..siguro..ilang babae na ang napaiyak mo noh?" Mabilis na binawi ni Christina ang kamay nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa nightstand. Pinanuod niya iyong mag-ring hanggang sa huminto. *Olivia? * Basa niya sa caller niyon. Humakbang siya paatras sa kama. Bakit hindi man lamang pumasok sa isip niya na baka may girlfriend o asawa na ito at nasa malayo lang? Sa isiping iyon pakiramdam niya ay mag-ka-kasakit na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD