"Sir? Okay ka lang po ba?"
Nag-aalalang tanong ni Christina kay Gibson. Nasa labas siya ng kwarto nito at nakikiramdam. Mula nang sunduin siya nito sa shop ay wala itong imik o mas tamang sabihin na mas dumoble ang pagiging tahimik. Kahit na nang makarating sila sa beach house ay wala itong kibo nang iwanan siya sa sasakyan at mauna sa bahay kaya nagtataka siya kung ano ang nangyari sa magkapatid. Nangangamba siya na baka nag-iinom na naman ito gayung kagagaling lamang sa sakit.
Mag-iisang oras na rin yata nang mag-disisyon ang dalaga na bumalik na sa kanyang silid. Tahimik na tahimik ang buong bahay. Hindi na rin bumalik si Ralph at hindi niya alam kung bakit apektado siya sa nangyayari gayung hindi dapat niya idamay ang sarili sa buhay ng amo niya.
Sa mga lumipas na araw ay mas naging mailap si Gibson, halos hindi na nga ito nakikita ng dalaga. Kung minsan kakain ito pagkatapos ay aalis at gabi na kung bumalik, o hindi naman kaya ay maagang aalis at madaling araw na kung bumalik. Nababahala siya pero wala siyang lakas ng loob upang magtanong dahil wala naman siyang posisyon sa bahay at sa buhay nito kung hindi isang kasambahay lamang.
Umaga, higit na maaliwalas ang langit at tamang-tama iyon upang makapag-lakad lakad si Christina sa dalampasigan bagay na nakasanayan na niyang gawin matapos ang trabaho. Hindi naman siya sinisita ni Gibson o hinahanap at hindi rin naman siya lumalayo para kung sakaling tawagin siya nito ay maririnig niya pa rin. Bubuksan na sana ng dalaga ang pintuan ng may mag-doorbell. Kaagad siyang lumabas sa pag-asa na baka bumalik na si Ralph subalit isang babae na may kargang bata na marahil ay nasa dalawa o tatlong taon ang bumungad sa kanyang paningin.
"Hi.."
Nakangiting bati nito samantalang itinaas naman ng bata ang kamay at iginalaw-galaw na para bang kumakaway.
Nakangiting inabot ni Christina ang maliit na kamay na iyon at saka bahagyang pinisil.
"Hi baby, ang pogi pogi mo naman.."
Natutuwang nilaru-laro niya iyon pero kaagad din siyang napahinto at napatitig sa babae na nakangiting minamasdan siya.
"Naku pasensya na..sobrang cute kase ng anak mo miss."
Napapahiyang umayos nang tayo si Christina.
"Okay lang,don't worry."
Anito pagkatapos ay lumingon sa kaliwa kung saan naroroon ang bahay ni mang Damian at ang garahe.
"Oh hun may tao naman pala dito."
"Really?"
Nahugot ni Christina ang hininga ng mula sa kubling bahagi ng gate ay lumabas ang isang lalake at dumiretso sa babae upang kunin ang bata na karga nito. Nang pumaling ang atensyon nito kay Christina ay hindi maiwasan ng dalaga ang mailang, lalo na nang titigan siya nito.
"Who are you? One of Gibson's flavor of the month? "
Walang prenong tanong nito. Noong una ay kumunot pa ang noo ni Christina dahil hindi niya masyadong naintindihan ang *flavor of the month*, pero nang ma-halukay niya sa utak niya ang ibig nitong sabihin ay nag-init ang pisngi niya sa naramdamang pagkapahiya.
"A-aray!"
Dinig niyang reklamo ng lalake na gwapo nga eh bastos din naman pala.
"Pasalamat ka naka-flats ako, kung may takong suot ko butas iyang binti mo."
"Can you blame me? Sa tuwing pupunta tayo dito iba-ibang babae ang sumasalubong sa atin-"
"Kahit na Joseph! That is so rude!"
"I expect nothing less than that."
Pare-parehong napalingon ang tatlo nang marinig nila ang nag-salita. Nakatayo si Gibson ilang hakbang mula sa likuran ni Christina. Nagkibit balikat lang si Joseph na naunang pumasok at saka tinapik sa balikat ang kaibigan.
" Pasensya ka na sa asawa ko, pero mabait naman iyon."
Nakangiting hinging paumanhin ni Bianca kay Christina na tumango at gumanti ng ngiti.
"I'm Bianca."
Pakilala nito sabay dampi ng pisngi sa pisngi ni Christina.
"Christina.."
Halos bulong na sagot niya dito.
"Good to see you again lil'siopao."
Natitigilang minasdan ni Christina si Gibson habang papalapit ito sa mag-ina at pinanggigigilan ang bata na tinawag nitong lil'siopao. Pero hindi lamang ang nakita niyang fondness sa mga mata nito ang nakapag-patigil sa dalaga kundi sa kung paano nito tingnan si Bianca. Nang lumingon siya sa asawa nito ay nagtama ang paningin nila. Parang may mensaheng nais iparating ang tingin nito sa kanya. Para bang alam nito ang bumabagabag sa puso niya.
"This is Christina. She's not my girl Friday or my flavor of the month. She's currently the Apple of my eyes."
Pakilala ni Gibson kay Christina sabay hapit sa bewang nito na ikinagulat ng dalaga.
"Apple of your eyes..my ass."
Naiiling na anas ni Joseph.
"Oh? Mabuti naman at mukhang maka-kasundo ko ngayon ang girlfriend mo Gibson."
Natutuwang sabi ni Bianca. Nanatiling walang kibo si Christina kahit na nang magpakilala sa kanya si Joseph.
