Sa lumipas na mga araw ay mabilis na naka-recover si Gibson sa tulong nang pag-aalaga ni Christina hanggang sa lubusan siyang gumaling. Aminin man niya o hindi magaling mag-alaga ng pasyente ang dalaga. Lagi nitong inaalam ang kalagayan niya, ang tamang oras ng pagkain at pag-inom ng gamot at ang kung anu-anong maasim at maanghang na pinapainom nito sa kanya.
Inabot niya ang prosthetic leg at ininspeksyon muna iyon bago ikinabit sa kanyang kanang tuhod. Dalawang taon na rin buhat nang ma-amputate ang kanyang binti at isa iyon sa mga pang-yayari na muling bumago sa takbo ng buhay niya.
He used to be an out going type of guy. He likes the noise, bustling street, loud music, clubs, bars. He wants to be in a place where he can't track the time. He also have this kind of magnet to women that happens in a relationship or perhaps married kaya madalas siyang madawit sa gulo. Hindi niya intesyon ang makipag-relasyon o ikabit ang pangalan sa kahit na sinong may sabit na, pero kadikit na yata talaga ng pangalan niya ang salitang *home wrecker, o anay*.
Joseph's ex-girlfriend happens to be the last woman who created a big mess in his life. Not only that he lost his right leg, he also lost the life that he used to live. Nang una itong ipakilala ni Joseph sa kanya at sa iba pa nilang kaibigan, he knew from the very beginning the girl speaks trouble. Sa dami ng babaing nakasalamuha niya, ay madali na niyang masasabi kung ano ang intensyon nito. Hindi lang niya napag-handaan o sumagi man lamang sa isip na iba pala ang klase ng *intensyon* ang gusto nito.
Sa kagustuhan niyang malaman kung ano ang itinatago nito ay hindi siya umiwas, bagkus ay nakipaglapit pa siya. Joseph will be mad but that's not his concern at that time. Chelsea..Joseph's ex-girlfriend never leave him alone since then but that's fine with him. Until the time comes that he noticed her strange behavior. Sa una ay isa lamang iyong kuryusidad na nauwi sa pagkabahala para sa kaibigan niya. Lalo lamang gumulo ang lahat nang matuklasan naman ni Bianca ang tungkol sa kanila ni Chelsea. Inisip nito na may relasyon sila ng kaibigan. Hindi niya naman masisisi ang dalaga na mag-isip ng hindi maganda. That's what he's known of, so he let her think that him and Chelsea have an affair.
*I wonder what happened to that nuts..*
Sa isip ay tanong ni Gibson. Nang maayos niya ang prosthetic leg sa kanyang tuhod ay tumayo siya at bahagyang tumalon-talon. Matagal-tagal na rin siyang gumagamit niyon pero naiilang pa rin siya. It's a good thing that his artificial leg is robust, water and dust proof, the perks of having the money, he got the most advance model of prosthetic leg.
Nang makababa siya ay si Christina agad ang hinanap ng kanyang mga mata. Nagtungo siya sa dining area, may nakahanda ng breakfast para sa kanya. He walk around the house until he heard her humming a song. Nang makita niya ito ay may hawak itong skim net at inaalis ang mga tuyong dahon sa swimming pool.
"Christina!"
Tawag pansin niya sa dalaga na muntik nang mahulog sa tubig dahil sa gulat. Nang humarap ito sa kanya ay namumutla ito.
"Are you okay?"
Tanong niya na sinagot nito nang tango bago lumapit sa akin.
"May kailangan ka ba sir? May breakfast ka na sa mesa ."
"None, and about the breakfast I won't eat here. I'll go for a run and..don't you have plans for the day?"
"Wala naman po.."
Kiming sagot ng dalaga. Nangunot ang noo niya. He's well aware na dumidistansya ito sa kanya na kasalanan naman niya kung bakit. Being an asshole of course.
"It's Sunday Christina. The day is yours. Pwede kang lumabas at maglibot-libot. Just don't stray from the place you are not familiar yet."
"Dito na lang ako sa bahay sir, hindi ko din kase alam kung saan pupunta."
Pero ang totoo ay mahina siya pagdating sa mga lugar lalo na at bago sa paningin niya. Madali kase siyang maligaw.
Matamang minasdan ni Gibson si Christina bago tumango-tango.
"Change your clothes. Sumama ka sa akin."
"Huh?"
Maang na sabi ng dalaga.
"Saan naman tayo pupunta sir?"
"I told you I'll go for a run right? You'll come with me. Go and change something loose and comfortable. Hihintayin kita sa gate."
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang dalaga. Sa halip ay tumalikod na siya at nagtungo sa harap ng bahay.
Nakanganga pang sinundan nang tingin ni Christina ang papalayong si Gibson. Nang maisip niyang hindi ito ang tipo ng nagbibiro o nang-gu-goodtime ay mabilis niyang ibinalik ang hawak na skim net sa sa mga cleaning cabinet at saka nagmadaling nagtungo sa kanyang kwarto upang magpalit ng t-shirt at jogging pants na may burda pa ng high-school logo na pinasukan niya. Wala pang limang minuto ay lumabas na siya. Nakaabang si Gibson sa gate gaya ng sabi nito.
"Hindi ka po ba mahihirapang tumakbo?"
Tanong ni Christina nang makalabas na sila. Huminto sa pag-iinat si Gibson at saka kunot noong binalingan siya ng tingin.
"Matagal na akong tumatakbo, kung nag-aalala ka sa binti ko, don't."
