Awkward.
Iyon kaagad ang pumasok sa isip ni Christina habang minamasdan ang dalawang magkapatid na nauunang maglakad. Habang si Ralph ay mukhang at ease at palagay na palagay ang loob na tila ba hindi alintana na kulang na lang ay sakmalin ito ni Gibson na sa tuwina ay masama ang tingin sa kapatid. Hindi maintindihan ng dalaga kung anong uri ng relasyon ang mayroon sa magkapatid.
Kasalukuyan silang nasa isang mall at pakiramdam ni Christina ay maliligaw siya sa oras na mapaling ang tingin niya sa iba kung kaya hindi niya iniaalis ang mata sa magkapatid. Hindi siya madalas makapunta sa isang shopping mall. Bilang na bilang sa daliri ang pagka-kataon na nakapunta siya, ang tanda niya ay high-school pa siya noon. Kung kikita man siya o hindi naman kaya ay sasahod sa trabaho nakalaan na ang pera para sa gastusin sa bahay at gamot ng kanyang ina kung kaya walang puwang kahit na ang simpleng luho para sa kanya.
"Christina."
Gulat na napaurong si Christina nang ipatong ni Ralph ang braso sa kanyang balikat. Kunot noo namang nakamasid si Gibson na tila ba pinag-aaralan ang dalawa.
"You're so stiff, relax I won't bite.."
Nakangiting turan ni Ralph sabay hapit sa dalaga na lalong nanigas sa bisig nito.
"So Christina what do you want to have for lunch?"
"K-kahit ano po sir.."
"I thought we've drop the formalities, and please no more po. I'm not that old. Just Ralph sounds endearing.."
Naagaw ang atensyon ni Christina nang iwanan sila ni Gibson at mauna nang maglakad.
"Don't mind him. Ganyan lang talaga iyan, maigsi ang pasensya parang babae minsan. Madaming issue sa katawan."
Tumatawang sabi nito at saka iginiya na ang dalaga upang maglakad.
Hindi nakaligtas si Christina sa mapanghusgang tingin ng mga Tao sa paligid nila habang naglalakad. Batid niyang dahil iyon sa itsura niya at sa dalawang lalaking kasama niya. Sino nga ba naman ang hindi magtataas ng kilay kung ang isang probinsyana at bihis basahan kung ikukumpara sa mga naroroon na gaya niya ay napapagitnaan ng dalawang lalake na pang TV at magazine ang itsura at pananamit.
Ibinaba niya ang tingin sa suot na sandalyas na luma at sa palda niyang mahaba na kung ilang beses na niya yatang natahi. Tanging ang suot lang niyang blouse ang nag-iisang matino at presentable sa mga dalahin niya pero kung mamasdan niya ang suot ng mga tao sa mall ay hindi niya maiwasang hindi manliit sa sarili. Para siyang basahan sa umpok ng mga mararangyang damit.
"Haven't I told you not to mind bitches around?"
"Huh?"
Naguguluhang tanong ng dalaga nang huminto si Gibson sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya nang itaas nito ang kamay at bahagyang tampalin ang kanyang noo.
"Pay attention, in front of you not everyone else around you. "
Mariin nitong sabi, hindi inaalis ang tingin sa kanya kaya pinamulahan siya ng mukha. Hinuli nito ang kamay niya at saka siya hinila, halos lakad takbo na ang ginagawa niya sa laki ng mga hakbang nito.
" Wait here. "
Utos ni Gibson kay Christina nang pasukin nila ang isang clothing store. Lumapit siya sa cashier at saka humingi ng assistance. Nang lumabas ang nag-ma-manage niyon ay may kasunod na iyong dalawang sales lady.
Muli siyang lumapit kay Christina na nakikipag-bungisngisan na sa kapatid niya. Mukhang magkasundong-magkasundo na ang dalawa. Huminto lamang ang mga ito nang mapansin ang pagdating niya. Walang sali-salitang hinila niya si Christina palapit sa kanya at saka iniharap sa tatlong staff.
"This is Christina. Give her everything that a girl needs."
Utos niya. Kaagad namang lumapit ang dalawang sales lady at inabot ang kamay nang nagtatakang dalaga.
"Leave it to us sir."
Sagot ng manager.
"Babalikan ka namin dito Christina."
Sabi niya sa dalaga bago tumalikod, kumaway pa muna si Ralph at saka sumunod sa kapatid.
"What just happened there? Akala ko ba kakain tayo kaya tayo lumabas?"
Tanong ni Ralph habang nakabuntot kay Gibson.
"You can eat Ralph, wala namang pumipigil sa iyo."
"Ouch, you're so harsh brother."
Nakingiting anito. Nang pumasok si Gibson sa isang café ay sinundan niya pa rin at nang makaupo sila sa pandalawahang mesa ay tsaka niya kinambatan ang waiter para um-order.
"Be careful Gibson,don't involve your self into something that can bring harm to you. Remember what happened when you let that curiosity drives you.."
Umpisa ni Ralph nang maging komportable na ang kapatid sa pagkaupo.
"Enough with your lectures Ralph."
Pambabara naman nito sa kanya.
"It's you that suffered, you lost your leg and became worst.."
"I said enough Ralph."
Matalim ang tinging ipinukol ni Gibson sa kapatid, subalit hindi nagpatinag si Ralph na para bang gustong-gusto nitong nakikita ang galit niya.