Nang pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay ay nagtungo si Christina sa kusina upang maghanda ng meryenda ng mga bisita. Abala siya sa pag-prepara ng juice nang maagaw ng pansin niya si Gibson na naglalakad patungo sa direksyon niya kaya kaagad siyang pumihit at nagkunwaring may hinahanap sa refrigerator.
"Are you mad?"
Tanong nito.
"Hindi sir."
Mabilis na sagot ng dalaga.
"Good. Can you do me a favor Christina?"
"Ano po iyon?"
Inihinto niya ang ginagawa at saka hinarap si Gibson na masusi siyang tinititigan.
"Drop the po and stop calling me sir."
Sagot nito at saka naglakad patungo sa kanya. Awang ang labing napatitig siya dito hanggang sa tuluyan itong makalapit at mag-mistulang pader sa kanyang harapan.
"P-pero amo p..o.."
Nabitin sa ere ang nais niyang sabihin nang ilagay no Gibson ang daliri nito sa baba niya dahilan upang mapatingala siya dito nang lubusan.
"Basta gawin mo lang ang gusto ko,.pewde ba iyon hmn?"
Anito habang banayad na hinahaplos ng hinlalaki nito ang ibaba niyang labi. Tila nahihipnotismo namang napatango nang marahan ang dalaga. Kung paano nitong nagagawa na pabilisin ang t***k ng puso niya ay hindi niya alam dahil sa tuwing nasa paligid ito ay tila ba otomatiko itong nakikilala ng puso niya dahilan upang tumibok iyon ng hindi normal. Ngayon lamang iyon nangyari sa kanya kaya natatakot siya. Hindi kay Gibson kundi sa damdamin nitong binubuhay sa kaibutaran niya.
"Hoy, kung mag-la-lampungan lang naman pala kayo diyan at walang balak na ilabas ang meryenda namin ay aalis na kami ng asawa ko."
Naiinip na sabi ni Joseph nang maabutan niyang tila may sariling mundo si Gibson at Christina.
Sa gulat ni Christina ay naitulak niya si Gibson. Napaurong ito nang bahagya pero naglalaro ang ngiting nais kumawala sa labi nito nang makitang mapulang-mapula ang mukha ng dalaga sa hiya habang yukong-yuko ang ulo. Natatawang inabot niya ito at saka ikinulong sa kanyang mga bisig.
"We're heading out.."
Sagot ni Gibson. Nang maka-alis si Joseph ay tsaka niya niyuko ang dalaga na nakasubsob sa dibdib niya.
Tinulungan ni Gibson si Christina na ilabas ang pagkain sa pool area. Naabutan nilang naglalaro ang mag-anak sa bermuda grass at nang makita sila ay binitbit ni Bianca ang anak upang lumapit sa kanila.
"You should start planning your own family Gibson."
Komento ni Bianca habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay.
"I can start a family even at 50's."
"Yeah? Kapag lupaypay na iyang sayo?"
Sabi naman ni Joseph na ikinatawa ng asawa nito. Kinuha nito ang anak sa bisig ni Bianca na kasalukuyang may hawak na bote ng gatas.
"Pumunta lang ba kayo dito para usisain ang s*x life ko?"
Nababagot na tanong ni Gibson sa mag-asawa.
"Correction. Lovelife mo.."
Naningkit ang mga mata ni Gibson kay Bianca bago pumaling ng tingin kay Christina at saka ngumiti. Pakiramdam ni ng dalaga ay mistula siyang naging instant plaster para takpan ang kasalukuyang sitwasyon nito.
Bago mananghali ay nag-paalam na ang mag-asawa. May aasikasuhin pa daw si Joseph sa Coron. Muling pumanhik si Gibson sa kwarto nito at buong akala ni Christina ay hindi na ito muling ba-baba kung kaya nagulat pa siya nang katukin siya nito sa kanyang silid .
"Sir Gib-er.. Gibson. May kailangan ka ba?"
"Nothing important. May ibibigay lang ako sa iyo."
Sagot nito sabay taas ng isang paper bag.
"Ano iyan?"
"Why don't you open it?"
Inabot ni Christina ang paper bag at saka iniahon ang laman niyon. Mabilis siyang napatingala dito nang makita ang packaging ng isang cellphone.
"I already set it up. Naka-plan na din iyan kaya hindi mo na kailangan ng load, also..my number is in there."
"Pero..mahal ito."
Hindi makapaniwalang anas ng dalaga.
"You need it, para kahit nasaan ka mako-contact mo ang kailangan mong tawagan or i-chat,whatever it will be."
"Salamat. Babayaran ko ito Gibson kahit kaltas-kaltasin mo nalang sa sahod ko.."
Suhestyon ni Christina dahil kailangan talaga niya iyon. Isa talaga iyon sa balak niyang bilhin kapag nakaluwag-luwag na siya pero hindi naman ganoon kamahal. Madalas niyang makita sa commercial ang ganoong uri ng unit at brand at hindi biro ang halaga niyon.
"If that's what you want then."
Kibit balikat na sagot nito, pero wala siyang balak na ikaltas o singilin ang dalaga. Ang makita niya na tuwa nito dahil doon kahit na parang alanganin pa iyong tanggapin ay sapat na sa kanya. Marahil ay paraan na rin niya iyon upang humingi ng dispensa sa kagaspangan niya? He is not insensitive, he can see right through her eyes that he hurt her. He can also see her swirling attraction whenever he's near, her stealing glances. She's attracted to him..or perhaps more. And being the jerk he is. .he is bound to break an innocent heart.