"Hindi naman iyon ang.."
"Christina, my legs are fine. On the second thought, diyan ka na lang sa bahay."
Naiiling na nag-umpisa nang mag-jog si Gibson samantalang naiwan naman si Christina na hindi makapaniwala sa biglang pag-shift ng mood nito. Excited pa man din siyang maka-ikot ulit sa paligid lalo na at ito ang nag-aya sa kanya. Hindi naman ang tungkol sa binti nito ang inaalala niya kundi ang kalusugan nito dahil kagagaling lamang sa sakit.
"What are you still standing there? Come on!"
Gulat na napalingon si Christina sa sigaw na iyon ni Gibson di kalayuan sa kanya.
Napangiti siya nang kambatan siya nito palapit. Akala pa man din niya ay uminit na naman ang ulo nito. Patakbo siyang lumapit dito at kahit ilang metro lang iyon ay hiningal pa rin siya. Hindi pa man nakakalapit ng lubusan si Christina ay muli nang tumakbo si Gibson kaya sumunod nalang siya dito.
Malamig ang hampas ng hanging dagat sa kanyang mukha, pino ang buhangin at halos lumubog ang paa niya doon. May mangilan-ngilan nang nasa dagat at maagang lumalangoy habang ang ilan ay mga nag-i-stroll. Mula sa likuran ay sakop ng mga mata ni Christina ang bawat madaanan ni Gibson na hinahabol ng tingin at kulang na lamang ay sabayan sa pag-takbo ng mga babaing nadadaanan nito.
"Sir, baka pwedeng time out!"
Sigaw niya dahil bukod sa nag-uumpugan na ang mga tuhod niya at basang-basa na ng pawis ang likod at dibdib niya ay hingal na hingal na rin siya. Idagdag pa ang panunuyo ng lalamunan niya.
"Pagod ka na agad? Wala pa ngang kalahating oras ang natatakbo mo."
Sabi nito habang papalapit sa kanya. Itinukod niya ang mga kamay sa kanyang tuhod habang hinahabol ang hininga.
"Ayoko na..hindi ko na po kaya."
Samantalang si Gibson ay cool na cool pa rin.
"Hindi ka kase nag-e-ehersisyo kaya madali kang mapagod. You look fit tho."
Anito habang pinapanood ang tila pag-hihingalo ni Christina. Inabot niya ang hawak na tumbler ng tubig dito.
"Drink it, tubig lang iyan."
Nakangising sabi niya dahil parang may suspetsa pa ito sa dala niya. Ang akala siguro nito ay alcoholic siya.
"Salamat."
Sunud-sunod ang ginawang paglagok ni Christina, halos maubos na nga niya ang tubig. Malayu-layo na rin ang natakbo nila at ang kinalulugaran nila ay malapit na sa bungad ng resort.
"Feeling better?"
Tanong ni Gibson at saka iniabot ang kamay upang alalayang makatayo ang dalaga.
"Opo, salamat ulit."
Nang iabot niya ang kamay dito ay walang hirap siya nitong hinila patayo. Dumiretso ng lakad si Gibson patungo sa resort, hindi nito binitiwan ang kamay niya kaya wala siyang nagawa kundi sumunod dito.
Pagdating nila sa resort ay doon na parami ang mga turista. Hindi maiwasang makaramdam ng pagka-pahiya si Christina dahil sa tinging ipinupukol sa kanya ng mga nakakasalubong nila. Para bang may lihim na tanong kung ano ang ginagawa ng isang kagaya niya katabi ang isang lalaking pantasya yata ng kababaihan sa lugar na iyon,higit sa lahat ang itsura niya. Pihado siyang mukha na siyang bilasa na isda sa pawis at sa buhok niyang tila pugad ng ibon sa gulo.
Napatingala pa siya nang maramdaman ang paghila ni Gibson sa kamay niya.
"What are you slacking off?"
Tanong nito. Umiling siya at saka pilit na ngumiti pero laking gulat niya nang ipatong nito ang braso sa kanyang balikat at bahagya siyang kabigin.
"Come on baby, you must be hungry."
Nakangising sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Christina at halos masamid siya sa sariling laway sa tinuran ni Gibson.
"Don't mind them, they're all bunch of bitches."
Bulong ni Gibson sa dalaga. Napatitig si Christina sa mga mata nitong tila tsokolate sa kanyang paningin. Nang lumingon siya sa likuran nila ay may mga babaeng nawalan ng poise sa pag-ka-kanganga habang pinapanood sila ni Gibson papalayo. Nang muli niyang tingalain si Gibson ay seryoso na ito. Nawala ang ngiti sa mga mata at labi na kanina lamang ay nakapaskil sa mukha nito.
"Good morning sir..ma'am."
Bati ng receptionist sa restaurant na pinasok nila. Sa paraan nang pagbati nito ay para bang kilala na nito si Gibson.
"Morning. Everything's well?"
"Yes sir."
"Good. Don't mind us, take care of the other costumer."
Nakangiting yumuko ang receptionist bago lumayo habang inalalayan naman ni Gibson si Christina patungo sa buffet table.
"Pili ka na ng gusto mo."
"Kahit ano?"
Nag-liwanag ang mukha ni Christina sa pagtingin pa lang sa mga pagkain. Sa dami nang pagpipilian ay hindi niya alam kung ano ang kakainin.
"Kahit ano."
Ulit ni Gibson sabay abot ng plato sa kanya na magiliw namang kinuha ng dalaga. She's just too good for his eyes that he can't help but smile and watch her.