KABANATA 7

1545 Words
Habang pabalik sa beach house ay pasulyap-sulyap si Christina kay Gibson. Maaaring may kagaspangan ang ugali nito kung minsan pero sa kabila niyon ay ay mabait naman pala talaga ito. Ipinag-take out pa siya ng croissant at muffins. Napansin siguro nito na nagustuhan niya iyon. Malapit na sila sa bahay nang mapansin ni Christina ang  dalawang lalake na nakatayo sa harapan ng gate. Ang isa ay na-kilala niya na si Dr. Samuel habang ang kasama naman nito ay bago sa paningin niya. "Gibson! Mabuti naman at magaling ka na." Umpisa ni Dr. Samuel nang makalapit na sila Christina. Hindi sumagot si Gibson bagkus ay doon ito nakatingin sa kasama nito. Ramdam kaagad ni Christina ang pagbabago sa timpla ng mood nito. Bagaman magaan ang bukas ng mukha ng lalake. Ngayong malapitan itong namamasdan ni Christina ay napansin niya ang pagka-kahawig ng dalawa. Parehong malaking bulas at magandang lalake, pero iba kase ang dating ni Gibson. Mukhang maunawain ang isa habang bugnutin ang huli. "Kamusta ka Christina?" Bati ni Dr. Samuel sa dalaga. "Maayos naman po." "Hindi ka naman ba pinahirapan nitong pasyente mo?" "Hindi-" "I'm not a child Samuel." Natahimik si Christina sa diin ng pagbitaw ng salita ni Gibson. Napalingon siya dito subalit ang mga mata nito ay nakatutok lamang doon sa kasama ni Samuel. "Hello Christina. I'm Ralph." Bahagyang natigilan ang dalaga sa pagpapakilala nito lalo na nang ngumiti ito sa kanya at lumitaw ang biloy sa magkabilang pisngi. Iniabot nito ang kamay upang makipag-handshake pero bago pa niya iyon maabot ay naramdaman niya ang pag-hila sa kanya ni Gibson dahilan upang bumangga nang bahagya ang katawan niya dito. "What brings you here?" Tanong ni Gibson habang binubuksan ang gate. Nang mabuksan iyon ay iginiya niya si Christina papasok sa loob. "Can you make us some coffee?" Baling niya sa dalaga na bagaman natutuliro sa mga nangyayari sa paligid ay tumango na lang. "Good.. Pasok ka na." Muling tumango si Christina at saka lumingon sa likuran kung saan nahagip pa niya ng tingin si Ralph na hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Looks like you're softening up to your maid *bunso*." Ralph tauntingly said. "Shut up Ralph. And stop calling me bunso. You're annoying me." "You're hurting my feelings. And here I'm checking up my sick baby brother." Lalong nalukot ang mukha ni Gibson sa sinabi na iyon ni Ralph bago pumaling ang atensyon kay Samuel na alanganin ang ngiting isinagot sa nagtatanong niyang mga mata. "You both can f**k off." Anito at saka tinalikuran ang dalawa na nagkatinginan na lang bago sumunod kay Gibson. Matapos mag-brew ng kape ay dinala iyon ni Christina sa sala. Sakto namang dumarating si Gibson kasunod si Samuel at Ralph. Padarag na naupo si Gibson sa single seater sofa. Inilapag ni Christina ang pot ng kape at inayos ang mga mug at saka iyon sinalinan. "Thanks Christina, you're so attentive." Puri ni Ralph sa dalaga. "It's her job." Pambabara naman ni Gibson sa kapatid. "Ahh, is that so? So brother dear, baka naman pwedeng mahiram si Christina? Just a day or two, I  need an extra..help." Masama ang tingin ipinukol dito ni Gibson. He knew that his brother was just teasing him, pero wala yatang lalabas sa bibig nito ang hindi niya kaiinisan. " Go to your room Christina. Tatawagin na lang kita kung kailangan. " Utos niya sa dalaga. Lalo siyang nabu-bwisit sa kuryusidad nito kay Ralph at hindi siya bulag para hindi makita na sinusubakang siluin ng magaling niyang kapatid ang dalaga. "You should learn to hold your horse Gibson. You might scared the cat." Naiiling na sabi ni Ralph nang maka-alis si Christina. Tahimik namang humihigop lang ng kape si Samuel. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?" "Am I not allowed to visit my baby brother?" "Oh for f***s sake, we both know that you won't waste your precious time just to visit me. Spill it out Ralph or you can get the hell out of my house." Isinandal niya ang likod sa sofa at iniunat ang binti. Sa halip na mainsulto o magalit ay lalo lamang lumawak ang ngiti ng kapatid niya. Sa kanilang magka-kapatid ay sila ni Ralph ang may pagka-kapareho sa ugali. Hindi ito ang tipo na pupunta sa isang lugar kung hindi kailangan at kung wala naman itong mapapala. Bagaman ito ang mas madalas mambulabog sa kanya. "I guess you knew me morethan I thought. Bukod sa ibinalita ni Samuel na may trangkaso ka, of course I'm concern about you Gibson whether you believe or not-" "Okay whatever, fire it out." "So