"I remember, that girls name. Chelsea right? Where is she now? Living in her electric dream? While you.. You are stock in this place and avoided the life that you used to live-"
"I said enough!"
Buong lakas na ibinunton ni Gibson ang namumuong galit sa pag-hampas ng kanyang mga kamay sa mesa. He felt the table shake as well as his freakin' hands. Sumandal si Ralph sa upuan at minasdan ang namumulang mukha ng kapatid sa galit. Gibsons's shaking hands are balled into fist and he can tell that he's making so much effort to control that anger.
"Kung wala kang mapagbuntunan ng oras mo, huwag mong sayangin ang sa akin. You can't just come and go whenever you please then run your mouth like as if you know the life that I'm living. You barely know anything *kuya*!"
Pointing out the word kuya he stand on his feet and give his brother a cold stare but before he can turn his back Ralph speak again that added to his temper.
" That's why I'm trying Gibson. I'm just concern. "
" I don't need your concern. I've live my life without it. You can go back to wherever part of hell hole you came from."
Matamlay ang ngiting sumungaw sa labi ni Ralph nang maka-alis ang kapatid. Pinipilit niyang bawiin ang panahon na dapat sana ay kasama niya ito at mag-karamay sila sa lahat ng bagay. Pero nauna siyang sumuko. Siya ang matanda sa kanilang dalawa pero siya ang unang bumigay.
"Aalis na po kami."
Seryosang turan ni Ralph habang nakatingin nang diretso sa mga mata ng kanyang ama-amahan. Anim na taon siya noon nang magpakasal ang ina.
"Bukas ang pintuan Ralph. Ano mang oras ay maaari kang umalis, pero wala kang dadalhin kahit na ano. "
Sagot nito na ikinagitla niya. Subalit nang makabawi ay huminga nang malalim at tumango. Makakaya nila kahit na ang mamuhay sa kalsada basta ang mahalaga ay magkakasama sila ng kapatid at ng ina. Ang mahalaga ay makalaya sila sa gintong kulungan na iyon.
"Ayos lang po."
Sagot niya at saka lumabas sa maluwang na silid aklatan. Nang makalabas siya ay dumiretso siya sa silid ng kapatid kung saan naroroon din ang ina. Nang magtama ang paningin nila ay puno iyon nang pag-asa at agam-agam,subalit nang ngumiti siya ay nawala ang bahid ng takot dito.
"Makakaalis na tayo Ma , pero ang sabi niya ay wala tayong dadalhin na kahit na ano."
"Ayos lang Ralph, may awa ang may kapal. Makakaraos tayo.."
"Kuya, saan tayo pupunta?"
Tanong ng sampung taong gulang na si Gibson sa kapatid.
"Kahit saan.."
Ang tanging naging sagot niya. Labing anim na taon lang siya at batid niyang hindi madali ang buhay na maaari nilang harapin, pero kakayanin naman niya, kakayanin nila.
Nang araw din na iyon ay aalis sila,na walang kahit na anong dala. Tanging mga suot lang. May ipon naman si Ralph at sa tingin niya ay sasapat iyon ng ilang araw. Siguro naman sa panahon na iyon at may nahanap na siyang trabaho. Pag-baba nila ay nakaantabay na ang ama sa sala. Tumayo ito at ipinaling ang ulo bago ngumiti. Ngiting pare-parehong nagdudulot ng takot sa kanila.
Naramdaman ni Ralph ang pag-kapit nang kanyang ina sa kanyang braso at si Gibson na nag-tago sa kanyang likuran.
"Geneva, ihahatid mo ba sa kanyang pag-labas si Ralph?"
"Aalis na kami ng mga anak ko Benedict."
Nangingilag man ay sagot ni Geneva sa asawa.
"Aalis?"
Ulit nito sabay tawa nang malakas na pumuno sa buong sala. Lalong humigpit ang hawak ni Geneva sa kamay ni Ralph at saka hinapit palapit si Gibson.
"Si Ralph lang ang tanging pinayagan ko na umalis sa pamamahay ko. Hindi ka kabilang o maging ang anak kong si Gibson."
"Pero ang sabi mo'y bukas ang pintuan sa pag-alis namin."
"Tutol ni Ralph dito."
"Bukas ang pintuan para sa iyo oo! Kaya kung aalis ka ay umalis ka na."
"No! Aalis kami ng mga anak ko ngayon din mismo,!"
Hinila ni Geneve ang mga anak upang makalabas na sila, pero hindi pa man ay nakalapit na si Benedict at hinablot si Geneva sa buhok palayo sa mga anak. Nabitiwan niya ang dalawa, si Gibson na nagsimulang umiyak sa nakikita habang si Ralph na lumapit upang saklolohan ang ina pero ang kamao ni Benedict ang sumalubong sa kanya.
"Lumayas ka kung nais mo! Pero walang aalis alin man kay Geneva at Gibson sa pamamahay ko."
Duro nito kay Ralph. Walang nagawa si Ralph kung hindi ang manatili kasama ng kanyang kapatid at ina. Subalit dumating din ang panahon na hindi niya kinaya ang bawat araw at sandali sa pamamahay ni Benedict Montréal. Umalis si Ralph at naiwan ang pamilya niya.