Mula sa balkonahe ng kanyang kwarto ay tanaw ni Gibson si Christina na nakaupo sa isang reclining chair habang abala sa cellphone nito. Lalong lumitaw ang angkin nitong ganda ng madagdagan ang laman sa katawan at ma-tan ang balat. He can never forget the first time he laid his eyes on her. It was the bruised on her face that caught his attention and can't help but wonder where and why did she got that.
She love the beach, but he never once saw her dip or attempt to swim kahit na sa pool sa likod bahay. He often saw her at the shore picking sea shells or walking with bare foot or just sitting on the sand and feel the breeze and the morning sun, until he just found himself standing in the balcony and silently watch her. Unconsciously knowing that it became his habit.
"Christina!"
Tawag pansin niya sa dalaga na kaagad ibinaba ang hawak na cellphone upang ituon ang atensyon sa kanya.
"May bonfire party mamaya sa beach resort, gusto mo bang pumunta?"
"Uhm, hindi ba nakakahiya?"
Alanganin tanong ng dalaga, hindi pa rin naaalis sa isip ang tinging nakukuha niya sa mga bakasyunista na halatang hindi gusto ang presensya niya.
"Bakit ka naman mahihiya? Open ang bonfire party at hindi exclusive sa kahit na kanino. You should come, you'll enjoy it."
Nangungumbinsing ani Gibson habang minamasdan ang tila pakikipagdebate ni Christina sa isip. Maya-maya ay tumingala ito sa kanya at ngumiti at kahit na hindi pa nagsasalita ang dalaga ay otomatiko nang gumuhit ang ngiti sa labi niya na lalong lumawak ng sumagot ito ng sige kasabay nang pag-tango.
"What are you doing anyway. Kanina ka pa nakatutok sa phone mo."
Usisa ni Gibson. Taka namang muling napalingon dito ang dalaga.
"I saw you up there in my room."
Turo nito sa balcony ng kanyang kwarto.
"Ah, medyo nahihirapan kase ako sa binili mong cellphone."
Paliwanag ng dalaga sabay pakita ng cellphone dito.
"Anong hindi mo maintindihan. I can teach you. First time mo bang magkaroon ng smartphone?"
"Oo eh."
Kakamot-kamot sa ulong sagot nito samantalang hindi naman makapaniwalang napatitig dito si Gibson.
"Really? Samantalang kahit batang paslit alam nang humawak ng ganito."
"E-eh, okay naman ako sa di-keypad na cellphone. Meron ako noon dati kaso nasira na at hindi na magawa. Hindi naman ako makabili ng bago dahil mas kailangan ko ang pera. Isa pa wala naman masyadong pakinabang sa akin ang cellphone."
Bakas ang pagka-asiwa na paliwanag ng dalaga habang malamyang nakatingin sa hawak na cellphone.
Tila may sariling buhay na umangat ang kamay ni Gibson at hinawi ang buhok nitong kumukubli sa mukha ni Christina. Iniipit niya iyon sa tenga nito, habang tigagal namang napatitig sa kanya ang dalaga. Kumunot ang noo niya nang matutukan ng pansin ang ilang guhit ng peklat sa mukha nito. Iyon ang sugat na nakita niya nang dumating ito sa beach house. Bagaman tuluyan na iyong gumaling ay nag-iwan naman ng mumunting bakas doon na bagaman hindi malaki ay sapat upang magtaka ang sinuman sa oras na iyon ay mapansin at matitigan.
Hinaplos ng kanyang mga daliri ang bahaging iyon ng mukha ni Christina. Gusto niyang itanong kung paano nito nakuha ang sugat, o mas tamang sabihin na kung ano ang uri ng buhay na mayroon ito. Subalit sa kanya na nag mula na hihintayin niyang ang dalaga mismo ang kusang magsalita kung kaya ibibigay niya ang kanyang salita dito. Bahagya siyang napamulagat nang mapansin na titig na titig sa kanya ang dalaga kung kaya mabilis niyang binawi ang kamay at hinamid ang sarili.
"Sorry, I'm just..curious."
Nakangiting paliwanag niya. Bago pa makabawi si Christina sa tila iilang minutong panaginip na iyon ay kaagad nang tumayo si Gibson.
"Be ready, we're leaving before the sun sets."
Anito at saka marahang tinapik-tapik ang balikat niya bago tuluyan siyang iwanan mag-isa.
Ilang minuto na ang mabilis na lumipas subalit ang mabilis na pagtibok na iyon ng puso ni Christina ang tanging naririnig niya. Nilunok niya ang tila nagbabarang lalamunan bago tiningala ang balkonahe sa kwarto ni Gibson. Mariin niyang kinagat ang labi upang supilin ang lalong pag-ahon ng kaba. Kaba na may halong pananabik at pag-asam , bagay na hindi niya maaaring pagtuunan ng pansin at bigyan ng malalim na kahulugan ang malasakit na ipinakita sa kanya nito. Subalit paano niya rerendahan ang mabilis na pag-lago ng damdaming pilit niyang isinasantabi kung sa bawat ngiti at pagbuka pa lamang ng labi nito ay para siyang nakatapak sa kumunoy. Gaano man niya gustong makawala ay lalo lamang siyang lumulubog at tuluyang nahuhulog.
Kumpara sa mga ordinaryong gabi ay mas maliwanag sa dalampasigan. Mayroong mga sulo na nakahanay sa daan at isang malaking salansan ng mga kahoy. May mga hilera ng mga barbecue grills at mayroon na ding nagsisimula nang g tumugtog gamit ang mga tambol at tamburin. Unti-unti nang dumarami ang mga turista kaya lalong naging malikot ang mga mata ni Christina. Kumpara sa suot niya nang isama siyang mag-jogging ni Gibson ay naka-beach dress siya na pinatungan niya ng alampay. Abot hanggang sakong ang suot niyang damit at mukhang tanging siya lamang ang balot na balot ng mga oras na iyon. Karamihan sa mga nakikita niya ay naka-swimsuit.
Mula sa kanyang harapan kung saan nakatayo si Gibson ay bumaba ang kanyang paningin sa prosthetic leg nito. Nakasuot ng cotton beach wave design na trouser si Gibson at sando na itim na pinatungan nito ng puting long sleeve polo. Naka-lugay ang may kahabaan nitong buhok na panaka-naka nitong hinahawi sa pag-ihip ng hangin. Kahit sino ang makakakita ay hindi masasabing prosthetic ang kanang binti nito. Marami na siyang nakitang foreigner na masasabi niyang gwapo, subalit iba ang dating ni Gibson sa lahat. He actually doesn't look charming but he's features screams with arrogance and bad boy persona , na sa tingin ni Christina ay malaking atraksyon sa pisikal na katangian nito idagdag pa na talaga namang magandang lalaki ito.
"Christina!"
"Hotdog!"
Gulat na bulaslas ni Christina sa biglaang pagsulpot ng katawan ni Gibson sa kanyang paningin. Mabilis niyang natuptop ang labi nang magtama ang mga mata nila at kulang na lamang ay ibaon niya ang sarili sa buhangin nang kumawala ang halakhak ni Gibson dahilan nang pagtuon ng ilang mga mata sa gawi nila.
"What are you thinking?"
Tanong nito sa pagitan nang pagtawa. Inihilamos nito ang mga palad sa mukha na tila ba kinakalma ang sarili.
"Matagal-tagal na din buhat ng hindi ako nakatawa na kita ang buong ngala-ngala ko. Are you hungry or something?"
May himig panunukso na tanong nito nang makabawi. Itinaas nito ang kamay upang sipatin ang oras sa suot na relo.
"Come, I guess you are hungry. Let's get some hotdog. Tamang-tama magsisimula na ang show. We should sit on the nice spot."
Walang nagawa si Christina nang abutin ni Gibson ang kamay niya at hilahin siya patungo sa isa sa mga grilling stand. May lumapit sa kanilang lalake na nag-abot ng tray ng mga marinated barbecue.
" Hindi ba iyan babayaran? "
Tanong ng dalaga habang pinapanood si Gibson na mag-hilera ng chicken thighs at hotdog sa grill.
"Courtesy of the resort. Yearly may bonfire party dito. It's a free foods and drinks for everyone."
Sagot ni Gibson.
"Hindi ba lugi kapag ganoon?"
"Not really, since it's just a once a year occasion. Promotional strategy na rin."
"Parang alam na alam mo ang ginagawa nila dito? Madalas ka ba tumambay dito sa resort? Mukhang kilalang kilala ka na nila eh."
Nabitin ang pag-hinga ni Christina nang sa paglingon sa kanya ni Gibson ay ngumiti ito. Nagni-ningning ang mga mata nito sa aliw o dahil sa liwanag ng apoy buhat sa mga sulo?
" Well, isa ako sa may-ari kaya kilala nila ako dito. "
Simpleng sagot nito pero pakiramdam ng dalaga ay nalaglag ang panga niya sa pagkabigla.
"Here's your hotdog miss."
Abot nito sa stick ng jumbo hotdog na tapos nang maihaw. Hindi naaalis ang naglalarong ngiti at nanunuksong mata ni Gibson kay Christina. Her genuine reaction and curiosity along with that innocence fascinates and feeds his own curiosity aswell. Pareho lang napaling ang atensyon nila sa iba nang magsiklab ang bunton ng kahoy para sa simula ng bonfire party kasabay ng malakas na ingay na nagmumula sa mga tambol.
Pinanuod niya ang pagguhit ng iba't ibang reaksyon sa mata at ang bawat pagbuka ng labi ni Christina nang isa-isang lumitaw sa lupon ng mga tao mga babaing may hawak na baton na may apoy sa bawat dulo. He unconsciously grab her waist when she jump in fright when some of the dancers blow out fire from their mouth.
"Oh my God Gibson, okay lang ba siya? Hindi ba delikado iyon?"
Tigagal na tanong ni Christina nang pumihit ito paharap sa kanya. Humigpit ang kapit niya sa balakang nito at hindi niya maialis ang kanyang mga mata sa labi nitong may bahid pa ng ketchup mula sa hotdog na kinakain nito.
" I wonder.. "
Anas niya kasabay nang paghapit niya sa katawan nito at pagyuko niya upang salubungin ang labi nitong ilang gabi ng hindi siya binibigyan ng maayos na pahinga. And finally he will no longer wonder how does her lips feel against his own.