impatient.." Naiiling na turan ni Ralph pero maya-maya lamang ay sumeryoso na ito. "Well it looks like your grand vacation is over dear brother." "And what are you trying to say?" "Kailangan mo nang bumalik sa Manila. One of this days ipapasundo ka dito ni Papa, like it or not you need to face him this time. Inunahan ko na sila na puntahan ka dito. I know na hindi mo iyon magugustuhan..and the rift between the two of you will just grow even more..so I'm telling you Gibson. Face him now or he'll do something again to hold you by your neck. " Naikuyom ni Gibson ang kamao sa sinabing iyon ng kapatid. Hindi niya makita ang  dahilan kung bakit kailangan niyang harapin ang ama gayung ito mismo ang nag-taboy sa kanya. Isa pa hindi niya kasundo ang madrasta na tila isang hanip ang tingin sa kanya. Idagdag pa ang nakakaumay na pagmumukha ng isa pa niyang kapatid na si Carlton. Huli niyang nakita ang ama ay nang dalhin siya nito sa U. S para sa operasyon niya sa paa dalawang taon na ang lumipas. "He have nothing to used against me..mom's dead anyway." Matabang na sagot niya na ikinatahimik ni Ralph. "P-patay na si Ellen?" Nabibigla nitong tanong. "Why don't you ask our beloved father and your witch mother." Animo patalim ang tinging ipinukol ni Gibson kay Ralph na hindi makapaniwala sa narinig. "Or Samuel here." Baling ni Gibson kay Samuel na sa gulat ay nanginig ang kamay at dumulas ang hawak na tasa. Tumapon ang laman niyon sa puting carpet. "S-Samuel?" Ulit ni Ralph. "I..I think I should go. Pasensya na at namantsahan ko ang carpet." Hinging paumanhin nito na hindi makatingin sa mag-kapatid. "The stains will be hard to erase Samuel,but it's okay." May kahulugang sagot ni Gibson dito. Tumungo si Samuel bago iniwanan ang magkapatid. "Aren't you leaving as well?" "Ipinagtatabuyan mo ba ako?" Balik tanong ni Ralph na bagaman nakangiti ay tila nabagabag sa nalaman sa kapatid. "Yes." Walang gatol na sagot naman ni Gibson. "Ouch little brother you keep hurting my feelings. But I'm sorry I'm staying." "You're well aware that we're almost the same height and built right?" Tikwas ang kilay na tanong niya dito. "Doesn't change the fact that you're still my young little brother." Natatawang sagot naman ni Ralph sa kapatid. "Christina!" Tawag ni Ralph sa dalaga na kaagad lumabas sa silid nito. "What's for lunch sweetheart? Hey!!" Angil ni Ralph nang tumama sa mukha nito ang unan na ibinato ni Gibson. "You can't show up in here and act like you own my place." "Bakit hindi mo na lang kase sabihin na ayaw mong mapalapit sa akin si Christina. Are you afraid that she'll be hooked by my appeal?" Ani Ralph habang hinihimas ng daliri ang baba. "You need to fix that  bloated head of yours. You don't have to cook Christina. We're going out." Aniya sa dalaga na palipat-lipat ang tingin sa kanilang magkapatid. "S-sige po." Tumayo na si Gibson at nagtungo sa kanyang silid upang mag-shower. Nang maiwan naman si Ralph ay napaisip itong muli sa sinabi ng kapatid. Gaano na katagal na patay si Ellen? Bakit hindi man lang niya nabalitaan? Hindi naman na siya nagtataka kung bakit ayaw magpakita ni Gibson sa ama nila. Pareho lang naman silang dalawa, ang kaibahan lang, his brother was kicked out of the family while him..he removed the shuckles on his feet and freed himself from their father's grasp. "Sabi mo hindi mo ako iiwan dito?" Marahang ginulo ni Ralph ang buhok ng batang si Gibson bago ngumiti nang may pait. "Sabi mo hindi mo gagayahin si mama! Nangako ka hindi ba?"  "Babalikan naman kita.." But  it took him years to come back, and by that time he's way too late. Nabalitaan na lang niya na pinalayas si Gibson sa tahanan ng mga Montréal dahil sa mga kontrobersyang pinasukan at kinasangkutan nito. He tried to find him, but he don't have enough resources at that time. And when he did find him, Ralph became a total stranger Gibson's eyes up until now. "Sir.." Napakurap-kurap si Ralph nang makita na nakatayo na sa harap niya si Christina at si Gibson na walang kibong tumalikod at nauna nang lumabas. Gaano ba siya katagal na nagmuni-muni at hindi man lang niya napansin ang dalawa sa harapan niya. "You should drop the sir. Just call me Ralph." Aniya sa dalaga at saka ito inakbayan at iginiya palabas. Naningkit ang mga mata niya sa pagkakangiti ng makitang tila magsisiklab na sa galit ang kapatid. "How long will you be able to hold it in Gibson? * Tanong niya sa isip bago nginitian ang nag-aalalang dalaga sa tabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD